26

Tyga Xerxes Mondejar

"Ano ba, Jun Pyo?! Bitawan mo ko! Nasasaktan na ako!" Ang sigaw ko kay bossing na ngayon ay hatak-hatak ang kamay ko palapit sa bahay. "Si Dao Ming Si lang ang mamahalan ko at hindi ang kagaya mong nagpapa-straight lang ng buhok kapag inlove! Kahit ilang keratine pa ang iligo mo, si Lay lang ang mamahalan ko!"

"Ser, kalbo po ako," ang sagot ni bossing. Nagtaka si akechi nang mag-iba ang the voice ni bossing.

Minulat ko ang mga mata ko at na-sightness si bossing sa may hagdanan karga-karga ang tulog na kyota namin habang papasok na ng bahay. Bumaba ang tingin ko sa kayumangging kamay na nakahawak sa akin pataas sa kanyang mukha.

"AAHHH!!!" Hindi ko mapigilang mapasigaw nang ma-sightness ko na ang fezlak ng lolo niyo. Nanginginig ang kamay kong napaturo sa kanya habang ang isa naman ay napatakip sa bibig ko. "S-Snorlax?"

"Ser?"

"Ako 'to si Nest-Ay!" Napatigil ako sa pagchichika nang may humatak ng braso ko at hinila ako papalapit sa kanya. Sinubukan kong tanggalin ang braso niya nang akbayan niya ako pero walang nagawa ang ganda ko nang sakalin niya ako gamit ang braso niya.

"Uwi na, Max. Ako na ang bahala dito. Maraming salamat sa pag-alalay sa kanya. Si Gavin na bahala magbayad sa'yo," ang walang modong sabi ni bossing kay Snorlax bago niya ito sininyasang umalis.

Agad ko naman siyang siniko sa tagiliran nang tuluyan ng mawala si Snorlax sa aming harapan. Hinampas ko papalayo ang braso niya sa akin at saka nagmamadaling tumakbo sa hagdanan.

"Fuck! Hey! YOU PSYCHO!" Ang sigaw niya. Paglingon ko sa aking likuran nakita ko na siyang gumagapang papaakyat sa hagdanan.

Malakas akong napatili nang hawakan niya ang binti ko. Dahil sa shokotness ang lolabels niyo, di ko sinasadyang masipa ang chopopong fezlak ng lolo niyo.

"Tang-Aray!" Kumawala siya sa pagkakahawak ng binti ko para sapuin ang mukha niya. Narinig ko pa ang galit niyang pag-ungot habang namimilipit sa sakit.

Kinabahan si okinawa ng ma-sightness ko ang marka ng paa ko sa poreless niyang skin. Medyo maputik pa naman itong paa ko. Nag-mud spa kasi kami kanina. Kinulang 'yong anda ko kaya sabi ko ako nalang magbabanlaw pagdating ko sa baluret. Charot! Nahulog talaga ako sa may paliguan ng kalabaw. Pero keri lang, di pa naman nababawasan ang ganda. May ilalaban pa po tayo sa Miss World.

Napangiwi ako habang pinagmamasdan siyang umakyat ng hagdanan. May na-sight pa akong dugo na tumulo mula sa mukha niya.

Silent night akong tumabit at hinayaan siyang makapasok sa loob ng baluret. Napahigit ako ng hininga nang tumigil siya sa harapan ko at tinitigan ako ng masama.

Dahan-dahan kong inabot ang mukha niya para tingnan ang nagawa kong kasalanan. Ma-drama akong napasapo ng bibig nang makita ko ang dumudugo niyang ilong.

"Anak, d-dalaga ka na," ang naiiyak kong komento. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Mabilis akong nag-peace sign sa kanya. "Charot! Ikaw naman di mabiro, bossing. Patingin nga."

Marahas niyang hinawi ang kamay ko nang sinubukan kong abutin ulit ang fez niya.

"Edi don't!" Ang inis kong bulyaw sa kanya. Napapilig pa siya ng mukha nang tumalsik iyong laway ko. Shower ka, gurl?!

Ang arte mga beh! Akala mo kung sinong gwapo. Mga tao talaga ngayon, kung sino mga walang karapatan, sila pa nag-iinarte. Eh mukha naman siyang kanal. Chos! Ako pala may kasalanan.

Inirapan ko siya sabay humalukipkip nang mapansin kong nakatitig pa rin siya sa akin.

"Maligo ka," ang biglang utos niyang nagpatigil sa akin.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Sinasabi mo bang mabaho ako?"

"Nahulog ka kanina sa paliguan ng kalabaw at napasubsob pa sa tae nito. Yes, you smell like absolute shit, babe. Now go to the fucking bathroom bago kita isabay sa pagligo. Pagkatapos mong maligo, hintayin mo ko sa kwarto. You have a lot of things to tell me. Got it?" Ang tanong niya. Halatang bad trip na ang mukha niya at nagtitimpi na lang. Base sa aking obserbasyon, baka sa kabilang bundok na ako pupulutin kung hindi ako tumango.

"Go," ang sabi niya nang makalayo siya sa akin.

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa banyo ng bahay at naligo. Kuskos dito, kuskos doon. Hinilod ko na rin ang mga lugar na dapat hilurin.
Pati kaluluwa nilinis ko na rin. Medyo nakakapansin na kasi ako sa papatubong sungay sa ulo ko. Mahirap na, baka ma-pending tayo sa linya kapag nakipag meet and greet na si San Pedro.

So ayon nga, pagkatapos kong ma-check kung masikip pa rin ang mahiwagang lagusan ko, rumampa na ako palabas ng banyo habang nakatapis ng tuwalya mula sa dibdib. Medyo nahirapan nga ako kasi tumubo na naman siya. Nilalagyan ko kasi ng fertilizer. Kahapon cup D lang 'to ngayon World Cup na. Baka bukas pang-Rio Olympics na itong dyoga ko.

Nang pumasok ako ng kwarto, nadatnan ko ang tulog mantika kong kyota. Pagod na pagod ang chikiting eh wala naman siyang ibang ginawa bukod sa pagpapataba at pag-upo sa pwestong hindi naman niya deserve. Charot!

Matapos kong magpalit ng damit dali-dali akong nahiga sa tabi ni Frank at nagborlog-borlogan. Nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan hinanda ko na kaagad ang katana at mga yokai sa ilalim ng unan ko.

"Kung hindi ka gigising diyan itatapon ko 'tong laptop mo sa labas," ang sabi niya kaya mabilis pa sa alas kwatro akong nagising. Hindi na pala ako inaantok.

Napanganga ako nang bumulaga sa akin ang puti niyang briefs at maskuladong likuran. Nanlaki ang mga mata kong bumaba sa matambok niyang pwetmalo. B-Bakit ganito lang ang ayos niya? Anong balik niyang gawin sa mura kong katawan? Sinasabi ko na nga bang mag pagnanasa siya sa akin!

Parang gaga akong tumili ng walang boses nang humarap siya sa akin. May sawa! Sawadika! Ang laki-laki ng nota ng lolo niyo mga bakla! Matagal ko ng pinaghihinalaan pero ngayong lumabas na sa brief niya ang katotohanan, hindi na pwedeng ipagkaila sa sangkabaklaan. Isa po siyang halimaw. Kailangan ng pangmalakasang orasyon kung sakaling magpapabukas ng lagusan sa kanya.

Mas lalo akong nahindik nang himasin niya ito sa harapan ko. "Diyos ko po!" Napa-sign of the cross na lang ako.

Lord, kung ano mang mangyayari ngayong gabi at kung saang langit man ako dadalhin ni bossing, gusto ko pong sabihin na tapos na po ang free trial ko sa premium ng pornhub. Hindi na po ako uulit.

"Damn! HAHAHAHA!" Nanlalaki ang mga mata kong tumingala sa kanya nang marinig ko siyang tumawa ng malakas. "You should have seen your face," ang natatawa pa rin niyang komento habang nagsusuot na ng shorts.

Pumikit ako at humugot ng hangin. Inhale. Exhale. Tite lang yan, bakla. Ikalma mo iyang virgin coconut hole. Tite lang 'yan. Marami pang tite ang dadaan sa buhay mo. Wag magpapauto sa sungay ng chanak ng ni Satanas.

"Sa labas tayo," ang sabi niya pagkatapos niyang magpalit ng damit. Hindi kagaya kanina na nakasimangot, parang ayaw ng mabura ng ngite niya sa mukha.

Bipolar yata ang okinawang itachi o baka epekto ng sipa ko kanina.

"Sandali, bossing, okay na ba 'yang mukha mo?" Ang tanong ko habang tumatayo.

Yumuko ako saglit para ayusin ang kumot ni Frank.

"May magagawa ka ba kung sasabihin kong hindi?"

Tumingin ako sa kanya at ngumise. "Wala."

Piningkitan niya ako ng mata bago inabot ang pisnge ko at kinurot iyon. Hinampas ko ang kamay niya kaso naging dahilan lang iyon para hilahin naman niya ang kaliwa kong pisnge.

"Aray naman!" Kaagad ko siyang tinulak ng bitawan na niya ang mga pisnge ko.

"Ba't ka ba nanghihila ng pisnge ng may pisnge? Kung naiinggit hilahin mo rin 'yang pisnge mo. Ang mahal mahal ng kojic ko tas hihilahin mo lang ng gan'on? Pano kung yumatyat tong fez ko ha? Paano kung hindi na ako magkakajowa! Ayoko pang mamatay ng virginia!"

Nakita ko siyang ngumise pagkatapos kong magreklamo. "I won't let you," aniya bago ako inakbayad at kinaladkad palabas ng kwarto.

"Anong I won't let you?" Ang nagtataka kong tanong.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa tenga ko at bumulong, "I won't let you die a virgin."

Mabilis akong lumayo sa kanya at saka niyakap ang katawan ko. "'W-Wag po, tito!"

Bumagsak ang ngite sa mga labi niya at saka ako mapanghusgang tiningnan. "So you're into that kink?"

"H-Hoy, di ah."

"I saw your pornhub search history, stupid. And you even had the audacity to use my personal email para sa kababoyang 'yon."

"Grabe ka sa kababoyan! Curious lang akong tao kaya napunta ako doon. Masyado ka namang judger. Saka free trial lang naman 'yon."

Humalukipkip siya at saka bahagyang naupo sa lamesa. Hindi nakalagpas sa eyesighy ko ang pag-flex ng muscles niya sa braso.

"So sino 'yong lalaking kasama mo kanina? Ayusin mo 'yang sagot mo kung ayaw mong itapon kita sa kabilang bundok."

Ugh! Bakit pa niya naalala?!

Inis akong napakamot ng ulo bago sumagot. "Si Gerald kasi 'yon. Ba't ba?!"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Sinong Gerald?"

Padabog akong naupo sa upuang gawa sa kahoy bago siya inirapan. "Si Gerald nga! Iyong jowabels dati ni Kim Chu at Bea Alonzo na jowa na ngayon ni Julia Barreto. Nakipag-meet up ako para magpasa ng application letter."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Anong application letter."

"Para maging jowa niya. Charot! Si Gerald 'yon, bago naming suki sa barbecue slash banana cue business namin. Tinulungan ko lang siyang mag-grocery kanina."

"Bakit?"

Ako naman ang napakunot ng noo. "Anong bakit?"

"Why did you have to help him? May sakit ba siya at hindi niya alam kung paanong mag-grocery? Kahit bata alam kung paano 'yon gawin," ang nakasimangot niyang komento.

"Eh di nga marunong 'yong tao."

"Sigurado ka bang 'yon lang 'yon? Ang sabihin mo, gusto mo lang magpapansin sa kanya kasi may gusto ka doon sa gagong 'yon. Hindi ba tama ako, Mondejar?"

Humalukipkip ako. "So? Ano naman kung crush ko siya? Pake mo ba ha?!"

"May pake ako kasi asawa kita!"

Napaatras ako ng ulo ng makita ko ang galit niyang ekspresyon sa mukha. "Luh."

Lapagan ko na ba 'to ng marriage contract naming peke? O baka kailangan niya ng sampal para magising siya sa katotohanan?

"Hoy, excuse me bossing ah. Baka nakakalimutan mong peke lang 'yong kasal natin. At nakasaad din sa kontratang pinirmahan natin na walang pakialaman sa pribadong buhay ng isa't-isa. Hindi nakalagay sa kontrata na bawal akong mag-jowa habang kasal ako sa'yo. May narinig ka ba sa akin tungkol doon sa mga balita sa'yo at mga babae mo? Di ba wala?! Wala kasi wala akong karapatan at wala akong pake! Kastahin mo na lahat kung sinong gusto mong kastahin wala akong pake! Kasi unang-una, walang tayo. Hindi tayo kasal. Boss kita at empleyado mo ako. Hanggang doon lang 'yon. Nilulugar ko ang sarili ko kaya ilugar mo rin 'yang sarili mo. Kung umasta ka para kang nagseselos na asawa ah."
Malalim ang ginawa kong paghinga matapos kong ilabas lahat ng tamod ko. Chos! Ng saloobin ko sa kanya.

Umangat ang paningin ko sa nandidilim niyang mukha at sunod-sunod na napalunok ng salubungin ko ang matatalim niyang mga tingin sa akin. Agad kong ibinaling sa sahig ang paningin ko para iwasan ang tingin niya. Sandali siyang natahimik. Sobrang bigat ng pakiramdam ko habang hinihintay ang sagot niya.

M-May mali ba sa sinabi ko? Pero totoo naman lahat 'yong sinabi ko sa kanya. Hindi naman talaga kami totoong kasal.

"You're right," muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Why would I even give a fuck to someone like you? Why would I bother myself with you who can't even remember a single damn thing? Bakit nga ba kita pinag-aaksayahan ng oras eh empleyado lang naman kita?"

May sarkastikong ngite sa mga labi niya habang malamig ang mga tinging ipinupukol niya sa akin.

Anong ibig niyang sabihin?

"We're done here. Isara mo ang pintuan, kay Gavin ako matutulog ngayong gabi," ang malamig niyang paalam bago ako tinalikuran.

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko habang pinagmamasdan siyang palabas ng bahay.

Tumigil siya sa may pintuan. Akala ko ay babalik ulit siya para makipagbangayan sa akin kagaya ng dati naming gawi pero nadismaya ako ng marinig ko ang sunod niyang sinabi, "Ayusin mo ang pagpili sa mga lalaki mo. Iyong hindi madadamay ang anak ko. Do your job properly dahil hindi mo magugustuhan ang parusa ko sa mga walang kwentang empleyado. I don't hire incompetent people, Mondejor."

-----------------------------------------------------------

Hays, may update na rin HAHAHAHA. Za wakas!!!!!! Stay healthy, keep safe and God bless you always powxsz. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top