25
Tyga Xerxes Mondejar
"BARBECUE! BANANA CUE KAYO DIYAN! MAY SUPER SALE TAYO NGAYON. MGA SUKI DITO NA KAYO!" Ang malakas kong sigaw sa aking lapel habang abalang nagpapaypay dito sa mga barbecue.
Yes po, opo, back to business na naman ang lola niyo. Marami-rami na kasi akong binubuhay. Bukod sa asawa at sampung anak ko, may lima pa akong mga kabit na kailangan kong pakainin at bilhan ng iphone 12 promax.
"Oh, dong, ngayon lang ulit kita nakita dinhi. Kumusta ka na?" Ang tanong sa akin ni aling Liza na isang beses lang nagbayad ng utang niya.
Siya lang ang customer naming wit ko ng pinasisingil. Matapos kong ma-knows na kalalabas lang pala niya ng mental at may mini-maintain na gamot hindi ko na siya inu-obligang magbayad. Kahit naman malugi itong tindahan ay may sweldo pa rin ako at may makakain. Eh itong si aling Liza, kayod-kalabaw para sa mga anak niyang mahilig sa shabu-shabu keme.
"Okay lang, po. Nagkasakit kasi si lola kaya kailangan ko po siyang alagaan."
"Gan'on ba? Eh nakita ko pa siya kahapong nagzu-zumba sa may Plaza."
Saglit na kumibot ang aking lipsung sa kanyang chika. Ngayon lang pumasok sa isipan ko na nag-zumba nga pala si lola noong nakaraang araw doon sa plaza.
Malakas akong tumuwa sa kanyang harapan. "Ay naku, tita, pa check-up niyo na po 'yang mata niyo. Sagot ko na po."
"Ay talaga?! Bakit hindi, dong. Napakabuti mong bata, magka-nobya ka na sana. Swerte sa'yo ang magiging nobya mo. Napaka-gwapo mong bata kahit medyo lambutin. Maganda lahi mo. Alam mo bagay kayo ng anak kong si Gemma."
Agad akong napangiwi ng pumasok sa isipan ko si Gemmalyn na anak ni Aling Liza. Iniisip ko palang ang fez ng naglalaway nakipay ay umiikot ng ang mundo ko. Ipasubo niyo na sa akin ang sampung jumbo hotdog na may kasamang burger at fries wit niyo lang akong padilain ng pechay na may kremdensada sa gitna. Baka magtanan pa kami ni kamatayan kung nagkataon.
"Ito na po 'yong barbecue niyo, tita. Kumain po kayo ng mabuti at uminom ng gamot." Mabilis kong ibinigay sa kanya ang kanyang barbecue at saka sinenyasan ang nakasunod sa kanya na lumapit.
Mabilis kong hinila si Maribel ng dumaan siya malapit sa akin at bumulong, "Palit muna tayo, bakla. Ako muna magbabantay sa junakis ko."
"Huh? Bakit? Okay ka lang ba?"
Lumayo ako sa kanya kaunti at nagtakip ng bibig gamit ang dalawa kong kamay at umiling. "H-Hala! Anong problema? Tawagan ko na ba si sir?"
"Pumutok ang panubigan ko. Manganganak na yata ako, Maribel."
Malakas niya akong hinampas sa balikat at napa-tsk. "Manganganak eh wala ka ngang jowa, bakla ka."
Maarte kong pinagkrus ang mga braso ko sa harap ng aking cup D na dyogabels at with class na umirap sa kanya. "Wala pa sa ngayon. Wala pa kasing pumapasa sa standards ko."
"Standards?"
"Oo, minimum of seven inches at maximum of eleven inches with minimum width of de lata sardines. Tama lang para makamot ang kailangang makamot."
"Edi si sir Francis?"
Itinaas ko ang aking hintuturo sa tapat ng kanyang lipsung. "Hindi ako magpapalahi sa chanak ni Satanas. Ano ako? Baliw? May sira sa utak?"
"Aysus. Indenial ka lang eh. Doon ka na nga." Itinulak niya ako saka nilagpasan para palitan ako sa pagluluto ng barbecue.
Ako? Indenial? Kanino? Kay bossing? Mas nakakakilabot pa yata 'yon kumpara doon sa pukemon ni Gemmalyn. Ang daming chopopong otoko sa Pilipinas tapos sa chanak ni Satanas lang mapupunta itong gandang 'to? My Ghad ha.
"Franco ko, labas tayo, beh." Ang aya ko sa aking junakis na abala sa pagkukulay ng coloring book niyang binili ni bossing.
"Labash?" Tumingala siya sa akin na may nagtatakang tingin.
"Oo, bili tayo ice cream. Bet mo 'yon, ses?"
Sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango sa akin. Napatawa na lang ako ng makita ang pagyogyog ng mataba niyang pisnge. "Maghahanda lang saglit si papa."
Matapos kong matanggal ang apron at saplot ko sa katawan, inipit ko ang pasobrang laman ni lord sa aking matambok na pwetmalu. Sunod ay sinuot ko na ang t-back at victoria secret kong bra at saka taas noong rumampa palabas ng barbecuehan.
Pero syempre charot lang 'yon. Baka mabangga pa tayo ng mga rumaragasang tite sa daan at aksidenteng majuntis. Mahirap na. Mahal pa naman ang gatas ngayon.
Dinala ko si Frank sa malapit na mall para magpa-aircon at kumain. Nilagyan ko muna ng beb ang kyota at saka siya hinayaang magkalat. Binunot ko naman 'yong cellphone ko para tingnan kung may nag-reply ba sa GM ko.
Napataas ang kilay celis ng lola niyo nang ma-sight ko ang mga text ni bossing. May labing limang missed calls rin siya dito.
I'm going out for work. Susubukan kong makauwi bago mag alas nuebe mamayang gabi.
How's our son?
Did you guys eat your breakfast?
Kumain ka na ba ng lunch? Answer my call.
Why are you not picking up your damn phone?
Hey!
Pangit. Sumagot ka.
Kamuntikan ko ng mabitiwan itong cellphone ng bigla itong mag-ring at mag-ala vibrator. Nag-flash sa screen ang pangalan ni bossing. Pinabilang ko muna ng one to five si Frank bago ko sinagot ang tawag niya. Like hello? Bakit ko sasagutin agad? Ano 'ko? Easy girl? Hindi ako kasing rupok niyong mga bakla ka'yo.
"What took you so fucking long to answer my calls?! Ano na naman ang problema mo?"
Pinagmasdan ko lang ang mga kuko kong habang pinapakinggan siyang nag-aalburoto. "Ang kagandahan ko. Masyado na kasing umaapaw. Iniisip ko kung kanino ko ido-donate. Oras na siguro para magpalahi ako."
"Seriously?"
"Oo. Bakit, bossing? Mukha bang joke itong fezlak ko?"
"Hind, mukha kang clown. Where are you right now?"
Ha! Ano daw? Clown? Ang ganda ko naman yatang clown. Kung pang-clown lang itong mukha ko paano naman iyong Tana Kwan niya? Wala talagang taste buds ang okinawanv itachi.
"Where? Nandito sa bahay ng lalaki ko. Bakit?"
Napahigit ako ng hininga ng may isang pamilyar na bortang chopopong okinawa ang huminto sa aking frontrow. Binigyan niya ako ng isang nakakatunaw ng virginity na ngite bago nagsalita, "Is this seat available?"
Inilayo ko ang cellphone ko sa aking tenga at tinakpan iyon. Maarte kong inipit ang aking imaginary hairlalu sa aking tenga bago sumagot, "shengel and available po."
Bahagya muna akong tumagilid at saka itinapat ang cellphone sa aking tenga. "Hello, bossing?"
"Who the fuck was that, Tyga?!" Ang may diin niyang tanong sa akin.
"H-Huh? Ewan ko. O sige na, bossing. Bye na. Bye." Wit ko ng hinantay na makasagot siya. Pinatay ko na ang tawag bago humarap sa future banana ko.
"It's nice to meet you again. Ilang beses na tayong nagkita pero hindi pa rin kita kilala." Ang nakangite niyang sabi sa akin.
"A-Ah, oo nga eh.Ty-" Saglit akong natigil ng kamuntikan ko ng masabi ang namesung ko. Hindi nga pala Tyga Xerxes ang katauhan ko sa lugar na 'to. "K-Kenneth Flores nga pala."
Inabot ko sa kanya ang aking kamay para makipag-shake hands. Halos mahimatay naman ang lola niyo ng sa wakas ay hawakan niya ang kamay ko. "Gerald. It's nice to meet you, Kenneth."
Tuluyan na nga po akong nabuntis ng pisilin niya ang kamay ko bago bitiwan. Harhar!
"Papa," Napalingon ako sa gilid ko ng may marinig ko ang isang maliit na boses.
May junakis nga pala akong dala-dala. Tinaas niya ang kanyang kamay na punong-puno ng ice cream saka ngumise sa akin. Natawa na lang ako sa mukha niyang punong-puno rin ng ice cream.
Kumuha ako ng wet wipes mula sa bag ko at maingat siyang nilinisan. Pagkatapos ay pinainom ko na rin siya ng tubig. "Ah nga pala, si R-Ranjay. Pamangkin ko." Ang pagpapakilala ko sa aking junakis sa kanya.
Kanina ko pa napapansin ang panaka-naka niyang pagnanakaw ng tingin kay Frank. Nagtataka siguro siya kung paano ko 'to naging pamangkin.
"Ah..foreigner kasi ang nakabuntis kay ate kaya ganito ang mukha niya hehe. Gwapo ba?" Niyakap ko pabalik ang junakis ko ng isinubsob niya ang kanyang mukha sa dyogabels ko.
Napakunot ang noo ko ng makitang nakatulala. Parang may malalim na iniisip. "Gerald?"
"A-Ah, yeah. He's cute. Mana sa tito niya," Aniya saka muling ngumite. Mana daw sa akin mga bakla! Shutang ina mo Rapunzel, pa-hampas naman ng hairlalu mo gurl. "Bakit nga pala papa ang tawag niya sa'yo?"
"Ano na-dedo na kasi ang mudrabels niya kaya ayon. Ako na kinakilala niyang magulang ngayon."
Napakunot ang kanyang noo matapos iyong marinig sa akin. "What does dedo and mudrabels mean? What language was that?"
Lihim akong napasampal sa sarili dahil sa kagagahan ko. Bakla ka talaga ng taon, Tyga. Kaya hindi napapasukan ng tite iyang bunganga mo dahil masyadong maluwag. Nakakagigil ka.
"Kenneth?"
"Ah hahaha! Dedo is dead you know namatay, ganerns. Tapos iyong mudrabels naman ay mother you know nanay mo ay nanay ko-este nanay mo at nanay ko. Ganun! Hahaha." Hinampas ko pa ang braso niya para damang-dama ang saya ko. Shuta, bakla! Malaman ang braso. Mapapasigaw ka nalang talaga ng choke me, daddy.
"Oh, I see.."
"Ay, oo. Bakit ka nga pala nandito? Gumagala ka?"
Umiling siya. "I'm here to buy some groceries tapos nakita kita kaya dumaan ako saglit."
Namilog ang mata ko sa sinabi niya saka maarteng napatakip ng bibig. "Mag gro-grocery ka? Kami rin sana eh."
"Really? Sabay na lang kaya tayo? I'm not really good with these kind of things. Sanay kasi akong mga maid ang gumagawa ng ganito but now that I'm living alone, I had to do it on my own. I hope you could teach me a thing or two." Iyan na naman ang nakakatunaw niyang mga ngite. Iyong parang binubuhay ang natutulog kong matres.
"Ay naku, walang problema. Tayo na?"
Tumango siya. "Let's go."
Boo! Ano ba 'yan di marunong sumakay. Pero keri lang, magaling naman akong sumakay.
Hindi ko maiwasang kiligin habang naglalakad kami sa dito sa supermarket ng mall. Ako ang tagaturo sa kanya ng bibilhin tapos siya naman ang kukuha n'on mula sa shelf at maglalagay sa cart.
Si Frank naman ay tuwang-tuwa rin habang nakasakay sa maliit na sasakyang nakakabit dito sa cart. Medyo nahirapan pa kaming ipasok siya sa loob pero kinaya naman. Nilaplapan lang namin kaunti iyong hita niya at braso saka benenta sa meat section. Charot! Pinapalitan lang namin ng mas malaki.
Binunot ko mula sa aking bulsa ang cellphone kung hindi tumitigil sa pagva-vibrate.
Napa-irap na lang ako ng ma-sight ko ang pangalang nakatatak sa screen.
"Hello, bossing?"
"Who the fuck is with you, Tyga? Sino 'yong narinig ko kanina?!" Bahagya kong inilayo ang cellphone sa aking tenga ng mahimigan ko ang inis sa malalim niyang boses.
Napakamot ako ng ulo at napalingon sa paligid. Nasa unahan na sila Gerald at Frank na ngayon ay abala sa pagkuha ng mga chichirya.
"Si ano... si Gerald. Kaibigan ko. Bakita ba?! Mag-trabaho ka na nga lang diyan, bossing. Ba't ka ba nangingialam sa lablayp ko?!"
"Love life huh?" Ang narinig kong sabi niya saka sarkastikong tumawa.
"Bahala ka na nga sa buhay mo!" Ang sigaw ko bago pinatay ang tawag. Bad trip. May pa business-business pa siya eh sigurado naman akong nambabae lang silang dalawa ni Gavin.
Ano? Siya lang may karapatang lumande? Ganerns?! Mukha niya!
Inis kong pinatay ang cellphone ko saka humabol kina Frank at sa aking future banana.
"Are you okay? Bad trip ka yata?"
Agad napawi ang pagka-badtrio ko ng marinig iyong tanong niya sa akin. Enebe, weg ke ngeng pa-fall. "Okay lang ako. Nakasunog kasi ng dalawang barbecue iyong kasamahan ko sa trabaho kaya ayon medyo na-bad trip ako."
"I'm sure they did not mean to do it. Cheer up. Wala namang perpektong tao."
"Kaya nga eh. Bayad na tayo sa counter?"
"Sure."
Pagkatapos naming magbayad sa counter, siya na ang nagdala ng lahat ng pinamili namin. Si Frank naman ay abalang pinapapak ang apple na binili ni Gerald sa kanya.
"Thanks for today guys. I had fun. I hope we can do this again next time we meet." Aniya habang inaabot sa akin ang mga pinamili kong grocery kuno.
"Ako rin! Sana m-"
"There's no more next time. Huli na 'to." May kung anong gumapang sa balat ko ng marinig ko ang malalim na boses na 'yon.
Sabay kaming napalingon sa direksyon ni bossing na ngayon ay papalapit sa amin. Magkasalubong ang makakapal nitong kilay at parang may laser na lumalabas sa mga mata niya habang naka-sight sa amin. Anez na naman ang problema niya?
Inagaw niya ang plastic na dala-dala ko at saka ako hinawakan sa aking palapulsuhan. Akala ko ay aalis na kami pero bigla siyang tumigil sa harap ng future banana ko at mas lalo pang pinasama ang tingin.
"Fuck off," angil niya bago ako hinila papalayo sa future banana ko. "Son, let's go!"
"Bye-Bye!" Ang paalam ni Frank kay Gerald bago kumapit kay Gavin na nakatayo lang pala sa tabi-tabi
Naman! Ayon na eh. Makaka-score na ang lola niyo. Mabubuksan na sana ang mahiwagang kweba. Ba't ba kasi sumulpot pa ang yawa na 'to?!
-----------------------------------------------------------
Maramin salamat po sa paghihintay at pagbabasa hehe. Goodnight powxsZ. Stay healthy, keep safe and God bless you all powxS. Mwuah mwuah! Ciao!❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top