24

Tyga Xerxes Mondejar

"Nak, sobrang taas na ng lagnat mo. We have to meet with doc today ha?" Ang malumanay na tanong ni mommy sa akin.

I just nodded slightly as an answer. My eyelids were very heavy, and I feel so hot inside. Every time I open my eyes, I feel like puking. I feel bad na sa mommy ko at kay yaya. Ilang araw na nila akong inaalagaan pero hindi pa rin bumababa ang lagnat ko.

"I'm sorry, mommy, if I'm still sick."

I felt her fingers on my head while she gently combed my hair. "Don't be sorry, babe. It's mommy's job to take care of you. I'll just change my clothes saglit tapos alis na tayo."

Tumango lang ulit ako. Nang makaalis si mommy muli akong nakatulog. Nagising na lang ako na nasa car na namin. I saw manong Cal on the driver's seat, and beside him is Yaya Tes. My mommy was sitting beside me with my baby sister on her lap. I heard Eclaire also had a cough. I feel bad about it. Palagi ko kasi siyang k-in-i-kiss before ako nilagnat. Siguro nakuha niya ang sakit sa akin.

"How are you feeling right now, hon? Tiis lang ng kaunti we're almost there. Your dad is on his way na rin sa hospital."

I gulped hard nang pakiramdam ko ay masusuka na naman ako ulit. I don't want to trouble them more, specially my mommy. Sabi ni mommy malapit na naman kami sa hospital. Kailangan ko lang magtiis saglit.

I scooted closer to my mom and leaned on her shoulder. I'm feeling cold again but I have thick clothes on me naman kaya okay lang.

"Why are you so hot ba, nak? Bakit hindi pa rin bumababa ang lagnat mo." I could hear my mom's uneasiness habang nakayakap ang isa niyang kamay sa katawan ko.

"I don't know, mommy. I'm sorry for making you worry."

"It's fine, baby. It's normal for mommy's to be worried." Ang sabi ni mommy saka ako hinalikan sa head ko.

We were silent for a little while. I'm starting to feel sleepy again. Biglang pumasok sa head ko iyong friend ni Gavin. He's very handsome kahit palagi niya akong inaasar at pinagtri-tripan. Kapag healthy na ako ulit, I want to be friends with him. Gusto ko ring magka-friend na pogi. Si Gavin kasi kahit madaming may crush sa kanya nagwi-wiwi pa rin sa higaan niya o di kaya ay sa bed ko kapag nagsle-sleep over siya.

"Manong Cal may truck!" Ang narinig kong malakas na sigaw ni yaya bago ko naramdaman ang paghigpit ng kapit ni mommy sa akin.

"Oh my God!" Ang iyak ni mommy matapos kong marinig ang malakas na tunog ng sasakyan namin.

"Mommy!" Ang natatakot kong sigaw sa mommy ko.

I couldn't open my eyes. Pero ramdam ko ang pagtama ng katawan ko sa kung saan-saan dito sa loob ng sasakyan habang nagpa-ikot-ikot kami. We hit something hard kaya nabitiwan ako ni mommy. I hit my head somewhere nang tumilapon ako.

I opened my eyes to see if my mommy's fine. But I wish I didn't because I saw her bathing in her own blood. Then my eyes moved to my baby sister. She was crying a lot tapos madami pa siyang sugat. There was blood everywhere.

I crawled to my mommy and shook her. I tried my best not to cry but my tears came out on there own. "Mommy, wake up. Mommy, wake up, Eclaire is crying, mommy. Please wake up."

I winced in pain when I moved to see if my yaya Tes is awake. Tiningnan ko ang gilid ko at nakitang may nakasaksak na glass doon. Gano'n din si Eclaire. May glass din na nakatusok sa back niya.

"Mommy, yaya, Eclaire is hurt. What should I do? Please wake up!" Ang iyak ko habang tinutulak-tulak si yaya na nakapikit rin ang mata at naliligo sa sarili niyang dugo.

Eclaire cried hard again kaya mas lalo akong natakot. I don't want to see her like this. I'm her kuya. I should be protecting her when my mommy can't.

Napahikbi ako ng maramdaman ko ang sakit sa mga paa ko at gilid ko nang sinubukan ko ulit gumalaw. It hurts a lot but my baby sister needs me.

I tried to move again until I'm able to sit properly. I wiped her tears with my bloody hands and forced myself to smile. "Hi, Eclaire! It's me your kuya Mason. Don't cry na. Daddy will come to rescue us. Mommy is still sleeping kaya si kuya muna ang magbabantay sa'yo."

Muli na namang tumulo ang mga luha ko ng mas lalo pang lumakas ang iyak niya. I'm starting to see black too. My body hurts a lot, and my head is spinning hard but I can't leave my baby sister alone. She must feel scared too. How can I leave her when she's like thiz? I promised them I'd protect her.

I held her hands and began to sing her favorite lullaby kahit nahihirapan na akong huminga at imulat ang mga mata.

"Lavenders blue, dilly, dilly
Lavender's green
When I am king, dilly, dilly
You shall be queen
Who told you so, dilly, dilly
Who told you so?
'Twas mine own heart, dilly, dilly
That told me so

Call up your men, dilly, dilly
Set them to work
Some to the plough, dilly, dilly
Some to the fork
Some to make hay, dilly, dilly
Some to reap corn
While you and I, dilly, dilly
Keep ourselves warm

Roses are red, dilly, dilly
Voilets are blue
Because you love me, dilly, dilly
I will love you
Let the birds sing, dilly, dilly
And the lambs play
We shall be safe, dilly, dilly
Out of harm's way."

After I sang that song, I placed my palms against her eyes and waited for her to close it. I smiled a little when I saw her eyes closed. "Goodnight, Eclaire. Goodnight, mommy. I love you so much." I whispered before I closed my eyes too.

When I opened my eyes, I'm already lying on the hospital bed with bandages all over my body. No one is inside my room. I tried to find my mommy but I can't see her.

"Mom...mommy?" I tried to call her but no one answered me.

Tuwing nasa hospital ako, my mommy will always be by my side when I wake up. But I couldn't see her anywhere right nlw. I tried to sit up pero hindi ako makabangon.

I heard the door open, followed by heavy footsteps from people I couldn't recognize except for one woman.

"Tita Shei," ang mahina kong tawag sa kanya. "Where's my mommy?Where's Eclaire? Yaya? Mang Cal? Are they alright? Our car was hit by a truck, tita. And...And I saw them bleeding a lot po."

Tita looked at me with her teary eyes. Then she looked down and hid her face with her palms. I heard her cry before she moved beside me.

"I'm sorry, ijo, but your mom... your mom and your sister are gone. Pati na rin ang yaya mo at si Mang Cal."

Umiling ako habang humihikbi. "No, No, my mommy is not gone! Take it back! Take it back, tita! Bad ka! Don't lie to me!"

"I'm sorry, Mason. I'm so sorry, ijo."

"No! No!"

"Tyga! Tyga! Wake up, langga. Tyga, please!"

I woke up again pero wala na ako sa hospital. Ang nag-aalalang mukha ni bossing ang sumalubong sa akin. Tanging ilaw lang ng buwan na nanggagaling sa labas ng bintana ang ilaw namin.

"F-Francis?" Ang naiiyak kong tawag sa kanya.

Inabot niya ang mukha ko at marahan akong dinampian ng halik sa noo. Mabilis akong yumakap sa kanyang leeg at saka isinubosob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Tuluyan na akong napa-iyak nang yumakap siya pabalik sa akin.

"You're safe. You're safe with me, 'ga. Hush now..." Ang bulong niya habang maingat na hinahaplos ang buhok ko.

Inangat ko ang aking paningin sa mukha niya at sinalubong ang kanyang mga tingin.

"A-Ako..Ako ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid at nanay ko, Francis. Ang sama ko. Ang sama-sama ko. Sana hindi nalang ako nag-inarte. Sana sinabe ko na lang na maayos ako. Kung alam ko lang na mawawala sila sa akin sana...sana-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong siilin ng halik.

Napakapit ako ng mabuti sa kanyang batok ng magsimulang gumalaw ang kanyang mga labi. "Hmm.." Napasabunot ako sa buhok niya nang kagatin niya ang ibaba kong labi. Paulit-ulit niyang sinubukang ipasok ang kanyang basa at mainit na dila hanggang sa tuluyan na akong sumuko.

Mapusok at mainit ang tinuturong halik ni bossing sa akin pero ramdam ko pa rin ang pag-iingat niya. Binibigyan niya ako ng pagkakataong makasunod sa mga galaw niya ngunit hindi niya ako binibigyan ng pagkakataong makalamang.

He kissed me hard like he wanted to possess me, own me, and conquer me. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magpatianod sa nakakalunod niyang mga halik. Kusa pang sumunod ang mukha ko sa kanya ng buwagin niya ang mga labi namin.

Hinagod ng hinlalaki niya ang pisnge ko habang diretso siyang nakatingin sa aking mga mata. "Wala kang kasalanan. Hindi mo ginusto ang magkasakit, Mondejar. You're not at fault. Remember that."

Para akong biglang nawala sa sarili habang nakatitig sa mga mata niya. Para akong isang maamong tutang tumango sa kanya.

"Good. Now let's go back to sleep." Ang bulong niya bago ako hinalikan sa noo.

Muli siyang nahiga sa tabi ko. Pinaunan niya sa akin ang matipuno niyang braso saka niya ako kinulong sa kanyang braso.

Tila may kung ano sa yakap niya at sa
malakas na pagtambol ng kanyang dibdib na nagpakalma sa akin. Hindi nagtagal ay muli na naman akong hinila ng antok.

Naalimpungatan ako sa malakas na crayola kemberlo ng aking junakis first thing in the morning star. Humihikab akong um-exit ng kwarto pero mabilis ko ring itinikom ang aking mahiwagang bunganga ng maamoy ko ang amoy ng nabubulok na luya mula doon.

Pinaningkitan ko ang baklang si Charlotte ng madatnan ko siyang sumasayaw ng baby shark sa harap ng junakis ko. Sa halip na matuwa ay mas lalo pang lumakas ang crayola session ng aking chanak.

"Ano ba bakla! Wag mo namang tinatakot ang bata." Agad na yumakap sa akin si Frank at sinisinok na sumiksik sa leeg ko.

"Juice ko! Mabuti naman at nagising ka na, Anastasia, ang agang na-i-stress ng ganda ko sa batang 'yan."

"Anez ba ang nangyari at maagang napa-drama ang kyotang itey? Nasindak siguro sa pagmumukha mo, bakla. Knows mo naman kung gaano siya ka shokot sa mga unggoy."

Malakas akong hinampas ng bakla sa aking balikat. Kamuntikan pa itong ma-dislocate mabuti nalang at maaga kong napigilan. "Wala ka talagang utang na loob, plankton. Matapos kong ibigay sa'yo ang secret formula ito ang gagawin mo sa pamilya ko? Anong klase kang isda?!"

"Boba Milk Tea! Hindi ako isda, Doraemon. I'm both plants and animals that float along at the mercy of the sea's tides and currents and I thank you." Ang taas noo kong sabi sa kanya at kinaway-kaway pa sa kawalan ang libre kong kamay.

"Sinasabi ko na nga ba! Isa kang impostor!"

"At least hindi traydor!"

Maarte siyang suminghap at napatakip sa kanyang bibig. Pero agad din iyong napalitan ng daing nang pumasok si lola at isa-isa kaming pinaghahampas ng walis tingting.

"Ang aga-aga nagiging baliw na naman kayong dalawa. Ang lalaki pa ng mga boses ninyo. Magsikain na nga kayo." Tumingin si nanay sa akin at kay Frank na ngayon ay unti-unti ng kumakalma. "Mabuti naman at tumahan na ang batang 'yan. Nahirapang makaalis iyong asawa mo dahil gustong sumama ng anak ninyo."

Saglit na nag-loading ang brain cells ko ng sabihin ni nanay ang salitang asawa.

"May asawa ako?"

Hahampasin sana ulit ako ni Charlotte pero inunahan ko na siya. "Gaga, si sir Francis. Chosera ka rin eh."

"Charot! Asawa ko pala 'yon. Saan daw po siya gogora, la?"

"Kasama niya sa Gabgab. Tungkol daw sa negosyo niya ang kanyang pupuntahan. Wala siyang sinabing insaktong lugar. Sabi pa niya ay huwag ka daw malungkot at dadalhan ka niya ng pasalubong pag-uwi."

Napangiwi ako sa huling sinabi ni lola. Biglang nagtaasan ang balahibo at bolbol ko sa katawan. As if naman mami-miss ko ang chopopong okinawang 'yon no! Sino ba siya sa akala niya? Asawa ko?!

-----------------------------------------------------------

Sa wakas at nakapag-update na rin HAHAHAHA. Maraming salamat po sa paghihintay at pagbabasa. Stay healthy, keep safe and God bless you always powxsZz! Labyu ol! mwuah mwuah! Ciao!😍

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top