20

Tyga Xerxes Mondejar

"Tyga, can you just please pick up your fucking phone and talk to that motherfucker? Dalawang araw na akong hindi pinapatulog ng gago. Tangina, ikaw ang asawa dito bakit ako ang pinapahirapan niya?" Ang ma-dramang talak ng lolo niyong Gavin tatlong araw matapos kong makausap si bossing.

Nandito ako ngayon sa underpass ng kahoy ng mangga habang nagbabasa ng mga impormasyong hinalungkat ko sa bagong jowa ng aking amo na sa kasamaang palad ay asawa ko rin daw. Yucks.

Wit ko siyang binigyan ng pansin. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng mga impormasyon sa aking laptop na katas ng aking dede-este booming business. Mas naparolyo ang ilong ni akechi sa bawat minutong lumilipas.

Sobrang taas ng expectation ko sa mga kabit ni bossing tas ito lang ang pinili niyang ipantapat sa akin? ITO LANG?! I mean, sis, look at that face? Is that a face?! Faceapp. Chour.

So ayon nga, according to my gathered mobile data, legit na legit ang pagiging pokpok niya dati. Nakulong din pala ang bruhang itey dahil sa droga pero agad ding nakalaya dahil nakapagpyansa. Char! Rhymer ka gurl?!

"Is that Tana Kwan?" Ibinaba ni Gavin ang ulo niya para ipantay sa screen ng laptop ko.

Mabilis ko iyong isinara at inilayo sa kanya. "Ano ba?! Anez na naman ba ang kailangan mo sa akin?! Ang katawan ko?! Alam mong may-asawa na akong tao, Cardo."

Isang malakas na batok ang isinagot niya sa akin matapos kong magdrama. Ang sama talaga nila sa akin. Pag ako nakabalik sa sindikato, una ko 'tong ipapalibing. Charot! Joke lang po 'yon, lord. Kahit habang buhay pa akong matali kay bossing wit lang akong makabalik doon.

"Tangina mo, sinasaniban ka na naman."

Inirapan ko siya. "Ba't ka ba kasi nandito sa tambayan ko?! Di mo ba alam na tresspassing itong ginagawa."

"Trespassing mo mukha mo. Sagutin mo na nga 'yang asawa mo. Ilang gabi na akong hindi makatulog ng maayos dahil sa pangungulit niya."

Umingos ako. "Ayoko. Kung gusto niya akong kausapin, mag-set siya ng appointment sa sekretarya ko."

"Gago, wala kang sekretarya."

"Edi wala ding talakang mangyayari. Busy akong tao."

"Anong busy? Eh hindi ka na nga pumupunta doon sa barbecue business niyo."

Napatikhim ako.

"P-Pupunta ako mamaya kaya busy na ako. Sabihin mo rin na napagod ako sa pagbabantay ng anak namin. Baka kasi nakalimutan niya na may anak pa siya dito sa Pilipinas."

Naupo ang kurimaw na si Gavin sa harapan ko na may kakaibang ngise sa mukha niya, "Teka nga, nagseselos ka ba kay Tana?"

"Tana? Sinetch naman ang bruhildan 'yan?" Ang pagmamaang-maangan ko habang sinisipat ang kuko kong may mga sumiksik na lupa. Masyado na kasi akong nawiwili dito sa bukid kaya ito, pati kuko ko ginawa ko ng taniman.

"You were looking at her information awhile ago. Stop playing dumb. You're jealous. Admit it."

Biglang nanayo ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. "Kilabutan ka nga!"

Nandidiri ko siyang tinignan at umaktong dumuduwal. Akesh? Magje-jelly ace sa mga babae ni bossing?! At bakit?! Crush ko ba siya? Ang swerte naman ng fezlak niya kung ganoon. May taste ako no. Hindi kasing baba ng impyerno ang standards ko para magustuhan si bossing.

'Yong nota lang niya ang pasok sa mataas kong standards. The rest, failed trip, mga beshy. Mga bobitang merlat lang ang gogora sa ugaling may roon si bossing.

Pagkatapos naming magbangayan doon, bumalik na kami sa bahay para maghanda. Dadalhin kasi namin ngayon si Frank sa isang clinic doon kung saan naghihintay ang kaibigan nila bossing at Gavin na doctor.

Apat na beses sa isang tao namin pinapacheck-up si Frank para maka-sigurado. Ginagala din namin siya sa parke doon para naman kahit papaano ay may makita siyang ibang nilalang bukod sa amin.

"Papa, pway sa pawk?" Ang tanong sa akin ng kyota habang nakasakay kami sa tricycle na inarkilahan namin.

"Yes, nakshie. Maglalaro tayo mamaya pagkatapos nating ma-meet si doctora. Maging mabait ka doon, okay?"

"Okay, papa. Eat ako toton candwe later."

Nang makarating kami sa loob clinic wala kaming nadatnang tao doon kaya ako na lang ang nagcheck-up kay Frank. Charot! Ipinasadya talaga ang pagpapasara ng clinic ngayon para kay Frank.

"Doc, kamusta na po ang alaga ko?" Ang tanong ko kay doc pagkatapos ng check up. Nandoon na sa labas si Frank kasama si Gavin.

Tinanggal niya ang kanyang suot na salamin at seryoso akong tinignan. Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng puso ko habang hinihintay siyang magsalita. Naramdaman ko rin ang tensyon sa paligid. Drum roll please.

"Huwag kang mabibigla, but Frank is--"

"HINDI! HINDI PWEDENG MAMATAY ANG ANAK KO, DOC. DALAWANG TAONG GULANG LANG PO SIYA. ANG DAMI KO PANG PANGARAP SA KANYA, ANG DAMI PA NIYANG KAILANGAN MAKITA AT ASHEBDJABDHS." Hind ko na natapos ang pagdra-drama ko dahil pinasakan ni doc ng siopao ang bibig ko.

Ang bastos! Bakit isa lang ang ibinigay?

"Kumalma ka nga, ijo, gusto ko lang sabihin sa iyo na malapit ng mag-overweight ang bata. You know naman na nakakasama ang pagkakaroon ng sobrang timbang. You have to watch his diet."

"Ay gan'on po ba? Kayo naman kasi, doc, masyadong pa-intense. Sige, doc, thank you. Makakaasa kayong underweight na siya pagbalik namin."

"Jusko, ijo, 'wag naman."

Pagkatapos naming mag-chikahan ni doc, nanghiningi muna ako sa siopao niya bago lumabas ng clinic.

"Iihi lang ako at magyo-yosi, mauna na muna kayo sa parke. I'll follow you afterwards." Ang sabi ni Gavin nang makalapit ako sa tricycle.

Sinilip ko doon ang kyotang si Frank at nakitang ngumangatngat na ito ng cotton candy.

Ganyan nga anak, kain lang ng kain dahil bukas gugutumin na kita. Chos!

"Papa, pway na."

"Okay, sige. Tara lets na." Pinunasan ko muna ang malagkit niyang mukha at kamay bago kinarga.

"Text mo nalang ako kung nandoon ka na." Ang paalala ko kay Gavin bago siya tinalikuran.

Dahil medyo may kabigatan na nga itong kyotang ito para sa patpatin kong katawan, pinalakad ko na rin siya. Wit muna kaming dumiretso sa parke. Dumaan muna kaming dalawa sa simbahan para magpa-attendance kay lord.

Mahirap na, may demonyo pa naman akong kasama sa bahay. Kailangan ko ng pangmalakasang proteksyon ni bro. Lalong-lalo na ngayon, madaming gustong subukan ang pasensya ko. Pa-anghel-anghel lang itong beauty ni watashi pero may tinatago akong buntot at sungay.

"Sandali lang, beh, pray muna tayo ha?"

"Tired ako, papa. Sit down ako." Ang humihingal niyang sabi saka naupo na parang tumatae sa aking tabi. Namumula rin ang kanyang matabang pisnge habang nakatulala sa kawalan.

"O siya, sige, stay put ka lang ha. Makiki-chika lang ako saglit kay God. You stay there. Watch and learn."

Ngumite siya sa akin at tumango.

Sinindihan ko ang binili kong kandila at saka iyon inilagay sa lalagyan. Ipinikit ko ang mga mata ko at yumuko.

Kahit noong nasa loob pa lang ako ng sindikato, hindi ko nakakalimutan ang magdasal sa Diyos. May mga pagkakataong kinuwestyon ko ang mga ibinibigay niya sa aking pagsubok pero palagi kong naaalala ang sinabi sa akin ni mama na may rason daw ang lahat ng ibinibigay ng diyos sa atin.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ibinigay ng diyos sa akin si bossing. Ang tanging naiisip ko lang na rason ay para bwisiten at laitin ako.

Matapos kong magdasal kay Lord, nag-sign of the cross muna ako bago tiningnan si Frank sa tabi ko.

"Frank, tay-FRANK?!" Nilingon-lingon ko ang paligid para hagilapin ang maliit na bulto ng katawan ni Frank pero wala talaga.

Tinakbo ko ang buong paligid ng simbahan habang sinisigaw ang pangalan niya pero wala talaga.

Lumabas ako ng simbahan at lumapit sa isang tindera sa tabi ng daan.

"Ate, may nakita po ba kayong matabang bata na ganito kaliit?" Itinuro ko ang may bandang hita ko para ipakita kung gaano kaliit si Frank. "Naka-jumper po siya na maong at puting t-shirt. Nakasuot din po siya ng kulay blue na sapatos."

"Ay, opo, nakita ko siyang lumiko doon kani-kanina lang."

Mabilis pa sa alas kwatro kong tinakbo ang direksyon na itinuro ni ate. Pakiramdam ko maiiyak na ako sa labas na kaba at takot. Hindi ko mapapatawad ang sarili kung may masamang nangyari sa anak ko.

Shuta ka kasi, bakla. Ang tanga-tanga mo. Iyon na nga lang ang trabaho mo, hinid mo pa magawa ng tama. Habang inililibot ang paningin hindi ko maiwasang mag-isip ng masama habang nakikita ang mga naglalakihang bus na dumaan sa harapan ko.

"Papa there!"

May narinig akong kaboses ng anak ko kaya tiningnan ko ang direksyon n'on. Tumigil ang pangin ko sa isang pamilyar na bata at matanda saka sila patakbong tinungo.

"Frank! Ano ka ba namang bata ka? Halos mamatay na ako sa nerbyos at takot. Diyos ko naman," naiiyak akong lumuhod sa harapan niya at saka siya niyakap.

Bahagya akong lumayo sa kanya at sinapo ang kanyang maliit na mukha. Hindi ko magawang makapagsalita habang sinisipat siya. Tinitingnan ko kung may mga galos ba siyang nakuha.

"Papa, advwenchu ako. Look pwetty, like papa." Ngumite siya sa akin at itinuro ang kaibigan slash kabitenyo ng kapatid ni bossing na si Axel Zein Juariz.

Pinunasan ko muna ang mga luhang hindi ko namalayang kumawala na pala bago ako lumapit kay Roan dela Mercid.

"Maraming salamat po sa pag entertain sa anak ko at baka kung saan pa ito napunta." Ang buong sinseredad kong pagpapasalamat sa kanya.

Shuta, kinakabog ang beauty ko mga bakla. Mas maganda pa 'to kesa doon sa impaktitang Tana Kwan.

"Wala iyon. Kusa namang lumapit sa akin ang bata, nagtataka lang ako kung bakit wala siyang kasamang nakakatanda." Sagot niya sa akin.

"Papa, dede ako." Napayuko kaming dalawa sa kyotang naging dahilan kung bakit ako kamuntikang mahimatay. Nakahilig siya ngayon sa hita ko. Halata ko ang pamumungay ng mga mata niya.

Tiningnan ko si Roan na namumula ang pisnge habang nakatingin sa anak ko. Oh well, hindi ko naman siya masisi kung nakyu-kyutan siya sa chikiting ko. Mana-mana lang yan.

"Roan? Who is he?"

Napatingin ako sa lalaking naglalakad palapit kay Roan. Ito 'yong kapatid ni bossing na mukhang pakboy rin. Kinabig nito si Roan papalapit sa kanya na para bang inilalayo sa akin.

Hindi nakalagpas sa akin ang umbok ng tiyan ni Roan. Hala, shuta! May cancer ba siya?!

"Ah..kakilala lang namin. Nawala kasi itong anak niya na nakausap ko habang wala ka." Sagot ni Roan kay Axel habang at pilit na kumakawala sa brasong na nakapulopot sa bewang niya.

"Hi, I'm Tyga Xerxes Jua-Mondejar at ito naman ang anak kong si Frank." Pagpapakilala ko sa kanila bago ko inilahad ang aking kamay sa kanilang harapan.

"I'm Roan Dela Mercid. It's nice to meet you Tyga." Inabot niya ang kamay ko para makipagkamay sa akin.

Shuta, bakla, mas malambot pa ang kamay niya sa mukha ko. Walang silbi 'yong kojic na binili ko.

"I'm Axel. It's nice to meet you too." Malamig at may bahid ng pagdududa ang boses niya habang nakikipag kamay sa akin.

"It's nice to meet you, guys, pero kailangan ko na talagang umalis. Mukhang napagod kasi itong chikiting ko sa adventure niya. Marami talagang salamat." Aniko saka binuhat si Frank. Struggle is real pa ang lola niyo dahil may kabigatan na nga ang kyotang itachi.

Jusko, anak, magda-diet na talaga tayo.

"Mag-bye ka na sa kanila, anak. Say thank you rin." Utos ko sa kanya.

"Bye-bye. Eynk you vewy much, pwetty." Ang pagsunod niya habang humihikab. Sumiksik kaagad ito sa leeg ko pagkatapos.

"Bye, baby. Take care."

Naglakad ako pabalik sa simbahan para doon na lang magpakuha kay Gavin. Matapos ko siyang ma-text niyakap ko lang ng mahigpit ang anak ko habang sinayaw-sayaw siya. Parang nakakatakot na siyang bitawan. Nakaka-trauma.

"Hey, we meet again." Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nahihiyang napangite dito.

Guess who, mga bakla. Ang future banana ko lang naman. Saktong-sakto nandito na kami sa simbahan. Magpirmahan na lang kaya kami ng marriage certificate?

"H-Hi, kemeste ke?"

"Come again?"

Hala siya oh! Cum again kaagad hindi pa nga kami napupunta sa kama.

"Is that your son?" Our son, beh. Enekebe.

"Ah, o-"

"That's our son. Who the fuck are you?"

Para akong nawalan ng lakas ng marinig ko ang the voice ng chanak ni Satanas. A-Anez ang ginagawa niya ditey?!

Panira talaga ng moment ang okinawang 'to!

"Daddy!"

-----------------------------------------------------------

SA WAKASSSS HAHAHA SHUTAAAA!!!! Akala ko hindi po ako makakapag-update ngayon inuubo pi kasi ako at medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Road to lagnat yata ako HAHAHAHA.

Pasensya na po kung natagalan ako sa pag-update dito, tinambakan po kasi kami ng mga gawain saka hindi rin ako masaya ngayong week. HAHAHA. Hindi ko magawang maging masaya dahil sa mga gawain ko at dahil sa yawa na Zilv at Kai. HAHAHA. Mahirap pong isulat si Tyga na hindi ka masaya dahil naapektuhan ko po ang karakter niya. Ayoko naman siyang maging Out of Character kaya ayon nililibang ko ang sarili kung may oras.

Ayon lang po, sana maka move on na ako sa relasyon na hindi naman sa akin. HAHAHAHA. Sana makaramdam na rin ako ng legit na saya ngayon. Hindi ko alam bat ako nagkakaganito HAHAHA kinulang siguro ako sa aruga. Thank you po sa paghihintay.

Stay healthy, keep safe and God bless you ols powxzsx. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤❤






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top