2

Tyga's Dicktionary
thunder cats-matanda
mudrabel-mother
pudra-father
knows-alam
masight-makita
kyotatalet-baby
Wiz-hindi
crayola/crayola khomeni-umiyak

Tyga Xerxes Mondejar

Napaigtad ako nang yumuko siya at itinapat ang mukha sa gilid ng aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga doon.

"You want a job? Then act properly."

Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok habang naglalakad kaming dalawa patungo sa mga thunder cats. Ang higpit ng kapit niya sa bewang ko parang takot siyang mawala ako sa tabi niya. Kinikilig ako! Mga 10k with free boarding, kuryente, tubig at pagkain.

Huwag kang mag-alala, sir. Hanggat Juariz ka at may pera hindi ako mawawala sa tabi mo.

Inilabas ko ang aking shy type smile sa tatlong estranghero. Mahinhin at di makabasag pinggan ang role ko ngayon. Isa akong marikit na dalaga na ipapakilala sa pamilya ng kabit niya. Charot!

"Hi, po." Mahinhin akong ngumite sa kanila pagkatapos ay tumingala sa aking bagong bossing. "Ah, langga, sino sila?" Ang nahihiya kong tanong sa kanya.

Na-sight ko ang pagtaas ng kanyang kilay sa akin. Tinaasan ko rin siya ng kilay pabalik. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga at maingat na hinawakan ang mukha ko. Para namang may kung anong kumiliti sa aking tiyan habang nakatitig sa kanyang mga mata. Shuta. Natatae ako. Parang ang sarap umutot.

"That's Andrea lying on the bed at ang mga magulang niya. Siya 'yong kwenento ko sa'yo. Remember her?"

Tumango ako at dahan-dahang tumingin kay Andrea. Binigyan ko siya ng isang maliit na ngite. Tumingala ulit ako sa amo.

"Can I talk to her?" Ang mahinhin kong tanong sa kanya. Inilapag ko na ang unang baon kong english. Marami pa akong pambato.

Tumango siya.

"Sure."

Hindi pa rin natatanggal ang kapit niya sa bewang ko habang iginagaya niya ako papalapit kay mareng Andrea.

Halata ang pagtataka sa mukha nilang tatlo, lalo na si mareng Andrea. Ayon sa aking legit source, siya ang kababata at unang girlfriend ni bossing. Hinawakan ko ang kamay ni boss na nakakapit sa aking bewang at nagpa-cute sa kanya. Nakita ko ang ginawa niyang pagngiwi at mabilisang tinanggal ang kamay ko.

Ang arte ng gago! Akala mo naman kung sinong gwapo.

Naupo ako sa tabi ni Andrea na may malungkot na mukha. Agad na nagpang-abot ang aming mga paningin dahil nakasandal na siya ngayon sa headboard ng kama.

Binigyan ko siya ng aking basic innocent smile. "Ako nga pala si Tyga, you don't know me pero kilalang-kilala kita. Francis talked about you a lot. Natutuwa akong makilala ka sa wakas, Andrea."

Ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang maputing kamay at bumuntong hininga. "I'm sorry If I couldn't do anything for you. Hindi ko man lang magawang masuklian ang mga ginawa mo para kay Francis." Ang malungkot kong sabi sa kaniya.

Mahina siyang tumawa at umiling. "No, walang-wala nga ang mga nagawa ko para..haa..sa kanya sa mga naitulong niya sa akin."

Tumigil muna siya saglit para umubo. Akala ko iuubo na niya palabas "I even broke his heart but I'm glad he found you."

Tumingin ito kay boss na nakatayo sa gilid ko at nakaakbay sa akin. Ngumite siya ng malaki dito at muli na namang natawa. Feel ko knows niya ang pa-live soap opera namin. Pero mukhang bet talaga niyang maging pudra si boss sa anak niya kaya p-in-u-push niya ang acting-an namin ngayon.

"Swerte rin naman ako na nahanap ko siya." Ang mahina kong sabi at humilig sa bewang ni boss.

Hindi ko knows kung anez ang plot nitong drama namin pero bahala na si batman. Kung saan man ito aabot, magpapatangay na lang ako. Pareho kaming nalagay sa isang desperadong sitwasyon at kailangan namin ang tulong ng isa't-isa.

"Then mas lalo akong hindi... Ha... mahihirapang iwan si Frank sa inyo. Because...ha..Francis... Francis chose to be with you. Sigurado akong mabuti kang tao."

Niiyak akong umiling at humawak sa kanyang kamay. "A-Andrea...ano ka ba? You'll live longer. Frank deserves to be with you hanggang ikasal siya't magkaanak. Kailangan ka pa niyang makita."

Ngumite siya't napahikbi. Nanginginig ang kanyang maputlang mga labi at nagsimula na namang mamasa ang kanyang nga mata. Napatakip siya sa kanyang bibig at tuluyan na ngang naiyak. Ay hala. Hindi ko 'to nabasa sa script. Charot.

"Hindi... hindi ko na kaya. Kaya gusto kong...haa...gusto kong kayo ang mag-alaga sa baby ko. Please, help me."

Kahit ngayon ko lang nakilala ang merlat na 'to hindi ko maiwasang malungkot para sa kanya. Feel n Fresh kong gusto pa talaga niyang makasama ang kanyang junakis pero excited much si lord makig-meet up kay merlat. Hays, kidami-dami namang mga demonyo ang pwedeng bungkalin sa gardenia bakit ito pang kasing diyosa ko ang ganda?

"Tita, tito, he's the one I want to be with for the rest of my life. That's why I got worried when you mentioned about marriage. My partner is a guy. We're planning to get married secretly next year pagkatapos kong asikasuhin ang pagbubukas ng hotel namin." Ang paliwanag ni boss Francis sa kanila.

Tumingin ulit ako kay mareng Andrea at nakitang nakangiti siyang natakatitig sa akin. She mouthed thank you noong magtagpo ang mga mata namin.

Aysus, walang anuman, mare. May bayad naman ito.

"I don't care kung babae o lalaki ang papakasalan mo, Francis. I just want you to get married and give my apo a complete family kung sa iyo nga siya mapupunta." Ang kalmadong sabi ng mudra ni mareng Andrea.

Saglit kaming natahimik lahat.

"Okay, we'll get married tomorrow," ang pagsang-ayon ni bossing.

Pagkatapos iyong sabihin ni boss agad na umalingawngaw ang isang maliit at matinis na iyak sa buong kwarto. Napalingon kaming lahat sa maliit na kuna sa isang sulok ng kwarto. Mas malapit ito sa amin ni boss kaya agad akong napatayo para tingnan ito.

"Ako na, ijo," ang sabi ng mudra ni mareng Andrea pero umiling ako.

"Ako na po, tita. Gusto ko po siyang makilala i-if ever na mapunta nga sa pangangalaga namin si baby." Ang nauutal kong sabi sa kanya.

Shuta! Ikaw na bakla. Ikaw na talaga ang best actress ng taon. Sorry, Nadine Lustre. Sa akin muna ang FAMAS ngayon.

Nang makita ko ang kyotatalet sa kuna, hindi ko mapigilang mapangiti. May kung anong humaplos sa puso ko ng tumigil ito sa pag-iyak at ngumite sa akin. Ay! Bet ko na ang kyotatalet na itey! Knows niya talaga kung sino ang diyosa. Yumuko ako at dahan-dahan siyang kinuha mula sa kuna.

"Hey, careful, baka malaglag." Ang nagaalalang paalala sa akin ni boss. "Marunong ka ba?" Ang dagdag niyang tanong na wit kong sinagot.

Ako ba, pinagdududahan nito? Mukha ba akong hindi marunong? Kasi kung oo, tama naman po kayo.

Wit pa akong nakakakarga ng mga kyota sa buong buhay ko. Pero minsan ko na namang na-sight ito sa youtube. Fast learner naman ako kaya keri lang. Practice makes perfect nga 'di ba? Kung malaglag edi gumawa ng iba. Chos!

"He stopped crying," ang manghang komento ni boss. Napansin kong nakatayo na siya ngayon sa aking likuran habang naka-akbay at pinaglalaruan ang pisnge ni baby boy.

Masyadong feeling close si boss. Naku, mga day, pasalamat siya at ramdam ko sa aking likuran ang umbok sa kanyang pantalon. Jockpot na jockpot! MALAKI ang blessing ni lord ngayon.

Tama lang ang ginawa kong pagtulog sa simbahan. Mukhang marami kasing dalang datung si boss. Feel na feel mo talaga iyong umbok sa bulsa ng kanyang pantalon.

Sumandal ako sa kanyang dibdib. Kinakailangang pagkatiwalaan kami ng mudra at pudra ni mareng Andrea para siguradong mapunta sa pangangalaga ni boss ang kyotatalet na itey.

"Ang cute niyang humikab, parang ako. 'Di ba, langga?" Ang malambing kong tanong sa kanya.

"Stop spitting lies, idiot. Nasa harap ka ng bata." Ang bulong niya.

Oo at oo lang naman ang sagot, in-english-an pa 'ko. Palihim ko siyang siniko at naglakad palayo. Umupo ulit ako sa tabi ni mareng Andrea para makita niya ang baby niya. Gusto kong humugot siya ng lakas dito sa kyotatalet niya. Kahit ilang minuto pa lang kaming nagkakakilala, umaasa akong lalaban siya. Umaasa akong lalaban siya kahit mahirap para dito sa cute na cute niyang kyota.

Hindi man ramdam ni baby ang sakit ng unti-unting pagkawala ng mama niya pero ramdam ko. Ramdam ko kasi alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng mama.

"Ang gwapo-gwapo ng anak ko di ba?" Napatitig ako kay mareng Andria.

Tagaktak ang pawis niya kahit sobrang ginaw naman ng paligid. Malalaking butil ng pawis ang namumuo sa kanyang noo. Rinig na rinig ko ang ginagawa niyang malakas na paghinga. Parang humuhugot ito ng hangin. Namumungay na rin ang kanyang mga mata. Rinig ko ang malakas na iyak ng kanyang mudra sa tabi.

Tumingala ako para pigilan ang sariling mag crayola khomeni pero wit ko talaga napigilan.

"He's three months old. I know he's going to be a good kid. He...he's not fussy.." humugot siya ng hininga. "kaya hindi kayo mahihirapang alagaan siya. Please..please let him know about me. Please tell him that I love him. That I tried to win the fight for him. That mommy is watching him always. Tell him I love him. Kiss him every night for me. Please love him. Promise me please?"

Kahit nanghihina ay nagawa pa rin niyang abutin ang libre kong kamay. Sobrang ginaw n'on at namamasa sa pawis. Tumango ako. Dahil nahihirapan akong magsalita. Ang bilis ko talagang umiyak. Masyado akong madrama ngayon. May regla yata ako.

"Promise. Promise ko. Mamahalin ko siya. Mamahalin ko siya kagaya ng pagmamahal mo sa kanya. M-Magpahinga ka na. Pwede na." Ang umiiyak kong sabi. "Ay wait lang pala," ang pagpigil ko sa kanya nang may maalala ako.

"B-Bakit?"

"Wag mo sana akong multuhin, please. Baka sumunod kaagad ako sa'yo." Ang sumisinghot kong sabi sa kanya.

Tumango siya't ngumite.

Nakangiti siyang pumikit ng mata at lumisan sa buhay naming lahat.

Paglingon ko sa aking gilid wala na si boss. Nagmamadali itong naglakad palabas. Hindi magawang makalapit kaagad ng kanyang mudra at pudra dahil pareho silang umiiyak. Muli akong napatingin sa mahimbing na natutulog na babae at sa batang kanlong ko. Inayos ko ang kanyang buhok.

Kamatayan. Tumakas ako sa organisasyon dahil natatakot akong mamatay. Tuwing may pinapatay sa harapan ko mas lalong tumataas ang takot ko. Mas lalo akong hindi makatulog. Mas lalong tumitindi ang bangungot ko.

Pero kahit tumakas ako sa organisasyon hindi ibig sabihin n'on nakatakas na ako kay kamatayan. Balang araw ay haharapin ko rin siya. Pero gusto kong harapin si kamatayan na walang pagsisisi. Gusto ko siyang harapin na handa. At hindi ako magiging handa kung mananatili ako sa organisasyong iyon.

Kailangan ko munang madiligan ng pagmamahal. Hindi ako pwedeng mamatay na mas virgin pa sa coconut oil. Mamatay akong laspag at gamit na gamit ng bebe labs ko!

"Ijo, pwede bang pakibantayan muna ang bata? We'll just... we'll just take care of our daughter." Ang mahinang pakiusap ng mga magulang ni mareng Andrea sa akin. "Doon na muna kayo sa kwarto ni Francis. Nandoon din siya. Just follow Clarisse nalang. She'll take you there, siya na rin ang magdadala ng formula ni Frank."

Mugto ang mata kong tumango sa kanila at tumayo. Sinundan ko ang bagong dating na katulong papuntang somewhere over the rainbow. Tumigil kami sa harap ng isang puting pintuan.

"Dito na po tayo, sir. Gagawa lang po ako ng gatas ni sir Frank at babalik din ho ako."

"Salamat po." Pagkatapos niyang umalis ay doon na ako sunod-sunod na kumatok sa pintuan.

Hindi ko gaanong nilakasan dahil baka maingayan ang baby. Tahimik lang kasi itong nakamasid sa paligid. Hindi ko mapigilan ang sarili na halikan ang kanyang noo. Nalanghap ko pa ang mabango niyang amoy.

"Don't worry, baby. Wiz kang magsisi na ako ang mag-aalaga sa'yo. Aalagaan kita at mamahalin kagaya ng pangako ko sa mudrabels mo."

Napangiti ako ng bigla siyang ngumite sa akin. Lumipas muna ang one hundred years bago kami naisipang pagbuksan ni bossing.

"Mabuti naman boss at—Ay grabe siya!"

Nagulat na lang ako ng hilahin niya kami ng bata papasok. Niyakap niya kami gamit ang katamtamang higpit at parang batang umiyak sa balikat ko.

"Boss..."

Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay lumayo na siya sa akin. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at muling tumindig na para bang walang nangyari.

"Don't think too highly of yourself. Naiyak lang ako sa kapangitan mo."

Pwede bang ipasama ang demonyong to sa kabaong?

-----------------------------------------------------------

Yay! Masisimulan na rin si bhosxzx Francis. Kinailangan ko pong i-edit ang naunang dalawang chapter dahil naloloka po ako sa lenggwahe ni Tyga. HAHAHA. Ayon lang po. Thank you! Stay healthy, keep safe and God bless you always. Labyu ol. Mwuah mwuah. Ciao! (♥ω♥*)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top