19
Tyga Xerxes Mondejar
Dalawang araw na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang lalaking may gray eyes na nagpa-wet ng panty ng lola niyo.
Dalawang magkasunod na Gabi Garcia na rin siyang laman ng aking sweet dreams oh a beautiful nightmare by Beyonce. Unang panaginip ko na nandoon siya ay 'yong araw ng kasal namin. Opo, kasal agad. Wala ng ligaw-ligaw. May sapot na itong keps ko, hindi ko na kayang maghintay pa.
Ang ikalawa naman ay kagabi, magho-honeymoon na raw kami. Yes, sis. Queen T is gettin the D! Aye! Aye!
Okay na sana lahat. Sobrang ganda na dapat ng panaginip ko eh. Ginagapang na ako dapat ako ng bago kong asawa. Pero ang magandang panaginip ko ay bigla naging isang napakasamang bangungot nang makita ko ang chanak ni Satanas na nakatayo sa gilid ng kama habang may bitbit na baril. Nakangiti pa itong pangdemonyo habang nililinisan ang baril niya.
Muli na namang namuo ang inis sa kaloob-looban ko. Kahit saan at kahit kailan panira talaga ng araw ang okinawang 'yon. Hindi ko namalayang napalakas pala ang pagkakapatong ko ng baso sa lamesa.
"Galit ka na niyan?"
Nilingon ko si Gavin nang marinig ang nakakairita niyang boses. Napasimangot ako nang makita ang bitbit niyang platong idadagdag niya sa hugasin ko. Mukha bang dishwasher ang beauty ni akesh?!
"Kung ganiyang mukha ba naman ang bubungad sa iyo, hindi kaya sasama ang loob mo?"
Tumawa siya saka initsa ang plato papunta sa lababo. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumite lang ang gago. Wit na akong nagtaka kung whyness sila mag-friendship ni bossing. Pareho silang mga mapanglait, pakboy at mga yawa. Daks na birds with the same bolbol inez fuck together. Ganerns!
"Iniinsulto mo ba itong kagwapuhan ko? Ni minsan ba narinig mo akong nagreklamo kahit mukha kang anemic na tae ha?! Kahit amoy luya 'yang bibig mo tuwing kinakausap mo ako sa umaga, nakita mo ba akong nasuka?! Hindi! Kasi papatayin ako ng asawa mo."
Napaurong ang ulo ko at napahawak sa aking dibdib. "Grabe ka naman sa akin. Parang nagbibiro lang eh."
"Biro?! 'Yang mukha na 'yan?! Di ka pang-circus, gago. Dapat kang ilagay sa horror house."
Napanganga ako. Unti-unting tumaas ang kamay na nasa dibdib ko kanina papunta sa bibig ko. Namimilog kong tiningnan ang mukha niyang nagmamantika. Kawali ka, gurl?!
"Tsk. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ikaw ang piniling pakasalan ng gago." Ang naiiling niyang sabi bago ako nilagpasan para magtungo sa water despencer.
Napasimangot ako.
"Hindi ko rin naman siya pinili 'no! Akala mo ba ka-gusto-gusto iyang kaibigan mong mas demonyo pa kay Satanas ha?! 'Yong nota lang niya ang daks pero 'yang utak niya mas maliit pa sa monggo! Kahit ilublub pa ako sa nagmamantika mong mukha wititit akong magpapasakal diyan sa kaibigan mong pakboy."
"Baliw! Eh 'di ba kasal na kayo?"
"Peke 'yon. Dami-dami niyang pera para magpa-gawa ng pekeng dokumento sa recto."
"Pero naka-register sa NSO ang kasal ninyo." Napatigil siya saka gulat akong tiningnan. "Sandali, 'di mo ba alam?"
Malakas akong natawa. Akala siguro ng okinawang itey na madadala na naman ang beauty ko sa panggo-good time niya. Like dzuh, disipolo 'to ni Ivana Alawi. Knows na knows ko ang ganitong mga galawan no!
"Bakit naman ire-register ni bossing ang kasal namin sa NSO aber? Eh peke 'yon. Wala sa kasunduan namin 'yan. Saka bakit naman niyo gugustuhing i-register sa NSO ang kasal namin? Hindi pa naman siguro siya baliw para gawin 'yon." Inirapan ko siya. "Tabi nga! Maghuhugas na ako. Kulang ka pa yata sa kain. Kung anu-anong kabaliwan na naman pinagsasasabi mo."
Akala ko titigilan na niya ako. Akala ko lang pala dahil tumabi ito sa akin at sumandal sa lababo.
"Tawagan mo ang NSO," ang utos niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Tapos ano? Ipapahiya mo 'ko? 'Yoko nga! Ano 'ko uto-uto? Utot mo!"
Nagkibit-balikat siya. "Ikaw rin. Basta sinabihan na kita," aniya bago niya ako iniwan doon na pasipol-sipol.
Inis kong itinapon sa basurahan ang mga plastic na ginamit nila kanina.
"Ikaw rin. Basta sinabihan na kita nyenyenye. Ako pa talaga lolokohin niyong dalawa ni bossing."
Dumampot ako ng isang plato doon at nagsimulang magsabon.
Pagkatapos kong maghugas ng mga mga plato, kutsara at iba pang ginamit namin kaninang tanghalian nakita ko na lamang ang sarili na nasa loob ng kwarto namin ni Frank.
"Frank, gusto mo ba gumala ngayon?" Ang humihikab kong tanong sa kanya habang nakahiga sa kotson naming nakalatag sa sahig.
Kung sa labas mo titingnan, parang simpleng kwarto lang ng bahay kubo itong kwarto naming dalawa pero kung papasok ka... wala. Simple pa rin siya.
Pero may mini portable aircon kami dito. Gusto pa sana ni bossing na iyong aircon na malaki talaga ang bibilhin pero hindi ako pumayag. Maginaw na kasi dito tuwing gabi at saka mahangin naman sa umaga.
"Ganito mo ba tratuhin ang taong nag-alaga sa iyo ng tatlumpong taon?! Nakapag-asawa ka lang kakalimutan mo na kaagad ako?! Anong klase anak ka, Starla?" Ang pagdra-drama ko dito.
"No, Stawla, papa. Am Fwanco Ak Wawis!" Ang pagkontra niya. Tinuturo pa niya ang sarili habang nagsasalita.
Nakaupo siya sa gilid ko habang kinukumpuni ang sirang electric fan ng kapitbahay. Oo, pinagtra-trabaho ko na siya. Total hindi ko naman siya mapapakinabangan mas mabuti pang pagtrabahuin siya sa murang edad.
Napa-upo ako sa aking hinihigaan nang umihip ng malakas ang hangin sa labas. Napa-sign of the cross tuloy ako bigla.
Joke lang 'yon mareng Andrea. Kung nasaan ka man ngayon, maayos kong binabantayan itong chikiting mo. Papa-obesse na nga siya sa sobrang pag-aalaga ko.
Napa-stop in the name of love ang peg ko nang tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko ang tumatawag at pinaikot ang mga mata. Ang yawa lang pala.
Tumigil sa paglalaro ang kyotang si Frank at ngumise sa akin. "Daddy!"
Tinignan ko ang screen ng cellphone ko pagkatapos ay ang kyotang nangingislap ang mga Tanner Matang naka-sight sa gandang dalaga ko.
Napabuntong hininga ako.
Binitiwan niya ang hawak-hawak na laruan para gumapang papunta sa akin. Inangat ko siya mula sa sahig saka kinandong.
Ini-swipe ko ang arrow para ma-accept ang tawag. "Thank you for calling Jollibee Delivery!"
"Jollibee?" Halata ang pagkalito sa boses niya. Mas lalo tuloy nademonyo
"To ensure quality, this call will be recorded, and the information will be used for future ordering and delivery transactions. Please stay on the line if you agree. Otherwise, you may choose to end this call. To order, press o-"
"Tangina mo, gago!"
"Tanamo, gago!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang kyota kong nagmumura.
"Nababaliw ka na ba?!" Ang bulyaw ko sa kabilang linya. Anong karapatan niyang lumutan ang utak ng anghel ko?! Apelyido niya lang dapat ang nakuha ni Frank, hindi iyang ugali niyang mahirap i-spelling-in.
"Fuck-I mean, duck! Shit. Did he hear that?"
"Fuck! Shit!" Ang tuwang-tuwang pag-uulit na naman ni Frank sa sinabi ni bossing. "Fuck! Shit, Daddy!"
Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Pilit kong pinakalma ang sarili saka ngumite. Pagdilat ko ng mga mata, napatili pa ako ng makita ang repleksyon na nasa salamin. Akala ko ka kasi si Janella Salvador. Ako lang pala.
"Let's change to video call." Hindi niya ako hinintay na makasagot at agad na pinatay ang tawag. Binuksan ko iyong skype ko para hintayin siyang tunawag.
"Frank," ang pagtawag ko sa kyotang nakasandal na ngayon sa dibdib ko habang hinihintay namin ang tawag ni bossing.
"'Wag mo na sabihin ulit ang fuck, shit, tangina at gago. Those are bad words. Bad. Words. I-cook ni papa iyong mga chicken mo at iyong daddy mo kapag sinabi mo 'yon again. Okay?" Ang seryoso kong tanong sa kanya.
"Cook? Tweken and daddy?"
"Yes, tapos ipapakain ko sila kay Mr. Lion. Gusto mo 'yon?"
Ngumuso siya't umiling. "Ayaw, papa. No mow bad words. I'm sorry."
Ngumite ako at saka siya niyakap. "Okay lang 'yan no! Babies, papa, daddy and everyone makes mistake. You have to learn from your mistakes so you won't do it again. Okay ba 'yon?"
"Okay, papa." Hindi ko alam kung na-getching niya ang wisdom tooth ko kanina. Bahala na siya, malaki na naman siya. Kaya na niya 'yan. Char!
Tumunog ulit ang cellphone ko hudyat ng paparating na tawag ni bossing sa akin. May pag-aalinlangan ko iyong tinanggap. Like duh, sinong hindi? Makakaharap ko lang naman ang chanak ni Satanas for the very first time after 100 years. Yes, po, opo, it's your ancient multilingual barbecue queen Tyga in the bamboo hut. Skirt! Skirt! Chour! Dami ko na palang credentials, pamigay ko nalang 'tong iba kay Doc Weparam.
"How are you, buddy?" Buddy?! Two years lang kaming nawala nakalimutan na niya kaagad ang pangalan ng kyota niya? My ghad, ha. Sasampalin ko talaga siya ng birth certificate ni Frank pag nagkita kami para matandaan niyang may anak pa siya.
Baka hindi na kasi niya naibalik ang memorya niya n'ong nagpunta siya ng Hawaii kasama ang babae niya.
"Am fine, thank you, daddy," ang malambing na sagot ni Frank habang nakasandal pa rin sa dibdib. Sinundan niya ito nang matunog na paghikab.
Mahinang natawa si bossing nang makita iyon. Ang plastic, sis.
"I still can't believe it. You were very small the last time I saw you, but look at you now. Wow," ang sabi ni bossing. Halata ang pagkamang Hindi ko alam kung tama ba itong nakikita ko: Naiiyak siya. "You look exactly like your mom."
"Mommy? Mommy Andy?"
"Yes, your mom."
Kilala ng chikiting ni akesh ang mudrabels niya. Kahit wit kaming closeness ni mareng Andrea, tinutupad at tutuparin ko pa rin ang hiling niya. Matalinong kyota si Frank kaya hindi ako nahirapang ipakilala si mareng Andrea sa kanya. Pinapaalam ko sa kanya gabi-gabi kung gaano siya kamahal ng mama niya at hindi ako mapapagod na sabihin iyon sa kanya hanggang sa tumanda siya.
Hindi naman ako mahilig sa bata at wala akong alam tungkol sa kanila pero kay Frank parang may nabuong koneksyon sa aming dalawa sa dalawang taon naming magkasama. Siguro dahil pareho kaming wala ng mama. Siguro dahil ayaw kong mangyari sa kanya ang pinagdaanan ko. Walang nagbigay sa akin ng proteksyon nang mawala ang mama ko. Walang gustong pumrotekta sa akin kasi ganito ako. Kahit ang papa ko. Kahit ang lolo at lola ko.
Tanggap ko 'yon. Tinanggap ko ang lahat-lahat kahit masakit. Hinayaan ko silang nakawin ang kalayaan ko sa pag-aakalang tama sila.
Sana nakabayad na ako.
Siguro naman sapat na ang mahabang panahong pananatili ko sa sindikato. Sapat na siguro 'yon para magkaroon akong karapatan na maranasan ang kalayaan. Sapat na siguro iyon para maprotektahan ko ang batang ito mula sa mundong iyon.
"Mommy pwetty."
"You're right. Your mom was pretty." May malambot na ngiteng naka-pinta sa mukha ni bossing habang sinasabi iyon.
"Frank pwetty."
Malakas na natawa si bossing. "Yup, you're very pretty."
"Papa pwetty too. Papa pwetty, daddy?"
Napataas ang kilay nito nang marinig iyon. Hindi ako nagpakabog. Tinaasan ko rin siya ng on fleeck kong kilay. "Mondejar, hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag mong tuturuang magsinungaling ang bata?"
Taas noo akong ngumite sa kanya. "Hindi nagsisinungaling ang mga bata. Hindi ko naman kasalanan kung ang pangit ng taste mo, bossing."
"Hindi ko rin kasalanan kung pangit ka."
Ako naman ngayon ang natawa sa kanya. "Ito? Itong mukhang 'to? Ha! 'Di mo ba alam na maraming tumatawid ng sapa at umaakyat sa mabatong bundok para lang ligawan ako? My Goodness ha."
"Hindi ba't sinabi ko sayo na huwag kang magpalipas ng kain? You're talking crazy shits again."
"Sige lang. Insultuhin mo lang itong kagandahan ko. Kapag ako pinakasalan ng crush ko, who u ka sa akin."
"Asa ka namang may magtatangka pang patulan 'yang mukha m-"
"Francis? Francis! Look at your secretary oh. Ayaw akong pasukin."
Parang biglang binalot ng masamang hangin ang buo kong katawan ng makita si Tana Kwan. Twenty-three years old, dating escort aka pokpok sa Taiwan.
"Tyg--" Hindi ko siya pinatapos magsalita at pinatay ang tawag.
Ako na ang maga-adjust. Nakakahiya naman sa kanila. Baka maabala ko pa ang meeting nila.
"Daddy no more?" Ang tanong ng junakis ko habang nakatingala sa akin.
Hinaplos ko ang kanyang pisnge at matamis na ngumite.
"Wag kang mag-alala, anak. Hahanapan kita ng ibang tatay. Ilan ba gusto mo?"
---------------------------------------------------------
SA WAKASSS!!!!!!! NAKAPAG-UPDATE RIN. HAHAHAHAHA. I'm sorry kung ganito po lang po 'yong update ko HAHAHA. Ewan ko. So ayon nga po, let us all pray for the victims of bagyong Ulysses. Hindi po biro ang pinagdadaanan nila ngayon. Your donations are well appreciated din po. No matter how small or big your donations are malaking tulong na po ito para sa mga kababayan natin. Ayon lang pooooo!!!! Thank you ol! Stay healthy, keep safe and God bless you awlyas po. Mwuah mwuah! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top