17
TYGA'S DICKTIONARY
Merlat-babae
Okinawa-lalaki
Otoko-lalaki
Anda-pera
Junakis-anak
Sisteret- kapatid na babae
Bet-gusto
Baluret/balur-bahay
Na-sight- nakita
Waley-hindi
Wititit-hindi
Borta-malaki ang katawan
Tyga Xerxes Mondejar
2 years later...
"BANANA CUE! BARBECUE KAYO DIYAN MGA SUKI!" Ang sigaw ko kahit may nakatapat ng lapel sa bunganga ko. "OH WAG MAG TUTULAKAN! LAHAT MAKAKAHALIK-ESTE MAKAKABILI! HOY! HOY! ANO 'YAN HA?! BAWAL MAGNAKAW NG HALIK, MARIEL! MALANDI KA TALAGANG MERLAT KA. MAY CHARGE KA NG LIMANG PISO. BAWAL SEXUAL HARASSMENT DITO. THANK YOU, NEXT!"
Tagaktak ang pawis ng lola niyo habang nagpapapaypay dito sa lutuan ng barbecue. Napaubo pa ako nang lumakas ang usok na nanggagaling sa lutuan.
Wala na! Sirang-sira na talaga ang beauty ko nito.
Bakit ba kasi kailangan pa naming magtinda?! Ano bang iniisip nang walangyang si bossing at sa halip na itago kami sa kasulok-sulukan ng Negros Occidental ay heto at pinapatinda kami.
Naghihirap na ba sila ng angkan niya?
Inubos siguro ng okinawang iyon lahat ng anda niya sa mga pokpok niya. Nakalimutan niya yatang may ginagatas pa kaming walong anak.
Four months ago, nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya sa unang pagkakataon. Tumawag lang siya sa akin para sabihing magtinda ako ng barbecue at banana cue. 'Di ba? Ang galing. Ang galing-galing. Mula sa pagiging ama, yayo, ngayon naging manager naman ako ng negosyo niya. Nahiya pa siya. Sana pinag-CEO na lang din niya ako.
Dalawang taon na ang nakakalipas simula noong ipinadala niya kami dito sa Negros Occidental. Inihatid kaming dalawa ni Frank ng tito niya dito sa Negros. Pagdating namin dito, sa bahay ng isang Adoracion Flores aka Lola Doring na kami tumutuloy. Simula rin n'on ay iba na ang ginagamit naming pangalan at pagkatao.
Mula sa Tyga Xerxes Mondejar-Juariz, ako naman ngayon si Kenneth Flores, ang apo ni Lola Doring na nanggaling sa Isabella. Kasama ko ang junakis ng sisterit ko sa pag-uwi ko dito matapos siyang ma-dedz.
Walang bonggalicious na balur, walang magagarang sasakyan, pero kasama pa rin namin ang aking mga ka-julalay na sila Niña, Maribel at syempre ang baklitang si Charlotte na walang ibang ginawa kung 'di ang manlibre ng mga tricycle driver.
Kasama rin namin ang iba pang dalawang bodyguard na umaakto bilang asawa nila Nińa at Maribel. Pero mukhang hahantong yata sa totohanan ang pagpapanggap ng mga malalantud na 'to. Kagabi kasi nahuli ko sila Maribel at Ignacio na nagchu-chukchakan sa may manggahan.
Natigil ako sa pagpapaypay ng barbecue nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Hinugot ko ito mula sa bulsa ng suot-suot kong apron at saka sinagot ang tawag.
"Hello, la? Bakit po?"
"Hello, ijo? Mag ga-gabi na. Bakit wala pa kayo dito? Hinahanap ka na nitong anak mo."
Napakamot ako ng ulo habang nililibot ang paningin sa inuupahan naming pwesto. Puno ng tao ang mga lamesa at may mga pumapasok pa.
"Iwanan mo na ang mga 'yan kina Niña. Ano ba kasing iniisip ng asawa mo't pinagtratrabaho ka pa niya. Bilisan mo at baka magwala na naman 'to."
"Hayaan niyo na, la. Hindi naman siguro mahal ang magpakulam."
"Ewan ko sa iyong bata ka. Umuwi ka na nga lang dito." Pagkatapos niyang sabihin 'yon hindi na niya ako hinayaan pang makapagsalita, pinatay niya kaagad ang kabilang linya.
Feel na feel ko talaga ang pagmamahal ni lola sa akin. Parang gusto kong maiyak ng panyawan liniment oil.
Tinanggal ko muna ang suot-suot kong apron bago ako nagtungo sa may cashier kung saan tumatambay si Niña na abala sa pakikipaglandian kay Alfonso, ang isa sa bodyguard na ipinadala ni bossing.
"Niña, gogora na si akesh. Pakip-" Sarkastiko akong napangiti nang ma-sight kong wit pa lang nakikinig sa akin ang merlat na itachi. "Bakla ka! Mamaya na kayo maglaplapan ni Alfonso. Maawa ka naman sa aming mga single. Puro na lang kami dasal at paganda."
Naiiyak pa akong napatakip sa aking bibig nang ma-realize kong hindi rin pala ako nagdadasal. Mabuti na lang may natira pang ganda. Kaya keri lang.
Sa awa ng Diyos pinaghiwalay niya rin ang mga magkasugpo nilang nga mga labi. Napangiwi ako nang makitang may laway pang tumulo sa lupa. Juice ko naman. Laway lang?! Sa akin nga tamod. Charot! Sunsilk pala 'yon.
"Yes po, madam Minchin! Ako na ang bahala sa kaharian ninyo."
Pangite-ngite lang ang gaga nang lagpasan niya ang ganda ng lola niyo. Hmp! Kapag ako nagka-jowa. Who u kayo sa akin. Isasampal ko sa pagmumukha ng mga bruhang itey ang isang puno ng saging na may puso. Para damang-dama nila ang pagmamahalan namin.
Pagkalabas ko ng pwesto namin, agad na hinanap ng mga mata ko ang baklitang si Charlotte. Naningkit naman ang mata ko nang makita siyang naka-standing ovation sa harap ng isang tricycle habang napapalibutan ng mga papables na tricycle driver. Kung hindi ko lang knows kung sinetch ang pokpok na itey baka aakalain ko ring isa siyang real na real na bortang okinawang friendship lamang ang habol sa mga otokong tricycle driver na itey.
Pero wititit! Hindi niya malilinlang ang reyna ng mga sirena.
"Charles! Alis na tayo!" Ang sigaw ko sa kanya sa normal na tono.
Tumingin muna siya sa direksyon ko para tingnan kung sino iyong tumawag sa kanya. Nang makitang ang diyosa niyang friendship ang tumawag sa kanya syempre....
Syempre hindi niya iyon pinansin!
Hindi ako makapaniwala niya kaya niyang ipagpalit ang pagkakaibigan sa akin para lang sa mga lalaki niya. Matapos kong kalabanin at patayin si Jafar para sa kanya ganito ang gagawin niya?! Lapastangan! Sana hinayaan ko na lang siyang makain ng mga hyena. Si Mufasa na lang sana ang sinalba ko.
"Hoy!"
Tumingin siya sa akin at saka sa mga tricycle driver. Nakahalukipkip akong naghintay sa kanya na makalapit sa second hand na motor namin.
Nagmamadali siyang lumapit sa akin at tumabi.
"OMG, beks! Na-sight mo ba 'yong ginawa sa akin kanina ni Ernesto my love? Tinapik lang naman niya ang braso ko. Tinapik niya, gurl!" Ang tuwang-tuwa niyang bulong sa akin.
"Tinapik? Pwede be, Selene? 'Wag ka ng umasa pa. Tinapik ka niya kasi mukha kang malaking langaw na may ulo."
"Bakit ba ang sama mo sa akin, Margaux? Ano bang ginawa kong kasalanan sa iyo?! Hindi pa ba sapat na napunta na sa iyo ang Memorata?!"
Iba talaga ang naging epekto ng pagma-marathon namin kagabi ng Ina, Kapatid at Anak sa youtube. Nadagdagan na naman ang aming script. Feel ko nga mahihiya na sa amin si Kathryn Bernardo sa dami naming roles. Like hello? Kapag sineryoso ko to, baka hindi na mag-awards night ang FAMAS. Baka ipapa-LBC na lang nila lahat ng mga tropiyo sa balur ng lola niyo.
"Hindi. Bilisan mo na at paandarin ang karuwahe. Hinihintay na ako ng mahal na prinsipe."
"Pero, Cinderella..."
Itinaas ko ang aking palad sa harap ng kanyang mukha.
"Stop! In the name of love. Wala ng pero-pero, Hercules. Tayo na."
Wala ng nagawa si Charlotte kung hindi ang sumampa sa second hand naming motor. Ako ang sunod na sumampa dito. Inabot niya sa akin ang helmet ko at saka pinaandar ang motor.
Matapos naming tawirin ang mababaw na sapa at maakyat ang mabatong bundok, narating namin ang may kalakihang bahay kubo ni lola. Natanaw ko sa bintana ang junakis kong si Frank na nakadungaw sa bintana. Lumubo ang bawat gilid ng pisnge niya habang ngumunguya. Katabi naman niya si lola na nakapatong ang isang siko sa hamba ng bintana, nakaharap siya kay Frank na may hawak-hawak na plato.
"FRANK! NANDITO NA SI PAPA!" Ang masaya kong tawag sa aking junakis habang kumakaway gamit ang dalawa kong kamay.
"PAPA! PAPA! PAPA!" Ang tuwang-tuwang sigaw ng junakis ko kahit may pagkain pa sa bibig niya.
Akala ko nagka-totoo na 'yong Cloudy With a Chance of Meatball kung saan biglang umuulan ng pagkain. Mga pagkain lang pala 'yon mula sa bibig ni Frank.
Naunang umakyat ng bahay si Charlotte dahil gusto daw niyang magpahinga. Masyado daw naming siyang pinagod ngayong araw.
Hindi ko alam kung anong pinuputok ng butse ng gagang 'yon. Eh wala naman siyang ginawa kung hindi ang tumayo sa may paradahan ng tricycle habang bitbit ang isang tray ng banana cue. Akala siguro ng gaga, ayuda 'yong banana cue. Pinamigay ba naman sa mga driver.
My gosh ha! Buti sana kung nakuha niya ang number ni Louis, iyong chopopong driver ng pinaka-bonggang tricycle dito. Pero waley! Puro lang siya pamigay ng banana cue. Kapag ako napuno sa baklitang 'yon, siya ang isusunod kong ipri-prito.
"Papa, toto! Wan toto, papa." Tumakbo papunta sa akin si Frank at saka yumakap sa binti ko pagkapasok at pagkapasok ko pa lang dito sa bahay.
"Umuwi ng maaga ang maganda mong papa tapos puto ang una mong hanapin? Para saan pa't dinala kita sa sinapupunan ko ng siyam na buwan? Pina-dede, pinagpuyatan, pinakain kita ng maayos tapos puto lang ang una mong hahanapin sa akin?" Ang madrama kong tanong sa aking anak. Tinakpan ko pa ang bibig ko at tumingala sa bubong naming may nakatambay na isang battalion ng butiki.
Marahan kong tinanggal ang kanyang kamay mula sa pagkakayapos sa binti ko. Naupo ako sa kanyang harapan at saka naglumpasay ng higa sa sahig.
"Papa, sowwy, sowwy. Gib papa one toto and one toto fo Fwank. Am sowwy. Awabyu, papa," ang malambing niyang sabi sa akin habang mahinang sinasampal ang mukha kong nakasalampak sa sahig na yari sa kawayan.
Marahan kong hinawi ang kanyang maliit na kamay. "Hindi, Frank. Salamat na lang sa lahat. God bless."
"You welcome, papa." Puno ng lambing ang boses niya. May matamis na ngite pang nakaukit sa mga mapupula niyang labi.
Ngumite ako ng malaki at saka siya hinila papalapit sa akin. Mahigpit ko siyang niyakap at saka hinalikan ang mataba niyang pisnge.
"It's a prank, sis!" Ang anunsyo ko bago siya sinimulang kilitiin.
Pero hindi iyon nagtagal dahil may matigas na bagay ang humampas sa balikat ko.
"Aray naman!" Binigyan ko ng isang masamang tingin ang lalaking nambugbog sa akin.
"Baliw! Kumakain 'yong bata. Hindi ikaw ang naglilinis ng suka niya kaya wag mong kilitiin."
"Bakit ka ba kasi nandito ha?! Wala ka namang silbi dito sa bahay kaya dapat lang na maglinis ka ng suka. " Ang pabulyaw kong tanong sa may sayad na si Gavin, ang kaibigan ni bossing slash tito ni Frank.
Siya ang inutusan ni bossing na mag-ayos at maghanda ng tutuluyan namin dito sa Negros. Dating yaya ng classmate niya si lola Doring. Nakilala niyo ito nang minsan silang nag-party sa baluret na pinagtra-trabahuan ni lola.
Naging close sila noong binayaran niya ang bill ng hospital ni nanay pagkatapos nitong mawalan ng trabaho. Siya rin ang nagsusustento kay nanay buwan-buwan dahil matagal nang namatay ang dalawang anak ni lola. Wala rin naman itong mga apo.
"For your information, I'm not here on my own will. I was blackmailed by your goddamn husband to check on you."
Nalukot ang mukha ko nang sabihin niya ang salitang husband. Yong husband ko kasi ay nakaprinta ngayon ang mukha sa telebisyon katabi ang mukha ng kanyang kabit.
"Daddy!" Ang masayang tili ni Frank habang tinuturo ang dakilang yawa.
"Naging matunog ang pangalan ni Tana Kwan sa social media matapos itong makunan ng litrato kasama ang isang kilalang businessman sa airport ng Hawaii. Matatandaang itinanggi ng fashion guru at model ang tungkol sa pagkakaroon ng relasyon sa isang non-showbiz guy. Sa ngayon wala pang nilalabas na statement ang panig ng d-" Hindi ko na hinintay pang matapos ang balita at walang sabi itong pinatay.
Pinabilog ko ang aking mga mata at pinanganga ang aking mga labi. "Ay hala, sorry! Nadulas ang kamay ko. May peste kasi kaya pinatay ko."
Binigyan ko sila ng isang matamis na ngite bago tumayo. "Magpapalit lang po ako ng damit saglit, la."
Binigyan ako ng isang nag-aalalang tingin ng lola pero isang ngite lang ang isinukli ko sa kanya.
Like duh?! Ano namang pake ko kung may jowa siya? Wala namang bago doon. Dati ko pa namang alam na isa siyang dakilang pakboy na masyadong mapagbigay ng tamod.
Bakit ako magiging apektado? Crush ko ba siya?! Myghad, no! Sa ganda kong 'to? Sa kanya lang babagsak? Wititit! Hindi makakapayag si inang kalikasan.
Inilagay ko muna sa ibabaw ng lucky east star kong drawer ang bag at cellphone ko bago isa-isang tinanggal ang mga suot kong damit. Kumuha ako ng ninakaw kong t-shirt mula kay Charlotte sa drawer at nagpalit ng damit.
Wala namang problema sa kanya kapag nilalapagan ko na siya ng listahan ng utang niyang bananacue.
Ha! Maganda lang itong lola niyo pero business minded ito. Magaling akong mag-presyo ng mga droga. Charot! Let it go! The past is in the past ika nga ni mareng Anna.
Tumunog ang cellphone ko nang magsu-suot na dapat ako ng pekpek shorts ko. Dinampot ko ito mula sa pinaglagyan ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Bossing # 24
Umirap ako sa hangin bago ini-swipe sa reject button ang tawag. Nilagay ko rin ito sa silent pagkatapos ay ibinalik sa pinaglagyan ko kanina.
Hindi ako galit. Hindi ko lang siya bet sagutin.
-----------------------------------------------------------
Nahihirapan talaga ako sa baklang 'to HAHAHAHAHA. Isang araw at kalahati din akong na-mental block sa kanya. Mabuti na lang at nakita ko kanina si Mimiyuuuh sa eat bulaga HAHAHAHAHA. Ayon lang po! Thank you po sa pagbabasa. Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤
TYGA'S DICKTIONARY
Merlat-babae
Okinawa-lalaki
Otoko-lalaki
Anda-pera
Junakis-anak
Sisteret- kapatid na babae
Bet-gusto
Baluret/balur-bahay
Na-sight- nakita
Waley-hindi
Wititit-hindi
Borta-malaki ang katawan
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top