16

Tyga's Dicktionary
Chopopo- gwapo
Otoko-lalaki
Daks- malaki ang oh! 10
Tanner Mata- Mata
Akechi-ako
Anez/Anek- Ano
Internet connection- connect
Wit-Hindi/Ni
Wit ko rin knows- Hindi ko rin alam
Majuba- mataba
Junakis- anak
Kyota-baby
Chikiting-bata
Itachi-ito

Tyga Xerxes Mondejar

"Juariz, long time no see, man."

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil sa bagong panauhing sumulpot sa aming harapan.

Ramdam ko ang pagtibok ng aking itlog sa sightness ng bagong chopopo. Matangkad, magulo ang buhok, kalahating afam, at...

Dumapo ang paningin ko sa kanyang pantalon at wala sa sariling napakagat ng ibaba kong labi. Daks na daks! Bet na bet. Tuluyan nang naghugis puso ang mga Tanner Mata ni akechi.

"Gavin, what took you so long?" Ang iritabling tanong ni bossing sa lalaki nang makalapit ito sa amin.

Tinanggal niya ang suot-suot na shades at saka ako tiningnan. Paki-pulot naman po ng panty ko.

Tumikhim ako para pigilan ang sarili na mapatili sa kilig. Wit ako sure kung pwede ko na bang ipakita sa kanya ang aking tunay na anyo. Hindi pa handang kumawala ang buntot ko. Kaya mas pinili ko nalang muna ang magpaka-pormal.

Mamaya na lalandi ang lola niyo kapag nagawa ko ng halukayin ang kanyang buong pagkatao. Ika nga nila, it's better to be late than never. Wag niyo akong tanuningin kung anez ang internet connection. Wit ko rin knows.

"Who is this?" Ang taas kilay niyang tanong habang nakatitig ng mariin sa akin.

Hindi ako nagpadala sa intensidad ng mga titig niya. Maraming mas nakakamatay, nakakatakot, nakakatindig-balahibong mga titig na akong nalagpasan at nalusutan dati.

Maraming mga mata na ang nalinlang sa angkin kong kagandahan. Kahit isa akong duwag, hindi ko maipagkakailang may mga bagay akong natutunan sa pagiging kriminal. Isa na doon ang pananatiling kalmado kahit bet na bet mo ng maihi sa takot.

Pormal akong ngumite sa kanya at saka inilahad ang mga kamay ko sa kanyang harapanan.

"Hi, ako nga pala si Tyga."

Tinitigan niya ang mga kamay kong nakabitin sa eri. Sunod niyang tiningnan ay ang magandang fezlak ng lola niyo. Napasinghap ako nang may bigla akong ma-realize.

Oh em gee. Don't tell me...

You're sorry cause you're not by Rihanna. Harhar!

"Tyga's my husband."

Namilog ang mga mata ko sa sagot sa sinabi ni bossing. Lumingon ako sa pwesto niya. Walang bahid ng kahit anong emosyon ang mukha niya nang sulyapan ako. Pagkatapos niya akong sulyapan saglit ang lalaking na sa harapan ko naman napunta ang atensyon niya.

"Tyga, huh." Unti-unting sumilay ang isang aroganteng ngite sa mga labi niya. "I'm Kendrick Gavin Albert. Have we seen each other before? You look familiar."

Kendrick Gavin Albert. Unti-unting naglaho ang ngite ko. Shuta ka, bakla! Bakit wit mong na-mukhaan ang otokong itachi?!

Naalala ko rin ang pag-uusap nila bossing at tita Shei. Narinig kong binanggit niya ang pangalang Gavin. Hindi ko inaasahang ang okinawang ito pala ang tinutukoy niya.

"Hindi ako sure eh. Baka. It's nice to meet you pala." Ramdam ko ang malakas na pagwawala ng puso ko sa akinh dibdib.

Mga kyota pa kami noong huli kaming magkita kaya imposible sigurong mamukhaan niya ako. Kagaya niya, marami na rin ang nagbago sa akin. Mula sa pisikal na anyo hanggang sa karakter.

"That's enough." Natigil ako sa pag-iisip nang marinig muli ang baritonong boses ni bossing.

"Babe, go back inside and feed the baby first. May pag-uusapan lang kami." Ang sabi ni bossing sa akin bago binalingan ng tingin ang lalaking na sa harapan ko. "Gavin, dinala mo ba 'yong iniutos ko sa'yo?"

Biglang kumati ang chismosa kong kaluluwa nang marinig ang tanong ni bossing. Saglit na kinalimutang ang panauhin namin ngayon. Anek ang chika, beshy?

"Yeah, I did. Natagalan ako dahil sa gagong Vladimir na 'yon. Mom was super upset this morning after seeing the mess he made on her resort. I had to tell her the truth."

Hindi ko na mapigilan ang sarili na hindi makialam. "Truth? Anong truth?"

"That they're after this fat kid," ang sagot niya saka kinurot ang pisnge ng junakis ko.

Aba! Ang kapal naman ng mukha niyang tawaging majuba ang junakis ko. Wala siyang karapatang magsalita ng ganyan sa anak ko. Ako lang ang meron.

"Pwede ba? May pangalan ang matabang 'to kaya huwag mo siyang matawag-tawag na fat kid."

Mapanuya siyang natawa sa sinabi ko.

"Bakit? He's fat. Nagsasabi lang ako ng totoo. Can't you see it with your own eyes? Parang crispy pata na 'yang legs niya."

Pinaningkitan ko siya ng mata at saka siya ini-snub-an.

"Mataba ang anak namin kasi pinapakain namin siya ng maayos ng asawa ko. Francis, lunurin mo nga ang lalaking 'to. Iniinsulto ang anak natin oh!" Ang parang batang sumbong ko kay bossing na tahimik lang na nanonood sa amin.

"APAPAPAPA!" Ang segunda naman ng kyotang si Frank na para bang naiintindihan niyang iniaapi siya ng tito niya. Tinuturo pa niya ang direksyon ng bwiseta namin.

Akala ko kakampihan kami ng hayop na 'to pero pinagtawanan niya lang kaming dalawa ni Francis. Mamaya ka sa aking lalaki ka. Huwag na huwag kang magmakaawang tatabi sa akin mamaya. Char! Wala palang kami.

"I told you to go back inside. 'Di ka kasi nakinig. Masyadong makulit. Sige na, get inside and bring our kid with you. We have something important to discuss with each other."

"Babae ba 'yan?"

Hindi ako nagseselos o nagdududa, okay? Please lang, masyado po siyang nakakadiri. Sinusunod ko lang ang script ni direk. Muntikan ko ng makalimutan na legal wife pala ang lola niyo.

Ngumite sa akin si bossing at saka ako nilapitan. Pinigilan ko ang sarili na hindi masuka nang yakapin niya ako sa bewang at hagkan sa noo. Yucks! Nalawayan ako ng demonyo! I kennat!

Sana hindi mabawasan ang points ko kay bro sa langit.

"I'm bound to you forever. Stop being paranoid. Okay? Ikaw lang ang mahal ko."

Bigla akong kinilabutan nang maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko habang bumubulong siya. Wala sa sarili ko siyang naitulak papalayo nang patakan niya ng halik ang leeg ko. Parang may kung anong gumapang kasi sa balat ko nang gawin niya 'yon.

"Go."

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tinakbo ko na ang lungga namin ng kyotang si Frank. Nanginginig ang mga binti at kamay ko nang maupo ako sa kama ko. Hindi ko nga knows kung wherelalo ko na getching ang lakas para mabuhat ang matabang chikiting.

Pagkatapos kong padede-in si Frank, saglit muna kaming naglaro dalawa. Medyo naging kalmado na rin ang puso ko habang nililibang si Frank ng mga laruan niya.

Hindi namna siya mahirap laruin. Madali siyang natutuwa sa mga makukulay at matutunog na bagay. Tuwing kaming dalawa lang ang naiiwan sa sala, doon kami tumatambay dalawa sa harap ng grand piano. Kapag nagwawala naman siya, pinapatugtugan ko lang siya ng mga simpleng kanta sa piano.

"Bata," sinundot ko ang mataba niyang pisnge. "Magdye-dyeta na tayo pagbalik natin sa bahay. Sobrang taba mo na. Mukhang mas mauuna ka pang magka-highblood sa akin sa lagay mong 'yan."

Tiningala niya ako at sinimangutan.

"'Wag mo kong tignan ng ganyan. Hindi natin matatalo ang panot na si Voldemort kung ganito ka kataba. Sa puntong ito, gagawin ka na lang nilang bala sa canyon. Hindi ko kakayanin. I'm sorry, Santino." Umakto akong humihikbi sa harap niya. Lihim akong nagbunyi nang makitang nanunubih na rin ang mga mata niya. Naka-usli ang ibaba niyang labi.

Sinubukan niyang yumakap sa kamay ko pero mabilis ko itong inilayo sa kanya. Doon na tuluyang kumawala ang mga luha sa mga mata niya.

"Papapapapa..." itinaas niya ang dalawa niyang mga kamay para magpakarga sa akin.

"Aigo, kawawa naman itong baby namin uh-oh. Inaway ka ng daddy Francis? Spank natin si daddy pagdating niya okay? Pati iyong friend niya, sapakin natin. Kawawa itong baby namin tinawag na mataba. Ang cute-cute kaya nito, manang-mana kay papa ang beauty. 'Di ba? 'Di ba?"

Pinaupo ko siya sa hita ko at sinimulang halik-halikan at kilitiin. Nang mapagod siya, pinahiga ko na siya sa kama ko at pina-andar ang portable na aircon.

Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako sa tabi niya kakahintay kay bossing.

"Tyga, wake up." Napaungot ako nang marinig ang nakaka-iritang boses ng amo ko.

"Ano?!"

"Gago, gumising ka na diyan bago kita itapon sa dagat."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtulog. Akala ko umalis na siya sa tabi ko dahil biglang tumahimik ang paligid. Muli akong bumalik sa pagtulog sa pag-aakalang magiging payapa na ang buhay ko. Akala ko lang pala ang lahat. Tama nga siguro ang chikabels nilang maraming namamatay sa maling akala.

Dahil nagising na lang akong nasa ilalim ng tubig. Nakalubog ang katawan ko sa dagat. Nag-hello pa nga sa akin ang mga hinayupak na isda. Nagmamadali akong yumakap sa katawang nasa tabi ko.

"WHAT DA PAK!?" Ang gulat na gulat kong sigaw habang nakayakap sa leeg ng lalaking nahawakan ko. Ramdam na ramdam ko ang matipuno nitong katawan na nakadikit sa akin kahit may saplot akong suot-suot.

"Are you awake now?" Bahagya akong lumayo para tingnan ang hayop na naglunod sa akin.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang ma-sight kung sinetch ang taong ito. Guess who? Syempre sino pa bang ibang hayop ang may maliit na utak maliban dito sa demonyo kong amo?

"PAPATAYIN MO BA TALAGA AKO?!" Ang bulyaw ko sa kanya.

"That's not wha-"

"THAT'S NOT-THAT'S NOT! MAMA MO THAT'S NOT! ANO NA LANG ANG MANGYAYARI SA MUNDO KUNG NATULUYAN AKO HA?! PAANO KUNG MAY PATING PALA SA DAGAT?! PAANO KUNG NAMATAY AKO?! SINONG MAG-AALAGA KAY, FRANK?! VIRGIN PA ITONG BUTAS KO. HINDI AKO PWEDENG MAMATAY NA VIRGIN, BOSSING. SA KAMA KO GUSTONG MAMATAY. SA SARAP KO GUSTONG MAMATAY. HINDI MO NA NGA AKO PINAKAIN, NILUNOD MO PA AKO. WALA KANG PUSO ANG LAKI-LAKI NAMAN NG SAGING MO. PUTANGINA MO. GAGO KA!" Mabibigat ang pinapakawalan kong paghinga habang masamang nakatingin sa kanya.

Bumuntong hininga siya bago minasahe ang kanyang sintido. Ngunit ang seryoso niyang mukha ay agad ding napalitan ng isang mapag-asar na ekspresyon nang marinig ang iyak ng tiyan ko.

"Alright, come on. I cooked you something while you were asleep."

Humalukipkip ako at pinaningkitan siya ng mata.

"Anez?" Ang maldita kong tanong sa kanya.

"Lobsters and Paella."

Lumiwanag ang mukha ko nang marinig ang sinabi niya. Nanaganip ako kanina na niligawan daw ako ng ulang. Isa na pala 'yong pamahiin.

"Arats. Let's go." Nasasabik akong kumapit sa braso.

Pagdating namin doon sa nakalatag na lamesa, napapunas ako ng labi nang makita ang mga pagkain doon.
Hindi pa nga ako tuluyang nakakalapit, langhap na langhap ko na kaagad ang mababango nitong mga amoy.

"Ang daming pagkain. Para sa akin ba lahat ng 'to?" Naupo ako sa harap ng hapag at saka inabot ang babasaging plato sa tabi.

"Baliw, para sa ating lahat ng 'to." Napasimangot ako nang maupo siya sa tabi ko.

"Bakit naman sa tabi ko pa ka uupo? Gusto mo ba akong mawalan ng gana?!"

"Teritoryo mo ba 'to ha? You don't own any shit here so shut the fuck up and eat your fucking food bago ko pa bawiin ang lahat ng 'to."

Mahina kong binangga ang balikat niya. "Suplado!"

"Baliw."

"Demonyo."

"Aswang."

"Pakboy!"

"Adik."

"Sayo."

Kunot-noo niya akong nilingon pero nginisihan ko lang siya. Ew. Assuming!

Itinapat ko ang hawak-hawak na kutsara sa aking bibig at nagsimulang kumanta with feelings.

"Awit sa akin.
Nilang sawa na saking.
Mga kuwentong marathon.

Tungkol sa 'yo
At sa ligayang
Iyong hatid, sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw!

Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita.

Sab--"

Hindi ko na natapos ang kanta dahil isinubo niya sa bibig ko ang isang kutsara ng paella. Shutang ina! Kamuntikan pa akong mabulunan dahil sa dami nito.

Napalingon naman ako sa likuran ko nang maramdaman ang pagyakap ng isang mainit at malambot na bagay sa likuran ko.

Kinapa ko ito at napagtantong isa itong tuwalya.

"You husband asked me to get that for you. You're welcome." Ang sabi ni Gavin nang maupo ito sa harapan namin. Karga-karga pa niya si Frank na pumapapak na ngayon ng apple.

Sunod kong tiningnan ay si bossing na abala ngayon sa pagkain niya.

"Eat. Eat a lot at baka gutumin kayo mamaya sa byahe."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Kayo? Byahe? Ano 'yon?"

"You're going to Negros and stay there for awhile without me. Hindi rin muna ako co-contact sa inyo."

"A-Ano? Ilang linggo kami doon?"

"A year or more. I need to fix things here to give that meaty kid a peaceful childhood. And I need your help to take care and protect him while I'm gone."

Nilingon niya ako at diretsahang tinitigan ang mga mata ko. "I know it will be hard for us, but you have to trust me just as much as I trust you. Do you trust me, 'ga?"

Unti-unti akong ngumite at tumango. Hindi ko pa nakakalimutan ang usapan namin kagabi. Nangako akong tutulungan siya sa maaabot ng aking makakaya.

"Nagtitiwala ako sa'yo."

-----------------------------------------------------------

Oh yeah! O'rayt!!!! Nakapag-update na rin. Next update po ay time skip na HAHAHAHAHA. Nahihirapan po talaga ako sa story nila Tyga dahil sa mga cameo niya sa naunang apat na story. Kailangan kong pagdugtung-dugtungin ang mga kwento nila dahil ayon nga hahahahaha series ito. Pasensya na rin po sa mga errors like mga plot holes, wrong grahams, spelling and many others. I'm still learning po and I have a lot of other things that are occupying my mind these past few days. Ang bulok ko pa pagdating sa time management HAHAHHAHAH. Ayon lang po! Thank you po sa pagbabasa at paghihintay!

Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤💖

Tyga's Dicktionary
Chopopo- gwapo
Otoko-lalaki
Daks- malaki ang oh! 10
Tanner Mata- Mata
Akechi-ako
Anez/Anek- Ano
Internet connection- connect
Wit-Hindi/Ni
Wit ko rin knows- Hindi ko rin alam
Majuba- mataba
Junakis- anak
Kyota-baby
Chikiting-bata
Itachi-ito

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top