14

TYGA'S DICKTIONARY

Borta- Malaki ang katawan
Chopopo- Gwapo
Okinawa/Otoko- lalaki
Betlog -bet o gusto
anez-ano
crayola-iyak
shokot-takot

Tyga Xerxes Mondejar

"Frank's father is the leader of Strannik a Russian organized crime group in the United States. Hindi basta-bastang tao ang lalaking 'yon. I don't know what kind of measures he'll take to hunt down my son but we have to be very careful. Hinahaloghog na nila ngayon ang buong Pilipinas para hanapin si Frank. Hindi magtatagal, susubukan nilang pasukin ang lungga ko." Ang mahabang paliwanag ni bossing habang seryosong nakatingin sa kumikinang na dagat dahil sa buwan.

Hindi ko knows kung anez ang magiging reaction paper ko. Dapat ba akong ma-shook o mag-crayola sheme?

Pamilyar ako sa Strannik dahil minsan ko na ring naka-trabaho ang mga miyembro ng grupong 'yon. Wit na wit ko silang makakalimutan kasi sila ang pinaka-bet kong mga partners in crimes. Mga chopopo kasi ang mga otoko, beshy. Daks pa!

"Kahit naman subukan nilang pasukin ang lungga mo, mahihirapan silang banggain ang pamilya mo. Junakiz ba naman ng demonyo kantiin mo, di ka kaya uurong? Hindi mo kailangang ma-shokot noh!"

Mahina siyang natawa at saka tinungga ang canned beer. Napatitig ako sa fezlak niya. Ngayon ko lang siya na-sight at narinig na tumawa.
Palagi kasi siyang naka-simangot o 'di kaya ay nakangiteng pang-demonyo.

Infairness, gwapo pa rin siya kapag tumatawa. Kung ganito siya palagi siguro magiging type ko na siya. 'Yong mga bortang chopopong okinawa na happy-happy kasi ang betlogs ng lola niyo. Gusto ko 'yong kahit may problema, positibo pa rin ang pananaw sa buhay at nakangiti. Hindi 'yong makikiinom sa ibang bahay, magdro-droga o 'di kaya mambabae. Gusto ko 'yong kahit wala na kaming pambigas at pan-diaper ng mga anak namin masaya pa rin siya. Charot! Sapakin ko pa siya ng bakya, makikita niya.

"Sana nga gan'on lang kadali. Kung sarili ko lang, kaya kong protektahan ang sarili ko. But Frank can't. He can't protect himself from his father's wrath," ang sabi niya at saka nagpakawala ng buntong hininga.

Alas-dyes na ng gabi pero nandito pa rin kaming dalawa sa labas ng tent at nag-e-MMK. Wala kaming masyadong imikan dalawa. Kanina pa kami ganito matapos naming marinig ang putukan sa kabilang isla. Nag-aya siyang mag-inuman kami pero gusto ko pang mabuhay ng matagal na panahon kaya isang litro ng coke ang pinili kong tagayin ngayon.

"Bakit kasi ayaw niyong ibigay si Frank sa tatay niya? Di ko rin naman bet ibigay ang chikiting sa tatay niyang criminal pero 'di ba tatay pa rin siya ni Frank? At saka chika mo na rin ang love story nila mareng Andrea."

Inabot ko iyong box na may lamang pizza at kumuha ng dalawang piraso doon. Sabi ni bossing akin na daw 'to lahat. Hindi talaga ako nagkamali ng piniling amo. The best!

Napapikit ako habang sinisinghot ang amoy na nanggagaling sa pizza na tinanggalan ko na ng mga damo aka bawang, sibuyas at mashroom. Palihim akong kumuha ng pulutang karne ni bossing at saka iyon ipinatong sa pizza ko.

"Love story?" Pakla siyang natawa. "There's no love between the two of them. Andrea truly loved him pero ginamit niya lang ang kaibigan ko. Matapos niyang malaman na buntis si Andrea gusto niyang ipalaglag ang bata. Matapos niyang malaman na nanganak si Andrea, he's looking for my son like a mad hunter looking for it's prey.

Hindi ko hahayaang mapunta ang bata sa gagong 'yon. He doesn't deserve to see my son's shadow. Wala siyang karapatang hawakan kahit isang hibla lang ng buhok ni Frank. Kung hindi niya papatayin ang bata sigurado akong sisirain niya ang buhay nito. I can't let him do that. Not when I'm still breathing. I promised, Andrea. I promised her I'll protect that tiny human. Hindi ko siya kayang biguin."

Habang tinatawag ni bossing na anak niya si Frank, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapakinggan 'yon. Hindi lahat ng bata may amang magmamahal sa'yo ng ganito. Hindi lahat ng bata may amang handang isakripisyo ang lahat sa'yo. Lalo na kung 'yong lalaking 'yon ay hindi mo kadugo o kaano-ano. Masaya ako na malamang nasa tamang kamay si Frank.

I used to have a father like him but he became the father I wished I didn't have. Kaya wish ko lang hindi magbago si Francis kay Frank. Sana kung ano ang nararamdaman niya para sa bata ngayon, hindi ito magi-iba sa papalapit na panahon.

Siniko ko siya sa kanyang gilid para kunin ang atensyon niya. Attention seeker ka, bes?!

Taas kilay niya akong tinignan gamit ang nagtatanong niyang mga mata. Ngumise ako sa kanya at saka tinanaw ang dagat. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa aking binti nang malakas na umihip ang hangin. "Hindi ka nag-iisa. Side kick mo ako kaya ako ang bahala kay Frank habang wala ka. Basta mag-iwan ka lang ng bodyguard, hindi kasi ako marunong makipag-laban. Sa espadahan lang ng mga dila ang kaya ko."

"Gago." Narinig ko siyang mahinang natawa. "Dati kang kasali ng sindikato pero hindi ka marunong makipaglaban?"

Napahigit ako ng hangin at nanlalaki ang mga matang napatingin sa direksyon niya. "P-Paano mo nalaman?"

"I'm just smarter than you." Ang simpleng sagot niya na mas lalong nagpa-intriga sa akin.

Pumihit ako ng upo paharap sa kanya at saka siya tinitigan. "Hindi mo ba ako pinagdududahan? Na baka ispiya ako ng isang sindikato? Na baka traydorin kita? Na baka tauhan ako ng Strannik?"

Nilingon niya ako at seryosong tinitigan sa mata. Hindi ko mabasa kung anong mga emosyon ang naglalaro doon. Ngunit mas madilim ang mga mata niya dala ng gabi at buwan. Mas lalong mapanganib.

"Are you?" Nanayo ang balahibo ko sa boses niya. Mahina, malalim, kalmado pero parang may paparating na delubyo.

Pero sa halip na matakot doon, buong tapang kong sinalubong ang mga mata niya. Gusto kong ipaalam kay bossing na kasangga niya ako. Na tapat ako sa trabaho ko. Na hindi siya nag-iisa sa laban na 'to basta may sweldo lang ako at bahay na uuwian. Char!

"Hindi. Kahit isa kang dakilang yawa, ikaw lang at si Frank ang mga bossing ko. Pagod na akong gumawa ng mga bagay na labag sa kalooban ko. Pagod na akong maging sunod-sunuran sa mga taong halang ang bituka. Mga taong sarili lang naman nila ang iniisip.

Sa'yo, kahit halang ang bituka mo, kahit isa kang yawa, babaero, pokpok, mahangin, maarte, laitero pero daks, pinapakain mo pa rin ako ng masasarap na pagkain. Hindi mo ako ginagawang shooting target. Hindi mo ako nilulunod sa dagat na nakakadina. Hindi mo ako pinapatakbo na may bitbit na mga bomba. Inayos mo ang selpon ko, pinapatulog mo ako sa maayos na kama. Binigyan ng laptop, printer at photopaper. Binibigyan ng sweldo.

Tinulungan mo akong makatago sa puder mo kahit delikado. Kung ito ang paraan para mabayaran ko ang utang na loob ko sa'yo, gagawin ko."

Ngumite siya sa akin at saka sinuklay ang buhok. "I'm not a good guy. Wala akong masyadong pinagka-iba sa mga tao sa organisasyong dati mong kinabibilangan. I have killed people, I have manipulated and used people. I do dirty shits so I could have what I want."

Inirapan ko siya. "Sinabi ko bang good guy ka? Bingi mo naman, boss!"

Napasimangot ako ng makitang wala ng lamang ang bote ng coke. Dahil inuuhaw ako, hinablot ko iyong beer ni bossing na nasa loob ng cooler. Dinilaan ko ang ibaba kong labi nang maramdaman ang lamig nito sa mga kamay ko. Hindi pa ako nakakainom ng beer kasi mabaho. Tuwing inaaya naman ako ng mga kasamahan ko dati na uminom ng beer, tumatanggi ako.
Like duh! Isang baso lang kaya ang ginagamit nilang lahat. Hindi nagsi-sipilyo ang mga chakabels na 'yon noh!

Napapikit ako at napasimangot nang malasahan ko ang malamig at kakaibang inumin. Napaungot ako nang maglandas ito sa lalamunan ko.

"ANG PAIT!" Ang malakas kong reklamo.

"First time?" Napalingon ako kay bossing na ngayon ay nakangisi sa akin.

Sa halip na sumagot ay muli akong tumungga. Sabi ko mapait. Hindi ko sinabing hindi masarap. Hindi naman lahat ng mapait, hindi masarap. Dire-diretso kong ininom ang beer hanggang maubos ang laman n'on.
Inabot ko pa ang tatlong lata ng beer sa tabi niya at tahimik iyong ininom. Meserep nemen pele siya. Tahimik kaming dalawa ni bossing habang inuubos ang mga beer na dinala niya.

Tinapon ko sa direksyon ni bossing ang huling lata ng beer nang mahilo na ako. Malakas akong humikat at saka dumuwal bago sumandal sa balikat niya.

"Bossing," ang tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

Napanguso ako. Nagiging-snobber na naman siya. Arte-arte talaga! Tinulak ko siya gamit ang balikat ko at saka kumuha pa ng isang lata ng beer sa cooler. Masarap naman pala siya kahit mapait at pangit ang amoy.

"Bossing, friends na ba tayo?" Ang tanong ko matapos tumungga nitong mapait na inumin.

"Why would I want to be friends with you?"

"Syempre para may diyosa ka ng kaibigan. Nakakaawa ka naman kung puro iyong mga payaso mong mga babae lang ang kaibigan mo."

"Payasong mga babae ko? What made you think na kaibigan ko sila hm?"

"Ewan ko. Instinct siguro. Alam mo naman kaming mga asawa, malalakas ang pang-amoy namin sa mga asawang mapagtaksil," ang sabi ko sabay dighay. Mabilis kong naubos iyong beer kaya muli na naman akong kumuha.

Bumibigat naman ang mga talukap ng mga mata ko. Muli akong humikab at sumandal kay bossing. Mas lalo kong siniksik ang katawan ko papalapit sa kanya dahil maginaw.

"Asawa?"

Pinausli ko ang aking mga labi at tumango. Bingi ba 'tong si bossing? Kakasabi ko lang eh! Lakas-lakas manglait sa akin na may problema sa paningin tapos siya naman pala itong bingi.

"Hindi ba't mag-asawa na tayo? Ninakaw mo nga 'yong first kiss ko. Bwiset ka! Demonyo ka talagang, hayop ka. Gusto ko 'yong sweet at romantic na first kiss pero nilaplap mo naman ako kaagad. Tapos nilait mo pa ang bibig ko!" Sumipa ako sa buhanginan at naiiyak na sinuntok ang lupa. Hindi ko na maintindihan ang sarili kung ano na ang pinagsasabi ko. Basta bet ko lang na ilabas ang mga hinanaing ko sa pagkawala ng first kiss. "Kasalanan ko ba kung hindi ako nakapag-toothbrush? Bigla mo kong hinila palabas ng kwarto ko. Tapos-tapos sabi mo hindi tayo totoong magchu-chukchakan. Scammer ka! Manloloko! Isa kang hangal! Ipapa-tulfo kita. Makikita mo."

Puno ng hinanakit ko siyang s-in-ight at saka pinaghahampas. "Ibalik mo 'yong first kiss ko! Ibalik mo! Ibalik mo! Shet ka! 'Di porket maraming merlat ang lumuluhod sa'yo para makatikim diyan sa daks mong hotdog gan'on na din ako! DI NGA KITA TYPE! Ang kapal ng bayag mo."

"Argh! Stop! You're spilling my drink all over me!" Ang reklamo niya saka ako sinubukang itulak papalayo sa kanya.

Pero hindi ako sumuko. Para akong tukong kumapit sa kanyang matipunong braso. Kulang nalang iyakap ko rin ang mga binti ko sa kanya.

"Ibalik mo na kasi! UWAHHHHH!!! ILANG TAON KO 'YONG INALAGAAN TAPOS KUKUNIN MO LANG NG GANUN-GAN-ARAY!" Malakas akong napadaing nang mapahiga ako sa buhangin tangay-tangay ang malaki niyang katawan.

"Shit!"

Malakas akong napahagikhik nang makitang basang-basa na 'yong damit niya ng beer. Buti nga sa'yo! Buti nga sa'yo! Magnanakaw! Laitero! Pwe! Ano naman kung lasang luya 'yong bibig ko ah? Pampasarap kaya 'yon ng mga pagkain.

"Ayan! Ang likut-likot mo kasi. Hehe." Ang pang-aasar ko sa kanya. Mas lalong bumigat ang mga talukap ng mga mata ko. Dito na lang ako matutulog. Ayaw ko sa kama. Malayo.

"What are you doing?" Ang bulong ni bossing sa akin.

Ramdam ko ang bigat at init na sumisingaw mula sa malaki niyang katawan habang nakadagan sa akin. Sinampal ko ang mukha niya kasi masyadong malapit sa akin. Mabaho. Pareho sila ng amoy n'ong beer na ininom ko.

"Ano? Ano? Bulag ka ba? Huh? Bulag ka ba? Bingi-bingi nito bwiset. Kita na ngang natutulog 'yong tao eh! Wala ka talagang manners!"

"You're going to sleep? Hindi ba't gusto mong ibalik ko sa'yo 'yong putang halik mo?" Tumatama sa mukha ko ang mainit niyang hininga habang nagsasalita.

Bahagya kong binuka ang mga mata ko para tingnan siya. "Totoo?"

"Hmm. Totoo."

Kasabay ng pagkakakasabi niya n'on ay ang pagbaba ng mukha niya sa mukha ko. Napapikit ako at napayakap sa leeg niya habang dinadama ang mainit niyang labi. Hindi kagaya noong first kiss ko, hindi nagmamadali ang halik na'to. Marahan lang, parang ninanamnam ang bawat parte ng mga labi ko.

Gumapang ang mga kamay ko papunta sa makapal na buhok ni bossing para kumapit doon. Hindi ako marunong humalik kaya sinusunod ko lang ang galaw ng mga labi niya.

Agad kong na-miss ang init ng mga labi niya nang ilayo niya sa ito sa akin. Pareho kaming naghahabol ng hininga nang magkalayo.

"Ayaw ko na. Matutulog na ako," ang sabi ko at saka umayos ng higa. May ngite sa mga labi ko habang hinahayaan ang antok na kainin ako.

-----------------------------------------------------------

Ewan ko sa chapter na 'to. Di ko magetching! HAHAHHAAHAHA. Bahala na po kayong maging judger. Thank you po sa paghihintay. Stay healthy, keep safe and God bless you always po! Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤🌈

TYGA'S DICKTIONARY

Borta- Malaki ang katawan
Chopopo- Gwapo
Okinawa/Otoko- lalaki
Betlog -bet o gusto

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top