13
Tyga Xerxes Mondejar
Wit kong mapigilan ang nanunuyang ngite sa mga labi ko habang naka-sight kay bossing. Kasalukuyan itong hubad-baro at nag-aayos ng tent na buburlugan namin mamaya.
"A-sa-wa ko. Pst! Hoy! Matagal pa ba 'yan?" Ang tanong ko at saka humagikhik. Natawa rin ang kyotang si Frank kahit wit naman niya knows kung anez ang nangyayari sa world.
"Bibilis 'to kapag ikaw ang itinali ko dito." Ang sagot niya habang patuloy pa ring inaayos ang aming tent.
"Pero nakatali na ako sa'yo pa'no na 'yan?"
Tumigil siya sa pag-aayos ng tent namin at saka ako hinarap. Naglalakad siya papalapit sa akin habang nakapamulsa sa bawat gilid ng kanyang board shorts. Nagtaas baba ang tingin niya sa katawan ko tapos sa mukha ko. Nang magkasalubong ang mga tingin namin, agad na sumilay ang isang nakakalokong ngite sa mukha niya.
Inakbayan niya ako kaya dikit na dikit ang katawan niya sa akin.
"YUUUUUCKKKKSSS!!! ANG BASA NG KILI-KILI MO!" Ang nandidiri kong tili habang nakatakip ang mga kamay sa maliliit na tenga ni Frank.
Mas lalo pang tumindi ang kilabot na nararamdaman ko nang higpitan niya ang yakap sa leeg ko. Mas lalo tuloy dumuldol sa fez ko ang nagwe-wet na kili-kili ni bossing.
"GUSTO KO PANG MABUHAY!" Ang sigaw ko habang pilit na inilalayo ang mukha ko sa kili-kili niya.
"Ano pang inaarte mo ha? 'Di ba asawa kita? Sayong-sayo na 'tong katawan ko, lang-ga." Gumuhit ang isang mala-demonyong ngite sa kanyang mukha. Bumaba ang mukha niya sa mukha ko. Tama lang para magtagpo ang tungki ng ilong namin. May kaunting distansya ang naiwan sa pagitang naming dalawa.
"Alam ko namang kanina ka pa takam na takam dito sa katawan ko." Ang mahangin niyang banggit. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa mukha ko.
Kahit walis tingting namang katotohanan ang iniispluk niya, hindi ko pa rin maiwasang pamulahan na parang isang virgin coconut oil.
Ito ang unang beses na nadikit ako ng ganito kalapit sa isang otoko. At iyong bibig! Shuta ka, bes! Amoy pangmayaman. Winner!
"A-Ang kapal naman ng fezlak mo 'no! Di kita type! C-Choserang frog ka!" Shuta ka, bakla. Ayus-ayosin mo naman iyang pananalita mo.
"Really?" Mas mababa ang boses niyang nang tanuningin iyon. Iyong mga tingin naman niya bumaba sa mga labi ko. Parang isang gutom na yawa niya iyong tinitigan.
Mas lalong nag-panic ang aking mga brain cells ng mas lalo pang lumapit ng mukha niya sa mukha ko, iyong isang malong galaw ko lang magchu-chukchakan na kaming dalawa.
"You know..." tuluyan na akong napapikit nang magsalita siya. Shet! Shet! Hahalikan ba talaga ako ng demonyong 'to?!
"ARAY!" Napadaing ako sa sakit nang tuktukan niya ako sa ulo saka pinakawalan. Uubo-ubo pa ako dahil humigpit ang pagkakayakap niya sa leeg ko kanina.
"You should have seen your face! Haha!" Ang tatawa-tawa niyang sabi habang pinagmamasdan ang paghihirap ko.
"GAGO KA! YAWA KA! MAMATAY KA NA!" Kumuha ko ng mga maliliit na bato sa buhangin at saka iyon isa-isang itinapon sa direksyon niya. Nakaka-badtrip ang lalaking 'to.
Sa halip na batuhin ako pabalik mas lalo lang lumakas ang tawa ng gago habang umiilag sa mga batong itinatapon ko sa kanya.
"Masyado pang maaga para ma-byuda ka. Baka sa ibang lalaki mo lang gamitin ang maiiwan kong kayamanan."
Sumayad yata sa lupa ang panga ko matapos kong marinig ang nakakahindik niyang salita.
"KILABUTAN KA NGA!"
Sa halip na sumagot, ngise lang ang iginante niya sa akin at saka ako tinalikuran. Napasipa naman ako sa dagat dahil sa inis.
"Badtrip! Knows ng lumaban ng tatay mo, anak. Kailangan na nating matuto ng panibagong teknik. Kailangan na nating bumalik sa Konoha sa lalong madaling panahon."
Habang hinihintay si bossing na matapos sa ginagawa niyang tent, pina-dede ko muna si Frank. Dahil wala na kaming tubig, iyong tubig na lang sa dagat ang hinalo namin sa gatas. Medyo maalat at lasang isda pero malalasahan mo pa naman ang gatas.
Char! Ilang galong distilled na tubig din iyong pinabuhat sa akin ni bossing kanina para sa chikiting na 'to.
Nakita kong sumenyas si bossing sa akin na lumapit ako. Tapos na niyang itayo ang medyo may kalakihan at bonggalicious na tent. Bumalik na iyong simangot sa kanyang mukha. Bakit ba palagi itong mukhang pasan-pasan lahat ng problema sa mundo? Char! Pasan niya pala problema ng mga kuya niya. Tsk. Kawawang bata.
"Arrange our things inside. Pagod na ako. Pagkatapos mong maglinis magluto ka ng kakainin natin."
Parang bigla yatang napuno ng tutuli ang Earnie Lopez ko nang marinig ang huli niyang utos sa akin.
"Ha? Ako? Magluluto?" Ang tanong ko habang tinuturo ang sarili ko.
Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Who else do you think will cook for me? Si Frank? Are you stupid?"
Napanguso ako sa tanong niya at napakamot ng ulo. "Eh hindi ako marunong magluto."
"What?"
"Hindi ako marunong magluto nga! Bingi-bingi nito!"
Nakapameywang niya akong tinitigan. Iyong titig na gusto akong sakalin, pagpira-pirasohin at itapon sa dagat.
"Give me my son, and get out of my face bago pa tuluyang mandilim ang paningin ko at maitapon ka sa dagat."
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, boom! Karakaraka! Binigay ko na kaagad sa kanya si Frank at patakbong tinungo ang tent namin. Sobrang daming dinalang gamit kanina ni boss, bukod sa mga damit namin at mga gamit ni Frank, nagdala ito ng dalawang sofa bed, portable na aircon, mga gamit sa kusina, mga grocery, generator at napakaraming beer. Wala na yata itong planong umuwi.
Patapos na ako sa pag-aayos ng mga gamit dito sa tent nang makaamoy ako ng pagkain. Wala sa sarili akong napapunas ng bibig. Kaunti pa naman ang kinain kong agahan kanina.
Mabilis kong tinapos ang pag-aayos ng mga gamit sa loob ng tent at saka kinuha mula sa plastic ang mga bagong bili na mga plato at mga kutsara't tinidor. Dinala ko na rin ang baby bag ni Frank.
"Bossing~" Ang tawag ko sa aking amo na abala sa pag-iihaw ng pagkain namin. Naka-on rin iyong butane na nakapwesto sa buhanginan.Mukhang may iba pa siyang niluluto. May silbi din naman pala ang okinawang itey.
Naka-upo sa katabi niyang high chair ang junakis kong si Frank na kumakain na naman po. Opo. Wit na akong magtataka kung magiging obesse ang batang itey.
Hinalikan ko muna sa kanyang ulo si Frank bago inilapag ang mga bitbit kong plato sa nakalatag na banig sa ilalim ng malaking payong ang kutsara at tinidor. Kumuha ako ng isang piraso ng orange mula sa plato ni Frank na nagpasimangot sa kanya.
"Damot-damot naman! Wala kang dede mamaya ha. Char!" Hinalikan ko nalang siya bilang bayad sa ninakaw kong orange at saka rumampa papunta kay bossing.
"Ano 'yang niluluto mo, boss?" Ang tanong ko habang titig na titig sa iniihaw niyang pusit at manok.
"Pagkaing bawal kainin ng mga bulag."
"Hindi ko alam na marunong ka palang magluto, boss. Matalino, gwapo, mayaman, daks tapos ito marunong pang magluto. Patikim nga kung masarap." Akmang aabutin ko na dapat iyong malaking plato na may lamang inihaw na baboy nang hampasin niya ang kamay ko gamit ang tongs na hawak-hawak niya.
"Check the rice, Mondejar." Ang utos niya at saka tinuro iyong butane.
Agad ko siyang inirapan nang talikuran niya ako. Arte-arte! Titikim lang eh. Paano kung pangit pala 'yong lasa di ba?
Binuksan ko iyong kaldero na nakapatong sa butane at napakunot ang noo. Medyo basa pa iyong ibabaw pero wala na namang tubig. Medyo bumubula pa rin siya. "BOSSING! Medyo basa at bumubula! Lalagyan ko ba 'to ulit ng tubig? SAKA HUMINA IYONG APOY! UBOS NA BA ANG BALA NITO?"
Hindi nagtagal, nakarating din siya kaagad sa tabi ko. "Move." Ang utos niya at saka bahagyang yumukod.
Binuksan niya ulit iyong kaldero para tingnan ang kanin. "Bukod sa pagiging pangit, ano pang kaya mong gawin?" Ang tanong niya sa akin nang maibalik niya ang takip doon.
Sa halip na mainsulto, umusbong ang isang nakakalokong ngise sa mga labi ko. "Kaya kong magpatirik ng mata sa kama, bossing. Dahil sa sa-rap."
"Sarap? Sa takot kamo. Sino ba naman kasing hindi hihimatayin sa mukhang 'yan?"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka siya tiningala habang naka-pinta pa rin ang nakakalokong ngise sa mga labi ko.
"Sino? Syempre mga manliligaw ko." Ang taas noo kong sagot sa tanong niya.
Isang mababang tawa ang lumabas sa bibig niya.
"Dream on, babe."
Iniwan niya ako doong nakanganga at blanko ang utak. Babe?? BABE?! WHAT THE FUCK!? Anek ba ang hangin sa islang itey at mukhang iba ang epekto kay bossing?
"Close your fucking mouth! Don't pollute the island!" Ang sigaw niya mula sa ihawan. Agad na kumalma ang brain cells ko nang marinig ang sinabi niya. Akala ko sinaniban na ng masamang isda ang kaluluwa ni bossing.
Habang hinihintay na matapos magluto ang aming kusinero. Inayusan ko muna ang kyotang punong-puno ng pinisang orange ang mukha. Dito sa may banig ko na siya inayusan para maaliw sa paligid.
Hindi man palaging nasa tabi ng kyota si bossing nakikita ko namang mahal niya ang bata. Binibigay niya ang lahat ng pangangailangan nito at ginagawa ang lahat ng makakaya para magpaka-ama. Kahit maarte, babaero at pangit ang kanyang ugali hindi ko naman maipagkakailang isa siyang mabuting ama kay Frank. Kahit hindi siya sanay gumawa ng gatas at magpalit dito ng diaper at damit, nagugulat na lang ako kapag makikita siyang ginagawa ang lahat ng 'yon.
Kaya siguro sa kanya ipinagkatiwala ni mareng Andrea ang bata. Tunay nga siyang mapagkakatiwalaan. Kung ako 'yong na-friendzoned ng ex ko, aba, syempre marupok ako kaya tatanggapin ko pa rin 'yong bata. Chour!
Matapos magluto ni bossing, pinauna niya akong kumain kaya tuwang-tuwa naman ang lola niyo. Akala ko maghihirap kaming dalawa ng anak ko sa camping keme niyang ito.
"Ikaw ang maghuhugas ng lahat ng 'yan pagkatapos mong patulugin ang bata mamaya. Linisin mo rin ang lahat ng kalat. Matutulog lang ako saglit," ang sabi niya saka humikab.
Akala ko lang pala 'yon.
Pagkatapos kong maglinis ng buong paligid. Masaya akong nag-transform sa aking orihinal na anyo. Yes po, opo, isa po akong sirena. Ako ang nawawalang anak ni Ariel at Maui. Walang sawa akong lumangoy sa karagatan kasama ang aking mga hapunan.
Nakasalubong ko pa nga si Dori, mukhang nakalimutan na naman ang daan pauwi kaya ayon hinatid ko na muna sa bahay nila. Ang huli kong bisita sa dagat ay noong pinasama ako sa team building ng organisasyon namin.
Nakaka-bwiset lang iyong pa-games ng leader namin. Kahit hindi ko naman bet sumali, ginapos pa rin nila ako ng mga kadena. Paunahan kami ng hanap sa mga susi na nasa ilalim ng dagat para makawala. Libingan at butas sa ulo kasi iyong prize sa huling makakaahon, buhay naman sa mga mananalo.
Nang maka-ahon ako mula sa paglangoy. Napatigil ako nang makita si bossing na nakahalukipkip na nakatanaw sa direksyon ko. Palubog na ang araw kaya iyon siguro ang tinitingnan niya. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi man lang nito napansin ang papalapit kong presensya.
"Gising ka na, bossing?" Ang tanong ko habang pinipiga ang laylayan ng damit ko. Napayakap ako sa sarili nang malakas na umihip ang hangin.
"Bukod sa utak mo, may sakit ka rin ba sa paningin mo, Mondejar?" Ang tanong niya sa akin. Nakita ko ang saglit na paglandas ng tingin niya sa buo kong katawan bago ito tumigil sa mukha ko.
"Bukod sa ganda at alindog ko, wala naman akong ibang problema sa buhay, bossing." Ang nakangiti kong sagot sa kanya. Nagsimula ng mangatal ang mga labi ko dahil sa sunod-sunod na paghangin.
Bumaba naman ang tingin ko mula sa kanyang mukha papunta sa towel na nakasabit aa balikat niya. Muling nagtagpo ang mga mata namin, pero agad din naman iyong nabali nang itapon niya sa direksyon ko ang towel.
"Get inside and change your clothes. Gisingin mo na rin si Frank para makakain."
Mula sa gulat, unti-unti akong napangiti sa kanyang direksyon. Aysus. Nahihiya lang pala. Alam ko namang unti-unti ka ng nahuhulog dito sa kamandag ko, bossing. Gusto ko pa sana siyang asarin pero baka hindi niy ako pakainin ng haponan kaya pinalagpas ko na lang muna.
"Thank you, boss! Pasok na ako sa loob." May ngite ko siyang pinasalamatan at saka tinalikuran.
Bang!
Hindi pa man ako nakakahakbang papalayo nang marinig ko ang malakas na putok ng baril.
Bang!
Bang!
Para akong natuod sa kinatatayuan nang sunod-sunod ko itong marinig. Nilingon ko si bossing na seryosong tinatanaw ang islang pinanggalingan namin kanina.
"Get inside, Mondejar. Now."
-----------------------------------------------------------
Hi powxszx! Maraming salamat po sa paghihintay hehe. Stay healthy, keep safe and God bless you always powxszx. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top