12
Third Person
"Mommy! I wanna play with Eclaire, mommy. Can I? Can I?" Ang pangungulit ng isang may kaliitang batang lalaki sa ina.
Kung titingnan mo ito, aakalain mong anim na tanong gulang lang ito sa liit. He's already nine ngunit hindi pa rin kayang makipagsabayan ang katawan niya sa kanyang mga ka-edaran. Kahit na may kaliitan siya, hindi naman maikakaila ang taglay niyang pisikal na anyo. Mala-labanos ang kutis niyang hindi nadadapuan ng lamok. Maganda rin hugis ng kanyang maliit na mukha. Nakapwesto ang kanyang mga ma-tsokolateng mga mata, matangos na ilong, at mala-rosas na labi sa tamang lugar. Parang nilaanan talaga ito ng oras ng diyos para ukitin ng buong pag-iingat. It's as if God aimed to create a perfect face from a mortal.
"It's still five in the morning, honey. Mamaya ka na makipaglaro ha? How about you sleep between me and daddy for a little while muna. I missed you a lot." Ang paglalambing ng kanyang ina sa kanya nang mapansin ang kanyang pagkadismaya sa pagtanggi nito. "It's too early for a frown, hon. Give mommy a smile please?"
Hindi naman ipinagdamot ng anak ang kanya ng ngite at bukal sa loob na itinaas ang bawat gilid ng kanyang mga labi. Alam niyang pagod ang mommy niya sa pagluwal ng kanyang kapatid kaya hindi ito pwedeng ma-stress. Isa na siyang super kuya ngayon kaya bawal na siyang maging spoiled at selfish. Nang matapos silang dalawa ng ina sa pagkukulitan, kaagad siya nitong nahikayat na matulog muna sa gitna nila ng kanyang ama.
"Mommy, will daddy stay forever na? He will not leave us again, mommy?" Ang mahina niyang tanong sa ina habang pinapalandas ang maliliit niyang daliri sa maganda nitong mukha.
Ngumite ang kanyang ina sa direksyon niya at saka nito hinawi ang mga buhok na tumatakip sa kanyang maamong mukha.
"Daddy will leave for the last time and then after that he will stay forever na. So you have to be patient, okay? The people needs a hero like your daddy to save them kaya we have to wait for a little while. Is that alright with you?"
Ngumite siya pabalik sa ina at tumango-tango. He understood what his mother meant. Naiintindihan niya rin kung bakit kinakailangang mahiwalay sa kanila ang kanyang ama sa mahabang panahon.
"While daddy is gone, I will protect you and Eclaire, mommy. But," he paused and puckered his lips towards his mother's direction.
"But?"
"But you have to protect me from tita Shei's kiss attack. Why does she always kiss me, mommy? She have kids and and pamangkins naman. Why did she have to bother me?" Magkasalubong ang kanyang kilay habang ikwene-kwento ito sa kanyang ina. Pansin rin ang paglaki ng butas ng kanyng ilong dahil sa inis.
Mahinang natawa ang kanyang ina sa kanya bago nito piningot ang tungki ng kanyang uli.
"That's because you are tita Shei's favorite inaanak. She loves you very very much. You kiss people you like di ba? Kaya k-in-i-kiss ka niya." Ang paliwanag ng kanyang ina sa kanya. Kahit nagbigay na ito ng eksplenasyon, ayaw pa rin niyang hinahalikan siya ng kanyang tita. Dumidikit kasi sa kanyang balat ang malagkit nitong lipstick.
Despite the kisses, ang kanyang tita Shei pa rin ang pinaka may magandandg laruan na ibinibigay sa kanya. Ang huli nitong ibinigay sa kanya ay ang mamahaling violin na binili nito sa Italya. He loves playing it in front of his mom and his baby sister.
Even in front of their graves he will never get tired of playing it.
Tyga Xerxer Mondejar
Habol hininga akong napa-upo sa kama habang habol-habol ang hininga ko. Niyakap ko ang tuhod ko saka isinubsob ang mukha ko doon. Impit akong napa-iyak, iniiwasang magising si bossing o si Frank.
Ilang taon kong pinangarap na sana makita ko ulit ang mama kahit sa panaginip na lang. Alam kong doon ko lang sila pwedeng makita ulit. Ang yakap ng mama, ang maliit na mukha ng kapatid ko. Miss na miss ko na ito. Miss ko na ang dati kong bahay. Miss ko na ang mama. Ang iyak ng kapatid ko. Ang pagkain ng mama. Ang boses ng mama. Nami-miss ko na ang dati kong buhay. Nami-miss ko na ang lahat pero wala na akong babalikan.
Gusto kong bumalik. Gusto kong bumalik at isumbong kay mama lahat ng pinagdaanan ko. Gusto kong isumbong sa kanya kung paano nila ako hinampas. Gusto kong isumbong sa kanya kung paano nila ako pinagpractisan sa baril-barilan nila. Gusto kong sabihin kay mama na hindi ko na siya kayang tugtogan kasi sira na ang kamay ko. Gusto ko siyang makausap ulit pero wala na ang mama ko. Wala na siya. Kinuha na siya sa akin.
Ang bait-bait ng mama ko pero bakit sila ang unang kinuha ng kapatid ko? Bakit hindi nalang ang papa?
Kung alam ko lang na si tita Shei ang makagagawa nito sa akin sana matagal ko na siyang hinanap. Kung alam ko lang na sa ganitong paraan ko pala makikita at mayayakap ulit ang mama sana ginawa ko na. Kahit tuluyan na nilang putulin ang daliri ko sana ginawa ko na.
Natigil ako sa pag-iyak nang may marinig akong ingay mula sa crib ni Frank. Sumilip ako doon at nakitang nakatingin siya pabalik sa akin. Para siyang kiti-kiting gumalaw-galaw sa kanyang crib nang makita ako.
Pinunasan ko muna ang mukha ko gamit ang laylayan ng aking t-shirt bago ko kinuha ang bata mula doon. Tumayo ako at saka tiningnan ang orasan. Alas kwatro na pala ng umaga.
Habang kanlong-kanlong ko siya sa aking bisig naghanda na rin ako ng dede niya. Sisinghot-sisinghot at sisino-sinok akong naghanda ng gatas ni Frank.
Wala na ang dating ako. Kung ano ako noon, habang buhay na iyong nakabaon sa hukay kasama ng mama at kapatid ko. Ako na si Tyga Xerxes Mondejar ngayon. Isang akong batang palaboy. Wala akong magulang. Wala akong kapatid. Wala akong bahay. Wala akong pamilya. Na-recruit ako sa isang illegal na organisasyon kasi desperado akong makakain. Iyon ako. Iyon ang dapat kong paniwalaan.
"You're spilling the water. Wala na sa tamang ratio iyang ginagawa mo."
Napakurap-kurap ako nang marinig ang isang malalim na boses. Lumingon ako sa gilid ko para makita si bossing na papalapit sa akin habang humihikab at nagsusuklay ng buhok gamit ang kanyang mga kamay.
Binuksan niya muna ang ilaw bago niya kinuha mula sa kamay ko ang dede ni Frank. Itinapon niya ang loob n'on sa mini kitchen ng kwarto bago ito muling pinuno ng tubig at milk powder.
"Give him to me. I'll feed him." Hindi ako naka-alma agad nang kunin niya ang bata mula sa akin. Dahil wala pa akong masyadong lakas, walang kahirap-hirap niyang nakuha si Frank mula sa akin.
"Ano... Ako nalang..." Ang pag-alma ko sa kanya kahit ang totoo ay wala talaga akong ganang gumalaw. Gusto ko ulit matulog at baka mapanaginipan ko sila mama ulit.
Tiningnan niya ang mukh ko saglit bago niya ako tinalikuran bitbit si Frank. Muli siyang bumalik sa pwesto niya sa kama at saka inilapag doon si Frank para mapa-dede.
"Why are you still standing there? Patayin mo ang ilaw at matulog ka ulit. Ayokong may pumapalpak sa trabaho. Condition your body because you still have a lot of work to do tomorrow."
May kaunting ngite ang kumawala sa aking labi nang marinig si bossing. Asus. Concern ka lang eh. Hindi ko alam kung narinig niya akong umiiyak o talagang ayaw lang niyang may pumapalpak sa trabaho pero nagpapasalamat pa rin ako. Hindi lahat sinuswerte sa ganitong amo.
Bossing, the best ka!
Muli akong natulog na may ngite sa labi. Akala ko magiging mabait pa rin siya sa akin pagsikat ng araw. Akala ko sinapian na siya ng anghel ng Diyos. Pero legit pala iyong sinabi niyang you still have a lot of work to do.
"WALANG HIYA! Yawa ka! Isa kang impakto! Baliw ka! Ikaw na ang pinaka-demonyong amo sa buong mundo! Shuta ka!" Ang inis kong sabi sa sarili habang bitbit ang tent, ang bag niya, ang bag ko pati na rin ang bag ni Frank.
Wala ngayon si tita Shei dahil may emergency meeting itong dinaluhan sa Cebu City kaya ito, minamaltrato ang lola niyo ng magaling niyang amo.
"May sinasabi ka ba? May reklamo ka ba, Mondejar?" Ang taas kilay niyang tanong sa akin habang kanlong ang tulog mantikang si Frank.
Sarkastiko akong ngumite sa kanya.
May reklamo ba daw ako? Aba'y marami, sir. Kating-kati na ang kamay kong ihampas itong lalagyan ng tent sa kanya. Kung hindi lang niya karga-karga si Frank baka matagal ko na siyang nahampas nito.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang ma-sight ang pagtaas ng isang gilid ng kanyang labi.
"Hey, easy. Hindi naman sa gusto kitang pahirapan. Wala lang talaga akong choice, alright? Alam mo namang ayaw na ayaw kong pinapahawakan ang mga gamit ko sa ibang tao. And as much as I want to help you, this kid won't let me go." Tinuro niya gamit ang kanyang nguso ang kyotang si Frank.
Inirapan ko siya sa inis saka malakas na sinipa ang paa. Hindi niya magawang sumigaw dahil kay Frank kaya hanggang sa masamang tingin lang ang nagawa niya sa akin. Ako naman ang ngumise ngayon sa kanya bago ako rumampa sa kanyang harapan. Hindi si Cinderella si watashi para api-apihin niya lang ng basta-basta. Alagad ako ni Merida, ang rebeldeng kulot na mas magaling pang pumana kesa kay kupido.
"Bakit kasi may pa-camping-camping ka pa sa ibang isla, bossing? Diyos ko naman. May kama na nga tayo't kwarto, gusto mo pang mahiga sa lupa. Kung gusto mong maghirap sana iniwan mo na lang kami ni Frank sa isla. 'Wag kang mandamay." Ang reklamo ko habang nasa kalagitnaan kami ng byahe papunta sa islang pagka-campingan nitong amo kong may saltik sa utak.
Kahit may in-offer namang barko si tita, mas pinili pa rin niyang sumakay dito sa bangka. First time kong sumakay sa ganitong uri ng sasakyan. At hindi ako natutuwa. Sobrang lapit lang namin sa tubig, parang maling galawa ko lang siguradong mahuhulog ako. Hindi ko pa naman knows kung paano sumisid. Matagal na rin simula nang makauwi ako sa karagatin matapos akong bigyan ng paa ni mareng Ursula.
"My schedule's a bit tight so I did not get to do stuffs like this. Isang beses lang akong nakapag-camping. Noong 16th birthday ni Andrea camping and theme ng birthday niya so we camped outside their mansion. I wanted to try it with my friends and girlfriends but our schedules are not that good."
Nakausli ang mga labi ko habang pinapakinggan ang kanyang talambuhay. Hays, nakakaawang bata.
"Stop looking at me like that, you shit!"
Pero sa halip na makinig sa kanya ay mas lalo ko pang pinag-igihan ang pag puppy eyes at pagpausli ng mga labi ko. "Francis, wag ka na malungkot. Hm? Nandito lang si Tyga para maging kaibigan mo. Oki?"
Ngumite ako sa harap niya saka nag-thumbs up. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga at ang sunod-sunod na paglunok. Iyong uri ng tingin na ibinibigay niya sa akin ay 'yong tingin na parang sinusunog at tinutosta na ang kaluluwa ko sa apoy.
"Mr. Mondejar, madali naman akong kausap. Kung gusto mong pumasok sa mental, I can arrange that for you. You'll get the best treatment."
Nawala ang ngite ko sa sinabi niya. Kung may meron mang kailangang ijusok sa krung-krung hospital enez wala ng iba kung hindi siya. Sino ba kasing may maayos na utak ang gustong mag-camping na may pitong buwang sanggol? Nahihibang na ba talaga siyang tunay?! Kung may mangyayaring masama sa kyota, ipapakain ko talaga sa kanya itong tent niya.
"Mondejar, kunin mo muna si Frank." Ang utos niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Patuloy ko pa ring tinatanaw ang malawak na kaharian ni mareng Ariel.
"Fuck. Mondejar!"
Inis ko siyang hinarap nang sigawan niya ako. "Oo na! Oo na!"
Maingat kong kinuha mula sa mga bisig niya ang kyotang na tulog na tulog pa rin hanggang ngayon. Wit na raw itong naka-burlog ulit matapos siyang padede-in ni bossing.
"Mga sir, nandito na po tayo." Ang anunsyo ni mamang bangkero nang tumigil ang bangka sa islang virgin na virgin ang pormahan. Wala kasi akong naaaninag na mga bahay. Mga puno lang ng niyog at mga punong wit ko knows.
"Don't go down yet. Ibaba ko lang saglit ang mga gamit natin."
Napatingin ako kay bossing nang umalog ang bangka. Nauna siyang bumaba gamit iyong hagdanang gawa sa kahoy at saka inilapag ang mga bag namin sa buhanginan. Muli siyang bumalik dito sa bangka at saka kinuha ang kyota mula sa akin.
"Let's go," aniya bago hinarap si mamang bangkero at ang mga apprentice niya. "Pakialalayan sa pagbaba ang asawa ko manong."
-----------------------------------------------------------
Hi guysessss. Supposedly sa chapter 11 dapat iyang third person chuchu hahaha pero parang di bagay kaya dito ko nalang inilagay. Mehehe. Double update bilang pambawi ko po sa mahabang absence. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top