Special Chapter
A DAY IN A LIFE OF A QUADRUPLETS FATHER
Alaric Ian Juariz
"Ian, sigurado ka ba talagang kaya mo? Pwede ko naman silang isama," ang nag-aalalang usal ng asawa ko habang hinahanda niya ang kanyang bag sa kama.
"We'll be fine, sunshine. Siguradong hindi ka makakagalaw ng maayos kapag nandoon ang apat na makukulit na 'yon," ang sagot ko.
I walked closer to him and hugged him from his side. Agad kong inilapit ang mukha ko sa ulo niya at suminghot-singhot doon. His lavender scented hair smell is so damn addicting. Nakakasira ng bait. Parang gusto ko nalang siyang hilahin pabalik sa kama.
"Oki, Ian. Basta kapag naging bad na sila, ibigay mo nalang 'yong mga ginawa kong ice pops ah? Kakalma ulit sila. Tapos kapag humingi sila ng dede 4:7 ang ratio ng gatas at tubig. Tapos nagluto na rin ako ng rice, Ian, at mga ulam." Humarap siya sa akin at umangkla sa aking leeg.
He pulled my face down and place a few quick kisses on my lips.
"I love you, Ian," ang sabi niya sa malambing na tinig.
I did not answer him immediately. I dipped my lips on his and began tasting his sweet lips. Everyday I wake up beside him feeling so damn lucky. I'm lucky to taste these sweets everyday.
"I love you too, Piyo."
Agad siyang sumimangot matapos niyang marinig ang sagot ko. "Piyo? Piyo nalang, Ian? Nay kabit ka na ba?!"
Malakas akong natawa at umiling. "Kung anu-ano talaga pinagtuturo sa'yo ni Austine. I love you, okay? I love you, sunshine. Ikaw lang."
"Okay, Okay, I love you very much too, Ian. Babye na!"
Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin at kinuha mula sa kama namin ang kanyang bag. Isinukbit niya 'yon sa kanyang balikat at mabilis akong hinalikan sa akin mga labi.
"Mag-ingat kayo dito, Ian, ah? See you all mamaya, Ian."
Sinapo ko ang kanyang mukha at saka hinalikan ang kanyang noo. "Take care too, sunshine. Your bodyguards will be with you. Call me when you get there."
"Okay, Ian."
Inihatid ko siya hanggang sa gate namin at hinintay na makaalis sila ng kanyang mga bodyguard bago pumasok ulit sa bahay.
Piyo's going to attend some artists meetup. Noong una ay hindi pa ako pumayag nang sabihin niyang sa isang di kilalang cafe sila magkikita. But after they changed the location to Roan's resto, agad ko din siyang pinayagang makapunta.
This will be his first meetup with some strangers who have the same interests with him after arriving here in the Philippines. After our honeymoon last month, inuwi ko na sila sa bahay na ipinagawa ko rito Pilipinas. Katabi lang ito ng bahay nila Jonas at Axel. Hindi din ito kalayuan sa mansion.
Ang bahay na 'to ang nagsilbing pag-asa ko noong hinahanap ko pa ang asawa ko. I was determined to find him and bring him home here. I wanted us to build our family here. I wanted to fill this whole place with memories of our family. Those dreams are now slowly turning into reality.
I picked up my mug beside the four feeding bottle on our kitchen counter at saka sumimsim doon. Piyo woke up around 4 in the morning to prepare everything for us. Wala pa kasi akong nakukuhang katulong na mapagkakatiwalaan. Tuwing weekend pumupunta dito ang mga maids nila mama para maglinis.
Pagkatapos kong inumin ang kape ko, binitbit ko na ang apat na feeding bottle papunta sa itaas. Maingat kong binuksan ang pintuan ng kwarto ng mga anak ko at napangisi. Our kids made our married life livelier.
Tumataba ang puso ko tuwing naabutan ko silang apat na naghihintay sa akin sa pintuan pagkagaling ko sa trabaho. Napapawi ang pagod ko kapag nakikita ko sila at ang asawa ko na masayang naghihintay sa akin. They're my energy booster.
Isa-isa ko silang hinalikan sa noo bago ginising. "Wake up, little men. It's morning time. We have a long day ahead of us."
Sabay-sabay na pag-ungot ang naging sagot nila sa akin. "It's milk time, kids. Wake up."
I tried to suppress my smile nang makitang nag-uunahan silang tumayo sa kanilang mga kama. Namumungay ang mga mata silang lumapit sa akin. Eric immediately hugged my legs. Ganon rin ang ginawa ng mga kapatid niya. They leaned on me before closing their eyes again.
"Papa, milk time?" Elric asked with his small voice.
"It's milk time, bud. Wake your brothers up."
Minulat nito ang kanyang mga mata at mabilis na hinila ang kaliwang pisnge ng kapatid niya. "Okite! Okite! Okite! Milk! Milk!"
"Milk?"
And that is how we wake them up. After making them drink their milk, my husband usually bathe them and they hate doing that. After more than a month of vacation in Japan, tambak na trabaho sa hospital ang inuwian ko. I did not get to spend time with my kids. Pagkatapos kasi nila ako hintayin pinapatulog na kaagad sila ni Piyo.
"Papa! No bath! No! No!" Philric raised his little finger in the air and waved it infront of him, a look of pure contempt painted all over his face.
My eyesight move towards his brothers who were looking at me with pleading eyes. I rolled my eyes at them, "Fine. Just this time. But we have to change your clothes first. Come here, buddies."
Kaagad silang sumunod sa akin papasok sa loob ng kanilang walk-in closet. "You choose what clothes you want to wear."
Mabilis na tumakbo sa boong paligid ang tatlo. They pulled whatever they can reach on their shelves. Not to brag, but my kids are smart. They can easily follow instructions, understand what you are saying and can utter some words quite clearly. They're also good at remembering things.
Bumaba ang paningin ko nang maramdamn kong may kumapit sa laylayan ng damit ko. I saw Elric sucking his thumb while looking up to me.
"Wattawer, papa?"
"You don't know what to wear?"
He nodded.
I picked him up from the floor and carried him to his shelf. "How about this one?" tinuro ko ang puting t-shirt na may print na I Love Papa but he shook his head immediately.
I kept on pointing clothes but he kept on shaking his head. "What do you want, bud?"
"Diderman!" Lumaki ang mata niya at saka nagsimulang maglikot mula sa aking bisig.
Kinuha ko iyon at tinulungan siyang isuot 'yon. Piyo usually doesn't allow them to wear something like this on regular days, but today's not a regular day. Today is daddy's day.
"Papa!"
Before I knew it, three of them were already pushing their superhero customes towards me.
"So what do you guys want to do today?" I asked my kids who were busy playing with their toys.
Pagkatapos ko silang palitan ng damit, dinala ko na sila dito sa ibaba para mas malaya silang makapaglaro.
"Pwey!"
"Pray?" Ngumise ako sa kanila nang sabay-sabay silang sumimangot sa akin.
"Pwey! Papa, ahou!" Papa, stupid! Ang asik ni Philric na nagpalaki sa akin ng mata.
"Ahou?" Unti-unting napalitan ng isang malademonyong ngiti ang mga labi ko.
Hinila ko si Philric papalapit sa akin at sinimulan itong kilitiin. Umalingawngaw sa buong bahay ang kanyang maliliit na halakhak.
"HAHAHAHAHA! PAPA! NO! NO MORE! HAHAHAHA!"
"AM I STILL AHOU?! HA?! Is papa ahou?!" I keep on blowing kisses on his tummies.
"AHOU! AHOU!" Napatigil ako sa pagkiliti kay Philric nang sabay na sumigaw ang tatlo. Agad silang tumakbo papalapit sa akin at saka ako dinambahan.
Matapos ang kiliti session naming apat, pinakain ko mula sila saglit at pinagpahinga bago ko sila dinala sa labas. Naalala ko kasing pinapadiligin ni Piyo ang mga pananim doon. I let the four of them ran around with porkchop and our two fat first born chickens. Pinalitan ko na rin ng sleeveless ang mga damit nila dahil sobrang bilis nilang pagpawisan.
Last week, I asked Piyo to check on their weight. And the result was just as I expected. The four of them are overweight. My kids are perfect but I don't want them to get sick. Bilang doctor, I'm very conscious with my family's health. I am aware with a lot of diseases and as much as possible, with my knowledge, I want to keep them away from those. Kaya sinabihan ko ang asawa ko na hayaan silang tumakbo sa labas ng ilang oras.
Pinapalitan na rin namin ang menu ng apat. We tried to make them eat more fruits than sweets. Mahirap noong una pero unti-unti na rin silang nasasanay sa mga pagkaing ginagawa ng asawa ko.
"Papa? Papa? Pwey watel, papa?"
I snapped back to reality when I heard my son talked. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ang isang madungis na Elric habang manghang nakamasid sa hose. Napailing ako nang makitang naraming putik ang kumapit sa kanyang damit.
"You want to play with—" I moved the hose towards him and grinned. "—this?!"
"YES! YES! YES!" Sabik itong tumalon-talon habang nakatapat sa kanya ang hose.
Nagsitakbuhan na rin ang mga kapatid niya papalapit sa akin habang nakataas ang kanilang maputik na kamay.
"RAAAAAAA!!! PAPA! MONCHEEE! MONCHEEE! RAAAAAA!"
Pabiro akong tumakbo papalayo sa kanila. Paminsan-minsan akong tumigil para basain silang lahat gamit ang hose. They chased me around the whole place until I began chasing them back. Pati ang tatlong mga alaga naming hayop ay nakikitakbo na rin.
"Got you!" Sinakop ko silang lahat sa aking mga bisig at saka inihiga sa damuhan.
"Tayad, papa!" Ang pagod na sabi ni Eric habang nakayakap na sa leeg ko.
Tahimik na rin ang tatlo niyang mga kapatid na nakahiga sa damuhan at nakatitig sa kawalan. "You're tired?"
"Yes, tayad."
"Okay. We'll bathe first then we'll eat and sleep. Is that fine?"
Tumango silang lahat. "Fine!"
I had to carry Eric back inside dahil ayaw na nitong maglakad. Humihiga na lang ito sa damuhan kapag ibinababa ko. Mabuti nalang at hindi nainggit ang tatlo. Sila na ang kusang naglakad pabalik sa loob. I did not bring them upstairs. Doon ko nalang sila niligo sa paliguan dito sa first floor na may jacuzzi.
Tinapon ko na sa basurahan ang mga damit na ginamit namin. It's already dirty. Iyong mga bear onesie na binili ng mga magulang ni Piyo ang ipinasuot ko sa kanila.
Pagkatapos ko silang paliguan at palitan ng damit, pinakain ko ulit sila ng pananghalian. Hindi naman sila mahirap pakainin. Kaya nilang ubusin ang pagkain with in fifteen minutes. Nang maubos na nila ang inihandang pagkain ng asawa ko, ipinanhik ko na silang lahat sa itaas.
Saglit ko silang pinagdrawing para hindi kaagad sila makatulog. Nakaupo lang ako sa harap nila habang pinagmamasdan silang nagkukulay. I still can't believe I have my own kids now. Parang kailan lang. I'm hoping they'd get along in the near future. I want them to be on each other's back just like us.
Philric's the oldest. He's mischievous most of the times but he gets easily irritated. May pagka-bossy rin ito minsan sa kanyang mga kapatid. Ang palatandaan ko sa kanya ay ang kanyang peklat sa ulo. Nakuha daw niya ito noong nadulas siya sa pond sa kwarto ni Piyo.
Elric comes next. Makulit din ito kagaya ni Philric but he doesn't get irritated that easily. Siya itong happy go luck sa apat. He's a very protective, kid. Lalo na sa mama niya. Elric's easy to identify dahil sa buhok niyang kulag tsokolate.
Eric is the third. He's a quiet kid. Tahimik lang itong sumusunod sa mga kapatid niya. Palaging walang gana ang mukha niya maliban nalang tuwing kumakain.
Si Alaric ang bunso. Palangiti din naman ito but he gets shy easily. He's talkative when he's with his brothers pero nahihiya ito tuwing nakikita ang mga pinsan niya. May dimple ang bunso ko kaya madali ko siyang nakikilala.
"Papa, papa,"
"Yes, babe?"
Lumapit si Alaric sa akin at saka naupo sa aking kandungan. Prenteng- prente siyang sumandal sa akiny dibdib habang itinataas ang kanyang papel.
"You drew this, bud?"
"Yes!" Tumingala siya sa akin at tumango bago muling tumingin sa drawing niya. "Papa, mama, Ichi, Ichachi, Chahito, Itei! Wab wab. Wabyu."
A smile immediately made its way on my lips. Something warm touched my heart after hearing him say that. I leaned down and kissed his head. "I love you too, buddy."
Humikab siya at tumango saka niya isiniksik ang kanyang katawan papalapit sa akin. Lumakbay ang paningin ko patungo sa tatlo pa niyang mga kapatid na bagsak na sa sahig.
"And my three little men."
Taking care of them is tiring kaya bilib ako sa asawa ko. Despite the tiredness, it was still fulfilling. Seeing your kids smile and hearing them laugh because of you is another level of happiness.
-----------------------------------------------------------
.
Pasensya na po kung natagalan nakaka-istress kasi iyong school namin hahahaha. Tapos tagaluto at tagahugas po ako kaya mahirap ang time management huehue. Thank you po sa pagbabasa at paghihintay. ❤
Stay healthy, keep safe and God bless you always po! Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top