Epilogue
Philip Yoshieke Magnao
"Tine, kinakabahan talaga ako. Baka himatayin ako mamaya," ang sabi ko kay Tine.
Nandito siya sa aking harapan habang
nilalagyan niya ng kolorete ang aking mukha. Si Roro naman ay ang nag-aayos sa aking buhok. Si Den naman na asawa ni kuya Jonas ay busy kakakuha ng mga litrato.
"Anong himatay-himatay, bakla. Sa sarap ka dapat mahimatay mamayang honeymoon niyo! 'Yong lingerie briefs, suot mo na ba? Yong mga condom binutasan ko na ha. Nilagyan ko na rin ang bag mo ng aphrodisiac candle."
"Oo, Tine. Sinuot ko na! Tapos pinanuod ko na rin iyong video sa pornhub na pinadala mo."Ang masaya kong sagot sa kanya.
Lumayo si Tine sa akin. Napasapo siya sa kanyang bibig ang isang kamay naman niya ay nasa kanyang bewang. Bumaba tuloy ang tingin ko sa kanyang malaking tiyan. Buntis na naman si Tine! 6 months ang kanyang tiyan. Sabi niya triplets daw.
"Anong problema, Tine?" Ang nag-aalalang tanong ni Roro sa kanya. Pati si Den ay napatigil na din sa pagkuha ng mga larawan.
"Anong nangyayari, Austine? Teka, umiiyak ka ba?" Lumapit pa lalo sa amin
Pumadyak si Tine saka maarteng pinunasan ang kanyang mukha. Wala naman siyang mga luha. "Hindi... hindi ako makapaniwalang ikakasal na ang anak na'tin. Parang kailan lang pinapadede ko pa siya sa malaki kong suso."
Nakita kong nangunot ang noo ni Den matapos marinig ang sinabi ni Tine. Si Roro naman ay malakas na natawa sa likuran ko saka ipinagpatuloy ang pag-aayos sa aking buhok.
"Anong suso? Mas flat ka pa nga sa plywood, Austine. Saka ikaw kung anu-ano talaga pinagtuturo mo sa mga bata. Natatakot na ako para kay Janisse," ang naiiling na sabi ni Den.
"OMG?! Sinasabi mo bang bad influence ako, girl?" Ang hindi kuno makapaniwalang tanong ni Austine kay Den.
Natawa nalang ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung paano ito nagagawa ni Tine. Siguro ay talento niya ito. Minsan kasi ay apaka ganda ni Tine tapos minsan naman ang pangit niya rin.
Tumawa si Den saka hinampas si Austine. "Jusko, Austine! Ayusin mo naman 'yang mukha mo. Pero, oo, parang gan'on na nga."
"Paanong ayusin, Den. Dapat 'yang mata mo ang dapat ayusin. May problema na talaga, swear! Masyado ng dry. Parang kulang sa dilig. I tell you, hindi na 'yan magandang sign. So ilang lacy briefs ang bibilhin mo? May discount kang 2 percent if bibili ka ng dalawang set."
"Talaga ba? Dry na dry na ba talaga akong tingnan, Tine. Si Jonas kasi palaging bagsak tuwing umuuwi galing sa trabaho. One week na."
Ang pagkwe-kwento ni Den habang sinisipat ang sarili niya.
"Ay nako, day. Sinasabi ko sa inyong lahat. Wag niyong hahayaang hindi matakam sa inyo ang mga asawa niyo. Dapat mas fresh pa tayo sa mga virgin. Baka biglang maghanap ng ibang putahe ang mga asawa natin. Iyong mga brief namin different color and designs kaya worth it na worth it ang gabi ninyo. Hindi kayo titigilan hangga't wala na kayong mailabas. So si Piyo dalawang set, kay Roro tatlo? Okay. Tapos sa iyo naman, Den. Gawin mo ng apat."
Lahat kami ay natawa nalang kay Tine. Kahit ilang taon na kaming hindi nagkita pareho pa rin siya. Bastos pa rin ang bibig niya.
Last week lang sila dumating dito sa Japan para sa kasal namin. Tumulong sila Tine para sa last minute preps ng kasal namin kaya masayang-masaya ako. Namiss ko talaga kasi sila Tine at Roro. Saka si Den naging kaibigan ko din.
Natigil kaming lahat ng marinig namin ang pagkatok sa pintuan ng aming hotel room.
"Bukas 'yan!"
Bumukas ang pintuan at lumabas mula doon si Marinel, ang event director namin.
"Excuse me, three minutes na lang po bago mag-start ang kasal. Ready na ba ang groom natin?"
"Yes, thank you!" Ang sigaw ni Den.
Tumango siya sa amin at nag-thumbs up.
"Done na ang buhok mo, Piyo. Suot mo na itong haori." Ang masayang anunsyo ni Roro. Ramdam ko na 'yong malakas na pagtibok ng puso ko.
Ikakasal na nga talaga kami ni Ian mamaya. Kaunting paghihintay nalang. Kinuha ko mula kay Roro ang puting haori na ipapatong ko sa aking hakama at kimono. Iyong desinyo ng haori at hakama ay minimal lamang.
"Ang gwapo mo," ang nakangiting sabi ni Den. Tumabi sila sa akin at sabay-sabay kaming tumingin sa harap ng salamin.
Mangha ko rin silang pinagmasdan sa kanilang mga kimono. Ang gwa-gwapo rin nila! Iyong gwapo na may lambot gan'on hehe.
"Sir, I'm going to take a picture." Mabilis kaming nag-pose lahat pagkarinig namin sa kinuha naming professional photographer.
"One...two...three!"
Pagkatapos ng ilang kuha ng litrato, nagyakapan muna kaming apat.
"Congrats, Piyo. Masaya ako para sa'yo," Ang sabi ni Tine sa namumulang mukha. Nakita ko ang paglandas ng butil ng luha sa kanyang pisnge na mabilis lang din niyang pinunasan.
"Thank you, Tine, Roro, Den at saka kay Flynn rin. Masaya ako kasi nandito kayong lahat." Ang naluluha ko na ding sabi sa kanila.
" You're welcum always 'no. Saka tears of joy 'to. Ang laki kasi ng binayad ni Doc mga 50k. Punasan ko lang 'to ng isang libo mamaya, magiging okay din ako. Anyway, late na tayo mga, bakla." Pumalakpak siya ng dalawang beses. "LET'S GET THE HOTDOGS, GIRLS!"
Dumidilim na ang kalangitan pagdating namin sa gaganapan ng seremonyo. Sinalubong ako nila mama at papa sa arko na gawa sa sakura tree.
"Ikakasal na ang baby ko." Ikinulong ni mama sa kanyang mga palad ang aking mukha at naluluha akong pinagmasdan.
Sa tatlong taon naming pagsasama, hindi nagkulang sa akin ang mama ko. Kahit saglit lang kaming nagkasama, alam ko sa puso't-isipan ko na mahal ako ni mama at gan'on din ako sa kanya. Marami pa kaming hindi alam sa isa't-isa pero hindi naging hadlang 'yon para magkaroon kami ng koneksyon dalawa.
Marami pang oras. Marami pang panahon. Hindi namin kailangan magmadali. Iyon ang natutunan ko nitong nagdaang araw. Hindi tayo dapat magmadali. Dapat pinag-iisipan natin ng mabuti ang bawat desisyon natin sa buhay. Matuto tayong makinig, makiramdam at tumingin.
"Mama, papa, daisuki dayo."
Narinig ko ang malakas na pag-iyak ng mama ko. Lumapit sa amin si papa at niyakap kaming dalawa. "I love you. I love you, your kids, your brothers and your mom. Mahal na mahal ko kayo."
"I love you, Piyo, anak. Mama loves you very much."
Pagkatapos kaming halikan ni papa sa noo, humarap na kami sa aisle papunta sa altar. Sa pagtugtog ng musika, unti-unting nagsi-ilawan ang buong paligid. Outdoor wedding ang napili naming dalawa ni Ian.
Nakasabit sa itaas ang umiilaw na mga paper crane at lantern. Umiilaw din ang baby's breath lining ng aisle. Hawak-hawak ko sa aking kamay ang pomander ball brooch boquet. Gawa ito sa puti at pulang rosas at mga mamahaling dyamante na sila mama Nathalie at mama ko ang pumili. Naka-angkla ang mga kamay ko sa braso nila mama ng sumampa kami sa aisle na gawa sa salamin. Sa ilalim nito ay mga fairy lights.
Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt, suddenly goes away somehow
One step closer
I have died everyday, waiting for you
Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
Muli akong nagbalik noong unang araw kong makilala si Ian. Duguan sa loob ng sasakyan. Hindi ko aakalaing ang taong muntik ng mawalan ng buhay sa loob ng sasakyan na 'yon ay ang taong magbibigay ng buhay sa'kin.
Marami akong pagdududa sa buhay ko dati. Hindi ko alam kung may pag-asa pa ba ako dati, hindi ko alam kung kaya ko pa bang sumaya. Pero dumating si Ian. Dumating si Ian sa buhay ko.
Time stands still
Beauty in all he is
I will be brave
I will not let anything, take away
What's standing in front of me
Every breath, every hour has come to this
One step closer
I have died everyday, waiting for you
Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
And all along I believed, I would find you
Time has brought your heart to me, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
Araw-araw habang unti-unti akong nawawalan ng buhay, patuloy pa rin akong nananalangin na sana may dumating para sagipin ako sa buhay na 'yon. At si Ian...si Ian ang kasagutan ng panalangin kong iyon.
Hindi man maganda ang naging intensyon sa akin ni Ian noong una, ngunit bawat saya na nararamdaman ko kasama siya, totoo lahat ng 'yon.
One step closer
One step closer
I have died everyday, waiting for you
Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
And all along I believed, I would find you
Time has brought your heart to me, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
Iniabot nila ang kamay ko kay Ian na may ngiti sa kanyang mga labi. Sobrang gwapo ni Ian sa suot-suot niyang itim na tuxedo. Malinis na nakasuklay ang kanyang buhok papuntang likod.
Kumapit ako sa braso ni Ian saka kami humarap kina mama at papa.
"Kare no mendou wo mi te age te kudasai," ang sabi ni papa bago niya niyakap si Ian. Nagyakapan din si Ian at mama bago nila kami iniwan.
Muli kaming humarap dalawa ni Ian sa altar at naglakad papunta doon. "Ian, ang gwapo-gwapo mo ngayon, Ian," ang kinikilig kong sabi sa kanya.
"Thank you, sunshine. You look extra beautiful today too," aniya saka ako hinalikan sa noo.
Tumigil kaming dalawa sa harap ng magkakasal namin. Unti-unti na ring kumalma ang puso ko habang nakatayo sa tabi ni Ian.
"Love has brought both grooms together.
But what do we mean by love?
When we love, we see things other people do not.
We see beneath the surface to the qualities, which make our beloved special and unique.
To see with loving eyes, is to know inner beauty. And to be loved is to be known, as we are known to no other.
We who love, can look at each other’s life and say, “I touched his life,” just as an artist might say, “I touched this canvas.”
“Those brushstrokes in the comer of this magnificent mural, those are mine. I was a part of this life, and it is a part of me.”
Marriage is to belong to each other through a unique and diverse collaboration, like two threads crossing in different directions, yet weaving one tapestry together.
The true art of married life is an inner spiritual journey.
It is a mutual enrichment, a give and take between two personalities, a mingling of two endowments, which diminishes neither, but enhances both."
Tama si father. Ang pag-ibig ay para ngang sining. Kaming dalawa ni Ian ang nagbigay kulay sa buhay ng isa't-isa. Kami ang nagsilbing pintor ng isa't-isa. Ang buhay namin ay isang obra maestra na makukumpleto lamang kapag tumigil na kami sa paghinga.
Alam kong hindi magiging perpekto ang aming magiging pagsasama. Kagaya ng mga linya sa aking mga ginuguhit, walang perpektong linya, madaming balu-baluktot. Pero handa akong sumugal sa mga guhit na 'yon. Dahil iyon ang pinagmulan ng isang obra maestra.
Beneath a masterpiece is the imperfect lines and strokes of a painter's brush. Beneath it are the untold stories of tears, sweats, and happiness of an artist.
"Piyo, you are the most beautiful human I have ever known. I am thankful to God that I am able to stand here with you chanting my vows to seal our marriage. Marami akong nagawang kasalanan sa iyo dati. But you still accepted me despite...despite everything.
Philip, I'm not going to waste the chance you gave me. I promise to make it up to you everyday. I promise to love you in hardships and success. I promise to take care of you when you are sick. I promise to be there with you when you are down. I promise to make you feel love and needed. If the world turns their back on you, I will still be with you. Piyo. You will forever have my heart, my respect and my life.
You are my sunshine, Piyo. You and our kids will forever be the light of my life. I love you, sunshine."
Ngumite ako sa kanya nang punasan niya ang luha sa aking mga mata. Naiiyak ako huhu. Bakit nag-english siya halos sa lahat?! Marunong naman ako mag-english pero hindi ako gan'on kagaling. Kailangan unti-unti lang para maproseso ng utak ko.
Kinuha niya ang kamay ko at saka isinuot sa akin ang malamig na singsing.
"Ian, bakit puro english 'yon? Sabi ko sayo kahapon unti-untiin mo lang, Ian. Pero I love you din, Ian. Huwag kang mag-aalala, tanggap kita kahit demonyo ka pa, Ian. Alam kong walang perpektong tao, pero ikaw ang perpektong tao para sa akin, Ian. Ikaw at ang mga anak natin ay sapat na.
Ian, maraming salamat sa lahat. Maraming salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Thank you for saving me.
Hindi rin ako perpektong tao, Ian, pero para sa'yo sisikapin kong magiging mabuting asawa at ama ng mga anak natin.
Ian, pangako kong hinding-hindi na kita sasaktan. Promise mamahalin kita palagi. Mag-a-I love you ako palagi sa'yo, Ian. Iki-kiss kita lagi. Kapag nagkasakit ka sasamahin kita sa ospital. Ian, tatanggapin ko lahat ng pagkakaiba natin kagaya ng pagtanggap ko sa pagkakapareho natin. Magiging honest ako sa'yo palagi. Kung gusto mo ring magjugjugan lagi,Ian, okay lang.
Ian, ikaw ang superhero ng buhay ko. Hindi ka man kasing gwapo ni superman o kasing sarap ni batman, love na love ko pa rin kayo ng mga baby natin," ang sabi ko at saka isinuot sa kanya ang kanyang singsing.
"They have formalized the bond between them with spoken vows and with the giving and receiving of rings.
Therefore, it is my pleasure to now pronounce them husband and husband.
You may now kiss one another."
Sinapo ni Ian ang mukha ko at saka siya dahan-dahang lumapit sa akin. Ito na! Kasal na talaga kami ni Ian. Saksi ang lahat ng tao sa pag-iisang dibdib namin.
Kasabay ng pagdampi ng malalambot na labi ni Ian sa mga labi ko ay ang pag-ilaw ng buong kalangitan. Sumabog ang iba't-ibang kulay ng emosyon sa aking puso habang dinadamdam ang matamis niyang halik.
"Let us all welcome our newlyweds Mr. and Mr. Jua—"
Hindi natuloy ng emcee ang kanyang inaanunsyo dahil sa isang malakas na tili. "AAAAAHHHHHH!!! A-AHAS! AHAS!!!"
Paglingon namin sa may aisle, nakita ko ang apat kong anak na nakabungisngis at tuwang-tuwa.
Nakayakap si Philric kay Daga na suot-suot pa ang bow tie na binili ko sa kanya. Si Elric naman ay nakasampa kay Porkshap, habang si Eric at Alaric naman ay yakap-yakap sila Yan-yan at Yo-yo.
Bumaba ang paningin ko sa aking papa nang may maramdaman akong mainit doon.
"Meow."
-----------------------------------------------------------
The end.
This chapter is dedicate to these following wonderful people:
NoneOfTheAbove_ REANNEICA FBalgos ejkyako akueotey pisteeeeng
RowenaEdillo junbae_cris Kych_Hart HenryLuther IcaXiopao hotelier14 kimmiibear prynxyzcielle TheTeaSpillerPeriodt
fideljc
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top