9

Philip Yoshieke Magnao

"Ian..."

Kanina pa naglalakad ng pabalik-balik si Ian dito sa harapan ko. Simula pa ito ng matapos ako magpalit ng damit. Nahihilo na ako kakapanood sa kanya. Medyo nakakatakot rin ang mukha ni Ian. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at nakatiim ang kanyang bagang habang nag-iisip ng malalim.

Sa wakas! Tumigil si Ian sa harapan ko at ang mga kamay ay nasa magkabilang bahagi ng kanyang bewang. Dahil nakaupo ako sa isang bangko, kailangan ko pa itong tingalain. Ayoko sa mukha niya ngayon. Mas gumwapo si Ian pero nakakatakot siya 'pag ganito.

Ngumoso ako dito at niyakap ang kanyang bewang. "Ian, 'wag ka na magalit sa akin. Birtde ko ngayon eh."

"Anong ginawa niya sa'yo?" Ang seryosong tanong ni Ian sa akin. Yumuko ako at isiniksik ang ulo ko sa kanyang tiyan. Mahigpit rin akong yumakap sa kanya.

Hindi ako sumagot kaagad. Kasi...kasi natatakot ako. Natatakot akong masanay kay Ian. Mas mabuti kung wala siyang gaanong alam sa akin kasi kakaawaan niya lang ako. Ayokong maging kaibigan niya kasi naaawa lang siya sa akin.

"PHILIP!" Mas humigpit ang kapit ko sa kanya ng dumagundong ang boses niya dito sa bahay.

"S-si Kap, Ian. Y-yumakap siya sa akin, Ian, na nakahubad. Tapos ibinagsak niya ako sa lupa at sinuntok ang tiyan ko. Sabi niya..sabi niya ano...i-iyotin daw niya ako." Ang nahihiya kong sabi dito.

"Wag ka ng mag-alala, Ian. Tinulungan naman ako ni daga." Muli ko itong tiningala at binigyan ng isang maliit na ngiti. Nakayuko ito sa akin at seryoso pa rin ang mukha. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Ian sa pagkakataong ito.

"Kumain ka muna at magpalit ng damit. Tutuloy tayo sa bayan pagkatapos ko. Maliligo muna ako. I need to cool my head" Aniya at tinanggal ang mga braso kong nakapulopot sa kanyang bewang.

Sayang naman, naramdaman ko kasi 'yong saging ni Ian. Malaki talaga at hindi ako nandidiri! Hindi katulad ng kay kap o sa kanino mang lalaking pinipilit ako. Kapag si Ian yumakap sa akin, okay lang. Mabango kasi siya tapos okay lang din mag-kiss siya kasi mabango bibig niya. Tsaka mabait si Ian sa akin. Hindi niya ako minamaliit o pinapahiya. Inaalagaan rin ako ni Ian.

"Ian, kahit hindi ka maligo ng isang taon, cras pa rin kita." Ang mahina kong bulong sa hangin nang nasa may pintuan na si Ian.

Hindi naman nagtagal si Ian sa pagligo. Pagkatapos kong magdamit ay siya namang pagpasok nito sa kwarto. Umakto akong nagsusuklay at nakaharap sa salamin habang nagpapalit ng damit si Ian sa akin. Mula sa salamin ay kita ko ang magandang likuran ni Ian. Kahit tumalikod lang si Ian gwapo na siya.

Sana ol!

Narinig ko yang sinabi ng mga katrabaho ko kapag naiinggit o may nagugustuhan sila. Ako, hindi naman ako naiinggit kay Ian pero gusto ko lang siya.

Sumakay kami ni Ian ng habal-habal papuntang bayan kasi madalang lang ang jeep dito. Mas uso 'yong habal-habal dito.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi gaanong maraming tao kasi may pasok ang school at trabaho ngayon. May trabaho sana ako ngayon pero tumawag ang manager namin kay Ian, sabi niya okay lang daw kung hindi ako pumasok ngayon.

"Anong unang gusto mong gawin natin?" Untag sa akin ni Ian.

"Gusto ko sanang magsimba, Ian. Pero unahin muna natin ang lakad mo." Ang sabi ko dito habang nakamasid pa rin sa buong paligid.

"Nope. Let's go. Magsimba tayo. At bakit ba sobrang layo mo sa akin?"

Nilingon ko si Ian at nakitang seryoso itong nakatingin sa akin pabalik. Napangiti ako nang muling makita ang kabuuhan nito. Nakasuot si Ian ng puting kamiseta na pinarisan ng hanggang tuhod na pantalon. Kinikilig ako kasi pareho kami ng suot ni Ian. Para kaming magjowa. Ang kaibahan lang ay nakasuot si Ian ng pessmass at sumbrero.

"Ano kasi...nakakahiya, Ian. Ayokong mandiri, pagtawanan o awayin ka nila." Ang paliwanag ko dito at iniwas ang aking tingin.

Napakagat ako ng labi ng lumapit si Ian sa akin. Itinaas nito ang aking baba gamit ang kanyang mga daliri kaya nagtagpo ang mga mata namin.

"Wala akong paki alam sa iisipin nila. Naiintindihan mo ba? Gusto kong sumaya ka ngayong araw. Iyong hindi mo inaalala ang ibang tao." Ang seryoso nitong sabi sa akin.

"Masaya naman ako sa'yo, Ian. Kahit nasa bahay lang tayo basta kasama kita, masaya na ako."

Pakiramdam ko ngumite iyong mga mata ni Ian pagkatapos kong sabihin iyon. "Hmm? Talaga?"

"Peksman! Mamatay man ako." Itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko.
Lumayo ito sa akin habang tumatango. Umikot si Ian at may kinuha mula sa bakpak na dala ko. May laman 'yong tubig at payong.

May bitbit na si Ian na isang sombrero at isang pessmass pagbalik nito sa harapan ko. Walang salita nitong isinuot sa akin ang kanyang bitbit na sombrero at pessmass.

"Good. Hindi mo na kailangan mag-alala. Hindi ka nila makikilala nito." Aniya.

"Tayo na?" dagdag niyang tanong na tinanguan ko. Tayo na, Ian!

Mabilis kong inangkla ang aking braso sa kanyang braso at humilig. "Tenkyu, Ian." Buong sensiridad kong pasasalamat sa kanya bago ko siya hinila papunta sa simbahan namin.

Gusto kong magpasalamat kay Bro kasi pinakilala niya si Ian sa akin kahit saglit. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang saya ko na kasama si Ian. Hindi ko alam kung paano pasasalamatan si Bro dahil kay Ian. Si Ian ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko.

Pagkatapos naming magsimba pumasok kami ni Ian sa maliit na mol dito sa aming lugar. Ilang beses na akong nakapasok dito para magpalamig. Sobrang ginaw kasi para akong nasa loob ng rep.

"Maglaro tayo."

"H-huh? Eh Ian, baka hindi na kayanin ng pera ko." Ang nahihiya kong sabi habang kinakapa ang iilang barya sq bulsa ko.

"Ako ang magbabayad, wag kang mag-alala." Hinila ako ni Ian papasok sa palaruan. Sabi ni Ian arkid daw 'yon.

Manghang-mangha ako habang inilibot ang aking paningin sa loob ng arkid. Ang daming kulay at ang daming palaro. Nilapitan ko iyong mga staptoys na nakapaloob sa isang malinaw na kahon at idinikit ang aking mukha doon. Pangarap kong magka-laruan ng ganito noong bata ako kaso wala naman ako pera. Kung meron man akong mapulot, kinukuha ng ibang batang palaboy at sinisira.

"Gusto mo?" Napalingon ako kay Ian na pumwesto sa likuran ko. Nakatingin din ito sa likuran ng kahon. Para tuloy akong niyayakap ni Ian mula sa likuran ko.

"Oo, Ian. Pero hindi ako marunong maglaro."

"Tuturuan kita." Naghulog ito ng kowens doon sa hulugan at ipwenisto ang kanyang kamay sa ibabaw ng kamay ko.

Habang tinuturuan ako ni Ian wala sa sarili akong sunod-sunod na napalunok. Ramdam ko ang mainit na hininga ni Ian sa batok ko habang nagsasalita ito. Ang bilis rin ng tibok ng puso ko. Palagi naman akong yumayakap kay Ian pero hindi ko maintindihan kung bakit mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ngayon.

Hindi ko nalang ipinaalam kay Ian ang kakaibang nararamdaman ko kasi baka mag-alala ito sa akin. Ayaw kong sirain ang araw na 'to.

"Hala! Ian, nakuha ko!" Ang malakas kong sigaw at hinarap ito bitbit ang staptoy ko. Mabilisan ko itong niyakap at tinanggal ang aking pessmass para pugpugin siya ng halik.

"Masaya ka na niyan?"

"Masayang-masaya! Ian, doon naman tayo baskitbol." Nasasabik kong hinila si Ian papunta sa may mga baskitbol. Kami palang dalawa ang tao dito kaya mas lalo akong masaya.

Madami kaming nakuha na tiket doon kasi ang galing maglaro ni Ian. Sa halip na maglaro kasama siya nasa gilid lang ako habang pumapalakpak. Hiniram ko rin ang selpon ni Ian para piksyuran siya. Marunong ako mag-piksyur kasi tinuruan ako ni Ian.

Marami pa kaming nilaro ni Ian sa loob, hindi ko lang alam ang pangalan nun. Iyong gusto ko lang ay 'yong nanghuhuli ako ng isda.

"Ian, ang gwapo-gwapo mo habang naglalaro ng baskitbol kanina." Ang mangha kong sabi habang kinukuha nito mula sa akin ang bag ko. Siya daw magdadala. Nasa loob din nun ang dalawa pang staptoy na kinuha ni Ian para sa akin.

"Kapag nagba-basketball lang?" Taas kilay niyang tanong sa akin. Mabilis akong umiling at kumapit sa braso niya.

"Araw-araw kang gwapo, Ian! Kaya nga tuwing gigising ako maganda ang araw ko." Ang nakangiti kong sagot sa kanya. Nagsimula na rin kaming maglakad palabas ng arkid.

"Paano kung pumangit ako?"

"Gwapo ka pa rin sa paningin ko. Hanggang mamatay ako ikaw pa rin ang pinaka-gwapo sa paningin ko, Ian."

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ako. Tiningala ko ito at binigyan ng isang nagtatakang tingin.

"Bakit, Ian?"

"Hindi mo na pwedeng bawiin 'yong sinabi mo." Seryoso nitong sabi sa akin. Ibinaba ko ang aking pessmass at ngumite dito.

"Pramis!" Itinaas ko ang kamay ko sa kanyang mukha at tumuwid ng tayo

Mahina itong tumawa at ginulo ang buhok ko.

"Okay, saan mo gustong kumain?  Libre ko." Aniya dahilan para mapasimangot ako.

"Ian, baka maubos ang pera mo sa akin. Binilhan mo na ako ng kek tapos may sisiw pa tapos iyong mga kuyns sa arkid. Doon na lang tayo sa tabi-tabi."

Sobra-sobra na ang ibinigay ni Ian sa akin. Hindi ko na alam kung paano susuklian ang mga ibinigay nito sa akin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagtitiis pa si Ian sa maliit kong bahay kahit nagkita na sila ng drayber niya. Ayoko naman siyang tanungin kong bakit dahil baka umalis na nga ng tuluyan si Ian.

Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Ian at hinawalan ako sa magkabilang balikat. "Look hindi ba't sinabi ko sa iyong doktor ako? Hindi mo kailangang problemahin ang pera. Ang importante ay masaya ka sa birthday mo."

"Huh? Eh hindi naman ako si Luke, Ian, e! Si Piyo ako. Si Sanshay mo." Alma ko dito. Nakalimutan ba ni Ian na si Piyo ako? Saka akala ko sanshay niya ako? Bakit hindi na ako tinatawag n'on ni, Ian?

Napayuko ito habang nakakapit pa rin sa balikat ko. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ni Ian. "Ian, oki ka lang ba?"

Inangat nito ang kanyang ulo at tumawa. Iyong mga mata ni Ian parang dyamante na kumikinang habang tumatawa. "Yes. Yes. Hahaha! I'm sorry, sunshine. Pero seryoso nga, pumili ka na kung saan tayo kakain. Kapag nagkomento ka pa tungkol sa gastos, iiwan kita dito mag-isa."

Hindi naman ako natatakot maiwan mag-isa kasi sanay naman akong mag-isa. Pero...iyong kung si Ian ang mang-iiwan sa akin? Doon ako natatakot. Doon ako nalulungkot. Ayokong iwanan ako ni Ian pero kailangan ko ring tanggapin na hindi habang buhay na mananatili si Ian sa akin. Hindi man ngayon, pero alam kong bukas o makalawa ay tuluyan ng mawawal si Ian sa akin. Kasi may nagmamay-ari kay Ian. Kasi wala dito ang buhay ni Ian. At kailangan ko iyong tanggapin kahit masakit.

"Gusto ko sa Mang Inasal, Ian." Ang sagot ko dito.

Doon nga kami kumain sa Mang Inasal. Nakakatawa si Ian kasi hindi pala ito marunong mag-kamay kaya ayon, sa huli sinusubuan ko nalang siya. Sabi ko naman may kutsara at tinidor pero gusto daw niya magpasubo.

Pagkatapos naming kumain, namili pa kami ng groseri ni Ian. Tapos naggala pa sa buong mol. Tapos binilhan ko pa si Ian nang damit bilang pasasalamat ko sa lahat ng ginawa niya para sa akin. Pagkatapos n'on kumain ulit kaming dalawa ng jalabi. Hapon na ng matapos kami maggala sa mol at lumabas doon

Inaya ko si Ian na manood ng paglubog ng araw sa tabing dagat. Gusto ko kasing ipakita sa kanya ang paborito kong tanawin.

"This place is nice." Ang narinig kong sabi ni Ian na kakabalik lang galing sa pagbili ng kwek-kwek, isaw, kikiam at gulaman.

"Ian, bakit isa lang ang gulaman? Wala ako?"

"Hati tayo, marami naman 'yan." Umupo katabi ko si Ian. Mabuti nalang talaga at nagdala ako ng kumot. Umasa kasi ako na madadala ko dito si Ian.

"Ian? Masarap 'tong kwek-kwek, subukan mo." Inilapit ko sa mukha niya ang isang stik na may nakatuhog na kwek-kwek.

Hindi naman nag-inarte si Ian at kinain iyon. Nag tampsap pa ito sa akin habang ngumunguya.

"Masarap. Subuan mo pa ako." Aniya at inilapit sa akin ang baso niya na may lamang kwek-kwek.

"Huh? Eh may kamay ka naman eh." Gusto ko rin kayang kumain. Minsan lang naman ako makakain ng ganito.

"Mas masarap kapag ikaw ang nagsubo. Please? Ako naman ang susubo sa iyo." Ang sabi ni Ian sa akin at kinindatan pa ako.

Napayuko ako kasi pakiramdam ko umiinit 'yong pisngi ko. Bumibilis rin ulit ang puso ko.

"S-Sige na nga!"

Kumakain lang kaming dalawa habang hinihintay ang paglubog ng araw. Nagpi-piksyur din kaming dalawa ni Ian. Marami-rami na rin ang mga tao dito sa tabing dagat, karamihan sa kanila ay mga magkasintahan. Dati medyo naiinggit ako kasi may kasama silang nanonood ng magandang tanawin pero ngayon hindi. Hindi, kasi kasama at katabi ko si Ian.

"Ian, ang saya-saya ko talaga ngayong araw. Kahit may masamang nangyari kaninang umaga nabawi naman lahat ng 'yon dahil sa di——lakad natin." Ang sabi ko kay Ian habang prenteng nakahilig sa kanyang balikat.

"Masaya ako na masaya ka. Wala ka pa bang ibang hiling?" Hiling? Kontento na ako sa kung ano ang naibigay sa akin. Kuntento na ako sa araw na ito. Kalabisan na ang paghiling pa ng iba.

"Wala na, Ian. Kuntento na ako."

"Sunshine, okay lang kung maging makasarili ka naman ngayong araw." Napangiti ako ng tawagin na naman ako ni Ian ng sanshay. Gustong-gusto ko talaga kapag tinatawag niya ako ng ganun.

Kung pwede akong humiling sa Diyos, hihilingin ko na sana pwede kong maitama ang nakaraan. Gusto kong bumalik sa nakaraan at ayusin ang pagkakamali ko.

"Hmmm...wala na talaga akong maisip, Ian, e. Pero..." tiningala ko siya at ngumite dito.

"Pero?" Bumaba ang tingin niya sa akin at tinaasan ako ng kilag.

"Pero kung pipilitan mo talaga ako, Ian. Gusto kong maka-kiss sa labi ang kras ko bago ako mamatay." Ang sabi ko nalang dito. Napalitan ang nagtatanong niyang ekspresyon sa isang nanunuksong ngisi.

"So gusto mo akong i-kiss?" Ang nanunukso niyang tanong.

"Hala! Hindi naman kita kras eh." Iniwas ko ang paningin ko sa kanya kasi baka mahuli niya ako. Baka hindi na ako pansinin ni Ian pag nalaman niyang kras ko siya. Baka nga suntukin pa niya ako.

"Weh? Narinig kita kaninang umaga e." Pang-aasar pa sa akin ni Ian.

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya. "Mahina lang 'yong boses ko kanina kaya!"

"HAHAHA! Edi inamin mo rin." Ang natatawa niyang paghuli sa akin.

Dahil sa nararamdaman kong hiya ay napatalikod nalang ako at napayakap sa aking mga tuhod. Wala na! Pinagtatawanan na ako ni Ian. Tapos magagalit siya sa akin. Tapos aawayin niya ako at susuntukin.

"Hey, Philip." Oh 'di ba? Philip nalang ang tawag ni Ian sa akin. Galit na talaga siya sa akin.

"Piyo..." Ayoko! Ayokong makita ang nandidiri nitong mukha.

"Sunshine..tumingin ka sa akin, please?"

"Sorry na, Ian! Hindi na kita ika-krass. Pramis. Biro lang 'yon." Ang kinakabahan kong sabi dito.

"Dolphin! Sunshine, look!"

Dolpin? Anong dolpin? Lumingon ako paharap sa dagat para tingnan ang sinasabing dolpin ni Ian pero wal—

"Mmm..Ian.." Ang bulong ko ng bigla akong halikan ni Ian. Akala ko lalayo na siya sa akin pero bumalik ito sa paghalik sa akin.

Ang tamis ng labi ni Ian. Lasang gulaman. Noong una ay padampi-dampi lang ang labi ni Ian. Hanggang sa dinilaan niya ang mga labi ko at sinubukang ipasok ang kanyang dila. Ibinuka ko ang bibig ko at hinayaan si Ian na pumasok. Napakapit ako sa damit niya nang galugarin ni Ian ang bibig ko. Ang sarap! Ang sarap-sarap. Nakakahilo.

Inihiga ako ni Ian sa buhangin na hindi pinuputol ang paghalik niya sa akin. Hindi ako nandidiri kahit nagpapalit na kami ng laway ni Ian. Kasi ang tamis at ang sarap ng labi niya. Mas masarap pa sa stroberi. Nang ilalabas na sana ni Ian ang kanyang dila mula sa bibig ko, mabilis ko itong dinakip ng bibig ko at sinipsip bago tuluyang pinakawalan.

"Sunshine..." Ang habol-hininga niyang tawag sa akin habang nakatingin ng mariin sa labi ko. Namamanhid na 'yong labi ko, kinagat-kagat kasi ito ni Ian.

Muling tinawid ng mukha ni Ian ang pagitan namin at paulit-ulit akong dinadampian ng halik sa aking labi. Pagkatapos magsawa ni Ian sa labi ko pinugpog naman niya ng halik ang mukha ko.

"HAHAHAHA! IAN!" ang nakikiliti kong tawag sa kanya ng halikan niya ako sa leeg.

Bumalik ang mukha niya sa harapan ko at hinalikan ako ulit sa labi. "Happy birthday, Sunshine." Hinalikan niya ako sa noo ko.

"T-tenkyu, Ian.."

"HOY! May mga bata! Talo niyo pa ang mga manok kung magtukaan diyan. Jusko!" Napalingon kami ni Ian sa babaeng nakatakip ang kamay sa mata ng isang batang lalaki.

"Ate, nagki-kiss kami hindi nagtutukuan." Ang paliwanag ko dito  dahilan para pumalahaw ng tawa si Ian. Bakit? Totoo naman ah! Kiniss ako ni, Ian.

"Oh, Piyo.."

-----------------------------------------------------------

The End.

Charot! HAHAHAHA! EWAN KO SA CHAPTER NA 'TO. BAHALA NA  PO KAYO MAGING JUDGER. HAHAHA! Sinubukan kong mag-aral pero nandidiri ako sa mga numbers at mga nakakalokang letter ng chem at physics. Tambay na lang ako dito at mag update hahaha.

AH! Nga po pala, may gc kami hehe. Baka trip niyo po sumali, alam niyo na share-share ng mga boyxboy na kwento hehe. Cerrie Lacc po epbi ko. Chosera! Hahaha!

Ayon lang powxZz. Thank you po. Mwuah mwuah! Chupchup! Ciao!










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top