8

Before you start reading po, I just wanna ask something.

Saan niyo po na-discover ang mga kwento ko?

Alaric Ian Juariz

Tahimik akong pumasok sa bahay namin ni Piyo bitbit ang maliit na kulungan na may lamang dalawang sisiw at sa kabila naman ay ang cake na ipinabili ko sa isa sa mga gwardyang nagtatago sa paligid.

Kagabi habang nanunuod kami ng mga video sa youtube, bigla kaming nagawi sa tutorial kung paano gumawa ng cake. He told me he never had one before.

Gusto ko ring supresahan siya ngayong kaarawan niya ng mga bagong alagang sisiw. Nako-konsensya ako sa pagpatay ng alaga niya three days ago. I thought he raised them for consumption kaya kampante akong hindi siya magagalit. Hindi nga siya nagalit pero isang araw din naman niya akong hindi kinakausap. Tuwing hihingi ako sa kanya ng tawad ay ngingiti lang ito sa akin at sasabihing wala 'yon. Mas lalo tuloy akong nakokonsensya.

Hindi ko alam kung ano ang meron kay Piyo at gustong-gusto ko siyang alagaan at protektahan. I just want to spoil him and give him everything he wants. Siguro dahil naging mabuting kaibigan at tao si Piyo sa akin. He didn't treat me well because I'm Ian Juariz, son of Allistain Juariz and a hospital director. He treats me well because he sees me as Ian alone. I'm just hoping he won't change once he learned about me.

Kinuha ko muna mula sa box ang cake at bahagyang ibinaon sa ibabaw nito ang dalawang number 2 na kandila. Sinindihan ko ito gamit ang lighter. Dahan-dahan at tahimik kong binitbit ang cake papasok sa kwarto namin ni Piyo. I am not used to this, gayon lang ako sobrang nag-effort ng ganito para sa isang tao.

Noong kami pa ni Mellisa palaging natatapat sa importante kong mga meetings at events ang birthday niya. Pinapakiusapan ko nalang ang sekretarya kong ipaghanda siya ng surpresa pagkatapos ng mga importante kong gawain sa ospital. The surprise usually consists of a romantic rooftop, yacht, garden and beach dinner date where we always end up in bed fucking. Sa kama lang yata ako ang nage-effort noon.

"Wake up, sunshine." Bulong ko dito matapos kong mailagay sa tabi ang may katamtamang laki na birthday cake.

Umungol lang ito at tumagilid patalikod sa akin. Yumuko ulit ako at itinapat ang bibig sa kanyang tenga. "Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you.." Ang mahina kong pagkanta ko na naging dahilan para tuluyan siyang magising at mapabangon.

"Ian.." Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang cake na nasa tabi ko.

"Happy birthday, sunshine." Kinuha ko ang cake sa aking tabi at inilapit iyon sa kanya.

Kinusot-kusot pa ni Piyo ang kanyang mata. Pabaling-baling ang kanyang mga tingin mula sa cake papunta sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa gulat pa rin nitong mukha. He looks so fuvkng cute with his bed head hair and surprised face. His doe-eyes and his small pinkish lips are wide open.

"A-Akin b-ba 'to, I-Ian?" Ang nauutal niyang tanong sa akin.

"Sayo lang. Sayong-sayo lang 'yan." Ang nakangiti kong sagot dito. "Ipikit mo muna ang mga mata mo at humiling. Pagkatapos mong humiling hipan mo na itong kandila mo."

Nasasabik niyang ipinikit ng mariin ang pares ng kanyang mabilog na mata at pinagsiklop ang mga palad. Saglit na katahimikan ang namutawi sa pagitan namin habang humihiling siya. Habang hinihintay matapos si Piyo, I couldn't help but admire his small and angelic face.

Hindi ko maintindihan kung bakit maraming tao ang nagagawang apihin si Piyo. Ilang beses niya ring sinabi sa akin na baka pandirihin siya ng iba which I find really odd. Piyo may lack financially but he's a clean freak. Napakalinis sa loob ng kubo at sa labas nito. Malinis rin siya sa katawan at mga gamit. Hindi ko maintindihan kung bakit siya pandidirihan ng iba.

Piyo is also very hard on himself. Even when he's obviously tired he'll say he's fine. Even when he's badly beaten up and wounded he'd brushed it off like it's nothing. Everything negative in his life, he takes it very well like it was normal. Like he's used to it. Piyo acts like he doesn't deserve anything. His confidence is very low. He's so naive, numb and selfless that it makes me irritated sometimes.

Bakit hinahayaan niya ang iba na api-apihin siya? Dahil ba ganito lang ang pamumuhay niya? Kasi hanggang grade 1 lang siya? So what? Does it mean you can't be respected because you're not rich or educated? Puta, kung hindi ako napadpad dito hanggang kailan mamumuhay si Piyo ng ganito?

Hanggang mamatay siya? O hanggang magpakamatay siya?

Napadako ang tingin ko sa kanyang hita.

Ano bang meron sa iyo, Piyo? What are you hiding?

Philip Yoshieke Magnao

Pagkatapos kong humiling kay bro dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko at hinipan ang dalawang nambir 2 na kandila. Ang tagal ko na palang buhay. Hehe.

"Ian.." Ang naiiyak kong pagtawag sa pansin ni Ian. Tiningnan niya ako sa mata at nakangiting ginulo ang buhok ko.

"Happy birthday, Philip. Maligayang kaarawan sa iyo. Masaya ako na nakilala ko ang isang kaibigan na kagaya mo. Ipinapangako kong aalagaan at po-protektahan kita sa makakaya ko." Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko pagkatapos sabihin ni Ian sa akin 'yon.

Ngayon lang...ngayon lang may bumati sa akin ng maligayang kaarawan. Ngayon ko lang naramdaman na may masaya pa rin pala na nandito ako at buhay. Ngayon lang may gustong mag-alaga at pumuprotekta sa akin sa halip na sisihin ako sa mga nangyari noon. Ngayon ko lang gustong mabuhay ng matagal. Dahil kay Ian gusto ko ring maging makasarili. Gusto ko pang makasama si Ian pero maraming rason kung bakit hindi pwede.

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko habang sinasabi iyon ni Ian. Masaya kasi alam kong totoo iyong sinabi ni Ian sa akin. At kahit kasinungalin man iyon masaya pa rin ako kasi galing iyon kay Ian.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit malungkot ako sa sinabi ni Ian na magkaibigan kami. Bakit ayaw kong maging kaibigan lang kami ni Ian?

"Hey, tahan na." Ang nag-aalalang sabi sa akin ni Ian. Dahil nakayuko at natatakpan ng mga kamay ko ang aking mga mata hindi ko nakitang lumapit si Ian sa tabi ko.Naramdaman ko nalang ang pagyakap sa akin ng isang mainit na bagay.

"Maraming salamat, Ian. Maraming-maraming salamat. Ito na ang pinakamasayang kaarawan sa buong buhay ko." Ang umiiyak kong pasalamat kat Ian. Mahigpit rin akong yumakap sa kanya.

"What are you saying, Piyo? Marami pang kaarawan mo ang dadating at sisiguraduhin kong mas maganda pa 'yon dito." Ang sabi niya sa akin dahilan para mapangiti ako. Paulit-ulit niya ring hinahalik-halikan ang noo ko.

Ang swerte siguro ng mapapangasawa ni Ian. Hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Ian pero nagpapasalamat rin ako sa kanya. Kung sumipot siya sa kasal nila ni Ian baka hindi ko kasama si Ian dito. Masama man pakinggan pero...pero masaya ako na na nahulog dito si Ian. K-Kung hindi nangyari ang lahat ng 'yon baka hindi ko nakilala ang katulad ni Ian.

Hihiwalay na sana si Ian mula sa pagkakayakap sa akin pero mahigpit akong kumapit. Hindi ako bumitaw.

"Ian, yakap lang saglit,plis?" Ang mahina kong pakiusap dito. Yumuko ito sa akin at tumango.

"Kung ano ang gusto mo. Lahat ng gusto mo susundin ko."

Kapag sinabi kong manatili ka nalang dito habang buhay, Ian, susundin mo rin ba?

Ilang minuto din kaming magkayakap ni Ian habang nakahiga. Tuwing nasa loob ako ng mga yakap ni Ian pakiramdam ko walang makakasakit sa akin. Si Ian lang ang nagparamdam sa akin na tao ako. Hindi dumi, hindi salot, hindi anak ng demonyo, hindi puta, hindi kriminal, hindi baliw, hindi palaboy, hindi...hindi mamamatay tao.

Mariin akong napapikit at napakapit sa damit ni Ian. Naramdaman ko rin ang pamumuo ng pawis ko at malakas na pagkabog ng puso ko.

"Ian, pakiramdam ko natatae ako." Ang mahina kong sabi sa kanya bago ako malakas na nautot.

"Seriously, Piyo?! HAHAHA! Bigla ko tuloy naalala si Austine sa iyo." Ang tumatawa niyang ani sa akin. Nahiya tuloy ako. Napahawak ako sa mainit at namumula kong pisnge.

"Mag-cr ka muna saka maligo ka nalang din pagkatapos. Samahan mo ako sa bayan." Mabilis akong napatayo pagkasabi niya ng bayan. Magdi-dit ba kami ni Ian? Hindi ko tuloy maiwasang ma-eksayting.

Kahit hindi man kami gagala basta makapaglibot lang ako sa bayan kasama si Ian masaya na ako.

Patakbo kong tinungo ang likod-bahay bitbit ang aking tuwalya, sabon at shampu. Pagkatapos kong tumae, doon ko lang napansin na wala na palang tubig sa dram. Tama lang pala yon para panglinis ko.

"Sa sapa na nga lang ako maliligo."

Kinuha ko ulit yong tuwalya, sabon at shampu ko saka ako nagtungo smol riber aka sapa. Hindi nagtagal nang marating ko ito. Hindi naman ito ganoon kalayo talaga.

Tahimik at tanging huni lang ng mga ibon ang narinig ko dito. Inisa-isa kong tinanggal ang mga saplot ko sa katawan at sinimulang basain ang katawan ko. Wala akong mga kapit-bahay na nagagawi rito kasi natatakot sila. Marami kasing malalaking kahoy dito at malayo sa mga kabahayan. Pati ang daan papunta dito ay may malalaking kahoy sa bawat gilid. Sabi-sabi rin ay dito daw namamalagi ang mga engkanto. Eh hindi naman yon totoo.

Sa limang taon kong nakatira dito wala naman akong kakaibang naramdaman dito eh. Mas gugustuhin ko pa nga sigurong makakita ng isa para naman may makausap ako. Nakakabagot kasi ang mag-isa. Puro mga alaga ko lang ang kausap ko.

Pagkatapo kong magsabon at mag-shampu ay nagbanlaw na ako. Hubo't-hubad at wala akong saplot ni isa kaya malaya kong nahilod lahat ng pwede maghilod. Gusto ko kasi maging maganda ngayon sa lakad namin ni Ian. Kahit normal na lakad lang 'yon para kay Ian pero gusto ko yong isipin na dit namin iyon. Ngayon lang ako makikipag-dit tapos sa gwapo pa at malaki ang saging. Kinikilig ako!

Pero agad ding napalitan ng takot at gulat ang ekspresyon ko ng may biglang yumakap ng mahigpit sa akin mula sa likuran ko. Napasinghap ako ng ikiniskis niya ang kanyang...ang kanyang maliit na saging sa pwet ko.

"S-Sino ka?! Bitiwan niyo ako!" Sinubukan kong magpupumiglas sa kanyang yakap pero mas malakas talaga siya sa akin.

"MAAWA KAYO! BITAWAN NIYO NA AKO! BITAW!" Walang laban ang buto't balat kong katawan sa lakas nitong yumakap sa akin. Tanging sigaw lang ang magagawa ko kasi ipit na ipit ng malalaki niyang braso ang dalawa kong kamay.

"Ahh...Puta ka! Kanina pa ako libog na libog sa iyo. Patirahin mo naman ako, Piyo. Sanay ka naman nito di ba? Di ba? Shet ka!" Binuhat niya ako papunta sa tabi ng sapa bago ako ibinagsak sa lupa at dinaganan. Nandoon ang damit ko kaya hindi gaanong masakit ang pagkakabagok ng aking ulo.

Kilalang-kilala ko ang taong ito. Ito 'yong taong pinasayaw ako gamit ang kanyang baril. Si kap. Si kap na palaging nangunguna sa pangungutya at pananakit sa akin dito sa aming baryo. Si kap na palaging nagkakalat ng mga pek nyos tungkol sa akin.

"KAP! PATAYIN NIYO NA LANG AKO PERO WAG NIYO LANG PO AKONG GAHASAIN. AYOKO PO! AYOKO PO!" Ang naiiyak kong pakiusap dito pero mas lalo lang dumimonyo ang kanyang pulang-pulang mata.

Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko habang hinahagod-hagod niya ang bewang ko. Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa aking bibig.  Nakakadiri! Gusto kong sumuka.

Itinaas niya ang aking mga kamay at mahigpit akong hinawakan sa aking palapulsuhan gamit ang isa niyang kamay. Muli akong sumigaw pero nalagyan niya ang bibig ko ng nilukot na brip ni kap. Sinubukan kong sipain ang kanyang maliit na ari pero malakas niyang nasuntok ang aking tiyan. 

"PUTA! PUTA! BOBO! WAG MO NG SUBUKAN! POKPOK KA!" Sigaw niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko pa ang amoy ng beer sa kanyang bibig.

Napapikit ako ng mariin sa pagdaloy ng sakit sa katawan ko mula sa kanyang mga suntok.

Si Ian...Sana marinig ako ni Ian at tulungan. Ayoko talagang makipag-seks kay kap. Ayoko. Ayoko. Ayoko. Natatakot ako. Natatakot ako. Ayokong makipag-seks sa taong hindi ko gusto. Sa taong pinipilit ako. Ayokong mandiri sa akin si Ian.

"I-IYOTIN KITA AT PAPATAYIN PUTA KA! AAYAW-AYAW KA PA PERO HAHALINGHING KA RIN MAMAYA!" Sinampal niya ang mukha ko at dinuraan.

Kung si kap na lang din naman, mas mabuti pang mamatay na lang ako ng mas maaga.

"HAH!HAH! A-AHAS! AHAASS!" Napabuka ang aking mata at nakita si Kap na iniikutan ng isang pamilyar na ahas. Malaki ito at kulay puti ang balat.

Si Daga.

Napahiga si kap sa tabi ko habang nakabubud sa kanya si Daga. Nagtama ang mata namin at animo'y sinasabing umalis na ako at tumakbo.

Mabilis kong iniluwa ang mabahong brip ni kap at tumayo. Nanginginig ang kamay kong pinulot ang lahat ng aking damit at ipinalibot sa aking katawan ang tuwalya. Mabilis akong tumakbo papunta sa daanan pabalik sa bahay ko. Pabalik kay Ian.

"P-PIYO! PIYO! TULUNGAN MO AKONG HAYOP KA! G-GAGO KA WAG MO AKONG IWAN DITO!" Saglit akong tumigil at nilingon si kap.
Sinusubukan nitong tanggalin ang mahigpit na nakabubod na ahas sa kanya.

Napakagat ako ng labi. Nag-aalala ako na baka saktan ni kap si Daga. Walang kasalanan si Daga. Tinutulungan niya lang ako. Tiningnan ko ang paligid kong may dala bang armas at patalim si kap. Nang makita kong nasa malayo lang ito at imposibleng makuha ni kap doon ako tumalikod at nagpatuloy sa pagtakbo pabalik sa aking kubo.

Sigurado naman akong hindi  papatayin ni Daga si kap. Mabuting ahas si Daga at pinalaki ko siyang hindi mamamatay tao. Tinatakot niya lang si kap.

Hindi pa man ako nakakagitna sa daan pabalik ng bahay nakita ko na si Ian na nagtatakbo papunta sa akin.

"Piyo!" Tumigil sa harap ko si Ian at kinabig ako para mayakap. "PIYO! Fucking shit, sunshine. Fck. I thought I'm gonna lose you."

Ayokong umiyak. Ayokong umiyak pero hindi ko talaga maiwasang makaramdam pa rin ng takot at pandidiri tuwing nangyayari sa akin ang mga ganoong bagay. Kahit kailan ay hindi ako masasanay sa mga nakakadiring kamay na gagapang at hahagod sa buong katawan ko.

Hindi ako nagsalita at yumakap lang pabalik kay Ian. Pagod na isinandal ko ang aking ulo sa kanyang malapad na dibdib. Mas isiniksik ko pa lalo ang katawan ko kay Ian at dinama ang kanyang masels.

Unti-unti ring kumakalma ang puso ko ng marinig ang tibok ng puso ni Ian. Para itong musika sa pandinig ko.

"Ian, uwi na tayo." Ang mahina kong sabi dito.

"Mmm. Uuwi na tayo." Walang kahirap-hirap na binuhat ako ni Ian na parang bagong kasal. Gusto kong umalma pero kasi gusto ko ang pagkakabuhat sa akin ni Ian. Gusto ko ang init na nanggagaling sa kanyang katawan.

"Ian, sana tuloy pa rin yong dit—este lakad natin. 'W-wag ka ng mag-alala sa akin ah? Sanay naman ako sa ganoong mga sitwasyon. Palagi ko naman sila natatakasan, Ian. N-Natakot lang ako minsan p-pero mawawala rin to." Kailangan ko lang gumawa ng ilang hiwa sa hita o braso ko, Ian, at magiging okay rin  ako.

Hindi nagsalita si Ian at seryoso lang  naglalakad. Malakas kong kinagat-kagat ang labi dahil sa nararamdamang inis sa sarili at takot sa gagawin at sasabihin ni Ian.

"I-Ian, galit ka ba?" Ang kinakabahan kong tanong dito.

Bumaba ang tingin niya sa akin at seryoso akong tiningnan. Nakakatakot si Ian ngayon. Ngayon ko lang nakita ang ganito niyang mukha. Seryoso at maginaw ang ekspresyon ni Ian. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Galit ako, Piyo. Galit na galit."

Wala sa sarili akong napalunok ng magdilim ang mga mata ni Ian at umigting ang kanyang mga paa. Naramdaman ko rin ang bahagyang paghigpit ng kanyang kapit sa hita ko.

-----------------------------------------------------------
Gusto ko pong i-portray ng mabuti ang feelings ni Piyo habang nangyayari ang attempted r*p* pero ang hirap i-put into words ng takot ni Piyo. Huhuhu.

Ayon lang po. Thank you all! Mwuah! Ciao!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top