45
Philip Yoshieke Magnao
"Don't worry, he's going to be fine. He fainted due to exhaustion. Tatlong araw na 'yang walang tulog. He traveled for seventeen hour without proper rest. Dumiretso siya dito pagkatapos niya um-attend sa party ng lola," ang pagsasalaysay ni Mario habang nakatingin kay Ian.
Si Ian... Nag-alala kong tiningnan ang mukha gwapong niyang mukha. Halata ang pagod sa mukha ni Ian habang mahimbing siyang natutulog sa kama ko. Parang nangayayat din siya. Pero nakita ko kanina habang pinapalitan siya nila kuya ng damit may abs pa rin naman si Ian tapos may masarap na muscles sa mga braso.
"Ian looked for you everywhere. Noong nawala ka, akala namin sa mental hospital o di kaya sa kabaong ang bagsak niya. Palagi siyang subsob sa trabaho. Kung wala naman siya sa trabaho, nandoon siya sa dati mong bahay. He lookes so empty and exhausted everyday. Kung ano man ang naging hindi pagkakaunawaan ninyo dati sana mapag-usapan ninyo. I want him to have a good life after being fucked up with guilt and undeserved responsibilities for many years."
Marahan kong hinaplos ang mukha ni Ian. Totoo ba 'yong sinabi niya, Ian? Bakit mo ginawa 'yon? Akala ko ba gusto mo akong papatayin? Bakit ganito? Bakit nagkakaganito ka para sa 'kin?
"Piyo, I have to go. Please take care of him."
Lumingon ako sa direksyon ni Mario at tumango. "Maraming salamat po."
"It's nothing, take care." Akala ko tuluyan na siyang lalabas sa pintuan pero tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa direksyon ko.
"Sa Pilipinas ko nalang ibibigay ang mga regalo ko sa mga pamangkin ko," aniya bago tuluyang lumabas.
Hindi ako nakapag-react kaagad dahil nataranta ako sa paggalaw ni Ian. Akala ko gising na ito pero tumagilid lang pala siya ng higa. Nakaharap na siya ngayon sa direksyon ko. Nakaupo ako ngayon sa tabi ng kama ni Ian kaya kitang-kita ko ang mukha.
Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na nga siya sa harapan ko. Ang Ian ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Miss na miss ko si Ian. Sobrang miss na miss ko siya. Hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal ko. Si Ian pa rin.
Ang mahawakan siya ulit, ang marinig ang mga boses niya, ang makita ang gwapo niyang mukha, ang malanghap ang pamilyar niyang amoy, akala ko hanggang sa panaginip ko nalang ito. Pero nandito si Ian. Nandito si Ian sa harap ko. Totoo siya.
Kinabukasan maaga akong nagising. Doon na ako natulog sa kwarto ng mga baby ko. Kahit gustong-gusto kong tumabi kay Ian ulit, hindi ko alam kong okay pang tumabi ako sa kanya. Saka baka madisturbo ko ang
tulog ni Ian.
Karga-karga ko si baby Philric papunta sa kusina. Maglu-luto ako ngayon ng isa sa paboritong pagkain ni Ian, 'yong tinolang manok. Dati di ako nakapagluto sa kanya dahil hindi ako marunong. Kaya ngayon na marunong na ako, gusto ko siyang ipagluto.
Inilagay ko muna si Philric sa kanyang high chair bago ako nagsimulang maghanda ng mga sangkap para sa lulutuin ko. Habang naghahanda ng mga lulutuin abala naman ang baby ko sa panonood ng The Incredibles sa tab niya.
"Mama, kill twiken? Whyy?" Ang nagtataka at nag-aalala nitong tanong sa akin matapos niya akong makitang sinisilid ang mga hiniwa kong manok sa malaking kaldero.
"Because we're going to eat chicken. You don't want to eat chicken, baby?"
"Eat twiken? No! No! Fwend twiken, mama. No kill. Ayont eat twiken!" Napahalakhak ako nang maalala ko 'yong nasa maliit ko pang kubo kami ni Ian. 'Yong pinatay niya ang alaga kong manok na si Cardo.
"Ma-dead si mama kung di siya mag-eat ng chicken, ba—"
"Piyo?" Naputol ang sasabihin ko nang may tumawag sa aking pangalan.
Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko na naman ang pamilyar niyang malalim na boses. Dumako ang paningin ko sa papalapit na bulto ni Ian. Parang tumulo yata 'yong laway ko habang pinagmamasdan ko siya. Ang gwapo-gwapo talaga ni Ian. Kahit magulo ang buhok ang gwapo niya pa rin.
Kailan kaya siya magiging pangit?
"Fuxk! You're really real!" Sinapo ni Ian ang mukha ko at saka niya ito sinuri ng malapitan. Parang hindi siya makapaniwalang ako ang hawak-hawak niya ngayon.
Idinikit niya ang kanyang noo sa akin at naluluhang tiningnan ang sa mga mata. "Sunshine... Sunshine, ikaw...ikaw 'to 'di ba? Please, tell me it's you, Piyo. Please, please, please. Just please tell me this isn't a dream."
Ang bulong niya sa nanginginig na boses. Nakapikit na rin ang lumuluhang mga mata ni Ian. Hindi ko rin maiwasang maiyak habang nakikinig sa kanyang nagmamakaawa.
Itinaas ko ang mga mukha at saka napasubsob sa kanyang leeg. "Ian.. Ian, miss na miss na kita, Ian. Miss na miss na kita. Akala ko kaya kong malayo sa tabi mo, Ian, pero ang hirap pala. An'sakit sakit, Ian. An'sakit- sakit."
Yumakap ako sa leeg niya at napahagulgol. Parang tuluyan ng gumuho ang depensang ginawa ko sa aking puso. Gan'on kadaling tinibag ni Ian 'yon. Alam ko sa sarili kong nasaktan ako. Alam kong nalulungkot ako. Alam kong nangungulila ako kay Ian pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil wala naman akong magagawa. Pinili kong lumayo kay Ian. Desisyon ko 'yon.
Pero ngayong nandito na siya sa harapan ko, yakap-yakap, hawak-hawak para akong nilukob ng matindinding lungkot at pangungulila. Ganito ko pala ka-miss si Ian. Parang dinudurog ang puso ko.
"Piyo, look at me, sunshine." Ang malambing niyang tawag sa akin.
Itinaas ko ang aking mukha at diretsong tumingin sa kanyang medyo namumulang mga mata. Pinunasan niya ang mga luha sa mukha ko at mahinang natawa. "Totoo ka nga."
"Hm. Totoo, Ian."
Mas idinikit pa niya sa akin ang kanyang katawan at saka ako hinalikan sa aking noo. Paulit-ulit niya akong hinalikan sa noo, pababa sa aking mga mata, sa aking ilong, pisnge hanggang sa aking la—.
"MAMA?! MAMA! MAMA! OWAYOGOSHIMASHU! MAMA!"
Mabilis kaming naghiwalay ni Ian matapos naming marinig ang malalakas na boses ng mga baby namin. Tumatakbong lumapit sa amin sila Eric at Alaric habang si Elric naman ay inaantok pang naglalakad kasunod nila. Kinukusot niya ang kanyang nakapikit na mga mata habang humihikab. Ipit-ipit niya rin sa kanyang kili-kili ang kanyang paboritong kumot.
"Mama? W-What's this, Piyo? Are you married? With kids?" Nakita ko ang saglit na paglandas ng sakit sa kanyang mukha.
Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling. "Hindi! Nagkakamali ka, Ian!"
"MAMA! Kay wa daye, mama? Kay wa daye?" MAMA! Who is he, mama? Who is he?
Sabay kaming napatingin kay Alaric na kuryusong nakatingala kay Ian. Ganon din ang dalawa pa niyang mga kapatid. Nakatingin din sila kay Ian. Nakadilat na ang medyo singkit nilang mga mata.
"He kews mama, Ichaychi! Mama cry!" Ang sigaw ni Philric habang turo-turo si Ian.
"Cry? No cry mama!" Sabay silang namaywang tatlo habang nakatingin ng masama kay Ian.
Hindi nagtagal nakalapit na silang tatlo kay Ian. Pinaulanan nila ng suntok ang binti nito. Tuwang-tuwang nagsisigaw si Philric habang pinagtutulungan ng mga kapatid niya si Ian. Mangha ko silang pinagmasdan. Ang mag-aama ko!
"Jesus! I did not hur—Ow!" Napapikit si Ian habang sapu-sapo ang kanyang paglalaki. Nasuntok kasi ito ni Eric.
"H-Hala! Stop na 'yan, mga baby ko!" Humarang ako sa pagitan nila at namaywang. "Don't hurt your papa! That's bad! Papa didn't hurt mama. Okay? Okay, mga baby ko? Say sorry to papa."
"Papa?"
"P-Papa?"
Lumingon ako kay Ian at tumango habang nakangise ng malaki. Nakita ko na namang nanubig ang mga mata niya. Lumayo siya sa akin ng kaunti. Nakahawak sa beywang ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nakatakip sa kanyang bibig. Narinig ko ang mahinang pag-iyak ni Ian.
Muli kong hinarap ang mga anak ko na halatang naguguluhan sa nangyayari. Pumunta ako kay Philric at kinuha siya mula sa high chair. Dinala ko siya papunta sa tabi ng mga kapatid niya. Nag-squat ko sa kanilang harapan para mapantayan ang kanilang taas.
"Mga baby ko, listen kay mama, okay? Listen."
Tumango silang lahat.
"Me, mama." Tinuro ko ang sarili ko. "And him is papa. Pa-pa. Otousan."
"Wayk jichan?"
Tumango ako. "Philric, Elric, Eric, Alaric's otousan," ang sabi ko habang isa-isa silang itinuro.
Lumingon ako kay Ian na namumula ang mukhang nakatingin sa amin. May kung ano sa paraan ng pagtingin ni Ian sa amin. Tumayo ako at hinayaan si Ian na makausap ang mga baby namin.
"H-Hi..." Lumingon siya sa akin. "Pwede ko ba silang hawakan?"
"Pwedeng-pwede."
Bumalik ang tingin niya sa apat na tahimik lang. Ako naman ay dumiretso sa niluluto ko. Nagluluto nga pala ako. Nakalimutan ko. Hehe.
"Hey, kids, I'm your father. I'm your papa. You guys looks so perfect. Wow... they kinda look like me when I was a kid. Bakit ngayon ko lang napansin?" Ang tanong ni Ian sa sarili niya bago siya tumawa.
Muli ko silang tiningnan lima. Nakatayo lang ang apat habang nakatingin kay Ian na maingat na nakahawak sa mga kamay nila.
"Papa?" Ang mahinang tawag ni Alaric dito.
"Y-Yes, baby? What is it?"
"Papa! Papa! Papa!" Ang paulit-ulit na sigaw ni Alaric bago siya humagikgik.
Tumawa din si Ian at tumango. "You're right! I'm your papa. Can papa give you guys a hug?"
"Hug! Hug! Supew pawr hug! Achhhhaaakk!!!!"
Sabay-sabay nilang dinambahan si Ian ng yakap. Dahil medyo tabachingching silang apat, nagawa nilang mapahiga si Ian sa sahig na gawa sa kahoy. Si Philric nakahiga sa dibdib ni Ian habang sila Alaric at Elric naman ay nakayakap sa braso ni Ian. Si Eric naman ay nakayakap sa binti ni Ian. Napuno ng maliliit nilang halakhak ang buong kusina.
Umaapaw sa saya ang puso ko.
Pagkatapos naming kumain, saglit na nag-usap sila Ian, mama at mga kuya ko sa library. Hindi nila ako pinasama. Ewan ko kung bakit. Nag-aalala na ako kasi ilang oras na silang nandoon.
Nakatulog nalang ang apat kakahintay namin kay Ian. Paano nalang kung nagalit sila kay Ian tapos naisipan nilang patayin ito? Hala! Sana 'wag naman.
Mabilis akong tumayo nang marinig ang tunog ng pagbukas ng pintuan ng kwarto.
"Ian? Bakit ang tagal ninyo?" Ang tamong ko sa kanya matapos ko siyang salubungin sa pintuan.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako sa aking bewang. "Sunshine, okay lang ba kung mag-usap tayo ngayon?"
Tumingin ako sa direksyon ng mga anak namin bago ako sumang-ayon. "Okay."
Dinala ko si Ian sa labas ng kwarto ko. Doon kami pumwesto sa maliit na hardin sa labas ng aking kwarto. May maliit na fishpond din dito na may nakalagay na tilapia at dilis. Kapag nagugutom ako ng isda hinuhuli ko lang sila doon gamit ang lalagyan ng ice cream.
May maliit din akong taniman dito. May tanim ako ditong malunggay, mga kangkong, bisol, okra at talong. Sa backyard naman namin, nagpapalaki na din ako ng mga sisiw. Hehe.
"Kamusta ka na, sunshine? How are you these past three years?" Magkatabi kami ngayon sa aking mas maliit na fishpond na may lamang mga doctor fish. Nakalulub ang mga paa namin doon habang nakaharap sa garden ko.
"Okay lang ako, Ian, marunong na akong mag-english. Tapos nagpi-pinta pa rin ako. Masaya din ako sa pagpapalaki ng mga anak natin, Ian." Ang nakangiti kong sagot. Yumuko ako at pinagmasdan ang mga paa naming pinagpyi-pyistahan ng mga isda.
"I'm glad you're happy, sunshine. I'm glad you're fine. I'm glad you're in good hands. Sa tatlong taon na nawala ka, palagi kong tinatanong sa sarili ko kung kumakain ka ba ng maayos, kung natutulog ka ba ng maayos, kung may bahay ka bang masisilungan. To know that you are living a comfortable life, I'm beyond thankful."
"Mmm. Nag-aalala ka sa akin...pero bakit gusto mo akong patayin Ian?" Paliit ng paliit ang boses ko habang nagtatanong.
"Wai—what? Anong ibig mong sabihin, Piyo?"
Naiiyak ko siyang nilingon. Diretso akong tumingin sa mga mata niyang nagtatanong. "Sabi ni kuya Jakjak page-ekspirementuha niyo raw ako. Pero hindi ako naniwala. Tapos noong araw ng date natin, Ian, nagising nalang ako na wala ka sa tabi ko. Sinundan kita sa balkonah. Doon kita narinig na may kausap sa cellphone. Sabi mo ihanda ang lab pagdating ko doon. Tapos papatayin niyo ako pag..pagdating ko doon! Bakit ka gan'on, Ian?" Ang puno ng hinanakit kong tanong sa kanya.
Walang tigil na sa pag-agos ang mga luha ko.
Nakita kong napahilamos si Ian sa mukha niya.
"Sunshine, hindi kita papatayin sa araw na 'yon. It was a misunderstanding! Inutusan ko si Mario na linisin ang lab dahil ayokong ma-expose ka sa mga nakakamatay na mga kemikal doon habang binibisita natin si Natty. Huling araw na 'yon ni Natty bago namin patayin ang makinang bumubuhay sa kanya. Ang machine niya ang papatayin namin, hindi ikaw, Piyo."
"H-Hindi ako? I-Ibig sabihin nagkamali ako? At sino si Natty, Ian? Kabit mo ba siya? Nalaman ko Ian na kasal na 'tayo! Bakit tayo nagpakasal ng hindi ko nalalaman ha?!"
Mula sa pagkakakunot ng noo, unti-unting sumilay ang isang ngite sa mukha ni Ian. Hinaplos niya ang mukha ko at saka ako hinalikan sa aking noo.
"Ikaw pa rin talaga ang Piyo ko. Wherever you go, you're still the same man I know," Aniya saka kinurot ang tungki ng ilong ko. "Come here, I have something to confess to you about Natty. It's kinda long but please listen very well, sunshine, I want you to know everything."
Hindi ako nagsalita at sa halip ay humilig sa kanyang dibdib.
Ikwenento sa akin ni Ian ang nangyari noong bata pa siya mula noong makilala niya si Natty sa hospital, saka noong napag-isipan niyang gamitin ako sa kanyang eksperimento hanggang sa noong inihinto ang makinang bumubuhay kay Natty.
"Tatanggapin ko ang galit mo, Piyo, but I can't give up on you," ang sabi niya saka ito sinunsdan ng isang malalim na buntong hininga.
"Gusto kong magalit sa iyo, Ian, pero hindi ko magawa. Ang naiintindiha ko lang ay naipit ka sa responsibilidad mo sa pagkamatay ni Natty. Siguro ay desperado ka lang talaga sa mga oras na 'yon, Ian, kaya mo 'yon nagawa. Wala namang perpektong tao. Lahat naman siguro tayo nagiging sakim at masama sa isang punto ng ating buhay.
Ang importante ay ngayon, Ian. Ang importante mahal mo na ako ngayon. Kaya mo nga ako itinali kaagad di ba?" Tumingala ako at ngumise sa kanya. "Mahal mo ba ako, Ian?"
Yumuko siya at dinampian ng matamis na halik ang mga labi ko.
"Mahal na mahal, Piyo. Mahal na mahal kita. Kayo ng mga anak na'tin."
Ngumite ako ng pagkalaki-laki. "Pakasal tayo ulit, Ian, please?"
"As many times as you want, sunshine."
-----------------------------------------------------------
Hello guyses!!!!! EPILOGUE NA BUKAS!!! WAAAAAAAAHH!!!!!
KAYA INIIMBITAHAN KO PO KAYONG LAHAT NA DUMALO SA WEDDING OF THE CENTURY TUNA. Lahat po ay invited sa kasal basta wag lang pong magdala ng tupperware at 8x12 na plastic. Bring your own rice po ito kaya magdala na rin kayo ng rice cooker at kalderong maitim ang pwet.
Thank you po Grand_ for the wedding invitation hehe. https://imgur.com/a/0qSjOut
This chapter is dedicated to itsmechloe05 Cutiepawi AngryBananana alkie02 Picantos ShadesofJhay ICEEXO _cullen16 kentyjohny cutesiallan Biningayan CecilLindayag gabbyjypretty AstherRems_98 Jennillicious sw8pinkrose davidtabios7 christian_23 FujOshI1771 natale_khurl AnaMin6
Thank you po sa pagsuporta kay Piyo mula simula hanggang sa huli. Maraming salamat sa inyong mga nakakaheart na mga comments. Hehe!
Stay healthy, keep safe and God bless you always po!❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top