40

Philip Yoshieke Magnao

Tumagilid ako para makaharap ang  gwapong mukha ni Ian. Maingat kong sinapo ang pisnge niya at marahan iyong hinagod. Ang kinis naman! Nakakahiya sa magaspang kong kamay.

Sinigurado kong kabisado ko bawat  parte ng kanyang mukha. Mula sa makakapal na kilay ni Ian, hitik na hitik na mga pilikmata, matangos na ilong at mapupulang mga labi. Dahan-dahan akong lumapit kay Ian at saka dinampian ng halik ang mga labi niya.

"I love you, Ian."

Pinigilam ko ang sarili na hindi maiyak habang bumababa ako sa kama. Maraming nainom si Ian kanina kaya sigurado akong bagsak siya ngayon. Tinanggal ko ang singsing sa aking palasinsingan at saka iyon inilagay sa lamesa katabi ng arm crack. Pati iyong selpon ay inilagay ko din sa lamesa.

Mabigat ang damdamin ko habang naglalakad palabas ng kwarto. Gusto kong bumalik sa kama at yumakap ng mahigpit kay Ian pero ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang mabuhay para sa magiging anak namin ni Ian. Gusto ko pang makita ang magiging anak ni Ian.

Si Ian... Kahit kailan hindi ako magagalit kay Ian. Ano man ang layunan ni Ian kung bakit siya nakipaglapit sa akin, hindi pa rin nito mababago ang katotohanang siya ang nagligtas sa akin mula sa kamatayan. Siya ang nagbigay sa akin ng panibagong buhay. Tinuruan ako ni Ian kung paano lumaban. Tinuruan niya ako kung paano mabuhay. Tinuruan niya ako kung paano maging masaya. Binigyan niya ako ng pagasa.

Totoo man o hindi, ipinaramdam ni Ian sa akin na may halaga ako. Ipinaramdam niya sa akin na importante ako. Binigyan niya ako ng puwang dito sa mundo. Tinuruan niya ako kung paano maging matatag.

Kaya ngayon ako naman ang magpapahalaga sa sarili ko. Ako naman ang magliligtas sa sarili ko mula sa kapahamakan. Ako naman ang gagawa sa mga bagay na itinuro ni Ian sa akin. Ano man ang magiging kinabukasan ko, hinding-hindi ko kakalimutan ang taong naging dahilan kung bakit ako ngayon nandito.

Tagaktak ang pawis ko pagkalabas ko sa malaking gate ng bahay nila Ian. Mabuti nalang at hindi ako masyadong napansin ng mga kasambahay at iba pang tauhan dito sa bahay. Kaunti lang kasi sila kaya karamihan sa kanila ay tulog na.

Rinig na rinig ko ang tunog ng mga kuliglig habang naglalakad ako sa tabi ng daan. Napayakap ako sa aking sarili nang umihip ng malakas ang malamig na hangin. Wala akong ibang suot kung hindi ang manipis na pajama at damit at pambahay na tsinelas.

Hindi na ako nagdala ng mga gamit mula doon dahil bukod sa mahihirapan ako, ayoko rin maging masyadong makasirili. Gusto kong makapagsimula ulit. Gusto kong maging Piyo na hindi nakadepende kay Ian. Gusto kong maging tunay na ako. Ako naman ang kikilala sa sarili ko.

Ilang oras ko pang binaybay ang daan hanggang sa marating ko ang isang may kataasang gusali hindi kalayuan sa kainan nila Roro.

"Magandang umaga po, manong gard." Ang bati ko kay manong na nakasandal sa kanyang upuan habang nakapikit at nakangangang humihilik.

Ilang segundo akong naghintay na batiin niya pabalik pero hindi naman niya ginawa kaya dire-diretso akong pumasok sa loob. Pati iyong nagbabantay sa entrada ay natutulog din. Hindi ko nalang ginising si ate dahil sobrang himbing ng tulog niya. Dire-diretso lang akong naglakad papunta sa may hagdanan.

May nakasalubong pa akong lalaki at babae na kulang na lang ay maghubad  sa hagdanan habang kinakain nila ang mukha ng isa't-isa. Gumilid ako at saka nagpatuloy sa pag-akyat sa itaas  papunta sa kwarto ni kuya Jakjak.

Napatigil ako sa harap ng nakasabit na orasan sa dingding ng palapag nila kuya Jakjak para tingnan ang oras. Alas tres na ng umaga. Kailangan ko ng magmadali bago sila dumating dito.

Tinungo ko ang kwarto ni kuya Jakjak at sunod-sunod na kumatok doon. "Kuya Jakjak?! Kuya Jakjak?! Kuya! Kuya! Kuy—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bumukas ang pintuan at may magaspang na kamay ang humila sa akin papasok sa loob. Marahang isinira ni kuya Jakjak ang pintuan bago niya ako hinarap.

Nakahalukipkip siyang sumandal sa pintuan. Sinuri niya ang aking ayos mula ulo hanggang paa. Hindi ko rin maiwasang hindi pamulahan sa kanyang ayos. Nakasuot naman siya ng puting pajama. Pero ang nipis n'ong pajama ni kuya. Bakat na bakat iyong ano niya na medyo nakatayo pa. Tapos may mga chikinini rin si kuya Jakjak sa kanyang leeg at dibdib.

May naistorbo ko ba si kuya Jakjak sa...

"Sumunod ka sa akin," Ang utos niya sa akin.

Nilagpasan ako ni kuya Jakjak at saka siya naunang naglakad sa akin papasok sa loob ng kanyang bahay. Pansin ko iyong mga kalmot sa likuran ni kuya habang nakasunod ako sa kanya.

Nagpunta kaming dalawa ni Jakjak sa kanyang kusina. Pinaupo niya ako doon. Tinanong pa niya ako kung anong gusto kong inumin pero tumanggi ako dahil hindi naman ako magtatagal dito. May gusto lang akong sabihin saglit kay kuya Jakjak.

"Anong ginagawa mo dito, Piyo? Paano ka nakarating dito? It's already three in the morning. Napakadelikado ng daan sa mga oras na 'to." Ang mahaba niyang pangaral habang nakaupo sa harapan ko.

"Ano kasi, kuya..." Napahagod ako sa aking batok at tumingin sa ibaba. "Kuya, w-wag niyo pong ipakulong si Ian, ples? Tulungan niyo po siya na hindi makulong. Kahit may masamang balak si Ian sa akin alam kong mabuting tao pa rin si Ian. Ples, kuya?" Naluluha ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata.

Ayokong makulong si Ian. Ayokong tumira siya sa loob ng masangsang na kwartong 'yon. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng makulong. Alam na alam ko kasi minsan na akong nakapasok doon. Ayaw ko siyang mapunta sa impyernong 'yon dahil sa akin.

"Kahit hindi mo sabihin 'yan, maliit lang ang pursyento na makukulong namin ang Juariz na 'yon. Makapangyarihan ang pamilya nila, Piyo. Kaya nilang pagalawin ang buong Pilipinas sa pamamagitan ng pera at talino nila." Aniya habang nakahalukipkip at nakatitig sa kawalan. "Tumakas ka ba sa mansyon ng Juariz na 'yon, Piyo?" Napaayos ako ng upo nang dumapo sa akin ang kanyang paningin. Saglit akong napatigil bago sunod-sunod na tumango.

"Ihahanda ko na ang kwarto mo. May extra—"

Mabilis akong tumayo at pinigilan si kuya Jakjak na makalayo. Hindi ako mananatili dito. Hindi ako magtatagal dito. Tumingin ako sa orasan dito sa kusina niya at kay kuya Jakjak ulit.

"Kuya, hindi ako magtatagal dito. May iba akong pupuntahan. Aalis na po ako, kuya." Ang pagpapaalam ko sa kanya.

Nakita kong kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "Saan ka pupunta? Babalik ka doon sa putnginang baryong 'yon, Piyo?"

Umiling ako bilang sagot. Kahit kailan hinding-hindi ko na gugustuhin pang makatapak ulit doon. Masamang panaginip ang lugar na 'yon. Kung sakaling hanapin man ako ni Ian, siguradong una niyang pupuntahan ay doon.

"Ajax? Sino 'yan?"

Lumabas sa likuran ni kuya Jakjak ang isang magandang ...babae? Lalaki? Suot-suot niya ang isang malaking damit na hanggang hita lang niya ang haba. May kaputian din siya at parang anghel ang mukha. Ang ganda niya! Ang ganda-ganda niya! Pansin ko rin ang mga chikinini sa kanyang makinis na leeg.

"Hi, po!" Ngumise ako at kumaway sa kanya.

Nanlaki ang mata niya ng makita ako.
"S-sorry!" ang sigaw niya bago tumakbo paalis sa lugar na 'yon.

Sunod kong tiningnan si Kuya Jakjak at binigyan ng isang makahulugang ngite. "Babae ba 'yon, kuya? Ang ganda ng girlpren niyo pe hehe."

"That's clearly a guy, Piyo." Aniya habang hinihilot ang kanyang balikat.

"Oki. Oki. I getti. I getti ko. Me is going go. The clock is...uhm..telling the short hand four am. Goodbye, kuya. More babies to cum with your jowa. Oki?" Lumapit ako sa kanya at saka siya niyakap.

"Sigurado ka ba talaga dito, Piyo? You can always stay here with me. Hahanapan kita ng lugar na mapagtataguan mo." Ang suhestyon ni kuya.

Malungkot akong napangiti sa kanya. Ayaw ko rin namang umalis at malayo sa lugar na 'to. Napamahal na sa akin sila mama, sila Tine, sila Roro, at iba pang mga tao sa mansyon. Mahirap umalis na hindi ka man lang nakapagpaalam ng maayos sa mga taong nagkaroon ng malaking puwang sa buhay mo. Mahirap pero oras ang kalaban ko.

Balang araw, kung hahayaan ng kapalaran na pagtagpuan kami, hihingi ako ng tawad sa kanila pero sa ngayon. Sa ngayon...

"Sigurado po ako, kuya. May gusto din akong ayusin sa pag-alis ko. Wag ka ng mag-alala. Mag-ingat ka, kuya. Mami-miss po kita."

Hindi siya nagsalita at mahigpit akong niyakap. "I'm sorry, Piyo. Ano mang nasabi ko sa'yo dati. I'm really sorry."

Tinapik ko ang kanyang likuran. "Okay lang po 'yon, kuya."

Hinalikan niya ang noo ko at ginulo ang aking buhok. "Hatid na kita sa baba."

Nagpaalam muna saglit si kuya doon sa jowa niya na Elijah ang pangalan bago niya ako hinatid sa baba. Pagdating namin sa labas nakaparada na doon ang isang itim na sasakyan. May isang pamilyar na lalaki ang nakasandal doon. May tinitipa siya sa kanyang selpon habang nakapamulsa.

Tumigil lang siya nang mapansin niya kaming dalawa ni kuya Jakjak na papalapit sa kanyang pwesto.

"Piyo, and..." Mula sa akin naglakbay ang kanyang paningin kay kuya Jakjak.

"Ajax Lopez, pare." Lumapit si kuya Jakjak sa kanya para makipag-kamay.

"Hiro Fujiwara, pare. Piyo's older brother." Ang pagpapakilala ni kuya dito bago nila binitiwan ang kamay ng isa't-isa. Tiningnan ako ni kuya Jakjak gamit ang isang nagtatanong na tingin pero ngite lang ang isinagot ko sa kanya.

"Alis na kami, pre. Baka mahuli pa kami sa flight namin." Ang paalam ni kuya bago niya binuksan ang pintuan sa likuran ng sasakyan.

Kumaway ako kay kuya Jakjak bago ako pumasok sa loob ng sasakyan.

"Babye, kuya."

Alaric Ian Juariz

Despite the fckng headache that I'm currently experiencing right now, hindi pa rin nito mapipigilan ang ngite sa mga labi ko. Remembering how Piyo uttered the word YES infront of me, tngna, para akong napunta sa langit.

Nilingon ko ang parte niya sa kama pero wala na akong Piyo na nakita doon. Seeing the time on my alarm clock siguradong bumaba na ito para kumain. Nagtaka ako ng makita sa tabi nito ang kanyang singsing at cellphone. He must have forgotten about it. Saglit akong naligo at nagpalit ng damit bago bumaba at nagtungo sa kusina.

"Morning, ma." I kissed my mom on her cheek before scanning the whole room. Napakunot ang noo ko nang hindi ko makita doon ang asawa ko.
"Tine, si Piyo?"

Napatigil ito sa pagsubo at kunot-noo rin akong tiningnan. "Si Piyo? Hindi ba't kasama mo siya sa kwarto niyo? Hindi naman siya bumaba dito."

"Hindi bumaba? Anong ibig mong sabihin? Wala na siya sa tabi ko paggising ko!" Napataas na ang boses ko dahil sa nararamdamang kaba. Why do I feel like something is not right?

"ALARIC!" Umalingaw-ngaw ang malaking boses ni dad sa buong dining area. "Nakalimutan mo na ba kung nasaan ka? Lower down your voice and respect your brother's husband."

"Baka nandoon lang siya sa greenhouse kasama ang mga alaga niya, anak." Ang sabat ni mom. Kahit papaano ay kumalma ang puso ko dahil sa sinabi niya. "Linda, pakitingnan nga si Piyo sa greenhouse."

Lumapit sa amin iyong maid at nag-aalalang tumayo sa tabi ni mama. "A-ano kasi, madam. Kakabalik ko lang po galing doon. Wala naman po si sir doon ma'am. Alas kwatro pa po ako nandoon dahil sinamahan ko si Protasyo na maglinis."

My chest began to hurt again from the excessive drumming of my heart. My intestines feels like they are being tied in a knot.  Bigla na naman akong nilukob ng pag-aalala.

Tumigil sa pagkain si mama at tinitigan ang kasambahay. "Are you sure?"

"Y-Yes po, ma'am."

Nawala ang atensyon namin sa kanila nang pumasok si Axel sa dining area. His steps are quick and big, like he's chasing someone.

"Ian, you have to see this," aniya bago niya ako hinila patayo gamit ang damit ko.

Tahimik naming binaybay ang hagdanan papunta sa control room. Bumungad sa akin ang security team niya na nakatingin sa harap ng monitor.

Nang makita nila kaming dalawa ni Axel, muli nilang ibinalik sa simula ang video. And there I saw a very familiar figure walking towards the gate. Suot-suot pa rin nito ang kanyang paboritong pajama habang naglalakad siya palabas ng gate.

"I think your husband ran away, Ric."

-----------------------------------------------------------

Hello powxzxzz. Good night! Stay healthy, keep safe and God bless you always po! Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!

Pasensya na po sa mga typos hehe. Edit ko nalang po bukas. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top