39
Philip Yoshieke Magnao
Napaungot ako nang wala akong Ian na nakapa sa aking tabi. Sa isang maginaw at malambot na kama dumampi ang palad ko sa halip na mainit na masels ni Ian. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at humikab. Sumandal pa ako sa ulunan ng kama at saglit na pumikit.
Nagising ako mula sa papatulog kong diwa nang may marinig akong boses na nanggagaling sa balkonahe ng kwarto. Si Ian ba 'yon? Lumingon ako sa gilid ko at tiningnan ang arm crack na palaging tinatapun ni Ian tuwing nag-iingay ito tuwing umaga.
Dinampot ko ito at inilapit sa mukha ko. Alad kwatro? Alas kwatro pa ng umaga? Bakit naman ang aga gumising ni Ian? Wala naman siyang werk ngayong araw.
Humihikab akong bumaba ng higaan. Hindi na ako makakatulog ulit kapag wala sa tabi ko si Ian. Sasama nalang ako doon sa kanya sa balkonahe.
Ang malapad at machong likuran ni Ian ang nakaharap sa akin kaya hindi niya ako nakita na papalapit sa direksyon. Napangiti ako ng dumako ang aking paningin sa kanyang matambok na pwet. Kapag nag-aano kami gusto kong pinipisil ang pwet niya gamit ang kamay o paa ko.
"Ian?" Sinubukan kong tawagin ang pansin ni Ian pero abala pa rin ito sa tawag niya. Hindi niya yata ako narinig.
"The presidential suit is not available? But I told my secretary to take care of that. Fine! Okay ... Alright. Dadalhin ko bukas si Piyo sa laboratoryo. Ihanda niyo ng maayos ang lugar sa pagdating namin."
Natuod ako sa aking kinatatayuan ng marinig iyon mula kay Ian. L-laboratoryo? Anong laboratoryo ang sinasabi ni Ian? Hindi naman siguro ito 'yong...
Agad na pumasok sa utak ko iyong ibinigay sa akin ni kuya Jakjak tatlong araw na ang nakakalipas. Iyong mga larawan ng laboratoryo kuno nila Ian. Iyong sulat niya tungkol sa eksperimento nila Ian. Iyong babaeng nakahiga sa isang kama habang may mga makinang nakakonekta sa kama. Lahat ng 'yon bumalik sa isipan ko.
Napahawak ako sa tiyan ko at muling napatitig sa likuran ni Ian. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Walang pumapasok sa isipan ko ngayon. Natatakot akong tanungin si Ian. Natatakot ako sa magiging sagot niya.
"We'll visit tomorrow. Not today. Her mother asked for more time with her. Bukas ko na siya dadalhin diyan bago natin tuluyang patayin—"
Hindi ko na tinuluy ang pakikinig kay Ian at mabilis na bumalik sa higaan namin at saka nagtalukbong ng kumot. Biglang namanhid ang buo kong katawan sa narinig ko mula kay Ian.
Mabilis akong nagpanggap na natutulog nang marinig ko ang mga yabag ng paa ni Ian na papalapit sa akin. Ramdam ko ang paglundo ng kama sa tabi ko at ang paglapat ng mainit niyang katawan sa akin. Maingat na hinalikan ni Ian ang noo ko bago ako niyakap ng mahigpit.
Hindi ko napigilan ang luha na kumawala sa mga mata ko.
Bakit, Ian?
Totoo ba talaga lahat ng pinapakita niya sa akin? Minahal nga ba talaga ako ni Ian?
Iyong mga mga halik niya, iyong mga aylabyu niya, iyong mga pangako niya, iyong pag-aalala sa akin, iyong kasal. Totoo ba talaga 'yon? Totoo ba talaga 'yon o pagpapanggap lang lahat?
Pero bakit? Bakit? Bakit kailangan niyang gawin lahat ng 'yon. Bakit kailangan niyang maging mabait sa akin. Bakit kailangan niyang bigyan ako ng rason para mabuhay? Bakit kailangang sabihin ni Ian na mahal niya ako?
Pwede naman niya sabihin ang totoo. Pwede namang sabihin ni Ian ang totoo noong una pa lang. Maiintindihan ko naman siya eh. Iintindihin ko siya kasi ...kasi mahal ko siya.
-
"Oh ayan! Perfect! Ang kyut-kyut mo!" Ang masayang papuri sa akin ni Tine pagkatapos niya akong tulungang magbihis para sa det namin ngayon ni Ian.
Tumingin ako sa salamin at saka sinuri ang aking sarili. Ang kyut ko nga! Hehe. Kulay yellow itong suot kong jacket na pinarisan namin ni Tine ng pantalon na nakatupi sa ibabang bahagi. Inipit naman ni Tine ang laylayan ng damit ko sa aking pantalon. Nakasukbit sa aking mga balikat ang aking bakpak na may lamang panyo, tsinelas, tubig, pitaka, selpon at payong.
"Are you guys done?" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ang boses ni Ian.
Napasinghap ako ng makita ang ayos niya. Ang hat ni Ian! Nakasuot siya ng kulay abo na damit na pinarisan niya ng pantalon, sumbrero at itim na salamin.
Naglakad siya papalapit sa akin at saka ipinulupot ang kanyang malalakas na braso sa aking bewang. "You look so beautiful, sunshine."
Tumingala ako at sinalubong ang tingin ni Ian. Pinagmasdan ko ang kumikinang niyang mata habang nakatitig sa akin. Inilihis ko ang aking paningin at sumandal sa kanyang dibdib. Rinig na rinig ko ang malakas na kabog doon.
Parang totoong-totoo talaga na mahal niya ako.
"Ang gwapo mo ngayon, Ian." Tumingala ako at ngumise sa kanya. "At ang bango-bango rin."
Mahina siyang natawa at dinampian ng mabilis na halik ang mga labi ko. "Thank you. Pero mas mabuti pang umalis na tayo at baka hindi ako makapagpigil." Napakapit ako sa damit ni Ian nang kagatin niya ang tenga ko.
"Ian!" Hinampas ko ang dibdib niya nang pisilin niya ang pwet ko at mahins iyong hinampas.
May kung anong kumiliti sa tiyan ko habang pinakinggan ang mahina niyang pagtawa. Ang sarap talagang pakinggan ng mababang boses ni Ian lalong-lalo na kapag tumatawa.
"Come on, alis na tayo." Pinagsiklop niya muna ang mga kamay namin bago niya ako hinila palabas ng kwarto namin.
Nagpaalam muna kami saglit kina Tine na nasa sala habang kausap sila tito Christian bago kami umalis.
"Ian, gusto kong manood ng payrwerks sa dagat." Ang wala sa sariling sabi ko habang nakatingin sa labas ng sasakyan.
May nakita kasi akong larawan ng payrwerks. Gusto ko rin makakita ng gan'on sa dagat. Nakakita na ako ng star rice at sang sit sa dagat. Pati kidlat nakita ko na rin sa dagat. Pero yong mga makukulay na payrwerks hindi pa. Gusto kong makita ito sa langit at ang repleksyon nito sa dagat.
"Okay, manonood tayo. Ano pang gusto mong gawin natin ngayon?" Lumingon ako sa direksyon niya at ngumite.
"Gusto ko lang makasama ka ngayon, Ian." Ang nakangite ko ring sagot.
Inabot niya ang kamay ko habang nakatuon pa rin ang kanyang paningin sa daan at dinala iyon sa bibig niya. Parang may kuryenteng umikot sa buo kong katawan nang halikan niya ang kamay ko, tapos iyong singsing ko.
"Ngayon lang? Paano 'yon? Gusto kasi kitang makasama panghabang buhay," aniya saka lumingon sa direksyon ko. Saglit akong napatigil sa banat niya.
Det namin 'to ni Ian. Matagal kong hiniling ang araw na 'to kaya dapat sulitin ko ang araw na 'to kasama siya.
Mamaya ko na iisipin ang ibang bagay. Kasi alam kong maraming magbabago pagkatapos ng araw na 'to.
"We're here," ang anunsyo ni Ian kaya mabilis akong napasilip sa bintana.
Mukhang nasa paradahan na kami ng mol. Naunang bumaba si Ian saka siya umikot para pagbuksan ako ng pintuan. Pero inunahan ko na siya. Ilang beses ko ng sinabi kay Ian na kaya kong magbukas ng pintuan. Hindi na naman masakit iyong palapulsuhan ko. Minsan na lang kapag sobrang ginaw.
"Anong una mong gustong gawin?" Ang tanong niya sa akin pagkapasok namin sa loob ng mol. Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kaming dalawa.
Inilibot ko ang paningin sa malawak na mol na pagmamay-ari ni daddy at napaisip kung anong gusto kong gawin. Naalala ko naman iyong una naming dit ni Ian sa lugar namin, iyong nagpunta kami sa mol. "Ian, gusto ko sa arkid, Ian."
"Alright! Arkid here we go!" Sigaw niya saka ako hinila patakbo sa gumagalaw na hagdanan.
Hindi ko alam kung anong nakain ni Ian o kung nalipasan ba siya ng gutom kasi sobrang liksi niya ngayong araw. Hindi naman ako nagrereklamo kasi natutuwa din ako. Naglaro ako doon sa nanghuhuli ng isda 'yong sa malaking lamesa. Tapos naglaro din kami doon sa baril-barilan ng sombe.
'Yong payb tawsan niya na pera binili lang niya ng barya tapos marami siyang inihulog doon sa isang lalagyan na maraming barya rin. Hanggang sa magsilabasan iyong maraming tiket.
"Ian, ang dami na nating ticket! Gusto ko yong malaking staptoy, Ian, ha? Yong kulay blue. Gusto ko 'yon," ang sabi ko habang naglalakad kami papunta sa counter. Bitbit ko ang maraming ticket. Iyong iba naman ay bitbit ni Ian.
Ginulo niya ang buhok ko at tunango. "Okay."
May sobra pang sampu iyong ticket na binibigay namin ni Ian. Sabi niya itatago daw niya yon para may idagdag kami sa susunod naming balik.
Paglabas namin bitbit na ni Ian iyong malaking staptoy na halos kasinglaki ko na yata. Iyong sumbrero naman niya ay nakasilid na ngayon sa bakpak ko na siya lang din ang may dala.
Habang naglalakad kaming dalawa nakaagaw ng pansin ko ang isang bintana dito na gawa sa salamin. Makikita mo sa loob ang sahig na gawa sa yelo tapos nakasuot sila ng kakaibang sapatos. Bigla akong nasabik at napatakbo doon.
"Piyo!"
"Ian, gusto kong pumasok sa malaking rep!" Kumapit ako sa mamasels niyang braso at itinuro ang loob n'on. Ngumuso pa ako sa direksyon niya para mas lalong magpa-kyut.
Tumingin siya sa loob tapos sa akin. Tapos doon ulit. Nakita ko ang pag-aalinlangan niya habang nakatingin sa akin. Napaayos ako ng tayo at napahagod sa aking batok. Baka hindi komportable si Ian. Sa iba nalang kami maglalaro.
"Sa iba nalang tay—"
"No, pasensya na. Nagaalala lang ako sa palapulsuhan mo." Ang sabi niya saka hinagod ang tahi ko sa kamay.
"Okay lang ako, Ian. Lesgo! Lesgo!" Hinila ko siya papunta doon sa nagbebenta ng tiket.
Mabilis kaming nakabili ng tiket at nakapasok sa loob dahil wala namang masyadong pumipila dito. Tinulungan ako ni Ian na isuot iyong sapatos na may manipis na takong na binili niya sa loob ng isang tindahan doon. Ayaw niyang paggamitin ako doon sa libreng sapatos. Bumili rin siya ng grabs at isinuot iyon sa aking kamay.
"Ian, picsure tayo dito!" Kinuha ko mula sa bulsa niya ang kanyang selpon at saka siya hinila papalapit sa akin.
"Oki, one, two, three, smile!"
Ilang beses pa kaming nagpikshur bago kami pumasok doon sa lugar na nagye-yelo ang sahig.
"Ian!" Malakas akong napatili nang kamuntikan na akong matumba sa sahig. Mabuti nalang at mabilis akong nasalo ni Ian. Kumapit ako ng mahigpit sa leeg niya habang tinutulungan akong makatayo. "Ian, di ko yata kaya! Anhirap maglakad dito! Mag-paa nalang ako."
Malakas siyang natawa saka mabilis niya akong dinampian ng halik sa labi. "Unfortunately, bawal 'yon. Here, sumakay ka nalang dito."
Tiningnan ko ang plural beer na hawak hawak ni Ian at inilibot ang aking paningin sa malawak na kwarto. Iyong iba ay tulak-tulak ang plural beer, yong iba kampanteng naglalakad sa loob na walang anumang suporta, pero iyong iba naman ay nakasakay lang din dito.
"Oki, Ian! Itulak mo nalang ako hehe." Inalalayan niya ako papaupo doon at saka siya umikot at pumwesto sa aking likuran.
"Ready?!"
"Ready! Payr!" Napakapit ako sa paa ng plural beer at malakas na napatili nang simulan na ni Ian ang pagtulak sa akin.
Dinamdam ko ang paglapat ng malamig na hangin habang nakabungisngis. Tawa lang ako ng tawa habang nakasakay doon. Hindi ko pinansin ang mga tingin na ibinibigay sa amin ng mga tao dito sa loob. Pakiramdam ko, kami lang dalawa ang tao sa loob.
"Hi!" Tumigil kaming dalawa ni Ian sa harap ng isang bebe girl. Siguro mga payb na ang edad niya pero ang galing niya bumalansi. Kanina ko pa siya nakikitang patakbo-takbo dito sa loob.
Ngumite siya sa akin at kumaway. "Hello!"
"Halu! Halu! My name is kuya Piyo. What is your name, bebe girl?"
"I'm Alice po. You're like my daddy and papa." Ang sabi niya saka ako tinuro tapos si Ian.
Ha? Anudaw? Like my daddy? Sinasabi niya ba na tatay niya ako?
Umiling ako sa direksyon niya. "No, bebe, no. Me not your daddy, okay? We same face?"
"What? You're funny! I'm gonna tell papa!"
Humagikgik siya ng tawa saka nagtatakbo palayo sa amin. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ian at sabay na natawa. Ilang oras pa kaming naglagi doon bago kami tuluyang umalis para kumain ng tanghalian.
Hinila ko si Ian sa loob ng restoration na may pulang bubuyog sa labas. Napa-picture pa ako doon tapos kaming dalawa naman ni Ian. Bumili rin kami ng mga laruan na nandoon para sa mga bebe sa bahay.
Pagkatapos naming kumain ng isang maliit na baldeng praydsheken ay pumunta naman kami sa may sinehan para manood ng Beauty is the best. Iyong prinsesang napunta sa kastilyo ng pangit at nakakatakot na lalaki. Oki lang naman siya. Nagustuhan ko kasi kitang-kita ko yong masels ng lalaki noong naging tao na siya ulit hehe.
Pagkatapos naming manood doon ay pumasok kami ni Ian sa loob ng mga tindahan at nagsukat-sukat ng mga gamit. Pero iyong pinakagusto ko ay yong sa tindahan ng mga damit ng mga bebe.
Habang namimili kami ng mga damit, hindi ko maiwasang matanong kay Ian kung anong gusto niyang magiging pangalan ng bebe namin.
"Kung lalaki gusto kong Philric pero kung babae naman gusto kong Pia." Ngumise siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Meron na ba?"
"Meron? Anong meron, Ian?" Ang nagtataka kong tanong.
Umiling siya at ngumite sa sarili. Iyong ngiteng tagumpay. "Nah, I'm sure there already is."
Pagktapos naming mamalagi doon sa loob ay nagpunta naman kami sa ibaba para bumili ng mga chichirya at inumin na dadlhin namin sa dagat. Binalot kami ng isang komportableng katahimikan habang binabaybay namin ang daan papunta sa tabi ng dagat.
Medyo madilim na ang langit pagdating namin ni Ian doon. Wala ring masyadong tao sa lugar. Ay hindi! Wala talagang tao sa lugar. Kami lang dalawa ni Ian.
Naupo kami sa isang buhanginan hindi kalayuan sa tubig. Kinuha ko mula kay Ian ang staptoy ko at hinayaan siyang ihanda ang mga pagkain namin.
Kumuha ako ng isang chichirya doon at binuksan iyon. Kinuha ko rin iyong mamahaling juice na binili niya at nagsalin sa binili niyang baso. Kinuha naman ni Ian ang binili niyang beer at binuksan iyon.
Sumandal ako sa balikat ni Ian at tumingala sa langit. "Anong gusto mong mangyari sa kasal natin?"
Nilunok ko muna iyong kinakain ko bago ako sumagot sa kanya. "Hmm... Gusto ko yong rarampa sila Nigel sa kasal natin Ian. Tapos sila Daga rarampa din sila sa kasal natin. Tapo, Ian, gusto kong may praydsheken sa kasal natin. Gusto ko rin maraming bulaklak. Gusto ko may sampaguita sa bulaklak ko, Ian."
"Sampaguita?" Hinuli niya ang kamay ko at ikinulong ito sa kanya.
"Hm. Bukod sa mabango ito, mura din ito, Ian. Pasok sa budget!"
Niyakap niya ang balikat ko at hinila ako papalapit sa kanya. "Budget? Wala tayong budget. Gagastos tayo hanggang sa maging perpekto ang kasal na pinapangarap mo."
"Hindi naman ako mayaman para mag-inarte sa kasal, Ian. Basta kasama lang kita perpektong kasal na 'yon. Aanhin ko naman ang magarang kasal kung hindi ikaw ang lalaking katabi ko sa harap ng altar?"
"You're right, pero gusto pa rin kitang bigyan ng kasal na gabi-gabi mong mapapaginipan sa ganda. Kakabugin natin ang kasal nila Nathan."
Mahina akong natawa ng marinig ang paggamit niya ng salita ni Tine. Muli kaming binalot ng katahimikan ni Ian. Nakatitig lang kami sa kawalan. Naging komportable kami sa katahimikan at malamig na simoy ng hangin.
"Shit!"
Lumayo ako sa kanya at nag-aalala siyang tiningnan. "Bakit? Bakit?"
Halata ang takot sa mukha ni Ian habang may kinakapa sa kanyang pantalon.
"Tumayo ka muna, Piyo," Ang utos ni Ian sa akin.
Mabilis ko namang sinunod ang utos niya at tumayo sa kanyang harapan. "A-Ano bang problema, Ian?"
Hindi siya sumagot at patuloy lang sa pagkapa sa kanyang pantalon. Noong mapagtanto niyang wala doon, kinapa naman niya ang buhanginan. Kinapa niya ang buhanginan hanggang sa tumigil siya sa harapan ko.
Akala ko ay tatayo na rin siya. Pero nagulat ako ng manatili siyang nakaluhod doon. Nagsimula na namang tumambol ng malakas ang puso ko sa aking dibdib.
"Philip Yoshieke Magnao, I owe you one proper engagement so I'm going to do it right this time. Huli man, at least nakahabol naman di ba?" Rinig ko ang nerbyos sa kanyang pagtawa. Tumingala siya sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata. "Piyo, ikaw ang una kong gustong makita tuwing umaga. Ikaw ang taong gusto kong samahan sa labor room habang niluluwal mo ang mga anak natin. Ikaw ang taong gusto kong makasama sa pagbuo ng pamilya."
Hindi ko maiwasang hindi maiyak habang nakikinig sa kanya. Gusto kong maniwala sa sinasabi ni Ian pero natatakot ako. Natatakot akong mabigo.
"Piyo, will you marry me?"
Kasabay ng tanong na 'yon ay ang pag-ilaw ng buong kalangitan. Iba't-iba at halo-halong kulay ang sumabog sa kalangitan.
----------------------------------------------------------
Hi guyses! Sorry po natagalan hahahaha. Medyo mahaba-haba po kasi ang chapter na ito. Hehe. Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Goodnight po! Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!
#
RoadToEnding
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top