38
Alaric Ian Juariz
"Thank you for doing business with me, Mr. Alejandro. I'll you send the contract today."
I swiftly stood up from my seat and extended my hands towards the man, in an expensive suit, sitting across me for a handshake. I just closed a big deal but I can't find the will to celebrate.
"How's my schedule, Gideon? Do I still have any meetings left?" Ang tanong ko sa aking sekretary habang papalabas kami ng resto.
"Your agendas for the day are cleared, sir," ang sagot niya.
I looked at the expensive watch hugging on my wrist. It's still three in the afternoon. I still have time to visit her. Tumigil kaming dalawa sa harap ng sasakyan ko.
"You're dismissed. See you tomorrow." I waved my hands dismissively before getting inside my car.
I connected my phone to my car's speaker before dialling my husband's number. Pinaandar ko na rin ang sasakyan habang hinihintay siyang sumagot. Napakunot ang noo ko nang hindi ito kaagad sumagot. What takes him so long to pick up his phone? Wala naman siyang trabaho ngayon.
"Hello, Ian?" My mood immediately easened up after his sweet voice blessed my ears.
"Hi, sunshine. How are you? I miss you. Anong ginagawa mo ngayon?"
"Halu, Ian! I mishu too. Okay lang ako. Nandito ako sa mall kasama si Tine, Ian. Ikaw? Pagod ka ba sa werk mo?"
I was smiling like a damn fool while I listen to him. Kahit hindi ko siya nakikita ngayon parang nai-imagine ko na ang mga ekspresyon niya sa mukha. His excited smiles, his cute frowns, his worried stares, I can perfectly picture it all in my head.
"Yeah, pagod na pagod na ako. Gusto ko ng mayakap at mahalikan ka para bumalik ang lakas ko." Ang tila walang buhay kong sagot sa kanya.
"Mag-werk ka na ng mabilis, Ian, para makauwi ka na. Pagkatapos namin maggala ni Tine, bibigyan kita ng isang malaking-malaking- malaking yakap. Iki-kiss din kita ng maraming-marami. Pati iyong alaga mo iki-kiss ko rin."
Mabilis akong napa-preno nang marinig ang huli niyang sinabi. He's literally going to be the death of me. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisisyon ko na ipakilala sa kanya si Austine. Sobrang laki ng impluwensya niya sa buhay ng asawa ko.
"Hello, Ian? Is you ... Is you in the there calling right now in me my cellphone? Why no talking? Is you off? No, it is not."
Malakas akong napatawa habang pinapakinggan siyang nagsasalita sa kabilang linya. His cuteness should be illegal. It can kill anyone. "I love you, Piyo."
"Huh? What? Again again. Talk ka, Ian, again." My smile reached my ears as I listen to his babbles.
"I love you sunshine. I love you so damn much. You mean the world to me." Humigpit ang hawak ko sa manibela habang pinapakiramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko.
"Aylabyu too, Ian. Aylabyu so paking much! Oki, babye na, Ian. Mag-ingat ka sa daan ah. Kumain ka kapa gutom ka. Kapag masakit na ang mata mo tumigil ka muna sa pag-werk."
"You too, sunshine. Take care."
"Bye-Bye!" He made a kissing sound before turning off the call.
I was always confident with myself. But it all change after I became aware of my feelings for Piyo. Unti-unting natitibag ang kumpyansang pinaghirapan kong mabuo ng maraming taon. Tuwing nakikita ko ang mukha niya hindi ko maiwasang hindi matakot. I'm afraid of him seeing the real me. Natatakot akong makita niya kung gaano ako kalayo sa Ian na kilala niya. Natatakot akong iwanan niya ako kapag na-realize niya na mas may lalamang pa pala sa akin.
His parents, his brothers and Ajax Lopez, all of them are way better than me. Unlike me who had a different agenda before, walang naging bahid ng kasamaan ang pagmamahal nila sa asawa ko. But I don't want to give him up that easily. Kaya kong baguhin ang sarili ko para sa kanya. Kaya kong gawin ang lahat hindi lang siya lumayo sa tabi ko.
Siya ang gusto kong makasama hanggang sa aking huling hininga. He's the one I married. Sa kanya ko ipi nagkitawala ang buong puso ko. He's my life now. And he deserves all of my attention. He deserves to know everything about me. It's time for him to know the real Ian Juariz.
Maingat kong ipinark ang sasakyan sa harap ng isang simpleng bahay. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako tuluyang lumabas. Tahimik ang buong paligid pagkababa ko.
"Arf!" A white askal dog ran towards me excitedly. Agad ko itong binuhat nang tumalon ito sa bisig ko.
"You miss me that much, boy?" He barked once before licking my face wet with his slimy tongue.
Pagkatapos niyang kumalma, maingat ko siyang ibinaba sa lupa. Tumakbo niyang tinungo ang pintuan na gawa sa kahoy. Nakapamulsa akong naglakad papunta doon. Inayos ko muna ang suot-suot kong dress shirt bago sunod-sunod na kumatok.
"Ian?" I was greeted by a woman in her late 50's. The shoulder length curly hair, the big lonely eyes that held so much longing and pain even after all these years, that emotionless face, katulad na katulad pa rin ito ng dati.
"Tita Nerry." Kinuha ko ang kanyang basang kamay at nagmano doon.
"Pasok ka," aniya bago binuksan ng malaki ang pintuan. Tumabi siya para bigyan ako ng daan.
Isinara muna niya ang pintuan bago siya humarap sa akin. She smiled at me pero alam kong pilit lamang iyon. niya. I don't expect her to give me a genuine smile after what I did to her daughter.
Dinala niya ako sa kanilang kusina at doon pinaupo. "Anong gusto mong inumin? May kape ako dito at juice pero iyong mga naka-sachet lang."
"Kape nalang po," ang sabi ko. I sat there in awkward silence as she my drink.
Inilibot ko ang aking paningin sa kusina. The place still looks cold and depressed. It didn't stop mourning for her too. It still longed for her laughs and smiles. The guilt and shame slowly crept inside me again.
"Kamusta ka na?" Muli akong nagbalik sa reyalidad nang marinig ang tanong niya.
I avoided looking at her slumped shoulder. Tumingin ako sa labas ng bintana niya dito sa kusina. "Okay lang po ako, tita. Kamusta na po kayo? Sabi ng doctor na pinapadala ko dito may lagnat daw kayo noong nakaraang linggo."
"Naabutan kasi ako ng ulan noong nililinis ko ang puntod ng asawa ko," ang sagot niya. Napalingon ako sa direksyon niya nang malakas na kumalampag ang mga gamit sa kusina.
Tatayo na dapat ako para tulungan siya pero lumingon siya sa akin at sinenyasan akong maupo. Tahimik lang akong nakamasid habang inaayos niya ang mga gamit doon. Pagkatapos niyang linisin ang kusina, lumapit siya sa akin dala-dala ang isang tasa ng kape.
She carefully placed it infront of me before sitting down on the seat across me. Tahimik kong ininum ang kape ko habang pinagmamasdan ang nakatulala niyang mukha sa bintana.
"Ikinasal ka na pala," ang sabi niya habang nakatulala pa rin sa kawalan.
"Po?"
"Sa palasingsingan mo." She glanced at my hand.
Ibinaba ko ang baso sa lamesa at napahagod sa aking batok. "Ah, opo. Noong nakaraang araw lang."
"Masaya ako para sa iyo. Masaya ako na unti-unti ka ng nakakalaya."
I remained silent. I was speechless. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isasagot sa kanya.
"Kaya sana hayaan mo na rin ang anak kong makalaya." She looked deeply in my eyes. "Palayain mo na rin ang anak ko, Ian. Pagod na akong umasa. Pagod na rin siyang umasa. Wala na ang anak ko. Ayaw na niya, hindi na niya kayang gumising. Tama na. "
Her dead eyes pooled with fresh tears. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya mula doon. "Sinabi niya sa akin. Sinabi niya sa akin sa panaginip ko. Handa na siya, Ian. Hayaan mo na siyang umusad. Hayaan mong umusad na tayong lahat. Patawarin mo ako kung sinisi kita sa pagkamatay niya."
Nanginginig ang kamay niyang inabot ang nanlalamig kong mga kamay. "Sana maintindihan mo na dala lang iyon ng lungkot, sakit, takot, pait, at pangungulila ko sa pagkamatay ng asawa ko at pagka-aksidente ng anak ko. Wala kang kasalanan sa kanya. Patawarin mo ako."
"Please stop saying sorry, tita. Wala kayong dapat ihingi ng tawad."
Umiling siya. "Dahil sa akin... Dahil sa akin kaya nahihirapan kayo ng anak ko. Dahil sa akin kaya..." Hindu niya nagawang tapusin ang sinasabi niya dahil tuluyan na siyang napahagulgul.
"Tita..." squeezed her hands to calm her down.
She looked up to me with pleading eyes. She looked up to me like I'm the only person who can save her child.
"Maawa ka, Ian. Pagpahingahin mo na si Natty."
Pagpahingahin?
Tiningnan ko ang babaeng mahimbing na natutulog sa kama. She looked so serene. I brushed my hands on her cold cheeks. I was waiting for her to slap my hands and cursed me for disturbing her sleep, but she never did.
Pagkatapos kong bisitahin ang nanay niya, agad akong dumiretso dito sa kwarto niya.
"Hey," I tried to act casual but my voice still managed to cracked. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay at dinala iyon papalapit sa aking bibig. "Your mom told me you're tired. Do you want to rest now, Natty?"
Napayuko ako habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya at impit na umiyak. "I want you to be my best man. I want you to stand beside me as I wait for my man on the altar. Hindi mo ba talagang kayang tumayo kahit isang araw lang? Gago, ang tamad mo talaga."
Mahina akong natawa. Marahas akong bumuga ng hangin at binitiwan ang kamay niya. Nakahalukipkip akong sumandal sa aking upuan at pilit na ngumite sa kanyang direksyon. "The truth is, I'm already married. I had to do it so they won't have any reasons to keep him away from me. Kung makikilala mo siya sigurado akong magugustuhan mo rin siya. He's cute as fuck and he's very hardworking. He's very independent and brave. He's sweet. He's quite silly at times but he's the kindest human I have known in my life, Natty. He will do anything to help someone. Even if those people mistreated him, hindi siya magdadalawang isip na tulungan ang mga taong 'yon."
The smile on my lips permanently stayed as my husband's face flashed in my mind. "He loves animals but he's not very good with dogs. Magaling rin siyang magpinta and sometimes I could hear him humming and singing some songs. Kahit mali-mali ang lyrics, I can tell that his voice is good. Pakiramdam ko ako na ang pinakaswerteng tao sa mundo. Everytime I wake up in the morning with him on my arms, I feel like I'm holding the universe. Kahit araw-araw, oras-oras at minu-minuto kaming nagkikita I keep on falling in love with him. Alam mo 'yon? Kahit palagi ko namang naririnig ang aylabyu niya para akong teenager kung kiligin. Napapabanat ako kahit hindi naman ako sanay sa gan'on. I spit stupid lies and diagnosis just to keep him away from other guys... and girls. Falling inlove with him is so damn good and scary at the same time. Its scary because I feel like my life is slowly changing for the better. Its scary because I cannot see an end to us."
I leaned towards her at itinabi ang ilang hibla ng kanyang buhok. I swallowed hard to keep myself from crying again. "Before you go, I want you meet him first. I want him to meet my hero and I want you to meet my life now. The two of you are very important to me kaya gusto kong makilala niyo ang isa't-isa."
I let out a shaky breath as my tears made its way out of my eyes again.
"Please guide us, Natty. Guide me in my new life. Guide my husband, guide my kids."
This is not the end of her. She will live another life. I am sure God will gift her with a new life. A life where she can have everything she deserves. A life where she grows up healthy and strong.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinalikan ang kanyang noo. "Thank you, Natty."
"Ian, sigurado ka na ba?" Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang pinsan ko.
Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana na gawa sa salamin. I can see the lab from here. "I'll send someone to clear up the lab. Natty... Natty will be transferred to the presidential suit before we stopped the machine. I'll send her mom tomorrow so she could spend some more time with her. Bibisita din kami ng asawa ko."
Lumapit ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. "Thanks, bro."
"Nah, I'm happy for her. Sa daming tests na ginawa natin sa kanya sigurado akong napagod din siya."
He was staring at her with a small smile on his lips but his eyes are telling me otherwise.
Tumingin siya sa akin at pabirong sinuntok ang balikat ko. "Stop looking at me like that. It's creeping the fuck out of me. I'm fine. Maybe we'll have another chance in another life."
In another life.
-----------------------------------------------------------
Hello guyses! Medyo emotional ako sa chapter na 'to. Gusto kong buhayin si Natty at bigyan siya ng happy ending. Pero baka hindi sa life na to ang kanyang happy ending.
It's really hard to stay positive kung puro nalang pangit ang nangyayari sa buhay natin. But always remember po na kahit gaano man kanega (hindi po ako racist) ang nangyayari sa life natin, dadating at dadating pa rin ang panahon na makakamtan natin ang deserve nating happiness bilang kabayaran sa ating paghihirap. Yes po, opo. Kaya please don't give up so soon yet. Laban lang jud ta no?! Hahahaha. Dili ta magpalupig sa yawa! ( hindi tayo magpapatalo sa yawa!😂)
Stay healthy, keep safe and God bless you ol po! Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top