37

Alaric Ian Juariz

"Ian, are you sure about this?" He moved his hands away when I was about to reach out for the envelope. 

I gave him a glare. Nasasayang ang oras ko sa gagxng 'to. "I'm a hundred percent sure, Nate." Ang determinadong sagot ko sakanya.

"Oi, ano 'to?" Nabaling ang paningin naming dalawa sa mga bagong dating dito sa opisina ko.

Anong ginagawa ng mga animal na 'to dito? Wala ba 'tong mga trabaho at agang nambwi-bwiset? Napasandal ako sa lamesa at napahilot ng sintido nang buksan ng mga chismoso kong kapatid ang brown envelope na dala-dala ni Nate. Napakaseryoso pa ng mga mukha ng mga gago habang binabasa ang papel na dala-dala ni Nate.

Nagkatinginan sila sa isa't-isa. Kumurba sa isang pang demonyong ngise ang mga labi nila nang mapagtanto kung ano 'yon. They gave me a strange look before giving each other a high five. This is the reason why I don't want them to know about my affairs.

I walked towards them with an annoyed expression on face and carefully snatched the papers from their sinful hands.

Francis slapped my shoulder bago ito umakbay sa akin. "'Grats, bro. Galing mong pumili ng buwan na papakasalan." Aniya habang nakangiting asong nakaharap kina Axel at Nate. "Huwag niyong kalimutan iyong tigda-dalawang milyon ko, kuya."

Umigting ang tenga ko nang marinig ang sinabi niya. Lumayo ako sa kanya at binigyan siya ng isang nagdududang tingin.

"Pinagpustahan niyo ba ako?"

All of them immediately avoided my eyes. Axel started to whistle while looking up, Nate picked up a book from the shelf and started reading it upside fckng down at ang bulok namang si Francis ay nagsuklay sa kanyang buhok. Gago, kailan pa ito nagdadala ng suklay?

"Magkano?" Ang dagdag kong tanong sa kanila pero walang gustong sumagot. Itinaas ko ang kamay ko at malakas na binatukan si Francis.

"Aray! Tngna naman. Sakit n'on ah." He glared at me while he rubbed the area in his nape that I hit. I glared back at him. Para naman itong maamong tuta iniwas ang kanyang tingin sa akin. Ibinaling niya ang kanyang atensyon kina Axel at Nathan na parang mga tanga sa kinatatayuan nila.

"Neil,"

"Tig-two million nga, Ric! Bakit ba ako ang minamaltrato niyo lagi? Nathan's the one who persuaded us to join this bet. Siya ang bugbugin mo."

I move my sight towards Nathan's direction. He had both of his hands raised up in the air with a smug look on his shitty face. Mukha talagang pera ang gago ko. Kulang nalang kumain na siya ng pera. Bagay nga sila ng asawa niya. Both of them are not in their right minds.

"Don't worry, libre ko na sa iyo 'yang marriage certificate."

Kinuha ko ang may kabigatang suklay na hawak-hawak ni Francis at itinapon iyon sa direksyon niya. Mabilis niya itong nasalo at saka itinapon pabalik sa direksyon ni Francis na hindi kaagad nakapag-handa. Lahat kami ay napadaing kasama niya nang tumama ito sa gitna ng kanyang pantalon.   

"Fck! I'm so going to kill all of you kung hindi ako lalabasan mamaya!" He threatened while he cupped his bump protectively.

"You're always welcome in my hospital, Neil." Hinagod ko ang likuran niya pero mabilis itong lumayo sa akin—sa amin.

"Ano bang ginawa kong masama sa nakaraang buhay at binagyan ako ng Diyos ng mga demonyong kapatid na kagaya niyo?" He asked with so much hatred and disgust in his voice.

Tumingin sa amin si Axel na may nanunuksong tingin."Dude, narinig niyo 'yon? Demonyo daw tayo? Don't worry one of these days bibisitahin namin ang asawa mo kasama sila mo—"

"Fxck off!" Ang angil nito na nagpatawa sa aming lahat. Deep inside I'm thanking God for not sending me late. Being the youngest is the worst when you have Nate and Axel as your brother.

Ilang minuto pa kaming nanatili sa loob para pagtripan si Francis bago ako bumalik sa kwarto namin ni Piyo. It's been more than a week since I met his biological parents. Hindi ako nagaksaya ng oras at pinaayos kaagad kay Nathan ang marriage certificate namin.

We'll have a grand wedding after I sort everything out, sa ngayon ay kailangan ko munang i-secure ang relasyon naming dalawa. If I have to deceive him just to make him stay then I will. I won't allow anyone to take him away from me. Walang makakapaghiwalay sa amin. That little guy is mine. Sa akin lang. Sa amin lang ng mga anak namin.

"Ian! Saan ka galing? Male-let na 'ko sa trabaho eh." Ang pagmamaktol ni Piyo pagkapasok ko sa kwarto.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang nakabusangot niyang mukha. His smiles, his laughs, his frowns, when did I start to realize that they're more precious than my richest? Maybe I have already known from the very beginning. Siguro nga ay alam ko na simula pa noong una ko siyang makilala. The admiration I felt towards him during my stay in that small hut was real but I refused to acknowledge it earlier. I refused to acknowledge it for some stupid reason.

"I'm sorry, sunshine. Tapos ka na bang kumain?" Sinulyapan ko ang tray na nakapatong sa side table at nakitang kaunti na lang ang natira doon.

I'm glad his appetite is getting better. After we moved here, I started to feed him more nutritional food. But he could barely finish a cup of rice back then. Mas gusto niyang kumakain ng mga junkfoods at matatamis. Seeing his current body right now makes me proud of him.

"Tapos na. Alis na tayo, Ian. Let na let na let na ako sa trabaho. Kapag mababawasan sweldo ko magagalit talaga ako sa'yo!"

I watched him with so much amusement as he crossed his arms on his chest and stomped his right foot. Mahina akong natawa at saka siya hinila papalapit sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Ian, ano 'yang hawak-hawak mo? Para sa werk mo ba 'yan?" Ang tanong niya matapos siyang kumawala sa pagkakayakap ko.

This is it. The confidence I had awhile ago suddenly disappeared. Malakas na kumabog ang puso ko habang nakatitig sa kuryuso niyang mukha.

"No, it's... Inutang ko kasi yong singsing, kailangan ko ng pirma mo bilang guarantor ko, para hindi nila bawiin ang singsing. W-We'll go after you sign this." Gusto kong tampalin ang sarili dahil sa pagkakautal ko.

"Hala!" Nakita kong namilog ang mata niya sa sinabi ko. "Sana sinabi mo kaagad sa akin, Ian. Pipirmahan ko na. May bolpen ka ba?"

Tumikhim ako at tumango. My hands are shaking as I handed him my pen. Bitbit ang marriage contract, nagpunta siya sa study table para inilapag doon ang kontrata.

The tension in my body prevented me to move an inch. I held my breath as I waited for him to finish signing the contract.

"Ian, dan na! Lesgo! Lesgo na, Ian!" Piyo shoved the paper on my chest habang nagmamadali siyang naglakad papunta sa pintuan.

Saglit akong napatitig sa pirma niya sa ibaba ng kontrata. A smile slowly made its way on my lips as I walked towards my vault. Binuksan ko iyon at maingat na itinago ang kontrata doon.

Yoshiki Fujiwara? Nah. Philip Yosheike Juariz sounds more right.

Philip Yoshieke Juariz

"Oh, Piyo! Kala ko hindi ka na papasok." Napatakbo ako kay Michi nang salubungin niya ako sa keychain.

Binati rin ako ng iba ko pang kasamahan dito sa werk ko. Bukas na itong restoration ni Roro pagdating ko. May kaunting mga customer na rin ang kumakain dito sa loob.

"Nilagnat kasi ako, Michi, tapos hindi ako makalakad ng maayos kaya hindi muna ako pinapasok ni Ian." Ang paliwanag ko sakanya habang pinaglalaruan ang singsing sa kamay ko.

"Okay ka na ba ngayon?" Ang nag-aalala niyang tanong sa akin.

Tumango ako. "Hmn! Oki na oki na ako ngayon, Michi. 'Wag ka ng mag-alala."

"Mabuti naman. Oh siya, sige, magtrabaho na tayo. Dating gawi lang. Linisin mo 'yong mga tables na kailangan linisin, and then, may kaunting basura doon sa counter please pakidala sa labas ah? Thank you. "

"Oki, Michi! Tenkyu. Babye!"

Habang naglalakad palabas ng kusina, hindi ko maiwasang mapahawak sa aking palasingsingan. Parang may kung anong mainit ang humaplos sa puso ko.

Kahit lagpas isang linggo na ang nakalipas simula nang hingin ni Ian ang kamay ko para sa kasal, pakiramdam nasa mga ulap pa rin ako. Tapos naalala ko rin iyong pinag-usapan namin ni Tine kahapon at ni Roro.

"Gumamit ba kayo ng condom ni Ian, Piyo?" Ang tanong ni Roro sa akin habang kumakain kaming tatlo ng pananghalian dito sa balkonahe ng kwarto nila Tine.

Tumigil ako sa pagsipsip ng iniinom kong juice at napanguso habang inaalala kung anong ibig sabihin ng condom. Tumingin ako kay Tine na abala sa pagpapakain kay Nigel. "Tine, ano 'yong comdom, Tine?"

Pinainom muna ni Tine si Nigel ng tubig bago siya humarap sa akin. May kinuha siya sa kanyang pitaka at saka iyon inilapag sa aking harapan.

"Stroberi ba 'yan, Tine? Bakit ka may stroberi sa pitaka mo?" Ang nagtataka kong tanong sa kanya.

Binuksan niya iyon at inilabas doon ang parang isang pahabang supot. "Sex education 69, kung ayaw mong mabuntis isusuot mo 'to sa hotdog ng iyong jowabels. Sasaluin nito ang tamod ni Ian pagkatapos niyong magjugjugan para hindi makalangoy sa obaryo mo ang maganda niyang lahi."

Hindi ko masyadong naintindihan ang eksplenasyon ni Tine. Ang naintindihan ko lang ay yong hindi ako mabubuntis kapag ipinasuot ko 'yon kay Ian.

"Parang nakita kong nagsuot ng ganyan si Ian pero isang beses lang, iyong sunod hindi na siya nagsusuot ng ganyan. Pwede pa kaya ako mabuntis, Tine? Gusto kong magka-bebe kay Ian." Ang tanong ko sa nag-aalalang boses.

Nagkatingina silang dalawa ni Roro saka mas lalong lumapit sa akin.
"Kailan unang may nangyari sa inyo ni, Ian?" Ang pabulong na tanong ni Roro sa akin.

"Noong parti ng lola ni Ian. Bakit? Bakit?"

Nagkatinginan ulit silang dalawa ni Tine. "Gumamit kayo nito?" Itinaas ni Tine ang comdom at iwinagayway ito sa aking harapan.

"Isang beses lang," ang sagot ko habang pinaglalaruan ang singsing sa aking kamay.

Sinapo ni Tine ang mukha ko at naluluha akong tiningnan. "Dalaga na ang anak natin, Roan."

Yumakap siya sa braso ni Roro at maarte na pinunasan ang gilid ng kanyang mga mata kahit wala namang luha na lumalabas doon. Nagiging artista na naman si Tine.

"Gaga! Hindi tayo talo!" Ang nandidiring sigaw ni Roro saka itinulak ang mukha ni Tine palayo.

"HAHAHAHAHAHA!" Napatingin kaming tatlo kay Nigel na malakas na tumatawa habang nakatingin kay Tine. Palagi talaga niyang pinagtatawanan si Tine. Natawa na lang din kaming lahat.

"Wag tayong magpa-distract sa biik na 'yan. Balik tayo sa usapang buntisan. Malaki ang posibilidad na buntis o mabuntis ka, bakla. Sharp shooter ang mga kapatid niya, siguradong wala ring pinagkaiba iyong alaga niya."

"B-buntis ako?"

"Pak! Korek ka diyan, sis."

Wala sa sarili akong napahawak sa aking tiyan at hinimas iyon. Iniisip ko pa lang na may bebe namin ni Ian dito sa loob ko para na akong maiiyak. Hindi ko maiwasang manabik sa mga paparating na araw kasama si Ian. May paparating na kasal, may paparating na bebe. Pakiramdam ko buhat na buhay ako ulit. Parang mas may saysay na 'yong buhay ko.

"Ate Mae, kunin lang po 'tong basura." Ang paalam ko kay ate Mae na kahera dito bago ko kinuha ang itim na supot mula sa basurahan at dinala iyon sa likurang bahagi ng gusali.

Papasok na dapat ako sa loob ng may isang magarang itim na motorsiklo ang tumigil sa harapan ko. Iniabot nito sa akin ang isang brown envelope. Hindi ko ito tinanggap kaagad. Tinitigan ko lang ito.

"Kunin mo, Piyo." Ang utos sa akin ng isang pamilyar na boses.

"Kuya Jakjak?" Idinutdut nito ang envelope sa dibdib ko bago niya pinaharurot ang kanyang motorsiklo.

Hindi ako nakagalaw kaagad sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Tiningnan ko ang brown envelope na ibinigay sa akin ni kuya Jakjak at saka lumingon-lingon sa paligid. Nang mapagtantong wala namang tao, hinugot ko mula sa loob ang mga laman nito.

Napakunot ang noo ko nang makita ang mukha ko sa pinakaitaas na bahagi sa may bandang gilid. Para itong bayodeta na ipinapasa ko sa mga tindahan dati.

Sunod kong tiningnan ay ang mga makukulay na litrato. Hindi ko mapangalanan kung ano ang mga bagay na ito? Pina-frank ba ako ni kuya Jakjak?

Natigil ako sa isang litrato para basahin ang nakakabit na sulat doon.

Huwag kang magtiwala kay, Ian, Piyo. Isa ka lang sa page-eksperimentuhan niya.

Sa larawan na kinabitan nito, mayroong isang pahabang lalagyan na gawa sa salamin. Nakasulat doon ang aking pangalan at edad.

Umiling ako at pagak na napatawa. Hindi. Hindi 'to magagawa ni, Ian. Lab niya ako. Lab ako ni, Ian.

-----------------------------------------------------------

Hello guyses! Happy 200k reads sa ating Piyo and Ian! Yay!🎉🎊 Maraming salamat po sa inyong lahat! Wala na po akong masyadong sasabihin dahil maghuhugas pa ako ng mga plato. Ayon lang! Stay healthy, keep safe and God bless you always. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top