32
Philip Yoshieke Magnao
"I-Ian..."
Gusto kong tumayo at lumapit kay Ian pero hindi ko mabuhat ang katawan ko. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa katawan ko. Naiiyak akong napakapit sa lamesa sa gitna para suportahan ang sarili ko.
"Philip!"
Dinaanan lang ni Ian ang lola niya at saka nagmamadaling lumapit sa akin. Maingat niya akong binuhat sa mga bisig niya. Kumapit ako ng mahigpit sa leeg ni Ian at sumiksik doon.
"Ian.." Tumingala ako sa gwapong mukha ni Ian pero seryoso lang itong nakatingin kay lola niya.
Binuhat ba ako ni Ian para ihulog sa sahig? Tapos hahampasin nitong maliit na lamesa na gawa sa salamin? Tapos magpapahukay si Ian sa labas tapos ililibing niya ako.
Bakit ko ba ginawa 'yon? Sana hinayaan ko nalang si madam.
"Nate, you talk to her. I might lose my patience at makalimutan ko pang lola natin 'yan," ang sabi ni Ian sa kapatid niya na tinutulungan sa pagtayo si madam.
Nahabag ang puso ko nang makitang umiiyak si madam. Bakas ang hiya, galit at pagkabigla sa kanyang makulubot na mukha. "M-Madam sor—"
"Shut up!" Napa-urong ang dila ko sa matinis niyang sigaw.
"Dahil ba diyan, Ian!? Dahil ba sa huthuterong baklang 'yan kaya ka nagkakaganyan?! Sigurado akong ginagamit ka lang niyan pero heto at nagpapa-uto ka." Nakaturo si madam sa akin habang tinatanong iyon kay Ian. "At ikaw, Nathan?! Hindi ka ba nahihiya diyan sa pinakasalan mo? Napaka-walang modo! Hindi man lang marunong rumespeto sa akin."
Nakatayo lang si Nathan sa tabi ni Tine na nakayakap sa kanya at nakasubsob ang mukha sa kanyang dibdib.
"Gusto niyo ba talaga akong patayin sa galit?!" Ang dagdag niyang sigaw.
"You wouldn't be here if we want you dead, mamita. Sa pintuan pa lang nakabulagta ka na dapat habang naliligo sa sarili mong dugo. O sa kwarto mo habang mahimbing na natutulog. Mahal ka namin, but we won't tolerate this kind of behaviour inside our house even if you're my grandmother. Matuto kayong lumugar." Ang seryosong banggit ni Ian. "Bakit mamita? Hinuthutan niyo din ba si lolo dati? More than anyone, ikaw dapat ang unang nakakaintindi at nakakasundo niya dahil minsan ka ring napunta sa sitwasyon niya. You used to live a poor life before grandpa killed his first wife and took you in."
"Ian!" Gulat na napasigaw si Lee kay Ian pagkatapos niyang sabihin iyon. Pati ako din naman. Pero hindi ako sumigaw kasi baka mapano ang drumstick ni Ian. "Lola mo si mamita!"
"Outsiders shouldn't meddle with family matters, Leigh." Ang ma-awtoridad niyang sabi habang ang mga mata ay na kay Leigh.
"Ian...tama na, ples." Ang mahina ko ring pakiusap sa kanya.
Yumuko si Ian at saka sinalubong ang paningin ko. Napaiwas ako ng tingin nang makita ko ang mukha niya. Nakakatakot ang mukha ni Ian. Para siyang mangangain ng tao.
"Nate, bahala ka na."
Nagtanguan silang dalawa ni Nathan bago sila tinalikuran ni Ian habang buha-buhat ako. Tahimik kaming pumanhik sa itaas papunta sa kwarto namin ni Ian. Maingat niya akong inilapag sa higaan. Naupo siya sa tabi ko at yumakap mula sa gilid.
Humilig ako sa katawan ni Ian at saka ko ipinikit ang mga mata. Pagod na pagod pa rin ang katawan ko.
"Sunshine..."
Napalunok ako ng marinig ang mababa at tila paos na boses ni Ian. Bigla ko kasing naalala iyong nangyari sa amin kagabi. Tandang-tanda ko pa bawat hawak ni Ian sa iba't-ibang sulong ng katawan ko, parang pinapaso nito ang balat ko.
"Ian..galit ka ba sa akin? Sori, Ian." Mahina lang ang pagkakasabi ko n'on kasi nahihiya ako kay Ian. Nagawa niyang maging gan'on sa lola niya dahil sa akin. Natatakot ako at baka magkalamat ang relasyon nila dahil sa akin. Pati si Tine... Napaaway rin siya sa akin.
"Wag kang magalit sa lola mo, Ian. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkaganon."
Bahagyang gumalaw papalayo si Ian sa akin at saka sinapo ang magkabila kong pisnge. Mabilis niyang dinampian ng halik ang mga labi ko saka hinagkan ang noo ko. Matagal pang nakalapat ang mga labi niya doon bago ipinagdikit ni Ian ang mga noo namin.
"May lagnat ka." Marahas siyang napabuntong hininga. Parang may may lumalabas na itim na usok mula sa katawan niya kagaya ng mga napapanood ko sa mga palabas na pinapanood ni Noah. "What did she do to you? There are scratches on your face and neck."
Marahang hinaplos ni Ian ang mahapding parte ng mukha bago niya 'yon hinalikan. "Masakit ba?"
Umiling ako at ngumise. Ipinulupot ko sa leeg niya ang mga braso ko. "Hindi na, Ian, kasi hinalikan mo na. Pero 'wag ka muna mag-kiss sa labi ko kasi baka mahawaan ka ng lag—Ian!"
Napatakip ako ng bibig ko nang mabilis siyang nagnakaw ng halik sa mga labi ko. Malakas ko siyang hinampas sa braso at nahiga sa kama. Kinuha ko iyong paborito kong unan at saka itinakip 'yon sa mukha ko.
Sinabi ko ng bawal mag-kiss eh! Hindi ba nakakaintindi si Ian sa sinabi ko?! Pasalamat siya't gwapo siya tapos mahal ko rin siya.
Mahina siyang natawa habang dinadampian ng mga maliliit na halik ang leeg ko. "I'll get your medicines, okay? Rest for awhile. Sabi ni Austine kaunti lang daw ang kinain mo kaninang tanghalian. I'll get you something to eat. Anong gusto mong kainin?"
"Ikaw," ang sagot ko. Sumilip ako mula sa unan at napabungisngis ng makita ang nakamaang na si Ian. Dinilaan niya ang loob ng kanyang pisnge at napatingala.
"If you're going to be that naughty, siguradong hindi ka makakalakad at makakapasok sa trabaho ng ilang buwan."
Ako naman ngayon ang napalaki ang mga mata.
"Sigurado naman akong okay lang 'yon sa'yo 'di ba?"
Mabilis akong umiling. "Biro lang 'yon, Ian! Hehe. Gusto ko talaga ng champorado 'yong maraming gatas."
Unti-unting sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. "Sunshine, gatas ko nalang kaya?"
Tuluyan ko ng tinanggal ang unan mula sa pagkakatakip sa mukha ko at hinampas iyon sa kanya.
"IAN!!!"
MAKARAAN ang isang linggong pananatili sa bahay, ito at balik trabaho na naman ako. Nilagnat kasi ako ng tatlont araw tapos nahihirapan rin akong maglakad dahil sa ginawa naming dalawa ni Ian. Habang nasa bahay tinatapos ko nalang iyong pinting na in-order ni manang.
Masaya akong makabalik dito at kumita ng maraming-maraming pera. Hehe. Magiipon ako at ibibili ng bahay para sa amin ni Ian para hindi na magalit sa akin ang lola ni Ian.
"Tine, hindi ka ba pupunta sa tindahan mo?" Ang nagtataka kong tanong kay Tine na may tinitipa sa kanyang laptap na may mansanas. Katabi naman niya si Kirby na nagbabasa ng libro. Sumabay sila sa amin ni Roro kaninang umaga.
Wala si Nigel kasi iniwan niya kay tito Christian at daddy, 'yong tatay nila Ian. Saby silang umuwi dito sa Pilipinas kahapon galing ibang bansa. Charchar at MU daw sila ni daddy Allistain sabi ni Tine. Ewan ko kung ano yong charchar pero 'yong MU sabi ni Tine malanding ugnayan daw 'yon. Parang kami ni Ian.
"Ayoko no! Sabi ng hotdog boy ko baka biglain daw ako ng dalaw ng mangkukulam sa boutique. Ako na ang iiwas at baka ako'y hindi makapagtimpi at mag-away na naman kami," ang sabi niya habang gigil na kinukurot ang kawawang unan.
"Oh? Anong nangyayari sa inyo?" Napalingon kaming lahat kay Roro.
Bakas ang pagiging matamlay at pagod niya. Sabi ni Tine siya naman daw ang ginulo ng lola nila Ian. Kumain daw ito noong isang araw dito kasama ang mga amega niya tapos pinahiya si Roro. Hindi daw nito nagustuhan ang kinain, tapos iyong isang amega niya sumama daw ang tiyan pagkatapos kumain. Pinapatingnan daw ito sa mga awtoridad.
Naupo siya sa gitna nila Tine at Kirby. Ako naman ay naupo sa tabi ni Tine.
"Dae, punta tayong Siquijor. Ipakulam natin 'yang mamita nila. Stress na stress na ako diyan sa gurang na 'yan! Apaka isip bata! Nakakagigil. Alam niyo ba, inaway niyan kahapon sila Kirby at mama niya. Biglang hinila si Nigel mula kay 'te Nathalie at nagtatalak, ang bata takot na takot. Pasalamat siya at papauwi na siya pagdating ko at huli ko ng nalaman ang totoong nangyari." Ang reklamo ni Austine.
"Ako rin. Simula ng napunta sila dito ng mga kaibigan niya dumadami na ang mga pangit na reviews. Hindi ko alam kung saan kami nagkamali. Palagi ko talagang sinisigurado ang kalinisan dito sa resto. Maayos rin naman ang service namin, ang price. Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya kami ginugulo ni Axel," ang sabi ni Roro. Pinahid niya ang kumawalang luha sa mga mata niya at yumakap kay Kirby.
"Ikaw? Okay ka lang ba, Kirby? Sabi ni Nathan, pini-persuade daw ng matandang 'yon ang board ng school nila Nate para hindi ka papasukin doon. Ang liit ng utak! Napakalaking joke ng mamita nilang 'yan. Galawang epal. Nako! Nakakagigil. Pa-kontrabida si madam!"
Ibinaba ni Kirby ang libro niya at tumingin kay Austine. "May buhok niya po akong tinago, tito. May litrato niya ako. Saka may kaibigan ako sa Siquijor na may kapamilyang marunong sa kulam. Ipapadala ko na po ba?"
Lahat kami ay napaayos ng upo. Sumiksik kami ng upo palapit kay Kirby. "M-Magkano daw?"
"Five thousand pesos daw po at kaluluwa."
Nagpang-abot ang mga kilay namin. Si Tine naman ay lumaki iyong butas ng ilong.
"Kaluluwa?"
"Opo," ang sagot ni Kirby saka sinundan ng pagtango.
Mahinang itinulak ni Tine si Roro papunta kay Kirby. "Ano ba 'yan! Eh wala pa rin tayong takas sa matandang 'yon kahit gan'on. Kita-kits pa rin sa impyerno. Paano nalang kapag sinuko ni Satanas iyong korona niya sa matandang 'yon? Edi kawawa tayo."
Napatulala ako. Gusto ko ring matutong mangkulam dati noong bata ako kasi may mga manika sila tapos ang bilis din nilang magkapera kaso natatakot akong makasakit ng iba. Kaya hindi ko nalang itinuloy.
"Piyo!"
Napalingon-lingon ako sa paligid para hanapin ang taong tumawag sa akin.
Umaliwalas ang mukha ko ng makita ko si manang.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumakbo papunta sa kanya at yumakap.
"How are you, anak? Isang linggo kitang nakita. Hinanap kita sa boss mo pero absent ka daw." Pansin ko ang naluluhang mata ni manang habang nagsasalita.
"Pina-liban ako ni Ian, manang, kasi nilagnat ako. Sori kung natagaln iyong pinting, manang. Tapos ko na po siyang gawin." Saglit akong napatigil ng umiyak siya habang nakatingin sa akin. "Manang? Oki lang po kayo?"
Tumalikod siya at saka pinunasan ang kanyang mukha. "Oo, okay lang ako. I'm sorry f-for being emotional."
"Kung may problema po kayo huwag po kayong mahiyang magsabi sa akin. May problema po ba kayo sa pera? Baka wala na po kayong pera dahil sa ibinayad niyo po sa pinting ko. May kaunting pera pa akong natira, manang, bigay ko po sa inyo. Saka iyong alahas, pwede niyo po 'yon ibenta." Ang suhestyon ko sa kanya kaya napatawa siya.
"No, no, hindi 'yon anak. Pero thank you."
Tumitig pa ako sa mukha niya kasi hindi talaga ako naniniwala. Pero pinagbigyan ko nalang si manang kasi I respek pirate life!
"Oh...kay, manang. Ah!" Hinila ko si manang papunta sa lamesa namin ni Tine para ipakilala siya. "Manang, meeting are my prens. This Austine he my pretty and my sexy and my smart and my angel bespren, this Roro my bespren number two and my bossing he is my favoritism and the lastly my ... my..."
Hala! Ano ba 'yong ingles ng pamangkin? Di ko alam 'yon. Di 'yon tinuro ni titser.
Yumuko ako palapit sa tenga ni Tine at bumulont. "Tine, ano pala 'yong ingles ng pamangkin?"
"Nephew, gurl!"
Tumango ako at bumalik sa tabi ni manang. "And my nefyu the one and the lonely Kirby. He is smart and bright and intelligent. He is well behaving and my favoritism too. He is helping me..uh..study. hehe."
Humarap ako kay manang. "Oki lang ba ingles ko manang? Nag-study pa lang kasi ako. Sana naintindihan niyo. Pasensya na kayo."
"No, I understand that. Thank you." Humarap siya kina Tine at itinaas ang kamay. "I'm Misaki Fujiwara. It's my pleasure to meet you."
Isa-isa silang nakipag-kamay kay madam. "It's our pleas—"
"Darling, hindi ka pa ba nakakahanap ng upuan?"
Napatitig ako sa mama na dumating. May katangkaran ito at kayumanggi ang kulay ng balat pero gwapo pa rin siya. Anla! Pareho kami ng mata hehe.
"Darling!" Yumakap si manang dito saka siya hinila papalapit sa akin. Siguro asawa ni manang si Darling.
"Darling, meet Piyo. Piyo, anak, meet you—I mean, meet my husband. David Edgar Fujiwara."
Itinaas ko rin ang aking kamay para sana makipagkamay sa asawa ni manang pero bigla nalang ako nitong niyakap ng mahigpit.
"Musuko..." [Trans: Son]
"Piyo po pangalan ko, ser. Hehe. Hindi po Musuko."
Hindi niya yata narinig si manang na tinawag akong Piyo. Siguro may problema siya sa pandinig.
-----------------------------------------------------------
Hi guysesssss!! Ayan naaa!!!! Ayan na silaaaaaaaaaaaaa!!!! Hahahah. Hindi ko na po ito pahahabain dahil maghuhuhas pa po ako ng plato pero may gusto lang po akong issue na i-address.
TANGINA NIYO MGA PISTENG YAWA NA REPORTER! MAS PABIDA PA KAYO KAY LOLA NI PIYO. SHUTA KAYO!!! Ang dami ng magagaling na otor na nabubura huhu.
Kaya dahil po diyan ginamit ko po ang isa ko pang dating account para gawing back up account. Hindi po ako lilipat ng ibang platform at dito ko lang ipo-post sa wattpad ang mga stories ko kaya gagawa pa ako ng iba pang account hahahaha. Walang makakapigil sa akin sa paghahasik ng lagim dito.
This is my second wp account po: biisool2
May third at fourth at fifth at sixth pa po yan pero gagawa pa ako hahaha.
Kung gusto niyo rin po pwede niyo akong i-add sa aking epbi account at i-follow sa aking twitter account para sa mga update at kapestehan sa buhay.
Fb: Bii Sool
Twitter: @biisool_wp
Thank you po ❤ Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Labyu all! Mwuah mwuah! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top