31

Alaric Ian Juariz

Napatitig ako sa maamong mukha niya habang natutulog. After years of sleeping inside an airconditioned room, her skin became lighter. Her face grew more mature and lady-like.

Maingat kong hinila ang isang upuan at naupo sa kanyang tabi. Ayoko sanang iwan si Piyo kanina sa bahay pero pinatawag ako kanina sa isang importanteng board meeting. Sumaglit ako dito basement para i-check na rin ang kondisyon ng babaeng 'to.

Ang sabi ni Mario, ang pinsan kong doktor, stable na raw ang heartbeat niya. Eight years ago, iminungkahi ni Mario na buksan ulit ang pinasarang lab ni lolo. May isang katawan pa ng carrier ang na-preserve mula dito. Isa iyon sa ginamit namin.

Para ipagpatuloy ang research na ginawa nila lolo, bumili kami ng mga labi ng mga carriers na walang nagmamay-ari sa mga hospitals sa loob st labas ng bansa. It was hard to get one, but my connections made it easier.

"Hey, happy birthday. You're 28 years old today. Sobrang tagal mo ng natutulog, gago. Ang aga mo pa akong ginising kanina." Mahina pa akong natawa habang inaalala ang madungis niyang mukha. I raised my hand and moved a strand of her hair aside. "Naalala mo ba 'yong kinwento kong lalaki na tumulong sa akin? The one who might potentially heal you? I made love with him. Magnus left with me with a lot of questions. And what happened last night gave me answers."

Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniaalala ang nangyari kagabi. The way he called my name, the way he breathed, the way he moved his body, it was hard to forget. It was much better than my fantasies.

"Hindi ko alam na ganito pala magmahal. Akala ko 'yon na 'yong kay Melisa. I did love her kahit iba ang intensyon ko noong una ko siyang makilala. Pero hindi pala ito makakapantay sa nararamdaman ko kay Piyo. It's crazy. It's confusing."

I throw my head back at saka napahilamos sa aking mukha. Hindi ko namalayang unti-unti na palang pumatak ang mga luha ko. I can't hold it in anymore. Tangina. Ang hirap magpakatatag.

"I want to save you. I really do, Nat. I am trying. Kaya nga binuksan ko 'to kahit delikado kasi ayokong maubusan ng oras. Pero sobrang hirap pala. The longer you stay asleep the more it's harder for me to grip on my hope. Alam kong malaking posibilidad na siya ang makakatulong sa'yo but I don't think I can bear it. Hindi ko kaya, Nat. I'm sorry. I'm so sorry. I'm sorry if I'm being selfish." Napaluhod ako sa harapan niya at napahagulgol ng iyak. Kahit nanginginig ang mga kamay ko nagawa ko pa ring maingat na mahawakan ang  kanyang malamig na kamay.

She's lying here because of me. Because she tried to save me. She was selfless enough to trade her life with mine.

At alam kong kailangan kong pagbayaran ang buhay na inutang ko sa kanya sa pagtupad ng kahilingan niya. But I can't trade Piyo's life anymore. Siguro ay kaya ko pang masikmura dati, pero ngayon? It'll drive me insane.  Tuluyan na niyang nilukob lahat ng espasyo dito sa puso ko. He did it so swiftly; I didn't notice I was falling in my own trap.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at muling naupo sa tabi niya. Inabot ko ang pisnge niya at pinunasan ang kumawalang luha. My hand can't stop shaking as I wipe her cheeks. I know she's still there. I know she's listening.

"I can't bear to lose him now, Natty. Natatakot akong isipin na hindi ko na makikita ang mga ngiti niya isang araw. Natatakot akong magising isang araw na hindi naririnig ang mga tawa niya. I don't think I can live a life without him anymore."

Humugot ako ng isang malalim na hininga. I gently squeezed her hand with a small smile on my lips.

"Hahanap ako ng ibang paraan. Hindi ako titigil, Nat. I won't stop unless you give up. "

Philip Yoshieke Magnao

"Kaunti nalang talaga at matitiris ko na 'yang matandang 'yan. Dumagdag pa iyang lintang Leigh na 'yan. Jusko, dae! Pigilan mo 'ko! Pig——"

"Do you have anything to say to me, Mr. Villaluz?" Ang tanong ng lola ni Ian sa amin habang nakaupo siya sa sopa sa aming harapan.

Kanina pa ako hindi komportable dito sa inuupuan ko. Masakit talaga 'yong pwet ko, saka katawan ko, saka ulo rin. Gusto kong gumapang pabalik sa kwarto pero nandito daw ang mangkukulam, sabi ni Austine. Ayoko namang maging walang modo kaya nagpumilit akong bumaba para salubungin siya.

Kaming dalawa lang ni Tine ang naiwan dito dahil may kanya-kanyang lakad ang ibang tao ng bahay. Si Roro ay isinama si Kirby sa trabaho kasi idadaan daw niya 'to school na papasukan niya sa pagbukas ng klase. Si Ian naman nagpaalam sa akin kanina, pinatawag daw kasi siya sa werk niya.

Matamis na ngumite si Austine sa mangku—ay! Sa lola ni Ian pala hehe. "Mamita, pwede PO bang pabalikin ko muna si Piyo sa itaas. Hindi PO kasi maganda ang pakiramdam niya."

"And why is that? Sinasabi mo ba na hindi siya inaalagaan ng mabuti ni Ian kaya nagkakaganyan ang lintang 'yan?" Nanlilisik ang mga malalaki niyang mata habang tinatanong niya iyon kay Austine. Bumaba ang paningin ko sa kamay ni Tine na napahigpit ng kapit sa braso ko.

Hinawakan ko iyon para pakalmahin siya. "Ma'am, with all due respect, may hearing problem po ba kayo?"

Nakita kong napataas ng kilay ang lola ni Ian. Si Leigh naman ay napakunot ang noo.

"Kasi parang ang baba po hearing comprehension niyo. Though, understandable naman po kung meron kayo given na ganyan na po kayo katanda. No offense, madam. Opinion ko lang naman po 'yan. Sana alam niyo pa rin po kung paano mag-respect ng opinion. Di ba po tinuturo yan sa school dati? Sa GMRC? 'Yong respect?"  Unti-unting sumilay ang isang malaking ngite sa mukha ni Austine pagkatapos tanuningin 'yon.

Si madam naman ay namumula ang mukhang nakatingin sa direksyon namin.

"Austine, that's not nice." Ang sabi ni Lee sa alanganing boses.

"Sensitive ka lang masyado, girl." Ang bulong ni Austine. "Masyadong pa-Jollibee iyang amega ni Ian, bakla. Pa-abangan na ba natin sa gate?"

"Pa-abangan? Bakit pa-abangan natin siya sa gate, Tine? Diriberi boy ba siya ng Jollibee, Tine? May order ka bang prayd sheken?"

Matapos na ngumite si Austine sa akin saka kinurot ng may kalakasan ang pisnge ko. "Alam mo, Piyo, ang cute mo. Sarap mo ring sabunutan minsan eh."

"Austine Villaluz, right?" Muli kaming napatingin kay lola ni Ian ng magsalita ito ulit sa harapan namin.

Itinaas ni Austine ang kanyang kamay at sunigaw ng, "Hep!"

Ibinaba niya ang kanyang kamay at saka binunot mula sa kanyang bulsa ang kanyang pitaka. Binuksan niya iyon at inilabas ang isang nakatuping papel.

Binuklat iyon ni Austine at inilapag sa lamesa. "Correction, madam. It's Austine Villaluz-Juariz with marriage certificate for proof of payment—este, commitment."

Wakang emosyon itong sinulyapan ng lola ni Ian saka muling tumingin sa mukha ni Austine. Inabot niya ang tasa ng tsaa sa lamesa at sak sumimsim doon.

"According to my sources you have a good educational background despite... your attitude. I can tolerate that."

Tumingin naman siya sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Muling bumalik ang tingin ng lola ni Ian sa leeg ko. Naalala kong marami palang iwang marka doon si Ian. Hindi ko natabunan kasi wala iyong jacket niya na may mahabang leeg. Napasapo ako sa leeg ko at napahimas doon.

"This leech on the other hand is an illiterate man with a criminal background. Galing pa sa pamilya ng mga mamamatay tao at drug addict. Ni wala man lang stable work kung hindi dahil sa apo ko. Don't you feel ashamed? Hindi ka ba nahihiyang tumapak sa pamamahay na 'to?"

Bawat bigkas ni madam sa mga salita, hindi ko maiwasang mahiya at manliit kasi lahat ng sinabi niya tungkol sa akin totoo. Sa halip doon sa literature backgrawn at stable werk. Ano ba yong stable werk? Stable...'di ba lamesa 'yon? Saka werk naman ay werk! Ibig ba niyang sabihin sa lamesa ako nagwe-werk? Parang gan'on rin naman werk ko dati, taga-linis ako ng lamesa sa paspod. Marangal na trabaho naman 'yon.

"N-Nahihiya po pero marangal naman po 'yong werk ko, madam. Hindi naman po ako nangungupit kay, Ian. Saka tumutulong rin po ako dito sa bahay paminsan-minsan." Ang sagot ko kay madam.

"Hindi nga ba? Kilala ko 'yang mga katulad mo. A gold digging opportunistic whore. Mga nilalang na sumisira ng pamilya ng mga hinuhuthutan nila. Don't you dare mess with my apos and my family dahil ako ang makakalaban mo. At kung ako sa'yo magsimula ka na ring magbalot. I'll buy you another house para hindi mo na maabala ang apo ko. I'm not comfortable with you here."

Tumayo si Tine sa harapan ko at namaywang. Para siyang 'yong leader ng mga batang nang-aaway sa akin sa kanto.

"Excuse me lang madam ha. Base sa titulo nitong bahay, wala kang karapatang kwestyunin kung sino man ang patatapakin ng kahit sinong nilalang na may apelyidong Juariz dito sa pamamahay nila. Wala kang karapatang magpalayas ng mga nakatira dito. Oo, lola ka nga nila pero wala kang karapatang manliit ng kahit kanino. Mayaman nga kayo, pero wala naman kayong modo. Edukada ka nga pero ugali mo naman parang walang pinag-aralan. Tanda-tanda niyo na pero ganyan pa rin ugali ninyo.  Hindi rin po ba kayo nahihiya sa ugali ninyo? Kung hindi kayo komportable na nandito siya edi wag kayong dumayo dito. Sa yaman niyong yan di kayo maka-afford ng bahay?" 

Galit na napatayo ang lola ni Ian at napamarcha papunta kay Austine. Sa liit at sa tanda niyang tingnan hindi ko inaasahang makakaya pa niyang sabunutan si Austine. Kahit sobrang nahihirapan akong igalaw ang katawan ko kanina, gumaan bigla ang katawan ko at napatayo para tulungan si Austine.

Nakahawak lang si Tine sa buhok niya na hinihila pababa ni madam. Hinawakan ko ang kamay ni madam para tanggalin ito mula sa pagkakahawak kay Austine. May mga kalmot na rin siya sa mukha. May dugo pa nga doon.

"Wala kang modo! Kung alam ko lang na isang kagaya mo ang mapapangasawa ng apo ko edi sana umuwi na kaagad ako dito para pigilan siyang matali sa'yo!"

"Pigilan?! Sino ka para pigilan kaming magmahalan ha?! Nasayo ba ang bayag ni Nathan?! Kontrolado mo ba puso niya?! Robot ba siya para diktahan niyo ang buhay niya?!"

"Tine! Tama na, ples!" Ang naiiyak kong sigaw kay Tine.

Tuluyan ko ng natanggal ang kamay ni madam sa buhok ni Tine. Mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa. Susugod pa sana si madam pero pinigilan na siya ni Lee.

"You're going to regret this! All of you! Lalo na ikaw!"

Hindi ako nakapag-handa nang sampalin ako bigla ni madam. "Manloloko! Mangagamit! Magnanakaw! You're a whore. What did you do to my apo huh?! Ginayuma mo ba siya?! Nilason ang utak?! Ano?!"

Ako naman ngayon ang sinugod niya. Hinila niya ang buhok ko, kinalmot ang pwedeng makalmot at sinampal-sampal. Sobrang sakit na ng katawan at mas lalo pa itong sumakit dahil sa ginagawa ni madam. Gusto ko ng magpahinga. Gusto ko ng matapos 'to pero ayokong lumaban. Matanda pa rin siya at mas may lakas ako kesa sa kanya.

"Ano ba! Madam! Tulong! Tulungan niyo kami!" Ang narinig kong sigaw ni Austine.

"Wag kayong makikialam dito! I'm going to fire you if you come closer to me!" Ang sigaw ni madam habang nakahawak pa rin sa buhok ko.

"Mamita, calm down po. Baka mapano po kayo kapag

Nakahiga na ako ngayon sa sahig habang nakahawak sa buhok ko. Ang sakit ng ulo. Ang sakit sakit na ng ulo ko.

"Aray po!" Nasagi ng may kahabaan niyang kuko ang mata ko. Hindi ko sinasadyang maitulak siya.

"Mamita!"

"Madam!"

Napasapo ako sa bibig ko habang nakatingin kay madam na nakahiga sa sahig.

"Mamita!" Mas lalo akong kinabahan ng dumagundong sa buong lugar ang isang napakapamilyar na malalim na boses.

"I-Ian..."

-----------------------------------------------------------

Halu guyses! Pasensya na po kayo sa chapter na itey dahil sinulat ko ito habang nagbabantay ng mga bata. Hindi po ako makapag pokus sa pagsusulat hahaha. Ayon lang powxz.
Thank you po sa pagbabasa. Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Labyu ol. Mwuah mwuah. Ciao!❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top