28
Third Person POV
Naiiyak na hinaplos ng may katandaang babae ang larawan ng isang nakangiting binata. Noong una pa lang niya itong nasilayan agad na siyang nahulog sa maaliwalas nitong mukha at magaganda nitong ngite. Parang may kung anong mainit ang humahaplos sa puso niya tuwing nakikita itong masiglang nagtra-trabaho sa restaurant na pinagtratrabahuan.
Kakarating lang kanina ng DNA result na ipinagawa niya sa ilang pribadong ospital dito sa Pilipinas. Maraming test ang ipinagawa niya para mas lalong masigurado ang resulta. At ito na nga. Ito na nga ang resulta.
Philip Yoshieke Magnao is her child. Ang binatang pintor ay ang batang ninakaw mula sa kanya twenty-one years ago.
"Madam, handa na po ang bathtub. Maaari na po kayong pumasok." Ang magalang na sabi ng kanyang katulong.
Tumingin siya sa direksyon nito at tumango. "Thank you. Please prepare my food. Bababa din ako mamaya."
The maid politely bowed her head at her direction bago tuluyang nilisan ang malawak at magarang kwarto ng ginang. Agad namang ibinalik ng ginang ang kanyang tingin sa brown envelope na nakapatong sa lamesang gawa sa mamahaling kahoy.
Matapos ibalita sa kanya ng kanyang kaibigan ang tungkol sa binatang kahawig niya na nagtra-trabaho sa isamg kilalang kainan dito sa Pilipinas, walang pagdadalawang isip siyang tumungo pabalik dito. Hindi naging maganda ang huling araw niya sa bansang ito dati ngunit para sa pag-asang makita at makasamang muli ang anak niya, tumapak siya muli sa lupaing ito.
Kamuntikan na siyang sumuko sa paghahanap dito. Kamuntikan na siyang maniwala sa lahat na wala na nga ang anak niya. That the body she found ten years ago is really her child's.
Ngunit lahat ng pagdududa, pangungulila, lungkot, pait at sakit ay nawala nang masilayan niya ang binata. He really did look like her. But he look so fragile. He's always smiling ngunit may kakaiba sa mga ngite at mata nito.
And his hands. Oh! his hands.
Mas lalong umusbong ang galit niya sa kanyang namayapang ama at kapatid habang inaalala ng kanyang utak ang tahi sa palapulsuhan ng anak.
Marahas niyang pinunasan ang mga luhang muli na namang kumawala sa kanyang mga mata at pinakalma ang sarili. Muli niyang inabot mula sa lamesa ang brown envelope at saka ito maingat na isinilid sa drawer sa ilalim ng kanyang lamesa. Tapos na niyang suriin at basahin ang mga nakasulat na mga impormasyon doon.
Hindi niya alam kung ano ang iisipin at mararamdaman sa mga oras na 'yon. Dapat ba siyang matuwa dahil sa wakas ay nahanap na niya ang kanyang anak o dapat ba siyang magalit at malungkot dahil sa naging buhay nito? It was the most confusing moment of her life.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinungo ang paliguan na kanina pa inihanda ng katulong. Ang bahay na tinutuluyan niya ngayon ay ang bahay na binili sa kanya ng kanyang asawa. Gusto sana nitong sumama ngunit may importanteng problemang kinakaharap ang kompanya nito ngayon. As much as she wanted to bring him with her, ayaw naman niyang pagbalik nila sa Japan ay problema pa rin ang kakaharapin.
Gusto niyang wala itong proproblemahin pagdating doon at masusulit ang kanilang oras na magkasama.
Matapos ang lagpas oras na pananatili sa paliguan. Sandali siyang nag-ayos ng sarili bago bumaba sa dining area ng bahay. Klase-klaseng mga pagkain ang nakahanda doon. Marami ang mga pagkaing nakahanda sa hapag para sa isang tao.
Kagaya ng kanyang nakagawian, inaya niya ang lahat ng kasambahay na maupo at daluhan siya sa pagkain.
"Madam, nandito na po ang stylist at make-up team ninyo." Ang pagpapaalam sa kanya ng isa sa kaniyang maid.
Biglang pumasok sa isipan niya ang pagtitipon na mangyayari mamaya. Hindi niya alam kung saan nasagap ni Mrs. Benovich na nandito siya sa Pilipinas. Mabuti na lang at hindi niya tinanggihan ang imbitasyon nito sa kanya. Nasa pangangalaga ng mga Juariz ang kanyang anak kaya sigurado siyang makikita niya ito doon.
"Tell them to wait. Tatapusin ko lang 'to."
I can't wait to see you, anak. Mom can't wait to see you.
Philip Yoshieke Magnao
Hindi ko maiwasang hindi mapanganga habang nakatitig kay Ian. Gumapang ang mga kamay ko sa aking dibdib at pinakiramdaman ang malakas na pagkabog ng hart ko. Ang gwapo ni Ian! Ang gwapo-gwapo ni Ian sa suot niyang amerikana. Para siyang prinsipe.
Mahina siyang tumawa at kinurot ang pisnge ko. "Sunshine, tumutulo ang laway mo." Ang natatawa niyang komento.
Hinuli ko ang kanyang kamay at humilig dito saka tumitig sa gwapong mukha niya. "Ian, bakit ang gwapo-gwapo mo, Ian? Nababahala ako at baka pagkaguluhan ka mamaya."
Tumawa ulit ng malakas si Ian. Hinila niya ako papalapit sa kanya ay ikinulong sa kanyang mga bisig. Sumiksik naman ako lalo sa kanyang dibdib at suminghot. Ang bango-bango ng Ian ko.
"Really? Akala ko ba sila Francis ang mas gwapo?" Tumingala ako sa kanyang gwapong mukha at sumimangot. Nakita ko siyang nakayuko sa akin habang may mapaglarong ngite sa kanyang mga labi.
"Ikaw na ang pinakagwapo ngayon, Ian. Saka pinakamabango rin. Gusto tuloy kitang i-kiss. Ian, kiss!" Ngumuso ako sa kanyang direksyon at pumikit. Saglit akong sumilip nang hindi ko maramdaman ang kiss niya. Bakit ang tagal?!
"As you wish, sunshine." Ang bulong niya sa paos na boses at saka yumuko.
Akala ko diretso sa labi. Pero sa noo niya ko unang hinalikan, pababa sa aking ilong at sa wakas ay sa mga labi ko.
Dahil sa sobrang pananabik, napa-angkla ako sa kanyang leeg at mas lalo pang hinila ang mukha ni Ian papalapit sa akin. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng maglapat ang mga labi namin ni Ian. Ang lambot ng labi niya. Kahit paulit-ulit at palagi-lagi ko itong natitikman hindi pa rin ako makunteto.
Bawat galaw ng labi ni Ian ay nagbibigay ng iba't-ibang intensidad ng kuryente sa katawan ko.
"Hmmm... Ian..." Napaungol ako nang ipasok ni Ian ang dila niya sa loob ng bibig ko. Nakakahilo.
Napasabunot ako sa nakasuklay na buhok ni Ian nang sipsipin niya ang dila ko. Sinabayan ito ni Ian ng pagmasahe sa pwet ko.
"Uncle Ian, aal——MOM, NAGKI-KISS SILA TITO!!!"
Agad kaming napaghiwalay ni Ian ng marinig namin ang malakas na sigaw ni Noah at ang malakas na pagbagsak ng pintuan. Humihingal akong napasandal sa dibdib ni Ian at hinampas ang balikat niya.
"Ian, ikaw ang huling pumasok eh! Di mo ni-lock 'yong pinto." Ang maktol ko na tinawanan niya lang.
Hinaplos niya ang pisnge ko gamit ang kanyang hinlalaki at saka ako nakangiting tinitigan sa mata. "I'm sorry okay?"
"Oki, Ian." Ngumuso ako sa direksyon niya at nag-byutipul eyes. Mahina siyang natawa sa ginawa. Ikinulong ni Ian ang mukha ko sa kanyang mga kamay saka ako hinalikan ulit sa labi. "Tenkyu, Ian. Aylabyu, oki? Aylabyu so macho!"
Matagal bago sumagot si Ian. Seryoso lang siyang nakatitig sa mukha ko. Parang biglang natutulala si Ian.
"Ian?"
Umiling si Ian at tumikhim matapos niyang marinig ang pagtawag ko sa kanyang pangalan. Ngumite siya at masuyong hinalikan ang noo ko. Matagal pang nanatili ang mga labi niya sa noo ko bago niya isiniksik ang kanyang noo sa leeg ko.
"I love you."
Paminsan-minsan din naman akong sinasabihan ni Ian ng aylabyu at tuwing sinasabi niya 'yon malakas na kumakabog ang puso. Pero iba ngayon. Mas malakas, mas maingay, mas sabik ang puso ko.
"Okay, tama na 'yan love birds. We're going to be late." Napatingin kaming dalawa ni Ian sa pintuan at nakita doon si mama.
Mabilis akony kumalas sa pagkakayakap kay Ian at patakbong lumapit kay mama. "Mama, ang ganda-ganda niyo po! Palagi naman po kayong maganda pero dumoble po ang ganda niyo ngayon."
Pinaikot ni mama ang kanyang mata at naiiling na ngumise sa akin. "Well, I have to be beautiful tonight. Ayaw ko namang magpahuli sa inyo 'no. Halika na nga! Sa akin ka naman ngayon at baka hindi ka tigilan niyang si Ian. Your lips are swollen again, oh!"
Umangkla si mama sa aking braso at saka ako inakay pababa. Lumingon ako kay Ian at kumaway. Ngumite siya sa akin at swabeng kumaway. Nakapamulsa siyang sumunod sa amin ni mama.
"Mama, ang haba po ng sasakyan!" Ang mangha kong sabi habang tinuturo ang mahabang itim na sasakyan.
"Yup! Only this limo can suit our attire for tonight. Kaya tayo na."
Pagpasok namin sa loob agad akong tumabi kay Tine at Roro na karga-karga sila Nigel at baby Rain. Tuwang-tuwa ako sa mga suot nilang mga bata. Naka-shoot rin sila kagaya naming mga matatanda. Hindi na ako makapag-hintay na makita ang bebe namin ni Ian na suot-suot din ang ganyan. Ang gwapo din siguro ng bebe namin ni Ian. Hehe.
"Mama, Pyo!" Tumingala si Nigel kay Tine saka muling tumingin sa akin.
"Bakit, nak?"
Hindi ito sumagot at sa halip ay itinaas ang kanyang dalawang maliliit na braso papunta sa akin.
"Gusto niya yatang magpakarga sayo, Piyo." Ang natatawang komento ni Roro.
Tumingin ako kay Nigel at ngumite sa kanya. "Oki! Gusto mo ba maglaro tayo?" Kinuha ko siya mula kay Tine at kinandong.
Tumalikod ito mula kay Tine at may kung anong kinalikot sa bulsa sa may dibdiban ng suot-suot na shoot. Tahimik naming pinagmasdan lahat ang susunod niyang gagawin.
Isa-isa niyang kinuha mula doon ang mga makukulay na kendi at inilagay sa kanyang kamay.
"Eat tawo gwammy bews. Secwet lang fwom mama. Otey?" Itinapat niya ang kanyang maliit na hintuturo sa kanyang mga mapupula at maliliit niyang labi. Itinaas niya ang kanyang kamay at saka isinubo sa akin ang isang kendi.
Lahat kami ay nagtawanan sa ginawa niya. Buong durasyon nakipagkulitan lang kami sa mga bebe. Sobrang saya lang. Simula ng dalhin ako dito ni Ian ibang saya ang nararamdaman ko tuwing kasama sila. Ngunit iba pa rin ang saya ko kapag kasama si Ian.
Pagdating namin sa lugar, pinagkaguluhan ang sasakyan namin ng mga tao. Kahit madilim ang bintana namin, tumatago pa rin ang kislap na nanggagaling sa mga pekshur nila. May mga humarang na mga police sa kanila kaya nakapasok kami sa loob ng malaking gate ng matiwasay.
"Ian, bakit ang dami nila, Ian? Nagpro-protesta ba sila?" Ang nagtataka kong tanong sa kanya.
Mahina siyang tumawa. "No, sunshine. Mga media 'yon. Gusto nilang kumuha ng picture para ilagay at ipakita sa mga newspaper, TV at internet."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Edi magiging sikat na tayo, Ian?" Tumagilid ako at hinarap si Austine na sinusuklayan si Noah. Sa tabi niya nakaupo si Nathan na pinapadede si Nigel. "Tine! Magiging katutulad na tayo kina Ibarra Alawi. Lumabas na tayo bilis."
Saglit na nangunot ang kanyang noo at lumaki ang butas ng kanyang ilong habang nakatitig sa akin. "Sinong Ibarra Alawi, bakla? Kapatid ba 'yan ni Crisostomo?"
"'Yong malaki ang suso, Tine!"
Agad siyang humagalpak ng tawa. "Shuta ka, bakla! Si Ivana Alawi 'yon 'no. Saka itong ganda ko? Pang Ivana Alawi LANG?! My ghad! Pakilabas nga ng corona ko, Nathan. Rarampahan ko lang 'tong mga nasa labas."
Pilit na ngumite si Nathan sa direksyon nito at umiling. "Babe, di ba sinabi ko sayong kumain ka muna? Ayokong nalilipasan ka ng gutom."
Hinampas ni Austine si Nathan at inirapan. "Tayo na nga! Wag kang tatabi sa akin mamaya ah! Lipasan pala ha."
Hinila kaming dalawa ni Noah ni Austine palabas sa sasakyan. Wala na iyong mga taga-pekshur pero sa di kalayuan ay nakita ko ang grupo ng mga tao na nakasuot rin ng mga mamahalin at eleganteng damit. Isa na doon si Lee. Kausap niya ang isang matandang babae na medyo kahawig ni mama.
Napatingin ito sa gawi namin. Nang makalabas na silang lahat mula sa sasakyan ay doon na ito lumapit sa amin. Dinaanan lang niya kaming dalawa ni Tine at dumiretso kina mama.
Nagkatinginan pa kami ni Tine bago napatingin sa matandang babae. Ito na siguro ang lola nila Ian. Kinakabahan ako sa ibibigay kong regalo sa kanya. Sana magustuhan niya.
"Oh! Good that you're here already." Isa-isang humalik sila Ian dito. Noong magma-mano sana si Kirby dito ay mabilis niyang tinampal ang kamay nito at inirapan. Hindi rin siya nakipag beso-beso sa mama ni Kirby.
"Ian, escort Leigh inside." Ang sabi nito sa pautos na boses. Ano daw? Sasalungat pa sana si Ian nang pigilan siya nito. "Huwag mo akong ipahiya, apo."
Tumingin siya sa gawi namin ni Austine. Katabi namin ngayon sila Roro, Kirby at mama ni Kirby. "Mauna na kayo. Doon na lang kayo dumaan sa kabilang pintuan. I hope you understand that I don't want to this party to mess up."
-----------------------------------------------------------
Hello guyses! Hehe. First of all, thank you po sa mga nagbigay ng load! Kaya dahil diyan may update pa po ako bukas. Pakihanda na lang po ng tissue ninyo. Hahahaha. Kung para saan, bukas niyo din po malalaman. Ayon lang po. Maraming salamat po talaga sa inyo. Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Labyu ol! Mwua mwuah! Ciao!
P.S. Ang hirap pong isulat ng POV ni Piyo without feeling bad for him. Yawaaaa!! Gustong-gusto ko ng sumbatan si Ian!!!!!! GAAAAHHHHHHH. GUSTO KO NA NG DRAAAMAAAA PERO YONG UTAK KOOO HAHAHAHHA. OKI BYE PO. MWUAH MWUAH!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top