26
Alaric Ian Juariz
I was in the middle of a discussion with some staffs from the emergency department nang mag-vibrate ang personal phone ko sa aking bulsa. I had to excuse myself para sagutin ang tawag. Nang medyo makalayo na ako sa kanila, isa-isa naman silang nagsibalikan sa kanilang mga trabaho.
We were discussing about adding and replacing equipment inside the department for much more effective services. Simula nang makabalik ako sa trabaho, I mostly spent my time talking and meeting the executives, board members, and staff. I rarely had a chance to sit because I had to catch up with work.
It is stressful but I love my job. Bata pa lang ako pinangarap ko ng makapagtrabaho dito. Simula nang dalhin ako ng lolo Rillieto ko sa hospital niya at pinakita kung paano ang pamamalakad doon, I know from then on what I wanted to become.
Si lolo Rillieto ay ang kapatid ng lolo ko na nagmamay-ari sa hospital na pinagsisilbihan ko ngayon. He's the grandfather we wish we had. Siya at si Jonas ang tumulong sa akin para hindi ako papasukin ng lolo sa politika. Dahil walang naging asawa't anak ang lolo, sa akin niya ipinamana ang hospital.
Tiningnan ko kung sino ang tumawag at napakunot ang noo nang mabasa ang pangalan na nakalagay sa screen.
Roan Juariz.
"I-Ian? Ikaw ba 'yan?" Mas lalo akong nagtaka nang marinig ang nanginginig niyang boses.
"Yes, it's me. What's the matter? May sakit na naman ba si Rain?" Ang tanong ko saka saglit na tiningnan ang oras sa aking relo. It's already past 5 in the afternoon and I'm pretty sure na nakauwi na si Piyo sa mga oras na 'to.
"Hindi 'yan. Ian, si Piyo kasi..." Agad na nilukob ng pangamba at takot ang dibdib ko ng marinig ang pangalan ni Piyo. "Hindi namin siya mahanap, Ian. Dalawang oras na siyang nawawala." Ramdam ko ang frustrations at takot sa boses niya na sinundan ng isang mahinang paghikbi.
Fuck!
"Calm down. Everything's going to be fine. Sigurado naman akong nagsisimula ng kumilos ang bodyguard niya. I'll see you in a bit." Ang sabi ko bago pinatay ang tawag.
I tried to check his location on my phone but it's not working. His GPS got broken. I secretly attached a GPS tracking device on his shoes and phone para alam ko kung saan-saan siya napupunta. Ngunit walang silbi ang mga 'yon ngayon.
Halos liparin ko na ang parking lot sa labis na pagmamadali. Hindi ako mapapakali kung maghihintay lang ako sa report ng tauhan na itinalaga kong magbantay kay Piyo. Mabilis kong binuksan ang sasakyan ko at sumakay doon.
I frustratingly punched the steering wheel when I couldn't insert my key into the lock cylinder all the way down to the ignition. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko sinubukang muling ipasok ang susi sa maliit na butas ng lock cylinder. Nang mapaandar ko ang sasakyan, kinonekta ko muna sa speaker ang cellphone.
Una ko tinawagan ang sekretarya ko.
I still have these few important agendas left before I head home, and I need to have him move that tomorrow.
"Yes, sir?"
"Gideon, I need you to reschedule our meeting with the finance director. Something important came up at home."
"Shall I reschedule it to 10 a.m. tomorrow, sir?" Ang tanong niya sa akin. Sa mga oras na 'yan ay nagche-check lang ako ng mga e-mails at kinakamusta si Piyo sa trabaho niya.
"That's fine with me. Thank you." I turned off my phone and focused myself on driving this damn car. Noong huli kasing nawala si Piyo ay kamuntikan ko ng mabangga ang isang matanda.
I don't know how that kid turned me into something like this: a paranoid, overprotective motherfucker. Kung pwede lang itali si Piyo sa tabi ko, matagal ko na sanang ginawa. As much as possible, I don't want to caged him. Ayokong sakalin si Piyo. I don't want him to get sick of me. I don't want to hold him tightly to the point of breaking.
Hanggat kaya kong maibigay ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya gagawin ko. I want him to be dependent with me. I want him to cling to me. I want him to need me just as much as I need him. I want him to stay with me until death.
I almost lost him once and I don't want that to happen again. I'll do everything to make him stay beside me. Gagawin ko ang lahat. Kung kinakailangan ko siyang lumpuhin para hindi makawala sa akin, gagawin ko. If I have to lock him up in my room to make him stay, then I will.
I know my obsession with him is getting unhealthy. I know it's getting bad as the days go by. The more we became intimate with each other, the more I have to suppressed myself. Sa bawat araw na dumadaan mas lalo akong nahihirapang kontrolin ang sarili ko. Because the more I see him moaning and writhing beneath me, my desire to break him grows stronger.
"Roan, anong nangyari? Bakit hindi pa bumabalik si Piyo?" Ang seryoso kong tanong sa asawa ng kapatid ko nang maabutan ko itong palakad-lakad sa kanyang opisina dito sa resto.
"Ian!" Tumigil ito sa paglalakad ng makita ako at nagmamadali akong niyakap.
"I'm so sorry. Kasalanan ko. I'm really sorry. Inutusan kasi siya ni Michi na mag-deliver sa apartment ni aling Polly at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik." Ang naiiyak nitong sabi. Hinagod ko ang kanyang likuran habang nakatitig sa dalawang tao na nakatayo sa tabi ng kanyang lamesa. Kaagad silang yumuko nang mapansin ang ginawa kong pagtitig.
"We'll find him. Jusy stay here." Ang sabi ko bago lumabas sa kanyang opisina.
"Wait!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang malakas na sigaw ni Roan. "Sasama ako. Please?"
I sighed and nodded. Nauna akong naglakad papalabas ng resto niya habang binabasa ang mensahe galing sa bodyguard ni Piyo.
Sir, found him. Polly's Apartelle. Room 1652. 5th floor. Lagpas tatlumpong minuto na raw po ito dito.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tinungo ang lugar kung nasaan si Piyo. Walking distance lang ito mula sa restaurant na pagmamay-ari ni Roan kaya mabilis namin itong narating. Naabutan ko doon ang bodyguard ni Piyo na katabi ang isang may kaputian at katandaang babae na tinanguan lang ako. Tumakbo si Roan papunta dito at yumakap.
"Aling Polly, s-si Piyo po?"
"Nandoom sa itaas. Kanina pa ang batang 'yon doon. Hindi ko nakitang bumaba. I checked the CCTV, pumasok siya sa kwarto. Parang kilala niya yata 'yong tenant ko doon." Ang paliwanag ng matanda sa akin.
Napakunot ang aking noo. Paanong nakilala ni Piyo ang may-ari ng kwartong iyon? Ayon sa kwento ni Piyo, wala siyang ibang kilala dito sa Manila kung hindi si...
"Roan, stay here."
Nagmamadali akong sumakay sa elevator at tinungo ang ikalimang palapag. The hallway was pretty empty when I arrived. Tanging ang tunog lang ng sapatos ko ang maririnig mo sa buong paligid. I stopped in front of a door with a golden template attached on it. The template was engraved with familiar numbers. 1652.
Malakas kong kinatok ang pintuan pero walang sumagot. I knocked it again for a few times ngunit wala talagang bumubukas.
Unti-unti nang nawawala ang pasensya ko. Itinaas ko ang aking paa at inihanda ito para sa pagsipa ng pintuan nang bigla itong bumukas. I was met with two sparkling eyes and a sweet gummy smile.
"Ian!" Ang masayang sigaw ni Piyo bago ako dinambahan ng yakap.
Sa halip na magalak mas lalo lang nag-iba ang timpla ko nang makita ang taong nakasunod sa kanya. He was staring at me seriously. I met his gaze with the same amount of intensity. Naputol lang ito nang humiwalay si Piyo sa pagkakayakap sa akin.
Napakunot ang aking noo nang makita ko ang suot niya at ang mga galos at benda sa kanyang katawan. He's wearing another man's clothes! What the fuck? Anong ginawa ng gagong 'yon?
"What the fuck happened, Philip?" Ang may diin kong tanong sa kanya at saka siya hinila papalapit sa akin. Sinuri ko ng mabuti ang kanyang mga sugat at nakitang malinis na ang mga 'to.
Sumimangot siya sa akin. "Tagalog na lang, Ian!"
The growing anger in my heart instantly melted after I heard him say that. God knows how much I tried to stop myself from grinning at his cute gesture. Hindi talaga niya nakakaligtaang sabihin ang mga katagang 'yan tuwing napapa-english ako.
"Anong nangyari, Piyo?" Ang tanong ko na sinundan ko ng isang malakas na buntong hininga.
"Hinabol ako ng aso, Ian. Natapunan ko kasi siya ng bato." Ang sagot niya sa akin. "Pero okay na ako, Ian. Wag ka na mag-alala, oki? Oki, Ian? Ginamot na ako ni k-kuya Jakjak."
Saglit kong sinulyapan ang direksyon ng kuya Jakjak niya saka ako tumitig ulit sa kanyang mukha. I smiled at him and ruffled his hair. "That's good. Mauna ka na muna sa baba, hintayim mo ako doon. Magpapasalamat lang ako saglit sa kuya Jakjak mo."
He crinkled his nose cutely. "Sabay na lang tayo, Ian."
Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi kurutin ang kanyang pisnge. Agad siyang sumimangot ng gawin ko 'yon. Why did he have to be so fucking cute? Mamaya ka sa aking bubwit ka.
"Hindi pwede. Naghihintay si Roan sa ibaba. Masyado mo siyang pinag-alala. Sige na, I'll follow you immediately."
He was reluctant to leave for awhile pero agad din siyang sumunod sa akin nang marinig niya ang sinabi ko. Lumingon ito sa likuran niya at kumaway sa kuya Jakjak niya.
"Bye, kuya! Tenkyu!" Tumingin ulit siya sa akin at ngumise. Napataas ang ang aking kilay. Nagulat ako ng tumingkayad siya at mabilis na dinampian ng halik ang pisnge ko. His thin hands snaked on my neck, pulling my face closer to him. He leaned in beside my ears and whispered seductively, "Hintayin kita sa baba, Ian. Bilisan mo ang pagbaba, oki?"
Napalunok ako at wala sa sariling napatango. His giggles were music to my ears. My stares never left his small figure until it disappeared from my sight.
Saan niya natutunan 'yon?
Agad na pumasok ang mukha ng asawa ni Nathan sa isipan ko. Austine's playful and mischievous smiles appeared in my mind vividly. Tangina. Dapat hindi ko talaga pinapasama si Piyo sa baliw na 'yon.
"Ian, huh?"
Napaangat ang tingin ko sa direksyon ng pinanggalingan ng boses. I placed my hands inside the pocket of my jeans at nakangising tumingin sa kanya.
"Police executive master sergeant Ajax Lopez. You got a good rank for a stalker. Don't you think?" Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay sa narinig mula sa akin. "Kamusta nga pala ang mga pasa mo?"
His face hardened as he gave me a death glare. Pero agad din iyong napalitan ng isang mapang-asar na ngite.
"Better. Better enough to snatch that little guy away from you." Ang mapaghamon niyang banggit.
Ako naman ang napasimangot sa puntong ito. Parang gusto niya yatang madapuan ulit nitong kamao ko. Wala akong ranggo sa pulisya pero kayang-kaya ko ulit siyang pabagsakin kagaya noong sinundan niya si Piyo pauwi.
"Fuxk off, Lopez!"
Lumapit siya sa akin at itinulak ang dibdib ko. "You, fuck off, Juariz! Why is Piyo with someone like you?!"
"And why can't he?" Ang nakangisi kong tanong. "Why he's with me is none of your fucking business, Lopez."
"He's my business! He is always my business. Nangako ako sa kapatid kong po-proteksyonan ko ang batang 'yon. Pro-proteksyonan siya sa mga taong kagaya mo, Juariz."
Napakunot ang aking noo sa sinabi niya.
"Hindi ko hahayaang gamitin mo si Piyo sa mga putanginang mga eksperemento niyo, Juariz." Ang dagdag niya na mas lalong nagpagulo sa akin.
Saglit akong napatigil sa sinabi niya. "Anong katarantanduhan ang pinagsasabi mo?"
"'Wag ka ng magmaang-maangan pa, Juariz. Alam kong alam mo ang tungkol sa sinasabi ko. More than anyone, ikaw ang pinaka mas nakakaalam sa eksperimentong ito. Carriers as Universal Medicine Experiment is your grandfather's fucking sick idea."
-----------------------------------------------------------
Hello guyses! Wala akong masabi hahahaha. Thank you for reading po hehe. Ayon lang po. Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao! ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top