24
Philip Yoshieke Magnao
"Oh? Anong nangyayari sa inyo?" Nabuwag ako mula sa pagkakayakap kay Ian ng marinig ko ang boses ni Austine.
Sumisinghot akong tumingin sa kanya saka pinunasan ang namamasa kong mata. Katabi naman ni Austine si Nathan na nakakunot ang noong nakatingin sa gawi namin. Tumingin ako sa gilid ko nang maramdaman ko ang paggalaw ni Ian sa aking tabi. Tumayo pala siya mula sa pagkakaupo. Hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil patalikod na nakatayo si Ian sa akin.
Malakas na tumikhim si Ian saka diretsong tumingin kita Austine.
Anong nangyayari? Bakit walang sinasabi si Ian?
"Ian..." Ang mahina kong tawag sa kanya. Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay kaso iniwas ito ni Ian.
Nagalit ko ba si Ian sa sinabi ko?
"Mag c-cr lang ako. Balik ako agad." Ang anunsyo niya bago nagmamadaling umalis. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Ian.
Nagtatakang sinundan namin siya ng tingin bago kami nagkatinginan ni Austine. "Tine..." Ang naiiyak kong tawag sa kanya.
"B-Bakit?" Nagmamadali siyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko. Mabilis akong yumakap sa kanya at malakas na umiyak.
Natatakot ako baka lumayo si Ian sa sinabi ko. Bakit ko kasi sinabi 'yon? Sana hindi ko nalang 'yon sinabi kay Ian. Ang bobo ko! Ang bobo bobo ko. Dahil doon lalayun na ako ni Ian. Dahil sa sinabi ko mawawala si Ian sa akin. Sana nanahimik na lang ako.
"Piyo, kumalma ka, please? Ano ba kasing nangyari?" Ang nag-aalalang tanong ni Austine sa akin habang hinahagod ang likuran ko.
"Kasi...Kasi sinabi ko sa kanya na lab ko siya. Tapos ayon. Austine, dapat ba hindi ko 'yon sinabi? Natatakot ako baka layuan ako ni Ian." Ang puno ng takot kong sumbong sa kanya.
"S-Sinabi mo na ano?" Ang nauutal na tanong ni Austine.
Sumilip ako ng kaunti mula sa kanyang dibdib at sumagot, "Na lab ko siya, Tine. Hindi ko ba dapat sabihin 'yon? Naguguluhan na ako."
Ang sagot ko sa kanya habang naluluha. Naalala ko na naman ang kabobohang ginawa ko.
"Don't worry, kid. Nagpapalabas lang 'yon ng libog." Ang biglang sabat ni Nathan sa usapan namin. Nabitin ang mga luha ko sa pagbagsak dahil sa sinabi niya.
Prenteng-prente nakaupo si Nathan sa kabilang upuan. Hindi ko mabasa ang mukha niya dahil abala siyang nakayuko habang may kinakalikot sa kanyang selpon.
"Tine? Anong nagpapalabas ng libog?" Ang tanong ko kay Austine habang sumisinghot. May sipon pa yatang napunta sa damit niya.
Matamis siyang ngumite sa akin habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang kanyang panyo. Napapapikit pa ako dahil minsan ay dumidiin ang ginagawa niyang pagpunas sa mukha ko.
"Piyo," Ikinulong niya ang mukha ko sa kanyang mga palad bago nagpatuloy sa pagsaslita, "Nagpapalabas lang pala ng libog si doc dahil naulol-este, kinilig siya sa confession keme mo. Nagsasalsal lang sa loob ng banyo si doc Ian habang iniisip ka niyang humihingal sa pagod at sarap sa sa ilalim niya. Don't worry, okay? Mapupunlaan ka na rin. I'm so proud of you, anak."
Imbes na masagot ang tanong ko ay mas lalo lang tuloy akong naguluhan sa sagot ni Austine sa akin. Ang hirap tlaga niyang intindihin kahit nagtatagalog na siya.
"Aust-"Magsasalita pa sana ako kaso may malaking boses na sumapaw sa akin.
"Nathan! My super ever gwapo na client. I'm sorry kung ngayon lang ako dumating. I had an urgent meeting kasi with a client. Austine dear, hello."
Tumayo si Austine mula sa pagkakaupo saka nakipagbeso-beso sa may katabaang ....babae? Nakasuot kasi siya ng bestidang puti na hanggang sa kanyang tuhod. Mahaba rin ang kanyang buhok pero panglalaki ang mukha niya saka may bigote din siya.
Pagkatapos niyang makipag beso-beso kay Austine, sunod naman siyang lumapit sa akin at pinilit akong bineso-beso.
"Hi! Hi! Hello, are you perhaps Mr. Philip Yoshieke Magnao ang rumored fiancée ni Mr. Ian Juariz? I'm Kehlani Mesalucha nga pala. It is my pleasure to meet you, dear." Mahigpit niya akong niyakap at saka ako itinaas sa ire na parang bata. Sinipat niya ang buo kong mukha habang nakangiti ng malaki. "Very innocent looking. Very cute. Bagay na bagay kay Ian. Ninang ako ng magiging anak niyo, okay?"
"H-Ha? Eh..hindi pa po kami naga-ano si Ian kaya wala pa kaming bebe." Ang sagot ko sa kanya. Ibinaba niya ako pabalik sa aking upuan at pumalakpak.
"I like him na, Austine! Mas like ko na siya sa iyo bakla. Very honest. I like him. Sa kanya ang pinakabonggang suit na gagawin ko. Let's go! Let's go, susukatan ko na kayo." Anunsyo niya bago tumalikod. Hinila naman ako ni Austine patayo saka niya inangkla ang kanyang kamay sa aking braso.
Pagpasok namib sa loob ng isang puting kwarto, nadatnan namin sila Roro, bhosxz Axel at Kirby doon. Si Roro at bhosxz Axel ay naglalandian sa tabi habang si Kirby naman ay tumitingin lang sa makulay na libro na hawak niya. Naglakad ako patungo sa upuan ni Kirby kasi Austine ang unang susukatan daw. Tumabi ako sa kanya at yumakap. Mahina niyang tinapik ang ulo ko.
"Okay lang po kayo, tito?" Ang mahina niyang tanong sa akin. Tumango ako.
"Mhm..hindi mo ba nakita si Ian, Kirby?" Ang malungkot kong tanong sa kanya.
"Nakita ko po si tito Ian na nagmamadaling pumasok sa loob ng cr kanina, tito." Ang sagot niya sa akin habang patuloy pa ring nagbabasa sa libro na puro mga amerikana at damit lang naman ang laman.
Magaganda ang mga nakalagay doon pero hindi nito magawang agawin ang atensyon ko. Si Ian lang ang naiisip ko ngayon talaga. Kung ayaw ni Ian sa akin sana sabihin niya kaagad. Kung may ayaw siya sa akin babaguhin ko naman. Basta magsabi lang kaagad si Ian. Gagawin ko lahat ng gusto niyang gawin ko basta hindi lang siya magalit o mandiri sa akin.
"Ah, ayan na pala si tito Ian, tito." Ang sabi ni Kirby kaya napadako ang paningin ko sa pintuan.
Bumukas ang pintuan dito sa kwarto at pumapasok ang taas noong si Ian. Tumigil siya saglit doon at inilibot ang kanyang paningin sa buong kwarto. Pagkatapos ng ilang segundo, tumigil ang kanyang paningin sa akin.
Pakiramdam ko tumigil yata sa pagtibok ang puso ko habang naglalakad siya papalapit sa akin. Naupo siya sa tabi ko at hinila ako papalapit sa kanya. Kinulong niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig at hinalikan ako sa tuktuk ng aking noo.
"Ian..." Ang naiiyak kong sambit sa pangalan niya.
"I'm sorry, natakot ba kita?" Ang tanong niya gamit ang kanyang malambing na boses.
"Ian, hindi na lang kita ila-lab basta wag mo lang akong iwan, Ian. Sori na. Sori. Hindi ko na uulitin 'yon." Ang malakas kong iyak habang mahigpit akong nakakapit sa likuran ng kanyang damit.
"Sop crying, sunshine. Hindi mo kailangang gawin 'yan. Masaya akong malaman 'yan mula sa iyo. Masaya akong malaman na mahal mo rin ako. Alright? Now, stop crying." Napatigil ako sa pag-iyak ng marinig ko ang sinabi ni Ian.
Nabingi ba ako? 'D-Di ba...'Di ba sinabi ni Ian na mahal rin niya ako ako? Sabi naman ni doc ma'am wala akong problema sa pandinig.
"M-Mahal mo rin ako, Ian?" Ang nauutal kong tanong sa kanya. Tumitig ako sa mukha niya at nakita ang isang ngise na nakapinta sa kanyang labi. Parang bituin ring kumikislap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Mahal na mahal, Piyo. I love you so fucking much, sunshine." Ang halos pabulong niyang sabi sa akin.
Napalunok ako para pigilan ang sarili na maiyak. "Eh bakit mo ako iniwan kanina? Bakit hindi mo ako kaagad sinagot, Ian?"
Biglang naging alanganin ang ngiteng ibinibigay ni Ian sa akin matapos niyang marinig ang tanong ko. Iniwas niya rin ang kanyang paningin sa akin at napakamot sa kanyang batok. Bakit pakiramdam ko nahihiya si Ian sa akin? Ang kyut-kyut niya!
"Kailangan ko lang magpalabas, sunshine. I don't want to lose control and break you." Ang buntong hininga niya.
Kahit hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya tumango na lang din ako at mas lumapit pa sa kanya. Tumingin ako sa paligid at nakitang kami na lang dito sa loob. Bakit hindi ko napansin kanina na umalis sila Kirby? Baka tinawag na sila para sukatan.
"Ian, walang tao..." Ang nahihiya kong sabi sa kanya.
Napataas ang kanyang kilay habang nakadungaw siya sa akin. "Kung lab mo ako, Ian. Dapat i-kiss mo ako ng mga isang beses lang."
"Isang beses lang? Pwede ko namang gawing lima basta..." Yumuko si Ian hanggang maitapat niya ang kanyang bibig sa tenga ko. "Basta ipapangako mong akin ka lang. Walang pwedeng ibang magmay-ari sa'yo, Piyo. Ako lang? Naiintindihan mo?"
Napakagat ako ng labi ng kagatin ni Ian ang tenga ko at saka iyon hinalakin. Habang papalayo si Ian sa akin hindi ko maiwasang malanghap ang kakaibang amoy na sumisingaw mula sa kanya. Parang kasing-amoy 'nong zonrox sa may labahan. Hindi naman ganito ang amoy ni Ian kanina.
"Eh, Ian, paano kapag may ibang magmay-ari sa akin?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
Naging sesyoso bigla ang mukha ni Ian. Hinawakan niya ang mukha ko at marahang hinimas ang aking pisnge gamit ang kanyang hintuturo. Diretso din siyang tumitig sa mga mata ko. Wala na iyong kinang doon. May kakaibang emosyon ng pumalit at bumabalot doon.
"Piyo, hindi ako santo. I was too good and forgiving with my past relationship, but with you? Piyo, I'll kill anyone who dares to take you away from me. You aroused the demon in me, sunshine. You have no choice but to take responsibility until you die. Wala ka ng kawala, Piyo. Walang-wala. Naiintindihan mo ba?" Ang seryosong saad ni Ian habang nakatitig ng mariin sa mga mata ko. At sa hindi malamang dahilan agad na nanayo ang mga balahibo ko sa katawan. Parang hindi si Ian itong kausap ko.
Pakiramdam ko hinihipnotismo niya ako. Kusang nagtaas baba ang ulo ko bilang pagsang-ayon sa kanya. "Good. That's my, sunshine." Aniya sa mababang boses bago ako sinunggaban ng halik.
Itinulak ako ni Ian papahiga sa malambot na upuan saka ako dinaganan. Kakaiba itong halikan namin kasi gumagalaw si Ian. Ikinikiskis niya ang kanyang ibaba sa akin kaya nagtatama ang umbok ng mga pantalon namin. Ang mga kamay ko naman ay naglalakbay na kung saan-saan sa kanyang katawan. Nakakapanibago ang pag-kiss ni Ian sa akin ngayon. Kung dati ay puno iyon ng pag-iingat ngayon naman ay masyadong mapag-angkin at agresibo.
Wala na akong pake kung madatnan kami nila Austine na ganito ang ayos namin basta gusto ko lang i-kiss si Ian. Gusto ko lang ilapit pa ang katawan niya sa akin. Ilang ulit pang gumalaw-galaw si Ian sa ibabaw ko hanggang sa tuluyan na nga akong sumabog.
"I-Ian...basa na ang pantalon ko."
Ngumise lang siya sa akin saka ako hinalikan sa aking noo. "Maraming pantalon dito, Piyo. You can cum as much as you w-"
"Okay, tama na 'yan, lovebirds. Hindi SOGO itong waiting area ko." Lumagpas sa balikat ni Ian ang paningin ko at nakita doon silang lahat na nakatayo habang may kakaibang ngiti sa kanilang mga labi.
KINABUKASAN masaya at puno ng enerhiya akong nagtrabaho sa pangmayamang kainan ni Roro. Maraming bagay ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon.
Unang-una, may bumili sa tatlo kong pinting. Binayaran ito ng kustomer ng halos tatlumpong daang libo. Itinago ko iyong dalawampung libo habang ang natira naman ay hinati-hati ko naman sa mga kasambahay at mga tauhan sa mansyon. Ikalawa, sinabi sa akin kahapon ni Ian na lab niya rin ako. Amg panghuli naman ay iyon pa ring sinabi ni Ian na lab niya ako.
Para akong baliw kagabi hehe. Hindi ako makatulog. Ganito pala ang pakiramdam ng minamahal? Sobrang gaan sa puso. Pakiramdam ko nasa ulap ako. Noong sinabi ko 'yon kay mama, sobrang tuwa niya para sa amin ni Ian. Handa na raw siyang magka-apo ulit.
Ako rin! Handa na rin akong magka-baby. Gusto ko ng magkababy kami ni Ian. Kaya nga magpapaturo ako kay Austine kung paano ko gagapangin si Ian. Siya kasi ang pinakabastos sa lahat.
"Goodmorning, mam! Nagustuhan niyo po ba 'yang pinting?" Ang masaya kong bati sa isang kustomer na tinitingnan ang pinting ko. Mukha iyon nila bebe Raze at bebe Rain na napapaligiran ng mga bulaklak. Bulaklak na gustong-gusto kong ilagay palagi sa mga pinting ko.
Hindi ko makita ang mukha niya kasi nakatalikod siya sa akin. Hanggang leeg lang ang kanyang medyo kulot na itim na buhok. Nakasuot din siya nga puting damit at itim na pantalon.
"Ang painter nito... kilala niyo ba?" Ang tanong niya sa akin habang patuloy pa rinng nakatingin sa pinting ko.
"Ah..bakit po?" Nakakahiya naman kung sasabihin ko na ako. Baka laitin lang niya ako.
"Middlemest red itong bulaklak na iginuhit niya sa painting. For some reason, kapag nakikita ko ito palagi kong naaalala ang yumao kong anak." Ang pagkwe-kwento niya. Bakas ang lungkot sa kanyang boses habang nagsasalita. Itinaas pa niya ang kanyang kamay para haplusin iyong larawan.
"Hala! Pasensya na po kayo. Hindi ko po sinasadyang iguhit 'yan. Bigla lang po kasi 'yang pumasok sa isip ko tapos parang maganda kaya nilagay ko po." Ang natataranta kong paliwanag sa kanya.
"No, It's oka-"
Pareho kaming napatigil dalawa ng makita namin ang mukha ng isa't-isa. Akala ko nakatingin ako sa sarili ko.
-----------------------------------------------------------
Halu guyses! Pasensya na po kayo sa update ko. Naii-stress po kasi ako sa tenga ko. Huhu. Kakagaling lang nito tapos parang mamaga na naman siya. Hindi ko kasi namamalayan minsan na pinapasok ko na pala ang hinliliit ko. Naiistress na ako HAHAHAHAHA. Ambubu ko talaga huhu. Sana mag-enjoy pa rin po kayo sa pagbabasa kahit papaano. Thank you po! Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Labyu ol. Mwuah mwuah! Ciao ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top