23
Philip Yoshieke Magnao
"I...I really like Ian, Piyo. Simula noong mga bata pa lang kami nakuha na niya ang puso at atensyon ko. Pero hanggang kaibigan at kapatid lang ang turing niya sa akin. Ngayon na wala na si Melissa, gusto kong ipakita sa kanya na kaya kong pantayan ang manlolokong babaeng 'yon. That I can be more than just a sister to him. But he's always busy and lahat ng natitirang oras niya ay inilalalaan niya sa'yo," ang malungkot niyang sabi habang pinaglalaruan ang pitsel ng juice. "You can help me naman 'di ba?" Muli siyang tumingin sa mga mata ko.
May bahid iyon ng pag-asa at pananabik.
Ang alam ko kapag kaibigan mo, kung may maitutulong ka wag kang magdadalawang isip na tumulong. Kaibigan ko si Lee at ayaw kong maging madamot sa kanya pero hindi ko mahanap sa puso ko ang kagustuhan na tumango at sumang-ayon sa kanya. Pwede na nilang kunin ang lahat 'wag lang si Ian.
"Ano...ano kasi, Leigh.." Nanginginig ang mga paa ko at namamawis na ang mga kamay ko. Natatakot ako baka magalit si Leigh sa sasabihin ko.
"Hindi ko kaya eh," ang makatotohanang sabi ko saka sinundan iyon ng pag-iling.
Agad na bumagsak ang kanyang balikat sa sinabi ko at malungkot akong tiningnan. "B-Bakit naman?"
"Kasi ano..."
Bakit ayaw mo, Piyo? Ano nga ba ang rason ko? Kasi ayaw kong mapunta si Ian sa kanya? Kasi ayaw kong may kahati kay Ian? Kasi gusto kong sa akin lang ang atensyon ni Ian?
Kapag tinulungan ko si Lee, malaki ang tyansa na baka mapalapit pa siya lalo kay Ian. Malaki ang tyansa na mainlab si Ian sa kanya. Hindi ako handang makita si Ian na ikakasal si sa iba.
Hindi naman siguro masama kung magiging madamot ako kay Ian di ba? Si Ian lang naman ang ipagdadamot ko. Madami pa namang lalaki sa mundo. Lalaking mas bagay kay Lee kaysa kay Ian. Mga lalaking hindi si Ian na...
Si Ian na...
"Gusto mo rin ba si Ian, Piyo?" Ang seryosong tanong ni Lee sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin at napatitig sa lupa.
"Kasi Lee.." Ayaw talagang mabuo ng mga salita sa bibig ko. Nababahala ako sa sasabihin at magiging reaksyon ni Lee.
"No, it's alright. I'm sorry for making you uncomfortable. I need to go." Nagmamadaling tumayo si Lee mula sa kanyang kinauupuan bitbit ang kanyang bag at naglakad paalis.
Bumuntong hininga ako.
Gusto? Mas malalim pa doon ang nararamdaman ko para kay Ian. Sigurado ako d'on. Hindi ko lang gusto si Ian. Alam kong mas matindi at mas malalim pa ito kesa doon sa salitang gusto. Pero hindi ko rin alam kung tama ba at sapat na ba ang nararamdaman ko para tawagin 'yong lab? Lab ko na ba si Ian? Ano bang basehan para masabi mong lab mo ang isang tao?
"Piyo, kain ka pa. Maya-maya lang ay dadating na rin ang mga asawa natin."
Nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Austine. Napakamot ako sa ulo ko at saka iginalaw ang aking mga kamay. Hindi ko kasi maiwasang hindi isipin ang pinag-usapan namin kahapon ni Lee.
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa isang restoration katabi sa bibilhan daw namin ng damit para sa party na magaganap sa sabado. Kasama ko sila Austine, Kirby at Roro pero wala ang mga bebe nila. Iniwan nila ang mga bebe kina tito Christian daw kasama ang mga yaya nila. Tapos na daw kasi silang sukatan sabi ni Austine kaya kami naman.
Pagkatapos kong sinubo at nilunok ang pagkain, nahihiya kong tinawag sila Roro at Austine, "Uhm...Austine, Roro, pwede bang magtanong?"
"Bakit, Piyo? May problema ba?" Nag-aalala akong tiningnan ni Roro.
Pinaglaruan ko ang pagkain sa aking plato habang nagiipon ng lakas ng loob para tanungin sila Roro at Austine. Sila kasi ang may karanansan sa mga ganito. "Paano niyo nalaman na lab niyo na pala sila Nathan at bhosxz Axel?"
Umangat ang paningin ni Austine mula sa kanyang tatskrin na cellphone at tumingin sa akin tapos kay Roro. Saglit silang nagkatitigan dalawa bago muling humarap sa akin.
Sunod-sunod akong napalunok ng makita ang seryoso nilang mukha. Nakakaba! Lalo na kay Austine! May mali ba sa tanong ko?
"Austine...nakakatakot ang mukha mo. Wag mo ng ganyanin ang mukha mo." Ang naiiyak kong reklamo sa kanya.
Halatang nagulat sila pareho ni Roro sa sinabi ko kasi parehong nanlaki ang kanilang mga mata. Pumikit siya ng mariin at humugot ng hangin. Mahigpit na humawak si Austine sa kamay ni Roro at saka niya muling inimulat ang mga mata. Nakangiting na siyang tumingin sa akin.
"Okay na?" Ang tanong niya. Ngumite ako ng malaki sa kanya at tumango.
"Oki na oki, Austine! Normal na ulit ang mukha mo. Hindi na gaanong pangit at nakakatakot." Ang masaya kong sagot saka muling sumubo sa pagkain ko.
"Mga bakla, pakihawakan niyo ako. Baka hindi ako makapagtimpi at masampal ko ng left and right itong kumare natin." Ang narinig kong pakiusap ni Austine na ikinatawa namin.
"Joke lang, Austine!" Ang natatawa kong sabi sa kanya. Pinaningkitan niya ako ng mata saka umirap sa akin.
"Joke?! Joke?! Itong ganda ko ginagawa mong biro?! Ang ganda biro ko naman, Piyo. Pasalamat ka at bespren kita kaya I forgive you basta bili ka ng brief ko." Agad akong napangiwi sa sinabi ni Austine. Iniisip ko pa lang 'yong paninda niya kinikilabutan na ako sa presyon.
"Eh, Austine, ang mahal n'on. Gusto ko sanang bumili kasi komportable kaso sobrang mahal kahit kinulang sa tela iyong mga brip mo." Ang nakanguso kong sabi.
Gusto ko ngang bumili n'on kasi binigyan ako dati ni Austine ng gan'on tapos nagustuhan ko pero pagkatapos kong ipakita yon kay Ian isang beses kinabukasan nasa basurahan na. May nakakapit na tuyong kulay puti doon. Sabi ni Ian natapunan daw yon ng glue kaya gan'on. Hindi ko alam kung pa'no at kung saan nanggaling ang glue eh nilagay ko yon sa labahan.
"Ninety percent discount ka na, gurl, para malahian ka na ni dahdie Ian."
Napakunot ako ng ilong. "Dahdie Ian? Tatay mo si Ian, Austine."
Parang estatwa na ngumite si Austine sa akin saka tumitig. "Roro, kung sasapukin ko to ng isang beses saan ako pupulutin?" Ang tanong niya kay Roro na kumakain ng keyk. Gusto ko ng kumain ng paborito kong keyk kaso hindi ko pa nauubos ang tanghalian ko.
"Sa morge, bakla."
Tumigil saglit si Austine at nag-isip. Hinintay namin kung anong susunod niyang sasabihin.
"So ano nga 'yong tanong mo,sis? Paano ko nalamang inlab ako sa bebe ko? Simple lang naman. Noong nakita kong kasing laki ng pera niya sa banko ang kanyang hotdog, bumuka na ang puday ko—este ang puso ko pala. And I thank you!" Tumayo pa siya at kumaway-kaway sa mga tao sa loob ng kainin. Nagsipalakpakan naman iyong mga tao sa loob. Minsan nagdududa ako sa sinabi ni Ian na baliw daw si Austine pero ngayon kumpirmado ko na.
"Thank you! Thank you!" Nag-flying kiss pa siya sa paligid saka niya sinenyasan iyong wetter na naghihuntay sa tabi. "Waiter, bayaran ko na lahat ng bill nila."
Agad na nag-ingay ang mga tao sa loob dahil sa sinabi ni Austine. "Ang yaman mo naman, Austine! Sana ols!" Ang natutuwa kong sabi.
"Mali ka, sis. Mayaman ang asawa ko. Nasa akin ang mahiwagang credit card niya kaya sa kanya ang kaltas." Ang nakangisi niyang sabi saka iwinawagayway ang isang itim na credit card. "Anyway, balik na tayo sa tanong mo. Bakit mo ba natanong? Sa mga galawan niyo ni Ian, mukang inlab na inlab naman kayo sa isa't-isa."
"Inlab rin si Ian sa akin?" Ang nagitla kong tanong.
"Bakit? Ano pa bang ibang naiisip mong dahilan kung bakit gan'on umasta si Ian sa'yo, Piyo?" Ang nagtatakang tanong ni Roro sa akin.
"Ahh..kasi mabait siya tapos kaibigan rin kami?" Ang hindi ko rin siguradong sagot. "Hiniling ko kasi kay Ian na mag-kiss kami dati kaya siguro pinagbibigyan niya ako."
"Ang bait namang lamok ni doc. 'Di ba, pamangks?" Ang komento ni Austine at pinilit si Kirby, na abalang naglalaro sa kanyang selpon, na makipag haypayb sa kanya.
"Kilala ko na si Ian simula mga bata pa kami. Hindi siya mabait at mas lalong hindi siya ganyan kabait sa ibang tao. Tungkol naman sa nararamdaman mo, Piyo, ikaw lang talaga ang makakasagot niyan. Mas ikaw ang nakakaalam kung gaano nga ba kalaki ang puwang ni Ian sa isip sa at puso mo. There are subtle signs din naman na pwedeng maging bases mo kung inlove ka ba o hindi, like, gaano mo ba siya kadalas iniisip? Gaano ka katakot kapag nawala siya? Hanggang saan ang kaya mong isuko para sa kanya? Ganyan-ganyan. Hindi naman kasi ako eksperto diyan, iba-iba rin kasi tayo ng karanasan." Ang mahabang sabi ni Roro kaya agad akong napaisip at naghanap ng sagot sa mga isiniwalat niya.
"Ganyan po ba talaga 'yan, tito?" Ang interesadong tanong ni Kirby kay Roro.
Nagkibit-balikat si Roro sa kanya bago sumubo ng keyk. "Base on my experience lang naman 'yan. Kahit gaano ako ka-compose dati kapag nandiyan na si Axel, agad akong nawawala sa sarili. Kahit magkalayo kami mas lalo lang siyang nanatili sa utak ko. That guy made me crazy." Ang naiiling niyang sambit habang nakangiti at tinutusok-tusok ang keyk sa kanyang plato.
"Ang seryoso niyo, ah." Na alerto ako ng marinig ang boses ni Ian mula sa likuran ko. Lumingon ako sa aking likuran at agad na nakita ang gwapong si Ian na nakasuot ng asul na polo na hapit na hapit sa mga masel ng kanyang katawan. Nakakapanglaway si Ian! Mas gusto ko na siyang kainin kesa sa keyk. Hehe.
"Halu, Ian. Namiss kita." Yumuko si Ian para i-kiss ako sa noo ko saka siya naupo sa tabi ko.
"Miss you too, sunshine."
Kasunod niya sila bhosxz Axel na nakasuot ng itim na salamin habang inililibot ang paningin sa buong kainan. Si Nathan naman ay poging-poging naglalakad suot-suot ang puting polo. Nakabukas pa ang unang tatlong butones nito. Lumingon ako kay Austine na may malaking ngisi sa kanyang labi habang nakatingin kay Nathan.
"Piyo..." Nabawi ni Ian ang paningin ko nang tinawag niya ang pangalan ko. "Eyes on your food." Sabi niya saka ako mabilis na dinampian ng halik sa labi.
"Ian, subuan mo 'ko, ples?" Ang pakiusap ko sa kanya habang nakahilig sa kanyang balikat.
"Sana oils talaga. Papi Axel, ako rin, pasubo." Malakas na hinampas ni Roro si Austine saka hinila si bhosxz Axel paupo sa upuan malayo kay Austine.
"Gaga, asawa ko 'to eh." Ang irap ni Roro na nagpatawa sa amin. Minsan lang kasi magganito si Roro. Ang kyut niya kapag ganito siya.
Saglit pa kaming kumain kasama sila Ian. Habang hinahayaan namin sila Ian na kumain muna hindi ko maiwasang maisip muli ang sinabi kanina ni Roro tungkol sa lab.
Hindi ko kasi maipaliwanag ng maayos ang nararamdaman ko para kay Ian. Tuwing tinitingnan ko siya tuwing umaga, tanghali at gabi parang may kung anong umaapaw sa puso ko. Kahit magkalayo kami sa isa't-isa mas tumitindi lang ang emosyon sa puso ko. Para akong matutunaw tuwing tinitingnan siya. Nanlalambot ang katawan ko tuwing nakatitig sa gwapo niyang mukha. Tuwing tinitingnan ko si Ian palaging kong sinasabi sa sarili ko na kaya kong gawin at ibigay lahat para sa kanya.
Tuwing tinitingnan ko si Ian hindi ko maiwasang mangamba. Sa paglipas ng mga masasayang araw kasama si Ian, mas lalong tumitindi ang takot na nararamdaman ko. Takot sa maaaring kabayaran ng mga masasayang araw ko sa piling niya. Hindi ko kakayanin kapag nawala si Ian. Hindi ko kakayaning mahiwalay sa kanya.
"You're crying. What's wrong, sunshine?" Kahit seryoso ang boses ni Ian may halo pa rin itong lambing at pag-aalala. Sa halip na sumagot sa tanont niya ay isinubsob ko nalang ang mukha ko sa kanyang dibdib.
Pagkatapos naming kumain kanina ay gumayak na kami dito sa loob ng tindahan ng mga mamahaling damit. Habang hinihintay iyong magsusukat sa amin, nagikot-ikot muna sila Austine kasama ang mga asawa nila. Si Kirby naman ay nagbanyo lang.
Ang bilis ng tibok ng puso ni Ian. Parang sumasabay ang tibok ng puso niya sa tibok ng puso ko. Malakas, maingay, nagwawala
"Ian..." Ang mahina kong tawag sa kanyang pangalan habang nakasubsub pa rin ang mukha ko sa kanyang dibdib.
"Hm?" Patuloy lang niyang pinaglalaruan ang buhok ko.
"Ian, aylabyu, Ian. Lab na lab kita kahit isa ka pang malaking lamok, Ian." Ang pag-amin ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking pisnge habang sinasabi 'yon.
Dumoble yata ang tibok ng puso ko nang hindi sumagot si Ian. Nakakatakot. Nakakakaba.
Bakit hindi sumasagot si Ian?
-----------------------------------------------------------
Halu guyses! Hahaha. Akala ko hindi ako makakapag-update ngayon dahil sa lakas ng kulog at kidlat kanina. Buti na lang po talaga at tumigil. Saka masaya ako habang sinusulat ito dahil naisulat ko ang unang hakbang patungo sa pagkawasak ni Piyo. 😭👌
Thank you po sa pagbabasa. Pasensya na po kayo kung hindi ko narereply-an lahat ng comments at pasasalamat niyo sa bawat chapters. Kahit hindi ko po narereply-an lahat ay binabasa ko naman po ito at super thankful po ako tuwing nababasa ang mga comments ninyo hehe. Iyon lang po ang happy pill ko tuwing natatapos kong isulat bawat chapter.
Ayon lang po. Stay healthy, keep safe and God bless you always powxz. Labyu ol. Mwuah mwuah! Ciao! ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top