22

Philip Yoshieke Magnao

"Babye, Ian. Mamimiss kita. Umuwi ka ng maaga, oki?" Ang naiiyak kong sabi kay Ian. Dapat ay magkasama kami ngayon. Nagpramis si Ian na magdi-dit kami kaso bigla siyang tinawag ng sekretarya niya.

"Okay, I promise. Mag-ingat kayo dito." Mabilis na humalik si Ian sa ilong at labi kom. "Babawi ako, alright?"

"Aasahan ko 'yan. Sige na, Ian. Mag werk ka na para may pambili ka ng pagkain sa mga anak natin. Yanyan, babye na sa papa mo."

Tumawa lang ng malakas si Ian saka hinaplos ang ang ulo ng anak namin bago tuluyang nagpaalam. 

Napanguso ako habang nakatingin sa papalayong likuran ni Ian. Sabado ngayon at wala akong school at work. Dito lang ako ngayon sa bahay mag-isa. Ay hindi pala! May mga kasambahay pala akong kasama. Hehe. Gusto ko po sanang makipag usap pa kay Ian kaso busy siya sa werk niya.

Simula noong hinawakan ako ni Ian sa ano ko noong isang araw. Parang nagustuhan ko ng gawin iyon. Mas gusto ko na yong gawin sa kwarto kesa mag-kiss kami.

"Piyo, alis muna kami, ha? Sure ka bang ayaw mong sumama sa amin?" Ang tanong ni Roro sa akin bitbit niya si bebe Rain na aliw na aliw kay yanyan na hawak-hawak ko.

Umiling ako sa kanya bilang sagot. Magdi-dit sila ngayong pamilya kaya ayaw kong makisapaw. Hindi naman ako anak ni Roro at bhosxz Axel. Sabi ni Austine dapat ko dawng tawagin ng gan'on si bhosxz Axel kasi shine of respiratory daw 'yon. Ay! Respiratory ba? Parang respiration? Hehe. Ewan ko basta parang katunog n'on.

"Kayo na lang, Roro. Famly dit niyo ngayon ni bhosxz Axel kaya hindi ako pwedeng sumama. Saka gusto ko ring makasama sila daga ngayon. Namimiss ko na kasi sila." Ang paliwanag ko sa kanya. Inilapit ko kaunti si yanyan kay bebe Rain kaya napatili ito sa tuwa.

"Sige na nga! Basta ha? Kung may kailangan ka sabihin mo lang kina manang. Saka 'di ba may cellphone ka na? Tawagan mo lang ako o kahit sinong nasa contacts mo kapag may kailangan o emergency. Kumain ka rin sa tamang oras." Ang paalala ni Roro sa akin. Para siyang mama pero hindi ako naiinis kay Roro kapag ganito siya. Parang hinahaplos  ang heart ko kapag nag-aalala sila sa akin.

"Oki, Roro. Bye-bye ka na sa kanila, Yanyan." Yumuko ako para makita ang anak ko na si Yanyan na pumuputak habang nakaharap sa kanila ni Roro at bebe Rain.

"Roan, let's go. May gusto ka bang pasalubong, Piyo?" Nabaling ang paningin ko kay bhosxz Axel na bitbit naman ngayon si baby Raze.

"Wala po, bhosxz! Ingat kayo, Roro. Babye, bebe ko." Lumapit ako kina Roro para i-kiss si bebe Raze.

Hindi nagtagal ay umalis na rin silang apat.  Wala sila Austine ngayon kasi pumunta sila sa bahay nila Lovely. Nakakatuwa kasi pareho sila ni Austine na lalaki rin ang asawa at pwede magkaanak. Naiisip ko tuloy kung paano kapag naging gan'on kami ni Ian?

Sabi ni Ian keryer na daw ako. Pwede rin akong magdalang tao kagaya ni Austine. Simula noon palagi ko ng iniisip kung ano ang magiging mukha ng bebe namin. Magiging kagaya kaya siya ni Ian? Gusto kong maging kagaya siya ni Ian. Gusto ko ring lumaki siya na gwapo, matalino at mabait. Pero kahit anong ibigay sa amin mamahalin ko.

Kapag nagkaanak ako ayaw kung maranasan nila ang naging buhay ko noon. Gusto kong lumaki sila na walang pagdududa sa sarili. Gusto kong lumaki sila na walang takot.  Gusto kong lumaki ang mga bebe ko na nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Gusto kong makapag-aral sila. Gusto kong magkaroon sila ng mga kaibigan. Gusto kong maranasan nila ang mga bagay na hindi ko naranasan noon.

Sa halip na pumasok sa loob ng malaking bahay, nagpunta ako sa likurang bahagi ng mansion at pumasok sa may kalakihang bahay doon na gawa sa salamin. Hiniling ko talaga kay Ian na sana ay maraming halaman ang titirhan nila daga. Mas gusto kasi nila ang gan'on. Lumapit sa akin si daga at pumulupot sa kaliwang paa ko.

"Namiss mo ba ako, daga? Binantayan mo ba ng mabuti sila porkshap? Ang taba taba mo na! Kailangan mo ng madyeta, daga." Ang sabi ko saka naupo sa kanyang harapan.

Parang kailan lang kasinglaki lang si daga sa braso ko pero ngayon magkasing laki na sila ng bente ko. Mahilig din siyang magbabad sa maliit na fishpan na pinagawa ni Ian. Kaso wala ng isda doon kasi minemeryenda niya minsan.

"Magpipinta ako ngayon, daga. Samahan mo ko, oki?" Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa pinakadulo. May lamesa doon kung saan nakatago ang mga gamit ko pangpinta sa ilalim.

Inilabas ko isa-isa ang mga pintura at mga bras na nakatago doon. Iniayos ko rin ang can...cas..casava? Yong puti ba na pinipintahan mo. Basta yong gan'on! Nagsuot rin ako ng efron.

Marunong akong magpinta. Ito 'yong libangan ko tuwing naiiwan ako dito ng mag-isa. Sabi rin ni docmam nakakatulong din daw ito para gumaling ang sakit ko, 'yong despersion. Binilhan ako nila mama at Ian ng mga gamit para makapagpinta ako. Kaya nga gustong-gusto ko kapag nagtuturo si titser Cecil tungkol sa kung paano magpinta. Mas naiintindihan ko kasi 'yon dahil hindi mo kailangan ng numero o mga letra. Sinasamahan rin ako minsan ni Austine kapag nagpi-pinta ako. Gustong-gusto niya laging magpa-pinta sa akin kahit marunong naman din siyang gumuhit. Sabi din ni Austine magaling daw ako magpinta kabog ko daw si Leonardo Davichi. Di ko naman kilala sino 'yon. Baka kaibigan siya ni Austine na pintor.

Noong wala pa akong trabaho, nagkaproblema ang isa sa kasambahay dito na fren ko, si Mirna. Nagkasakit daw kasi ang anak niya at wala daw siyang pera pambayad. Kulang na kulang pa rin daw ang sweldo nila ng kanyang asawa para sa operasyon ng anak niya. Kaya tinanong ko si Austine kung pwede ko bang ibenta ang mga ipininta ko. Tinulungan niya akong ibenta ang mga ipininta ko saka bumili din siya at sila Roro para ilagay sa kanilang mga tindahan.

Nakalikom kami ng halos isang daang libong pera para kay Mirna saka sabi ni Ian ililibre na lang daw niya sa ospital ang operasyon kaya yong pera ilalaan nila sa pagpapagaling sa bata.

Masaya naman magpinta pero hindi ako ginaganahan na magpinta araw-araw. Minsan lang kapag malungkot na malungkot ako. Iyong sobrang bigat ng damdamin ko akala ko wala na akong pag-asang maka-ahon sa pagiging miserable ko. Akala ko normal lang yon kasi ganoon naman ang madalas kong nararamdaman pero sabi ni Ian at docmam ay hindi daw dapat iyon ang maging normal kong pakiramdam.

Hindi rin palaging nabebenta kaagad ang mga pinting ko kaya habang naghihintay sa magiging pera ng mga pinipinta ko nagtra-trababaho muna ako kay Roro para may pera akong pambili ng mga regalo kay Ian.

"Mhmm...daga, ano bang gusto mong ipinta ko ngayon? Gusto mo maging injil, daga? Sige! Gagawin kitang injil."

Ipinulupot ni daga ang kanyang katawan sa paa ko at natulog. Ganito maglambing si daga sa akin. Biglang pumasok sa isipan ko yong nangyari sa akin sa smol riber kasama si kap. Gusto kong gawing debil si kap. Yong mapula ang katawan niya. Tapos yong ako na nakahiga sa lupa. Tapos si daga na maliit na pakpak at may puting katawan. Sobrang linaw ng imahe sa utak ko habang nagsisimula akong magpinta.

Sa bawat paglapat ng brass sa casava para ring bumabalik iyong takot na nararamdaman ko. Parang bumabalik  sa akin ang kaginhawaan noong dumating si daga. Pwede bang ipinta ang emosyon? Kasi iyon ang gusto kong ipinta sa mga oras na 'to.

"Wow! Ang ganda naman niyan," ang manghang sabi ng isang boses sa likuran ko.

Napatigil ako sa pagpinta at napakunot ang noo. Lumingon ako sa likuran ko at nakita si Lee na nakangiti. Nakasunod sa kanya sila Mirna at Dede na may bitbit na pitsil ng juice at mga meryenda. Napangiti ako ay kumaway kay Lee.

"Hi, Lee!"

"Hi, Piyo!" Naglakad si Lee papalapit sa akin saka ako niyakap. Napakagat ako ng labi ng makita ang pintura sa kanyang puting damit. Nakasuot kasi si Lee ng puting t-shirt at pantalon na hapit sa kanyang binti.

"Hala! Lee!" Natataranta kong pinunasan ang kanyang damit pero mas lalo lang itong kumalat. Patay na! Bakit naman kasi niya ako niyakap kaagad.

"Hey, okay lang 'yan, Piyo." Natatawa niyang pinigilan ang kamay ko sa pagpunas sa kanyang damit.

"P-Pasensya ka na, Lee. P-papalitan ko nalang 'yang damit mo kapag may pera ako. Sorry talaga." Ang naiiyak kong hingi ng patawad sa kanya.

"No, no, it's okay, really. I don't think you can afford to pay something like this din naman kaya don't bother na. Ipunin mo nalang ang pera mo, madami pa naman akong ganito." Ang sabi niya sa akin habang may magandang ngiti sa kanyang labi. Ang ganda-ganda talaga niya! Para siyang anghel.

"Tenkyu, Lee. Ang bait mo talaga saka maganda ka rin. Bakit ka nga pala naparito, Lee?" Ang kuryuso kong tanong sa kanya. Mabilis kong hinila ang upuan sa may lamesa nang makita kong hindi na siya komportable sa pagtayo. "Upo ka muna, Lee."

"Thank you," ang pagpapasalamat niya saka naupo sa upuan. Biglang nagising si daga at napatingin kay Lee.  Inilabas niya ang kanyang dila dito saka gumapang papalayo.

"Eat ka muna. I baked that brownies nga pala. Si Isabel sana ang ipinunta ko dito pero umalis daw. Ikaw lang daw ang nandito."

Naupo ako sa tabi niya at kumuha n'ong dinala niyang brawnes at kumain. "Masarap!"

Mahinhin siyang tumawa at ibinagay sa akin ang baso na may lamang juice. "So nagpa-paint ka pala?"

"Mm! Kapag wala akong ginagawa o kapag nalulungkot ako, nagpipinta ako." Ang sagot ko habang abala paring pinapapak ang pagkaing dala ni Lee.

"Ahhh..that's nice. Piyo, if you don't mind, kwentuhan mo naman ako oh kung paano kayo nagkakilala ni Ian. Curious kasi ako kung ano ba talagang nangyari kay Ian." Napaangat ang tingin ko sa maamo niyang mukha. Bakit ang ganda-ganda niya? Para siya talagang injil! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang babae sa buong buhay ko.

"Kami ni Ian? Noong na-aksidente kasi siya ako ang nakakita sa katawan niyan tapos dinala ko siya sa bahay ko at ginamot. Ilang araw ding nanatili si Ian sa bahay ko para gumaling. Topos ayon dinala ako ni Ian dito." Ang pagkwe-kwento ko. Hindi ko na sinabi sa kanya iyong ibang nangyari doon dahil sa tingin ko ay pribadong parte na iyong ng aking buhay.

Napahalumbaba siya sa lamesa habang nakanguso sa direksyon ko. "Ang swerte mo naman. You get to be with him in one house."

"Maswerte talaga ako kay Ian. Mabait kasi siya, tapos gwapo pa tapos sobrang matalino." Ang natutuwa kong pagsang-ayon sa kanya.

Si Ian ang nagbigay liwanag sa buhay ko. Si Ian ang nagbigay sa akin ng pag-asa para mabuhay ulit. Hindi ako sinukuan ni Ian kahit ganito ako. Hindi niya ako kinamuhian dahil sa nangyari dati.

Alam ko namang hindi perpekto si Ian pero kahit gan'on hindi ko pa rin mapigilan ang sariling humanga sa kanya. Hindi ko mapigilan ang puso ko na kumabog ng malakas kapag nandiyan siya.

"You seem to really like Ian. Pansin ko ring maalaga siya sa iyo. Sobrang close niyo pa sa isa't-isa." Ang sabi niya saka umayos ng upo. Dumapo naman iyong paningin niya sa leeg ko. "Piyo, magkaibigan lang ba talaga ni Ian?"

Wala sa sariling inangat ko ang kamay papunta sa aking leeg at hinimas iyon. Pilit akong ngumite sa kanya at tumango. "M-Magkaibigan lang kami ni Ian."

Sigurado akong ang mga ginagawa namin ay hindi gawain ng normal na magkakaibigan. Kung umakto kami ni Ian para kaming magboypren o di kaya ay mag-asawa.

Nakita kong agad na nagliwanag ang mukha ni Lee pagkatapos kong sabihin iyon. Iyong mga mata niya ay kumikislap na parang bituin.

"R-Really? Friends lang talaga kayo? Hindi kayo nagliligawan or something like that?" Ang nasasabik niyang tanong sa akin. Parang bigla siyang nagbago sa paningin ko.

Umiling ako. "H-Hindi..."

Tumayo siya at agad akong ikinulong sa kanyang mga bisig. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang saya niya.

"Piyo, friends din naman tayo 'di ba?" Ang nahihiya niyang tanong sa akin pagkatapos niyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

Kami? Friends kami ni Lee? Ang maganda na si Lee?! Wala akong ibang magandang kaibigan bukod kay Isabel. Mabilis akong ngumise at tumango sa kanya. "Oo, frens tayo!"

"T-Then... Pwede mo ba akong tulungan kay Ian?"

Bigla yatang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

----------------------------------------------------------

Halu! Halu pooo! Maulan po dito sa amin ngayon. Ganyan din po ba sa inyo? Kung nasaan man po kayo sana okay lang kayo diyan. Mag-ingat po tayo lalo na sa panahon ngayon. Ayon lang po. Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao! ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top