20
Philip Yoshieke Magnao
"Piyo, sino 'yan?" Nabawi ni kuya Jakjak ang aking atensyon nang tawagin niya ako.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pansin ko rin ang masamang tingin ni Ian. Galit ba siya? Wala naman akong ginawang masama. Nag-uusap lang kami ni kuya Jakjak. Kaya bakit magagalit si Ian?
Naglakad papalapit sa amin si Ian. Nakapamulsa pa ito habang naglalakad patungo sa amin. Pansin kong patuloy pa rin si Ian sa pagtitig kay kuya Jakjak. Bumalik ang aking paningin kay kuya Jakjak at napasinghap sa aking reyalisyasyon. Hindi kaya... hindi kaya nagwa-gwapuhan si Ian kay kuya?
Umupo si Ian sa tabi ko. Hindi ito lumingon sa akin. Seryoso lang na nakatitig si Ian kay kuya Jakjak, gan'on rin naman si kuya. Nakatingin lang ito ng mabuti kay Ian. Walang bahid ng ano mang emosyon ang mga mukha nila.
Lumingon ako sa likuran ko at nakita ang nakatalikod na si Lee. Nakaupo siya sa isang tibol di kalayuan sa amin kaharap niya ang babaeng maganda na nagpakilala bilang si Isabel na pinsan ni Ian.
"Philip," tumingin ako kay Ian nang tawagin niya ang tunay kong pangalan. Tuwing tatawagin ako ni Ian ng gan'on hindi ko maiwasang kabahan ng kaunti.
"B-Bakit, Ian?" Ang utal kong tanong sa kanya. Pinagsiklop ko sa ilalim ng lamesa ang mga kamay ko na namamawis at pinaglaruan iyon. Kinakabahan kasi ako.
"Sino 'yan? Anong kailangan niyan sa'yo?" Ang sunod-sunod na tanong ni Ian sa akin habang mataman pa rin itong nakatingin sa gawi ni kuya Jakjak.
Tumingin ako kay kuya Jakjak at pinagmasdan ulit ang mukha niya. Ang gwapo talaga ni kuya Jakjak pero mas gwapo pa rin si Ian. Teka, Ano bang dapat kong isagot kay Ian? Nakahalukipkip si kuya Jakjak habang nakasandal sa kanyang upuan. Tumingin ito sa gawi ko at tinitigan ako ng matagal. Parang hinihintay rin ni kuya Jakjak ang magiging sagot ko kay Ian.
"Um..ano...kustomer namin siya, Ian. Tapos kuya ng kaibigan kong si Jekjek." Ang simpleng sagot ko sa tanong ni Ian.
Hindi ko sinabing magkaibigan kami kasi kasinungalingan iyon. Minsan ay nagkakausap kami ni kuya Jakjak tuwing nasa bahay ako nila Jekjek pero hindi kami naging malapit sa isa't-isa. Medyo malaki kasi ang agwat ng edad namin kaya hindi siya nakakasabay sa mga nilalaro namin dati at gan'on rin naman kami sa kanya.
"May ginawa ba siyang masama sa'yo?" Ang pang-uusisa pa ni Ian. Tumingala ako sa kanya at umiling. May sinabi sa akin si kuya Jakjak dati pero sa tingin ko ay hindi na iyon kailangan pang malaman ni Ian.
"Ikaw? Sino ka naman? How are you related to Piyo?" Napatingin kaming dalawa ni Ian kay kuya Jakjak nang magsalita.
Napakunot ang noo ni Ian ni Ian sa biglaang pagsapaw ni kuya Jakjak. "I don't think that's your business to care." Ang sagot ni Ian na hindi ko naman naintindihan.
"Okay..."
Tumango si kuya Jakjak. Hindi pa rin nabubura ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Lumikha ng tunog ang kanyang upuan nang tumayo siya mula doon. Naglakad si kuya Jakjak at tumigil sa likuran ng aking upuan.
"Piyo," awtomatiko akong napatayo nang marinig ko ang boses ni kuya.
Humarap ako sa kanya pero ang malapad lang niyang dibdib ang sumalubong sa akin. Matangkad kasi si kuya. Tumingala na lang ako para makita ko ang mukha niya.
"B-bakit, kuya?" Iyong uri ng pagtitig niya sa akin parang gusto niyang higupin ang kaluluwa ko palabas sa akin. Nakakatakotn
Hindi siya sumagot sa akin. Napaatras ang mukha ko nang yumuko siya't inilapit ang kanyang mukha sa akin. "It was nice to see you again. I look forward to our next meeting, Piyo."
Ramdam na ramdam ko ang pagbuga ng kanyang hininga sa mukha ko. Okay lang naman kasi hindi naman mabaho ang hininga ni kuya Jakjak. Mabango pa nga ang hininga niya. Ano kayang toothpaste niya?
"Ah!" Napatili ako ng bigla akong hatakin papalapit sa isang matgas na katawan. Agad na binalot ng pamilyar na panlalaking amoy ni Ian ang ang pang-amoy ko. Ang bango niya ngayon!
"I don't think that's possible. Let's go, Piyo." Ang matigas na sabi ni Ian kay kuya Jakjak bago niya ako hinila paalis sa harapan nito.
Napahawak ako sa braso ni Ian para pigilan siya sa patuloy na paglalakad palabas ng restoration ni Roro. May trabaho pa ako eh! Hindi ako pa ako pwedeng umuwi. "Ian, ayaw ko pang umuwi. May trabaho pa 'ko. Maya na, ples?"
Nakiusap na ako pero parang hindi naman nakikinig si Ian sa akin. Lumingon si Ian sa akin at binigyan ako ng isang nagbabagang tingin. Napatikom na lang ako ng bibig dahil natatakot ako kay Ian. Ayaw kong galitin si Ian. Bahala na pagalitan ako ni Roro basta hindi lang magalit si Ian sa akin.
"Ian! Ian, saan kayo pupunta?"
Agad tumigil si Ian sa paglalakad at lumingon sa direksyong pinanggalingan ng mahinhin na boses. Lumingon rin ako doon habang hawak-hawak pa rin ang braso ni Ian.
"We're going home. Sumabay ka na lang kina Roan at Isabel kung pupunta ka ng bahay. I have some important business to take care of."
Ang sabi ni Ian bago sumulyap sa akin saglit.
Pabalik-balik ang tingin ni Lee sa aming dalawa. Napakagat ito ng labi at malungkot na ngumite sa amin. "O-Okay, see you later. Ingat kayo sa daan." Ang sabi ni Lee saka siya nagmamadaling tumalikod sa amin.
Mas binilisan ko ang aking lakad para makatabi ko ng lakad si Ian. Mas kumapit pa ako kay Ian nang makitang seryoso pa rin ang kanyang mukha. Mabilis lang kaming nakarating sa harapan ng sasakyan ni Ian kasi nakaparada lang naman sa harapan ng mamahaling restoration ni Roan ang sasakyan niya.
Pinagbuksan ako ni Ian ng pintuan saka ako pinapasok. Pabagsak na isinara ni Ian ang pintuan bago siya umikot para makaupo sa tabi ko.
"Ian, parang maiiyak si Lee kanina. May problema ba si Lee, Ian? Sana sinama na lang natin siya." Ang sabi ko kay Ian habang patagilid na nakasandal sa aking inuupuan. Kaharap ko na ngyon si Ian kaya malaya kong napagmamasdan ang kanyang ginagawa.
"May sasakyan sila Roan." Ang walang ganang sagot ni Ian habang tinutupi ang manggas ng kanyang puting damit. Kitang-kita ko tuloy ang pagumbok ng masels sa braso ni Ian. Tumulo yata ang laway ko hehe.
Kaya gustong-gusto kong sumakay kay Ian kasi gusto ko siyang pagmasdan habang nagmamaneho. Ang gwapo kasi ni Ian 'pag nagmamaneho tapos bumabakat pa iyong masels niya. Mas lalong dumadami ang paru-paro sa tiyan ko kapag seryosong nagmamaneho si Ian.
"Ian..." ang mahina kong tawag sa kanya.
"Sit properly, Piyo, at magsuot ka ng seatbelt." Ang utos niya sa akin habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasuot na rin si Ian ng seatbelt at pinapaandar na ang sasakyan.
Napabuntong hininga na lang ako at parang lantang gulay na nagsuot ng seatbelt. Pinili ko nalang manahimik kasi baka mas lalo pang mainis si Ian sa akin. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Napasinghap pa ako ng madaaanan namin si kuya Jakjak na papasok na sa kanyang sasakyan.
"Piyo," ang tawag ni Ian sa akin. "Kunin mo. Maglaro ka at ng hindi ka tumitingin kung saan-saan." dagdag niya.
Iniabot sa akin ni Ian ang kanyang selpon na tatskrin gamit ang kanyang kanang kamay. Nakanguso ko iyong kinuha at umusal ng mahinang tenkyu. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Ian kasama ang buong familee niya. Ini-sweep ko iyon saka bumungad ang mukha ko. Nakaupo ako sa kama ni Ian habang nakangiting karga-karga si bebe Rain. Nakayakap naman sa leeg ko si Nigel na nakangiti.
"Ian, ang kyut namin no?" Itinaas ko ang selpon papalapit sa kanya at ngumise.
"Hmm..."
Napasimangot ako sa sagot niya. Ayaw ko talaga pag sinasagot ako ng ganyan ni Ian. Hindi ko naririnig ang boses niya na maganda. Hindi naman ako madaling mainis. Ang totoo ay hindi pa naman ako naiinis sa buong buhay ko sa pagkakatanda ko. Pero ngayon... parang nakakainis si Ian.
Wala naman akong ginawang masama. Bakit naman niya ako tinatrato ng gan'to? Kung may problema si Ian sa akin, sabihin niya sana sa akin ng diretso. Ayaw ko ng ganito. Ayaw ko ng ganitong Ian.
Hanggang sa makauwi kami sa bahay nila mama, hindi ako kinikibo ni Ian. Akala ko iiwan niya lang ako doon sa loob ng sasakyan pero pinagbuksan niya pa rin ako at muling hinawakan sa aking braso. Hila-hila ako ni Ian hanggang makapasok kami sa loob.
"Ian, Piyo, ang aga niyo naman yata?" ang takang tanong ni mama nang makasalubong namin siya sa may hagdanan.
Humalik kaming dalawa ni Ian sa pisnge ni mama bago ko siya sinagot.
"Hindi ko alam, mama! Hinila na lang ako bigla ni Ian paalis ng trabaho."
Tumaas ang kilay ni mama at napatingin kay Ian pero nag-iwas lang ito ng tingin at muli akong hinila. "May importante lang kaming pag-uusapan, ma. Excuse us."
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang isara ni Ian ang pintuan ng kanyang kwarto. Umupo ako sa kama at hinintay siyang makalapit sa akin.
"Sino 'yon, Philip? Hindi ba't siya rin 'yong tinakbuhan mo sa mall two weeks ago? Ilang ulit na kayong nag-uusap ng lalaking 'yon?" Ang nakapameywang na tanong ni Ian sa akin.
Nakatayo siya sa harapan ko kaya agad naagaw ng umbok sa gitnang bahagi ng pantalon ni Ian ang pansin ko. Malaki kaya 'yong nasa loob? Araw-araw ko talagang tinatanong yan sa sarili ko. Lalo na tuwing umaga at gabi kapag magkayakap kami ni Ian o nagki-kiss, nararamdaman ko parang malaki talaga.
"Piyo, wala diyan sa ibaba ang kausap mo. Look up," ang utos ni Ian.
Pagtingala ko nahuli ko pa si Ian na may kaunting ngisi na nakapinta sa labi pero agad din naman iyong nawala.
"Si kuya Jakjak nga iyon, Ian." Ang sagot ko sa kanya. Paulit-ulit naman 'tong si Ian. Sinagot ko na kaya siya kanina.
"Alam ko. Ang gusto kong malaman ay kung bakit mo siya tinakbuhan n'ong nasa mall kayo. At kung bakit gan'on siya maka-asta kanina. Malapit ba kayo? Ilang ulit na kayong nag-usap ng lalaking 'yon?" Ang tanong niya na nagpasakit ng ulo ko.
"N-nagulat lang ako talaga, Ian, kaya napatakbo ako. Saka hindi ko rin alam kung bakit gan'on si kuya Jakjak kanina. Sa pagkakatanda ko hindi naman kami frens. Perstaym ko lang din makipag-usap sa kanya simula nang dumating ako dito sa Manila." Ang nagtataka ko ring sagot habang binabalikan ang nangyari kanina.
Kinamusta lang ako ni kuya Jakjak at tinanong tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi niya ako sinumbatan kaagad. Hindi ko rin naramdaman na galit siya sa akin. Siguro tinatago lang ni kuya Jakjak ang tunay niyang nararamdaman sa akin kasi kung maka-asta siya kanina parang wala siyang galit sa akin.
"Bakit nagawa niyang makipag-usap sa iyo? Hindi ba't hindi pa tapos ang trabaho mo?" Ang muli niyang tanong sa akin.
Napakamot ako sa aking ulo. May kuto na yata ako. "Hindi ko alam 'yan, Ian. Saka hindi ko naman siya gustong kausapin kaya. Si Roro kinausap niya tapos pumayag si Roro."
"Hmm. Wag ka ng makipag-usap ulit sa kanya. I don't like the way he looks at you. Kapag nakita mo siya sa malayo, tumakbo ka at magtago." Ang sabi niya. Sinimulan na rin ni Ian na tanggalin ang butones sa kanyang suot na damin.
"Bakit, Ian? Saka parang wala namang balak makipagkita pa ulit si kuya Jakjak sa akin, nagkataon lang yata na doon siya kumain." Hindi naman sa gusto ko ring makipag-usap kay kuya Jakjak pero nakakapagtaka lang na sabihin iyon ni Ian.
"Sa tingin ko ay may nakakahawa siyang sakit. Kapag nahawaan ka niya, bawal ka ng humalik sa akin. Kapag nangyari 'yon kailangan ko ng maghanap ng ibang pwedeng mahalikan. Gusto mo ba 'yon?" Ang sabi ni Ian sa malungkot at nag-aalalang tinig.
Hala! Nag-usap pa naman kami kanina. Agad akong nakaramdam ng pagkabahala at pagkataranta. Paano kung nahawa na pala ako?! Edi hindi na pala kami pwedeng magkiss ni Ian. Naiiyak akong tumingala kay Ian. "I-Ian..nag-usap kami kanina ni kuya Jakjak. Baka nahawa na ako. 'Di ba doctor ka, Ian? Gamutin mo ko."
Hindi niya tinanggal ang huling tatlong butones ng kanyang damit at tumabi sa akin. Pinatayo ako ni Ian at kinandong. Agad kong pinulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg at mahigpit yumakap doon.
"Don't worry, hindi ka pa nahahawaan ngayon. Pero kapag nakipag-usap ka pa sa kanya sa susunod baka tuluyan ka na ngang mahawaan." Ang paliwanag niya sa akin na agad na nagpaluwag sa aking damdamin.
"Talaga, Ian?" Ang malambing kong anas.
"Yeah. Bawal ka ring tumitig sa kanya. Pwedeng mahawa ang virus through eye contact. I saw you ogling him awhile ago. Nagwa-gwapuhan ka ba sa kanya?"
Napatigil ako sa biglaang tanong ni Ian sa akin. Umayos ako sa pag-upo at tumingin sa gwapong mukha ni Ian. "Gwapo si kuya Jakjak, Ian pero mas gwapo ka pa rin. Saka ikaw na ang krass ko ngayon."
Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Ian. Agad itong nagngitngit pagkatapos marinig ang sagot ko. "So crush mo siya dati?"
Tumango ako."Oo, pero bata pa ako n'on, Ian."
"Okay. Sigurado na ako. I'm going to ban that motherfucker from entering the resto."
-----------------------------------------------------------
Hello guyses! Hahaha! Wala na po akong masabi. Hahaha. Thank you po sa pagbabasa. Hehe. Stay healthy, keep safe and God bless you po. Labyu ol. Mwuah mwuah! Ciao!💖😎
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top