2

Philip Yoshieke Magnao

Paglabas ko sa kwarto ay mabilis akong nagpunta sa kusina at itinukod ang kamay sa aking lababo na gawa sa kawayan.

Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. A-anong nangyayari? Mamamatay na ba ako?

Tiningnan kong pumasok ang puti kong pusa hanggang sa makatalon ito paakyat dito sa lababo.

"Ang gwapo-gwapo niya, Puti." Ang nakangiti kong kwento sa pusa ko na nagdala na naman ng ninakaw niyang isda sa kabilang baryo. "Para siyang liding man sa mga porn mobis."

"Kahit nangingialam siya sa ingles ko ay ang gwapo niya pa rin. Nayakap ko rin masels niya. Hehe." Ang kinikilig kong kwento dito habang nilalagyan ng kahoy ang kalan.

"Ehem." Napalingon ako sa likuran ko at nakita ang lalaking tinulungan ko kagabi. "I'm sorry kung ginalit man kita. Hindi ko sinasadya."

"Okay lang, gwapo ka naman. Tsaka alam ko namang hindi ako magaling sa ingles. I'm not offending. It's orayt. Iniwis, mag-iinit lang ako ng tubig para pang kape at pang ligo mo." Sabi ko sa kanya habang sinisindihan ang mga kahoy na nilagyan ko ng gas.

Ginaya ko pa talaga 'yung mga ingles ng kano sa paspod na pinagtra-trabahuan ko. Hindi ko lang maalala ng mabuti 'yung tamang salita pero okay lang, parang magkatunog naman sila.

Nakita ko pang napangiwi siya sa sinabi ko sa pamamagitan ng aking federal vision.

"S-sure, thanks. By the way...I just want to say—gusto ko lang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin. Kung hindi dahil sa'yo ay baka namatay na ako ngayon." Aniya at umupo sa may harap ng lamesa na nakapwesto sa likuran ko. Konektado lang kasi ang aking derte ketshen sa aking dayning room. Ipinatong ko na sa kalan ang takuri kong napanalunan sa isang tindahan.

"You're welcum! Hindi naman talaga kita sana tutulungan eh kasi natatakot ako. Pero hindi naman ako ganoon kasamang tao. Natatakot rin ako baka magparamdam ka sa akin. Mag-isa pa naman ako dito sa bahay." Kwento  ko sa kanya. Kinuha ko mula sa isang garapon ang isang sachet ng 3in1 na kape at nilagay ang laman nito sa tasa kong walang hawakan. "Hindi ka na sana gumalaw pa. Baka mapano ka pa. Malayo pa naman hospital dito."

"Don't worry, malayo naman 'to sa bituka. But seriously thank you. I don't really kniw what will I become kung hindi mo kaagad ako natulungan. Pero may kaunti akong mga katanungan sana ay sagutin mo ako ng maayos. Nasaan ba talaga ako?" Tanong niya sa akin.

Ngumite ako at hinarap siya. Inunat ko ang aking magkabilang mga bisig sa bawat gilid at itinaas ito ng kaunti. "Ikaw ba'y nalulungkot? Ikaw ba ay napupuot? Ikaw ba'y naghahanap ng lugar na mapaghihingahan? Pwes, Hindi ka nagkamali ng pinuntahan. Welcome to Baryo Nilimot! Sa aming baryo, problema mo'y siguradong limot."

Ang masaya kong pakilala sa aming baryo. Gusto ko sana kasing mag-apply bilang tour guide sa may bayan. Sabi ng lalaking nag-orient sa amin, kailangan daw naming gumawa ng into—inchu–introduction yata 'yun sa mga baryong pinanggalingan namin bago kami makapasa. Eport na eport pa ako pero diniskwalipay nila ako kasi hindi naman daw ako nakatapos ng elementarya. Sus, eh kaibigan ni Lotte 'yung nag orient sa amin eh. Nakita kong binigyan yun ni Lotte ng tatlong daan.

Medyo sumasakit na ang panga ko sa kakangiti pero hindi pa rin siya nagsasalita.

"Malayo ba ito sa Baryo Esmeralda?" Seryosong tanong niya sa akin. Ibinaba ko na ang aking mga kamay at tumango.

"Dalawa pang baranggay bago ang baryo esmerada. Bakit? Taga doon ka ba?" Tanong ko sa kanya. Saglit akong tumalikod para hainin ang ininit kong tubig. Nilagyan ko ang tasa niya ng mainit na tubig at hinalo gamit ang kutsara ko.

"Papunta ako doon. Taga doon kasi ang mapapangasawa ko." Sagot niya sa akin.

"K-kailan ka aalis?" Ang tanong ko dito. Inilapag ko na ang kape sa kanyang harapan.

"Six days later siguro pero kung maagang gagaling itong sugat ko ay aalis ako agad. I still have to figure things out." Sagot niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot. Madalang lang kasi ang taong kakausap sa akin ng maayos, iyong hindi ako kinukutya o sinisigawan. Ngayon lang din ako may nakasama at may nakatabi sa loob ng aking maliit na mansyon.

Ganun naman talaga siguro ang mundo, walang napipirmi. Lahat ay nagbabago.

"Mabuti pa nga. Sa Baryo Esmeralda kasi may ospital doon. Kailangan mong mapatingnan iyang braso mo at baka mainpeksyon." Itinabi ko ang ininit na tubig at nagsaing ng kanin.

"Wala bang clinic dito?" Tanong niya. Umiling ako bilang sagot. Hindi naman kasi kalakihan itong baryo namin.

"Wala eh. Kung gusto mo, pupuntahan ko si kap para maihatid ka nalang sa Baryo Esmeralda ngayon." Ang nakangiti kong suhestyon pero ang totoo'y ayaw ko talagang tanungin o puntahan si kap.

Noong sinubukan ko kasi siyang kausapin sa bahay nila, pabiro niya akong pinagbabaral. Tuwang-tuwa naman ang mga kabaryo namin kasi para daw akong sumasayaw. Wala namang kaso sa akon 'yun kahit na nadaplisan ako ng bala sa paa. Ang kinakatakot ko lang ay ang mga batang nadadamay. Tinamaan kasi ni kap ang isang batang nakikinuod sa ginagawang pagbaril ni kap sa paa ko.  Buti sana kung siya magbabayad sa ospital eh inubos nila lahat ng pera ko. Wala tuloy akong bigas pang kain ng isang taon kasi palagi nila akong sinisingil pangbayad daw. Kasalanan ko daw kasi hindi ko hinarang ang bala.

"'Wag na. Kaya ko namang linisin ang mga sugat ko. Siya nga pala, hindi ko pa napapakilala ang sarili ko. I'm Ian." Iniabot niya sa akin ang kanyang palad na mabilis kong inabot. Umupo ako ng sa upuan na nakaharap sa kanya at patuloy na hinawakan ang kanyang kamay. Ang init at ang lambot!

"Hello! My name is Philip Yoshieke Magnao. I'm 21 years old. I'm from Baryo Nilimot. I like chu kok rice and taking ker to my plants and my pig and sheken. Nice to meet chu!" Pakilala ko sa aking sarili habang tinaas-baba ang ang kanyang palad na hawak-hawak ko. "Tama ba ang pronansyon ko? Hehe." Ang nahihiya kong tanong dito.

Ngumite siya sa akin pabalik at tumango. "Your pronounciation was pretty good. Good job!"

Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng marinig ang salitang good job mula sa kanyan. "Thank you very much! Palagi ko yang pinapraktis eh. Pangarap ko kasing pumasok sa skul." Kwento ko dito.

"Hanggang saan lang ang natapos mo? Hope you won't get offended or anything. Okay lang kung ayaw mong sagutin."

"Hindi! Okay lang. Sa kinder lang ako naka graduate eh. Hanggang grade 1 lang ako noong elementary." Kwento ko habang inaalala ang mga araw na nakakahawak pa ako ng papel at lapis. Iyong wala akong iniisip kung hindi ang pagsusulat, pagbabasa at pagbibilang lang.

"Alam mo, kung hindi ako tumigil sa pag-aaral baka top 1 na ako sa skul. Eh ikaw, ilang taon ka na? Tapos ka na rin ba mag skul?" Tanong ko sa kanya. Binitiwan ko na ang kamay niya kasi namamasa na ito sa pawis ng kamay ko.

"Ye——"

"Ay wit lang! Titingnan ko lang ang sinaing ko." Pagputol ko sa kanya at mabilis na nilapitan ang sinaing ko. Pinahinaan ko muna ang apoy bago umupo kaharap ni Ian. Hehe. Pati ang pangalan niya, ang gwapo-gwapo pakinggan.

"Pwede mo na pong tapusin." Ang eksayted kong sabi sa kanya. Ngayon lang kasi may nakipag kwentuhan sa akin. Ang saya-saya pala pag may nakakausap ka ng ganito.

"Well...I'm 28 years old. Tapos na akong mag-aral, isa akong doctor."
agad na namilog ang mata ko ng marinig ang sinabi niya ng marinig na isa siyang doktor.

"Hala! Ang galing naman. Doctor ka talaga? Ibig bang sabihin matalino ka? Di ba kapag doktor matalino?" Tanong ko. Di ba ganun 'yun kasi kailangan madami kang alam? May customer nga kami sa paspod na doktor sabi niya tapos na daw siyang mag-aral pero kailangan mag-aral siya ulit kasi para mas gumaling pa siya. Ang dami niya ring librong binabasa.

Palihim ko ngang binabasa ang mga nakasulat sa libro niya habang paulit-ulit na nagma-mop sa kanyang likuran pero sumasakit lang ang ulo ko. Minsan ay dinudugo rin ang ilong ko.

"Sakto lang naman."

Alaric Ian Juariz

"

Wow! Sana bago ka umalis maturuan mo 'ko mag basa ng kunting ingles. Ang galing mo kasing magsalita." He was smiling while saying that. Hindi ko alam kung paano niya napapanatili ang magandang ngiti sa kanyang mukha sa kabila ng mga pinagdaanan niya. He's radiating with pureness and innocence.

"Don't worry, tuturuan kita." Ang nakangiti kong tugon dito at ginulo ang kanyang buhok. I gulped down the coffee that he made me at tumayo.
Kumikirot pa rin ang braso ko dahil sa tama. Masakit pa rin ang katawan ko and I really wanna go back to sleep.

"Pasensya na pero pwede bang matulog muna ako uli? Masakit pa kasi ang katawan ko." Tanong ko dito.

"Oo, okay lang pero linisin muna natin yang katawan mo. May mga dugo pa kasi sa may bandang likod. Ang bigat mo kasi." Aniya at kinuha ang tinabing ininit na tubig. He poured it on a small basin at naglakad papunta sa kwarto.

"Oi! Lika na, linisin na natin ang katawan mo."

Tahimik akong sumunod sa kanya sa loob ng kwarto at naupo sa lapag. Binuksan niya ang isang drawer na nag-iiba na ang kulay dahil yata sa sobrang luma na at kumuha ng isang malinis na tela doon.

Kahit maliit lang itong bahay niya at karamihan sa mga gamit ay pinaglipasan na ng panahon, napanatili niya pa rin ang kalinisan dito. His house is surprisingly clean and very organized. Nagmumukha tuloy malawak ang espasyo ng loob dahil sa linis.

Tumabi ito sa akin at sinimulang linisin ang katawan ko gamit ang binasang tela.

"I can clean myself, wag mo ng abalahin ang sarili mo." Sabi ko dito at pinigilan ang kamay niya. Sobrang dami na nitong naitulong sa akin. I kinda feel ashamed.

"Ano ka ba! Okay lang sa akin. Kasi..kasi nakikita at nahahawakan ko naman 'yang masels mo. " Aniya habang nakangiti. Napabitaw ako sa kamay niya dahil sa gulat na narinig.
I never heard anyone that direct in showing their interest to me.

"W-What?"

"Sabi ko nakikita at nahahawakan ko ang masels mo. Bingi ka yata eh. Ang ganda-ganda tingnan oh! Gusto ko rin magka ganito. Nagbubuhat ka rin ba ng marbel?" Inosenting tanong niya.

Marbel? Napalitan ang gulat ko ng isang malakas na tawa.

"Dude! HAHAHA! That's barbell. Hindi marvel." tatawa-tawa kong sabi dito.

"Talaga? Magkatunog lang naman 'yun eh." giit niya pero tumawa lang ako. "Wag ka muna humiga ha? Kukuha lang ako ng damit mo."

Tumayo ito at nagtungo sa kanyang drawer. Kinuha nito mula doon ang isang maliit na bag at cellphone na pamilyar sa akin. Kumuha rin siya ng damit, shorts at isang boxer.

"Nga pala, ito 'yong bag at tatskrin mo na nasa sasakyan. Kinuha ko na kasi baka wala ka ng mabalikan doon. Tapos pwede kang magpalit nitong t-shirt, shorts at boxer. Hindi ako sigurado kung magkakasya 'yan sayo. Yan na talaga pinakamalaki sa akin." Aniya at inisa-isang bigay sa akin ang mga gamit.

"Thank you. Once I'm feeling better, I promise to give back to you." I thanked him sincerly. I'm glad he's the one who picked me up.

"You're welcome! Yung thank you lang naintindihan ko." Ang nakangiti niyang sabi. Muli siyang tumayo at pumunta malapit sa drawer. Kinuha niya ang isang first aid kit na katabi nito at inilagay sa harap ko.

"Ito 'yung pers aid kit na binigay sa amin noong nag bagyo dito. Ikaw na lang maglinis sa tama mo ha? Natatakot kasi akong mainpeksyon ka. Pwede bang gamutin ng doctor ang sarili nila?" Ang nagtataka nitong tanong. He's like a small kid asking about weird things and I couldn't help but think that he's as cute as them.

"Mmm. May mga panahon na pwede."

Tumango-tango lang ito habang pinagmamasdan akong maglinis ng sugat. Tinulungan niya akong maglagay ng gauze sa sugat ko.

"Thanks. Pwede ka ng lumabas, magpapalit lang ako ng damit at shorts." Sabi ko dito na busy sa pagliligpit at paglilinis ng paligid.

"Ha? Ayaw mong magpatulong magbihis?"

"No...No, there's no need. I can manage. Thank you." Pagtanggi ko dito.

"Sayang naman." Ang nanghihinayang nitong sabi. "Ayaw mo talaga?" Pamamalit niya. I suddenly feel exhausted talking to him.

"No. Thank you."

"Okay. Sweat drims!"

——————————————————
Thank for reading! Ciao!





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top