19
Philip Yoshieke Magnao
Malaki ang ngiti ko habang inilalagay sa kart ang mga pinaggamitang pinggan ng mga kustomer kanina.
"Piyo, kailangan mo ba ng tulong diyan?" Ang tanong sa akin ng isang pamilyar na boses.
Lumingon ako sa gilid ko at nakita si Roro na nakatayo habang karga-karga si bebe Raze. Ngumite ako dito at umiling. Nakakahiya naman kay Roro. Amo ko siya tapos magpapatulong ako sa kanya. Sobrang dami ng naitulong ni Roro sa akin.
"Tenkyu, Roro, pero kaya ko naman. Magpahinga ka lang d'on. Alam kong pagod ka kay bebe Raze." Ang sagot ko sa kanya. Saka natutuwa rin naman ako dito sa trabaho ko.
"Sige, kung may kailangan ka, punta ka lang sa opisina ha? Kapag pagod ka, magpahinga ka lang. Hindi pa gaanong magaling iyang sugat mo. Mag-ingat ka rin." Ang paalala ni Roro sa akin na mas lalo kong ikinangiti. Ang bait-bait talaga ni Roro sa akin kaya peborit ko na siya hehe. Pero sekret ko lang yon kay Austine at baka magtalak na naman siya.
"Oki, Roro."
Nang makaalis si Roro ay nagpatuloy na ulit ako sa ginagawa kong paglalagay ng mga plato sa kart. Tatlong araw na rin akong pumapasok dito sa pangmayamang kainan nila Roro. Tuwing lunes, miyerkules at biyernes ang pasok ko dito. Tapos tuwing martes at huwebes naman ang pag-aaral ko sa bahay.
Noong una ay ayaw akong payagan ni Ian. Sabi niya hindi na raw kailangan kasi marami na raw akong pera kasi may-ari na din ako ng paspod chin. Tinawanan ko lang si Ian sa joking niya kahit hindi naman nakakatawa.
Paano naman kasi ako magkakaroon ng paspod chin eh wala nga kong pera. Nakakahiya na kay Ian kasi siya na lahat-lahat gumastos sa akin. Wala man lang akong ambag sa bahay nila. Gusto ko sana mag-apply bilang katulong pero hindi ako pinayagan nila mama. Noong nakipag-usap ako sa mga katulong sa bahay nila Ian, nakita ko iyong bayarin sa kuryente. Ang daming numero! Mga wan..two.. mga sex! Sigurado ako na mga sex na numero 'yong nakalagay.
Kaya nagpumilit talaga ako kay Ian na payagan akong magtrabaho. Ayaw kong maging pabigat sa kanya.Naalala ko tuloy iyong requisting ni Ian sa akin para lang payagan niya akong mag work.
"Ian, payagan mo na akong mag-work. Sige na, ples? Ples? Ples, Ian." Ang walang tigil kong pakiusap kay Ian habang paharap akong nakaupo sa kanyang hita at nakayakap sa kanyang leeg. Ang bango talaga ni Ian!
Saglit na tumitig sa mga mata ko si Ian saka nagpakawala ng buntong hininga. "Gusto mo ba talaga?"
Ngumuso ako at tumango. Dumapo ang paningin ko sa labi niya. Ang pula! Parang mukhang masarap ang labi ni Ian. Kakatapos lang namin mag-kiss pero parang gusto ko ulit matikman ang labi niya. Sabi ni Ian okay lang daw na halikan ko siya kahit kailan ko gusto. Kaya inilapit ko ang mukha ko sa mukha ni Ian para idikit ang labi ko sa kanya. Mahina kong kinagat iyong ibaba niyang labi saka sinipsip. Matamis pa rin!
Ramdam ko ang paggapang ng mga kamay ni Ian sa loob ng damit ko. Hinawakan niya ako sa magkabila kong bewang at marahan akong hinagod doon. Kahit nakikiliti ako kaunti patuloy lang ako sa pag-kiss kay Ian. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong ikiss si Ian. Kahit araw-araw na kaming nagki-kiss gusto ko parin ng marami.
"Hmmm..Ian.." Napakagat ako ng labi nang bumaba ang mga labi ni Ian sa leeg ko. "A-Ah! Ian.."
Medyo nahihiya na ako sa lumalabas na tunog sa aking bibig. Kasi naman si Ian! Sinisipsip at kinakagat niya kasi iyong leeg ko. Nakakakiliti na medyo masakit na masarap.
"Papayagan kita kapag isinuot mo 'to araw-araw." Ang mahinang bulong ni Ian sa akin habang dinadampian niya ng maliliit na halik ang leeg ko.
"Ang alin, Ian?"
Tumigil siya sa pagkiss sa akin at tinitigan ako. Ngumite si Ian at mabilis akong dinampian ng halik sa labi. "Kumapit ka," ang utos niya bago tumayo.
Kumapit nga ako ng mahigpit sa leeg ni Ian gaya ng sabi niya niya. Bumaba ang kamay niya sa pang-upo ko at tumayo. Naglakad si Ian papasok sa banyo at pinaupo ako doon sa lababo n'ong cr, sa harap ng malaking salamin.
"Bakit tayo nandito, Ian? Mabaho na ba ako? Papaliguan mo ba ako, Ian? Di ba sabi ko bawal maligo sa gabi, Ian? Sandali," ang sabi ko sa kanya habang kinukuha iyong pilikmata niyang natanggal. "Oki, ayos na."
"Sunshine, tumingin ka muna doon." Itinuro ni Ian iyong salamin sa likuran. Tumagilid ako ng upo at sinunod ang sinabi ni Ian.
Pinagmasdan ko ang repleksyon sa sa salamin at sumimangot nang makita ko ang ayos ko. Magulo ang buhok ko tapos namamasa pa iyong mga mata ko. Namamaga rin ang labi ko.
"Hala! Ian, ang labi ko! Ang labi ko." Naiiyak akong tumingin sa kanya at ngumuso para makita niya ang nangyari sa labi ko.
Mahinang tumawa si Ian habang hinahagod ang aking namamagang labi gamit ang kanyang hinlalaki. "Sunshine, palagi namang nagiging ganyan ang labi mo pagkatapos nating maghalikan. Lumingon ka ulit sa salamin at tingnan mo ang leeg mo."
Napakunot ang noo ko nang may makita akong namumula doon. Parang kagaya n'ong kay Roro at Austine. Mas lalo ko pang inilapit ang aking mukha sa salamin at tiningnan iyon.
"Papayagan kitang magtrabaho basta suot mo 'yan palagi."
"Parang kagat ng lamok, Ian. Lamok ka ba?"
Napataas ang kanyang kilay sa sinabi ko. "Mukha ba akong lamok, sunshine?"
Tumango ako at ngumise. "Isa kang gwapong lamok, Ian. Pinakagwapo
sa lahat." Yumakap ako sa kanyang leeg at isiniksik ang aking katawan palapit sa kanya. "Tenkyu, Ian. Magwo-work ako ng mabuti para mabilhan kita ng maraming regalo. Okay?"
Simula n'on ay palagi akong kinakagat ni Ian tuwing umaga. Noong una ay nahihiya ako kasi pinagtitinginan nila ako. Ginagaya ko nalang yong palusot nila Austine at Roro. Sinasabi ko nalang sa mga kasambahay na kinagat rin ako ng malaking lamok hehe.
Pagkatapos kong ihatid kay Kero ang mga hugasin, naghugas muna ako ng kamay at pumunta kina ate Marie para tulungan sila sa paghahatid ng order.
"Piyo? Kaya mo bang ihatid itong order na salad? Busy kasi 'yong iba." Ang tanong ni ate Marmie sa akin pagpasok ko.
Ngumite ako kay ate at tumango. "Opo, kaya ko."
"Oh, sige, ito. Mag-ingat ka at baka mapano iyang kamay mo. Magdahan-dahan ka lang," ang paalala ni ate sa akin nang mahawakan ko na ang tree.
Kaya gustong-gusto ko din magtrabaho dito kasi mababait silang lahat sa akin. Tinutulungan nila ako kapag nahihirapan ako. Saka nakikipag-usap din sila sa akin paminsan-minsan.
Dahan-dahan lang ako na naglalakad papunta sa tibol for. Marami na kasing pumapasok na tao, baka masagi ako at mapano pa itong pagkain. Ayoko ng makabasag ng plato kasi tuwing nakakabasag ako nababawasan iyong sweldo ko.
"Enjoy your meal, sir," ang nakangiti kong sabi pagkatapos kong maibaba ang plato sa lamesa.
Hindi ko nakita ang mukha ni sir kasi nakayuko siya at may tinitipa sa kanyang selpon. Aalis na dapat ako nang pigilan niya ako. Hawak-hawak niya ang palapulsuhan ko kaya napadaing ako sa sakit. Hindi pa kasi 'yon magaling.
"A-Aray po..."
"Anong nangyari dito, Piyo?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni kuya Jakjak.
Nang lumuwag ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin ay mabilis ko itong inilayo sa kanya. Akmang tatalikuran ko na sana siya nang mabunggo ako ng isang kustomer. Sa sobrang lakas ng pagkakabunggo niya sa akin hindi ako kaagad nakakapit sa kung saan. Hinihintay ko nalang ang pagtama ng ulo ko sa sahig.
Tumama ang katawan ko sa matigas na bagay pero sigurado akong hindi 'yon ang sahig. Kasi masakit kapag sa sahig ako tumama. Eh hindi naman to masakit. Saka mabaho rin 'yong sahig pero ito hindi.
"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba ha?" Ang narinig kong maangas na tanong ng taong nakayakap sa akin.
Pagmulat ko ng mga mata ko bumungad kaagad sa akin ang matipunong dibdib ni kuya Jakjak. Lumingon ako sa likuran ko at nakita doon ang isang mataas na babae. Maganda ito at morena. Nakasuot ito ng puting bistida. Nakataas pa ang noo nito habang nakatingin sa amin.
"Kasalanan ko ba kung paharang-harang iyan sa daraanan ko? I'm in a hurry. Dapat matuto silang tumabi kapag may customer na dumadaan." Ang maldita nitong saad.
Napalingon ako sa paligid at nakitang nasa amin na ang atensyon ng iba pang customer. Patay ako kay Roro nito! Lumayo ako kay kuya Jakjak at yumukod sa harap ni ma'am.
"Sori po, ma'am. Pasensya na po kayo. Sori po talaga." Ang paghingi ko ng paumanhin dito. Lumingon rin ako kay Kuya Jakjak at yumukod. "Sori po, sir."
Muli akong tumingin sa direksyon ng babae at nakita si Roro na seryoso ang mukha. Napakagat ako ng labi. Galit ba si Roro sa akin? Siguro galit talaga siya kasi nagkagulo sa akin.
"Isabel, wag mo ngang tinatakot si Piyo. Diyos ko naman, mapapagalitan tayo ni Ian nito eh."
Hala! Mukhang kilala pa ni Roro itong kustomer namin. Lagot na talaga ako nito. Sana hindi ako tanggalin ni Roro. Kahit janitor lang ako dito okay lang. Kahit bababaan niya ang sweldo ko basta hindi niya lang ako tanggalin.
"Hehe. Sorry, Roro. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Ansarap niyang tuksuhin at ang cute pa!" Ang masaya nitong sabi bago ako niyakap. "Hello! I'm Isabel nga pala, nice to meet you. I'm Ian's cousin."
Nagtataka kong tiningnan si Roro kasi naguguluhan ako sa nangyayari. Pagod lang itong ngumite sa akin. "Sa opisina ko na i-explain ha? Tapusin mo muna shift mo."
"I'm sorry for the inconvenience, sir. As compensation for the disturbance, your meal is on the house." Ang sabi ni Roro kay Jakjak.
"No, it's okay. You don't have to do that. Pwede bang makausap ko na lang itong empleyado niyo?"
Napasinghap ako sa sinabi ni kuya Jakjak. Tumingin ako kay Roro na namimilog ang mga mata at umiling pero hindi siya nakatingin sa akin.
"Magkakilala kayo?" Ang tanong ni Roro sa kanya.
Gusto ko sanang isigaw na hindi. Hindi kami magkakilala. Kaso maraming tao sa paligid. May iilan pang kustomer ang nakatingin sa direksyon namin.
"Yeah, childhood friends. I wanna talk to him for a bit. Okay lang ba?" Naramdaman ko ang pagkapit ni kuya Jakjak sa braso ko nang lalakad sana ako papunta kay Roro.
"Sige, enjoy kayo." Ang sabi ni Roro bago niya kami iniwan dalawa doon.
"Masakit ang tiyan ko, kuya. Pwede bang nestaym nalang?" Pinaasim ko pa iyong ekspresyon ko sa aking mukha habang hawak-hawak ang aking tiyan para lang paniwalaan niya ako.
"Stop acting, Piyo, at umupo ka. Hindi kita sasaktan. May itatanong lang ako sa iyo." Aniya bago iniusog iyong isang upuan para paupuin ako doon.
Napakamot ako sa aking noo at naupo na ng tuluyan. Hindi naman ako takot na sasaktan ako ni kuya Jakjak. Alam kong hindi niya iyon gagawin sa akin. Dahil kabaliktaran ang gusto ni kuya Jakjak. Ayaw niya akong pisikal na magdusa. Mas nanunuot kasi iyong sakit sa damdamin kesa sa pisikal. Habang buhay mo iyong dadalhin hanggang tumigil ka sa paghinga.
"Kumain ka na?" Muling naupo si kuya Jakjak sa kanyang upuan kanina. Katapat ito sa inuupuan ko ngayon.
"T-Tapos na po kuya..."
"Kamusta ka na?"
Napalunok ako sa sunod niyang tanong. Kamusta na ako? Nasa mabuti akong kalagayan. Masaya ako sa piling ni Ian. Masaya ako sa bago kong buhay dito sa Manila. Masayang- masaya ako ngayon pero hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin 'yon kay kuya Jakjak.
"An-"
"Anong nangyari sa kamay mo?" Hindi ako natapos sa pagsasalita dahil agad na sumingit si kuya Jakjak. Matiim na nakatingin si kuya Jakjak sa palapulsuhan ko. Agad akong nakaramdam ng hiya at konsensya. Ibinaba ko ang kamay at itinago iyon sa ilalim ng lamesa.
"You tried to take away your life again."
Napakamot ako sa siko ko dahil sa pagkalito. Hindi ko rin narinig ng maayos ang sinabi niya dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Maingay rin ang paligid. Ano ba 'yong sinabi ni kuya Jakjak?
May narinig akong tard sa sinabi niya. Tinatanong niya kaya ako kung pagod ako? Diba ang ingles ng pagod ay tard? Naririnig ko yan kay Noah pag nag-aaral kami nila Austine. Saka may tik rin. Siguro makapal ang ibig sabihin n'on. Hehe. Gumagaling na nga ako sa ingles. Sabi ni teacher ko very good student ako.
"Piyo, lumilipad na naman ang isip mo." Muli akong nagbalik sa reyalidad nang marinig ko ang aking pangalan.
"Iniisip ko kasi 'yong sinabi mo, kuya Jakjak. Tinatransformation ko siya sa utak ko." Ang sabi ko sa kanya.
Napakunot ang kanyang noo sa sinabi ko. Napakamot ako ng noo at sa unang pagkakataon ay sinalubong ko ang kanyang paningin. Ngumite ako ng kaunti.
Ngayon ko lang napansin, gwapo pa rin pala si kuya Jakjak! Kras ko kasi siya dati. Hehe. Kaya gustong-gusto ko kapag naglalaro kami dati kina Jekjek.
"Ano? Anong tinatransformation?"
"'Yong sinasalin, kuya. Hindi ba transformation tawag d'on, kuya?"Ang nagtataka kong tanong sa kanya.
Hindi ko alam pero parang nakita kong ngumite si kuya Jakjak. Pero agad din iyong nawala ng makita niya akong nakatitig sa kanya.
"Translation tawag d'on. Hindi transformation."
Napakunot ang aking ilong sa kanyang sinabi. Hindi ba talaga pwedeng katunog lang ng mga salita ang sabihin ko? Nakakalimutan ko kasi iyong mismong salita.
"Saan ka nga pala tumutuloy ngayon? Bakit ka napalipat dito sa Manila? Inaaway ka pa rin ba nila?" Ang sunod-sunod niyang tanong.
"Ano...t-tumutuloy lang ako diyan sa malapit, kuya. Lumapit ako dito k-kasi..ano..."
"Piyo, whose that?"
Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses ni Ian. Pero lumagpas ang paningin ko sa katabi niya. Kasama niya pala si Lee.
"Piyo, sino 'yan?" Nabawi ni kuya Jakjak ang aking atensyon nang tawagin niya ako.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pansin ko rin ang masamang tingin ni Ian. Galit ba siya?
-----------------------------------------------------------
Hello, guyses! Balik na ako dito kay Piyo! Siya naman po ang susunod kong tatapusin hehe. Maraming salamat nga po pala sa suporta ninyo sa The Governor's Secret at iba pang nauna kong mga kwento. Pati dito po, marami pong salamat. Hehe.
Simula ngayon ay sina Ian, Francis at Gabrielle na po ang iu-update ko ng paunti-unti. Ayon lang po. Thank you po. Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Labyu ol. Mwuah mwuah! Ciao❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top