17
Philip Yoshieke Magnao
Flashback
Ika-sampung anibersaryo ngayon ng pagkamatay nila Rio, Dio, Jekjek, Rayray, Obet pero heto pa rin ako at humihinga, ngumingite, kumakain at tinatamasa ang mga bagay na ninakaw ko sa kanila.
Kinuha ko mula sa tabi ang binili kong lubid at itinali iyon sa likuran ng bahay ko. Nagtabi talaga ako ng pera para makabili nito. Napangiti ako ng pagak nang mapagmasdan ang tahimik at napakapayapang paligid. Mamimiss ko ang lugar na 'to.
Natuto ako kung paano ito itali dahil sa iniwang bakas ng pagpakamatay n'ong dating may-ari nitong bahay na tinitirhan ko. Sinigurado ko munang mahigpit iyong pagkakatali at saka iyon isinuot sa leeg ko. Parang kwentas lang na uso ngayon yong shooker.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sobrang ginaw na rin ng kamay ko. Napatid ko iyong upuan na tinatayuan ko na naging dahilan para mas humigpit pa ang pagkakadiin ng lubid sa leeg ko. Hindi ko alam ang iisipin. Dapat ba akong matakot? Dapat ba akong malungkot? Bakit hindi ako nakakaramdam ng kahit ano?
Unti-unti. Dahan-dahan. Alam kong paubos na ang buhay sa katawan ko. Alam kong kaunti na lang abot ko na ang kalayaan. Hindi magtatagal, matatapos na rin ang pagdurusa ko. Sapat na siguro itong kabayaran di ba? Buhay kapalit ng buhay.
"PIYO?! WHAT THE FCK?! TANGINA! TULONG! TULONG! SHIT!" Rinig ko ang pagkataranta ng isang pamilyar na boses. Hindi ko lang talaga matandaan kung sino 'yon.
Tumirik ang mga mata ko at mas ramdam ko na ang panghihina ng buo kong katawan. Akala ko abot ko na yong langit. Kita ko na eh. Kita ko na silang lahat. Naghihintay na sila sa akin kaso bigla silang nawala. May humihila sa akin papalayo sa kanila hanggang balutin ako ng kadiliman.
Pagbukas ko ulit nang mata ko, ang madili kong kwarto ang sumalubong sa akin. Napatakip ako ng mata at mahinang humikbi. Hindi ko alam kung bakit sobrang bigat ng puso ko. Bakit ba kailangan kong mabuhay dito ng mag-isa? Bakit kailangan kong maiwan dito ng mag-isa? Ayaw ko na dito eh. Palagi nila akong inaaway. Palagi nila akong sinasaktan, hindi ko naman sila inaano. Doon nalang ako kina Rio.
"Anong iniiyak-iyak mo diyan?" Napatigil ako sa mahina kong pag-iyak, tinanggal ang brasong nakatakip sa aking mata at nilingon ang lugar na pinanggalingan ng boses.
"S-Sino ka?" Ang sumisigok kong tanong dito.
Napasinghap ako sa sobrang bilis ng pangyayari. Bigla ako nitong dinaganan at itinaas ang mga kamay ko sa ibabaw ng aking ulo. Mahigpit pa niya akong hinawakan sa palapulsuhan ko. "M-Masakit..." Ang mahina kong daing dito.
Nagpang-abot ang mga mata ko at ang pares ng maiitim na mga mata. Maganda! Parang may bituin sa loob n'on.
"Bakit mo ginawa 'yon? Anong karapatan mo?"
Ngunit bakas naman doon sa magaganda niyang mga mata ang matinding galit.
"A-ano bang ginawa ko? Hindi naman kita kilala, kuya. Ngayon lang kita nakita." Ang naguguluhan kong tanong dito.
"Anong karapatan mong kitilin ang buhay mo na naging kapalit ng buhay ng kapatid ko? Hindi mo ba ako naaalala ha, Piyo? Wala kang karapatang kalimutan ang mga taong sinaktan mo sa pagpatay ng mga anak at kapatid nila." Ang galit nitong sagot sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino ito.
End of flashback
"K-Kuya Jakjak?"
"Piyo? What the heck are you doing here?" Ang kunot noo niyang tanong sa akin.
Umiling ako dito at mabilis na umikot patalikod. Sa takot ko ay gumapang ako palayo dito. Hindi pa kasi ako nakakatayo kaya gumapang na lang ako. Mabilis naman ako gumapang.
"PIYO?! PIYO! COME BACK HERE!" Ang narinig kong sigaw niya. Mabuti nalang at marami ang tao kaya napapabagal nito ang paglapit ni kuya Jakjak.
Tumayo ako mula sa paggapang, muntikan pa akong mapasubsob sa sahig nng ginawa ko 'yon. Mabuti na lang at nakabalanse ako.
"PIYO! DIYAN KA LANG, WAG KANG LALAYO!" Ang sigaw niya na hindi ko sinunod. Narinig ko ring tinatawag ako nila Roro at Kirby pero tumakbo lang ako nang tumakbo.
Tumakbo ako pataas doon sa madyik na hagdanan. Sumakay rin ako doon sa nakabukas na pintuang bakal. May limang tao pa akong nakasabay doon. Phew! Napabuga na lang ako ng hangin nang sumara ang pintuan.
Nahihiya ako kasi mga babae itong kasabay ko dito tapos ang tataas at ang gaganda pa nila. Kaso nakakatakot iyong mga kamay nila, ang hahaba ng koko!
Napasandal ako sa dingding ng maramdaman ko ang paggalaw nitong... Napakagat ako ng labi nang maramdaman ko ang marahang pagkahilo. Bakit gumagalaw itong pinasukan ko? Nasaan na sila Austine? Si Roro?! Kirby?
"Oh my god! You look like you're going to puke, are you okay?" Ang sabi ng isang matinis na boses na hindi ko naman pinansin kasi nahihilo talaga ako saka hindi ko naman siya maintindihan.
Mariin akong pumikit nang maramdaman ko ang pagyugyog sa akin. Nasusuka talaga ako! Nakakahilo. Sobrang bilis rin ng tibok ng puso ko. Kahit maginaw dito sobra-sobra ang tagaktak ng pawis ko. Bigla kong naalala iyong isinilid ako dati ni papa sa drum. Iyong nasa maliit lang akong espasyo. Para akong nilulunod.
Ian...Ian...natatakot na ako.
"Hey, okay ka lang ba?" Ang tanong sa akin ng isang boses babae. Minulat ko ang mga mata ko at tumango sa magandang babae. Maganda siya! Sobrang ganda saka mukhang mabait hindi katulad ng ibang babae dito.
Umiling ako kay ate saka muling pumikit. Antagal tumigil. Gusto ko ng lumabas. Ayaw ko na. Sana hindi na lang ako pumasok. "Nahihilo po ako."
Ang sagot ko sakanya saka ko lang narinig ang isang ding! Kasabay ng pagtigil nitong sinasakyan ko.
"You look so sick. Sumama ka muna sa akin, ha?" Aniya bago ako inalalayan palabas n'ong nakakatakot na sasakyan. Sumama nalang din ako kasi natatakot na akong sumakay ulit doon.
"Leigh, what are you doing? Don't bring strangers in your condo, baka theif siya or something." Ang maarteng bigkas n'ong isa pang boses habang naglalakad kami palabas.
Tef? Tif? Tip? Skatstip ba? O iyong binibigay sa aking pera ng mga porener pag naglilinis ako ng lamesa nila? Hindi naman ako mukhang pera. Sabi ni Ian kyut daw ako.
Hindi ko na pinansin ang paligid kasi papikit-pikit na lang ang mga mata ko habang tinutulungan niya akong maglakad.
"Let's just come with her na lang para if ever may gawin siyang bad we'll help you kick his ass." Ang sabi n'ang isa na namang hindi pamilyar na boses.
"Guys, can you just shut up for a few seconds? Baka mas lalo lang siyang mahilo sa inyo." Ang iritang sabi ni ate na umalalay sa akin.
Nang makapasok kami sa isang pinto, pinaupo nila ako sa sopa doon at pinaypayan. "Are you dying na ba, kid?"
"Daing po? Kumakain ako n'on." Ang sagot ko dito at sumilip mula sa aking pilik-mata. Maganda naman sila pero sobrang daming kulay ng mukha nila.
"Daing? What? It's dying, you know? Like mamamatay ka na ba or something." Ang sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"Hindi po nahilo lang ako."
"So you're pregnant?" Ang tanong na naman nila.
"Ha?"
"My god! Is he stupid ba or something? Why can't he understand me? He's making me a translator, Heaven. I'm making tanong if you're buntis ba. You look so bata pa naman." Aniya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Mabilis akong umiling-uling dito bilang pagtanggi. Hindi ako buntis! Hindi naman ako pwedeng mabuntis.
"Ate, lalaki po ako." Ang sabi ko dito. Bumalik na rin iyong mukhang anghel na babae na may dala-dalang tasa.
"Right! Why are you so bobo ba, Kim? He's clearly a boy." ang segunda naman n'ong hebin na hindi ko na gaanong pinansin kasi na kay ate ganda na iyong atensyon ko.
"I made you ginger tea. It'll help you feel better." Inabot ni ate sa akin ang tasa. Nag-tenkyu ako sa kanya at saka iyong dire-diretsong ininom. Maanghang! Pero masarap.
"Did you like it?" Ang nakangiti niyang tanong pagbaba ko ng tasa mula sa aking mukha.
Alam ko ang ibig sabihin n'ong did you laykit kaya ngumite ako dito at tumango.
"Yes po, aylaykit beri mats. Tenkyu!" Ang sagot ko na naging dahilan ng tawanan nilang tatlo.
"Hahaha! You're so cute, what's your name?" Ang nakangiti niyang tanong ulit sa akin.
"Ew, Leigh! Are you a pedo na ba?! I can't believe na may pedo ako na friend. Omg, I'm so sorry but hindi kita ito-tolerate. Please stop this kahibangan na." Ang sabi n'ong Kim tapos nagpunas pa siya ng mata eh wala naman siyang luha.
Inikutin ito ng mata ni ate at binigyan ng isang masamang tingin. "Wala rin akong friend na oa at judgemental. Can't you just zip your mouths for a second? You guys are so noisy." Aniya bago ibinaling sa akin ang kanyang paningin. "So what's your name again?"
"My name is Philip Yoshieke Magnao. You can call me Piyo po, ate." Ang taas noo kong pakilala sa kanila. Si Austine nagturo sa akin niyan n'ong minsan akong sumabay na mag-aral sa kanila ni Noah. Titser kasi si Austine.
"Ate?" Ang di makapaniwala niyang tanong bago tunawa ulit ng malakas. "How old are you ba? I'm Georgina Leigh Fossett you can call me Leigh."
"Twenty-two po. Saka ang ganda po ng pangalan niyo, gusto ko yong pusit." ang nakangiti kong sagot sa kanya.
"OH MY GOD! How could he?" Ang sigaw ni Hebin na kumuha sa atensyon naming lahit.
"How could he what?" Ang takang tanong ni Lee sa kanya.
"How could he make your surname sound so cheap? That's one rare talent!" Ang sagot niya na nagpa-irap kay Lee.
"Shut up, Kim. Anyway, Piyo? Piyo right?" Tanong niya na tinanguan ko lang.
"Wag mo na akong tawaging ate. I'm still 26 pa naman eh. Anyways, sino ba ang kasama mo dito? Sigurado akong nahiwalay ka lang sa mga kakilala mo. Nagmamadali ka kasing pumasok kanina parang may humahabol sa iyo." Aniya
Bigla ko na namang naalala si Kuya JakJak. Kapatid si Kuya Jakjak ni Jekjek. Natatakot akong makita niya na nabubuhay ng masaya. Kasi masaya talaga ako ngayon sa piling ni Ian. Sabi niya sa akin dati kailangan ko dawng mabuhay hanggang kusang bumigay ang katawan ko. Mabuhay ng puno ng pagsisi, sakit at lungkot. Pero hindi ko kayo. Hindi ko talaga kaya.
"H-Hey, are you fine? You're crying." Ang nag-aalalang tanong ni Lee sa akin.
"I didn't make away to him ha. I was just making biro awhile ago." Ang sabi n'ong Hebin.
"Hindi ko po alam kung paano ako uuwi. Kasama ko kasi kanin sila Austine at Roro. Baka iniwan na nila ako dito, hindi ko pa naman alam ang pauwi sa bahay nila." Ang nag-aalalang sabi ko sa kanila. Kung manghihiram naman ako ng pera sa kanila, wala ring silbi kasi hindi ko nga alam kung saan ako pupunta.
"Don't worry ha? We'll ask the security ng mall kung may naghahanap ba sa iyo. Tutulungan ka namin." Parang biglang kumalma ang puso ko nang ngumite siya sa akin. Para talaga siyang anghel.
Kulot iyong kulay tsokolate niyang buhok na nakabagsak hanggang sa balikat niya. Pinapaligiran nito ang maliit niyang mukha. Mapupula ang kanyang mga labi, may katamtamang tangos ang kanyang ilong at malalaki rin ang kanyang mga mata na napapaligiran ng hitik na hitik na mga pilik-mata. Mukha talaga siyang manika.
Pinanuod muna nila ako ng telebisyon habang nakikipag-usap sila sa mga sekyu daw ng mall sa ibaba. Natutuwa naman ako sa palabas kasi ito yong palaging pinapanood namin nila austine at mama, iyong Hi, Bye Mama.
Grabe nakakaiyak talaga kahit hindi ko naintindihan sinasabi nila. Pero kapag nanunood ako nito kasama sila mama, sinasalin nila ito sa tagalog kaya naiintindihan ko. Ramdam ko kasi yong pangungulila niya sa anak niya. Tapos iyong mga kwento pa ng mga kasamahan niya. Kahit pala ikaw ang kumitil sa sarili mong buhay, may mga pagsisi ka pa rin. Pero sila kasi may mga naiwang mahal sa buhay. Kaya nahihirapan silang umabenta sa kabilang buhay.
Dati noong wala pa si Ian, hindi naman ako gaanong nahihirapang bumitaw sa mundong ito kasi alam kong wala ng nagmamahal sa akin. Alam kong walang malulungkot kapag nawala ako. Pero n'ong dumating si Ian, parang may saysay na lahat.
"I think it's Piyo's sundo na." Napalingon ako kay Hebin ng marinig ang salitang sundo.
Magkasunod silang tatlo na tinungo ang pintuan. Sumunod rin ako sa kanila kasi baka sila Austine, Roro at Kirby na yon. Tumigil kaming tatlo sa likuran ni Lee at hinintay siyang buksan iyong pintuan.
Napamaang ako nang makita ang sumundo sa akin.
"Ia—"
Tatawagin ko na sana si Ian nang maunahan ako ni Lee. "IAN!"
Parang may kung anong pumunit sa puso ko nang bigla niyang yakapin si Ian ng mahigpit. Magkakilala sila ni Ian?
Mas lalo pang nawasak ang mundo ko nang ikiss ni Lee si Ian sa gilid ng labi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sakit ng puso ko. Parang katulad n'ong hinihiwa-hiwa ko pa yong hita ko.
-----------------------------------------------------------
Hi guysesueeee! Belated Happy Father's day nga po pala sa mga tatay ninyo at lalong-lalo na sa mga gay parents. ❤ Psensya na po kung hindi ako nakapag ud kahapon, bigla kasing nablanko ang utak ko. Hehe. Ayon lang po! Salamuch po sa inyong lahat! ❤❤ Stay healthy, stay pretty and gwapo, keep safe and God bless y'all. Mwuah mwuah! Ciao! 💖
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top