16

Alaric Ian Juariz

"Ian, did you know?" Napalingon ako kay Magnus nang magsalita ito sa tabi ko. Nakita ko ring naagaw ang pansin nila Francis, Nathan at Axel.

Kasalukuyan kaming nag-iinom dito sa bar ng mansyon. Bigla kasing nag-aya si Francis kanina.

"Mamita might come home. Nakaabot na sa kanya ang tungkol kina Axel and Nathan pati na rin kay Jonas. Pero kay Ian siya galit na galit." Aniya pero nanatili lang akong tahimik at inisang tungga ang alak na nakalagay sa babasaging bato.

"She might mess up the hospital. You have to go back and secure your position again. Bali-balita pa namang papalitan ka daw ni Marius. You know what that asshole can do." Ang dagdag niya.

"Anong sinabi niya tungkol kay Piyo?" Ang tanong ko dito habang nakatanaw sa malayo.

"That she...she doesn't want an illiterate murderer in her family. She's going to do everything para hindi mabahiran ng ano mang putik ang paborito niyang apo." Ang sagot nito na nagpatawa sa akin ng pagak.

Kaya pala ginawa niya ang lahat para hindi kami maikasal ni Melisa. She asked someone to seduce her, fuck her and have her pregnant para may rason siyang itali kaagad ito sa lalaking nakabuntis kay Melisa. Though Melisa could have refused that bastard too.

So what is she going to do with Piyo? Asked someone to seduce him? Bribe him with money? I'm confident my baby won't leave me for those things.

"She can't touch him. Tangina, I'm almost in my thirties at nangingialam pa rin siya sa buhay na'tin?"  Ang irita kong tanong sa kawalan.

I love my grandmother from both sides of my parents, but my mom's mom is just too much sometimes. She's not as bad my grandfathers, but she's no better than them either. Malambing at mapag-alaga ito pagdating sa aming mga apo niya ngunit mapangmata ito sa ibang tao. She looks down on people who are underpreviliged and treats them like a pests.

"Kaya nga umalis ako sa puder nila. Nasasakal na ako. I want my freedom, if being a Benovich means following all their traditions and shit then I'd rather die." Ang reklamo niya na tinawanan lang naming apat.

"Malakas lang ang loob mo dahil wala si lola. Pagdating niya dito siguradong kulong ka na naman sa kwarto mo kasama iyong fiancée mong mukhang aso." Ang tumatawang panunuya ni Francis dito. Binatukan lang ito ng malakas ni Magnus at sinamaan ng tingin.

"Tangina mo, akala mo hindi ko alam yang baho mo? Sama-sama kayong lima ng kapatid mong magpaliwanag kay lola." Ang inis niyang banggit dahilan para mapunta kay Francis ang atensyon namin.

"Ano 'yon?" kuryusong tanong ni Axel dito.

"Wala! Manahimik ka na nga lang, kuya. Fuck, matutulog na ako." Anunsyo niya bago tumayo at tinalikuran kaming lahat para umalis.

"He's married." Ang nakangising sabi ni Nathan na nagpabalik sa gago. Hindi talaga maaasahan sa mga sikreto ang gagong to.

"He's fucking what?!" Ang gulat na tanong naming dalawa ni Axel kay Nathan at tiningnan si Francis na napahilot sa kanyang noo.

"Married to a guy for three years." Aniya bago nilagok ang alak sa kanyang baso.

"Dude, wala na bang straight sa inyo? Kaya pala parang toro si lola noong nakipag-usap sa amin." Ang tanong ni Magnus na hindi ko pinansin dahil sa biglaang pagdating ni Piyo. Kusot-kusot nito ang mapupungay na mata habang papalapit sa akin.

I secretly smiled after seeing the improvement in his hands. Almost three months of staying here is worth it. Mas naaalagaan at natututukan si Piyo. Everyone helped me with him and I'm thankful for that.

"What is it, sunshine? Hindi ka ba makatulog?" Siguro ay napansin nitong wala ako sa tabi niya.

"Hindi, Ian. Sinamahan ko lang si Austine." Ang sagot niya.

Dinala ko na si Piyo pabalik sa kwarto namin dahil sinundo na ni Austine si Nate. May mga trabaho rin kami kinabukasan kaya kailangan naming matulog. Kinakailangan ko ng bumalik sa hospital at mag-report bukas. As much as I wanted to stay with Piyo all the time, I have a big responsibility as a CEO na hindi ko na pwedeng iasa sa pinsan ko.

"Ian, magwe-werk ka na bukas, Ian?" Tanong ni Piyo sa akin nang makahiga na kami sa kama. Nakayakap ito sa akin habang nakaunan sa braso ko. Posisyon na nakasanayan ko na nitong nagdaang mga buwan.

"Hm. Para may maipakain ako sa anak natin." Ang pikit-mata kong sagot dito.

"Anak? Nakabuntis ka ba, Ian? Magpapakasal ka na ba, Ian?" Naramdam ko ang pag-galaw ng kama. Nawala rin ang bigat sa braso ko at ang maliit na braso na nakapulupot sa akin.

Ibinuka ko ang kaliwa kong mata at nasilayan ang isang nakaupot at nakangusong Piyo sa tabi ko. Mahina akong tumawa't yumakap sa bewang niya. "Kidding. Pero paano kung nakabuntis at nagpakasal ako, Piyo? Anong gagawin mo?"

"Sabi ni Austine kapag ginawa mo raw 'yon, Ian, tutulungan niya akong maghanap ng afam." Aniya dahilan para mabura ang mga ngiti ko sa labi. "Alam mo ba 'yong afam, Ian? Hindi ko kasi alam ibig sabihin n'on, tinanong niya ako sabi niya next time daw." Ang inosenteng tanong niya.

"Hindi. Hindi ko alam at hindi mo rin kailangan malaman." Of course, I know what it means but there's no way I'd tell him that.

"Pero sana hindi ka nalang magpakasal, Ian. Kung gusto mong magpakasal, Ian, pwede ka namang magpakasal sa akin. Hindi mo kailangan magtrabaho kapag naging asawa mo ako, Ian. Babantayan mo lang sila Yan-Yan at Yo-Yo. Kaso hindi nga lang kita mabibigyan ng anak, Ian." Umayos ako ng higa at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. He was just pouting while staring boredly at the TV. Fuck! Why does he have to be so damn cute?

"I like your offer and since I'm a good businessman, I'll accept it. Kapag handa na akong magpakasal, ikaw ang una kong aayain. Wala na 'yang bawian."

Ngumite siya ng malaki sa akin at tumango. "Wala na! Pramis!"

Hinila nito ang braso ko at umunan roon. Yumakap rin ito ulit sa akin ng mahigpit. "Ian, sana babae na lang ako o di kaya ay pareho nila Austine at Roro kasi gusto kong magka-bebe sa'yo." Ang humihikab niyang sabi sa akin.

If only you knew how much I wanted to make love to you, sunshine. Alam kong hindi pa handa ang katawan at isip niya sa ganong bagay kaya kailangan ko munang makuntento sa kamay ko.

"Goodnight, Ian." Pikit mata itong tumingala sa akin at ngumuso. I leaned in and gave him a peck on the lips.

"Goodnight, sunshine."

Walang makakapaghiwalay sa aming dalawa at kung meron man, I'll surely drag them to hell with me.

Philip Yoshieke Magnao

"Ian, bye." Ang naiiyak kong paalam sa kanya habang kumakaway. Hinawakan ko rin ang maliit na kamay ni bebe Ren, anak ni Roro at pinakaway iyon. "Babye din daw sabi ni bebe. Sabi niya wag ka na daw umalis, Ian. Mamimiss ka daw niya."

Ang totoo ako talaga ang makakamiss kay Ian. Kaso nahihiya akong sabihin iyon. Sabi ni Austine importante daw ang werk ni Ian kasi nga diba doktor si Ian.

"C'mon, don't cry. Don't make this hard for me, sunshine.Babalik din ako agad mamaya." Hinawakan niya ang pisnge ko at muli akong siniil ng halik. Tumigil lang siya kasi sinampal siya ni bebe Ren. Tumawa lang si Ian at kiniss din ito ng marami. "Anong gusto mong pasalubong?"

Saglit akong nag-isip bago sumagot. "Yong kinakain ni Noah kahapon, Ian. Gusto ko yon."

"Koko Crunch?"

"Oo, 'yon, Ian."

"Okay, see you later, sunshine. Isasama ka rin mamaya ni Austine sa mall, have fun and be safe, okay?" Ang sabi ni Ian na tinanguan ko lang. Nagkiss pa kami ulit ni Ian bago siya umalis.

Nakasunod lang ang paningin ko kay Ian hanggang nakasakay siya sa sasakyan niya. "Ang gwapo ni Ian, bebe, 'di ba? Mas gwapo kaunti si Ian sa dadi mo at sa dadi ni Nigel kasi crush ko siya." Ang nakangiti kong sabi kay bebe Rin na hindi naman sumagot.

Medyo suplado silang dalawa ng kambal niya pero mabait naman sila sa akin. Palagi ko silang nilalaro kasama si Nigel, Noah at Kirby kapag abala sila Austine at Roro.

Masaya ako sa halos tatlong buwan kong pagtira dito sa malaking bahay. Mababait silang lahat sa akin, lalo na si Roro at Austine. Palagi nila akong tinutulungan. Pati iyong mga kasambahay mga frens ko rin sila.

Tapos noong isang buwan lang nagsimula na akong mag-aral pero dito lang sa bahay. Tuwing lunes, miyerkules at biyernes tinuturuan ako ni titser Cecil ng math, Ingles, sayns, histri at arts. Paborito ko 'yong arts! Kasi nagkukulay-kulay lang kami. Hindi ko gusto 'yong ingles at math kasi mahirap. Mabuti nalang tinuturuan ako nila Ian 'pag nahihirapan ako. Kahit mahirap masaya ako. Nagpapasalamat ako na binigyan nila ako ng pagkakataong makapag-aral ulit.

"Piyo, magpalit ka na ng damit, aalis na tayo." Ang sabi ni Roro bago kinuha si bebe Rin sa akin. Aalis na sana ako nang may mapansin akong kakaiba sa leeg ni Roro.

"Bakit may sugat ka sa leeg, Roro? May nang-aaway ba sayo?" Takang tanong ko sa kanya.

Mabilis niya iyong tinakpan at nahihiyang ngumite sa akin. "W-wala 'to. May malaking insekto kasing nangangagat sa kwarto haha." Ang sagot niya at mabilis na tumakbo playo sa akin.

Hanggang sa makarating kami sa mol. Excited na sana akong bababa nang bigla akong hilahin pabalik ni Austine. Inabot niya sa akin ang isang ayglas na itim ang linti.

"Ano 'to, Austine?" Ang nagtataka kong tanong dito.

"Sunglasses para sa mga legal wife in tagalog sunglasses para sa mga legal na asawa at tanging nilalang na titikman ng mga asawa nila." Ang sagot niya at saka kinuha iyong sunglasses na inabot niya. Binuksan niya iyon at isinuot sa akin.

"Eh Austine hindi pa naman kami kasal ni Ian. Nagkikiss kami pero magkaibigan lang kami." Ang sagot ko dito na ikinatawa niya ng malakas.

May nakakatawa ba d'on? Hindi namab ako nagjo-joke. Totoo yon talaga.

"It's okay, betla. Magiging asawa ka rin naman ni Ian." Ang nakangiti niyang saad saka sumunod kay Roro at Kirby palabas ng sasakyan.

"Paano mo nalaman 'yon, Austine? Ang galing mo naman. Manghuhula ka ba, Austine?" Ang nasasabik kong tanong sa kanya. Kung manghuhula si Austine, ipaahula ko sa kanya iyong lalabas sa lotto para magkapera rin ako at makabili ng mga regalo at pagkain para kay Ian.

"Ang tawag d'on woman's instinct, Piyo. Kapag kinama ka na ni Ian magkaka woman's instinct ka rin." Ang sagot sa akin ni Austine habang papasok kami sa mall.

"Eh, tito, hindi naman po kayo woman eh." Ang narinig kong alma ni Kirby. Oo nga! Sabi ng teacher namin ger daw 'yong woman.

"Shhh! Palusutin niyo na, mahal niyo naman ako." Ang sagot ni Austine na hindi ko na pinansin kasi natutuwa ako sa buong paligid.

Sobrang ganda! Sobrang maraming tao at maraming magagandang tindahan. Gusto kong dalhin si Ian dito tapos magdi-dit kami. Gusto ko na tuloy mag-trabaho para pang gastos kami ni Ian sa dit namin.

"Roro, may alam ka bang pwedeng pasukan na trabaho dito? Saka bakit gumagalaw tong hagdanan? Madyik ba 'to? Ang galing naman!" Ang masaya kong tanong kay Roro habang nakasakay kami sa gumagalaw na hagdanan. Nakakapit rin ako sa braso niya kasi natatakot ako kaunti.

"Haha! Ang cute mo talaga. Hindi siya magic, Piyo. Makina itong nagpapatakbo sa hagdanan. Tungkol naman sa trabaho pwede ka siguro sa boutique nila Austine at mama, yong pupuntahan natin ngayon." Ang sagot ni Roro sa akin. Kahit mabait si Austine sa akin, mas gusto kong kausap si Roro kasi hindi masyadong nakakalito ang pinagsasasabi niya.

"Edi magiging boss ko si Austine 'pag gan'on?

"Oo," sagot niya na ikinangiwi ko.

"Ehhhh..ang ingay pa naman ni Austine." Ang nakangiti kong sabi. Lumingon si Austine sa direksyon namin at pinaningkitan kami ng mata.

"Narinig ko yon ah! Akala ko ba tayo ang bestfriend, Piyo? Ayoko na, ayoko na ng mga kaibigang traydor. This is enough! Idedemanda ko kayong dalawa ng defamation." Ang OA na sabi ni Austine na tinawanan lang namin Roro.

"Piyo, my traydor na friend, welcome to my boutique! Ito ang sinayang mong betla ka noong kinampihan mo iyang si Roro Madrid." Aniya at maarteng naglakad papasok sa loob ng botik. Pati si Nigel na karga-karga niya ay natawa na rin sa kanya.

"Aray!" Malakas akong napadaing nang may bumangga sa akin dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"I'm sorry, I didn't me—Piyo?"

Nanlaki ang mata ko nang makita ang taong nakayuko sa harapan ko. A-anong ginagawa niya dito?

-----------------------------------------------------------

Hays! Tenkyu lord at may apdit na rin HEHE. Welcome sa bagong paksa ng buhay ni Piyo at Ian. Atin pong subaybayan kung saan na naman aabot itong walang kasiguraduhan kong plot. Hahaha! Thank you! Labyu ol! Keep safe, stay healthy, pretty at gwapo and God bless you all! Mwuah mwuah! Ciao!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top