15

Hello po! Before you start reading chapter 15 gusto ko lang ipaalam na may kaunti po akong binago sa chapter 14 regarding sa kamay ni Piyo. I forgot he had a surgery sa kamay and that won't heal in a short span of time. Sorry po talaga! Ayon lang po. Thanks powxzx. Basa na po kayo ulit hahaha.

Philip Yoshieke Magnao

"Kinakabahan ako, Ian. Walang pumapasok sa utak ko."  Ang naiiyak kong sabi kay Ian.

Nangangatog na ang paa ko at sobrang ginaw ng mga kamay ko. Kanina pa nagpapaalala si Ian sa akin na kumalma ako pero hindi ko magawa.   Natatakot talaga ako. Baka magalit sila sa akin. Baka ilayo nila ako kay Ian tapos bibigyan ng pera at bubuhusan ng tubig kagaya ng napanood ko sa telebisyon dati. Kapag nangyari 'yon tatanggapin ko ang pera tapos itatakas ko si Ian.

"Look at me," itinaas ni Ian ang baba ko at seryoso akong tinitigan sa mata. "You got me, okay? Kalma. 'Wag kang kabahan, nandito lang ako. Hindi sila gan'on kasama. Magtiwala ka sa akin." 

Katulad ng sinabi ni Ian, magtitiwala ako sa kanya. Ano man ang mangyayari basta nandito sa tabi ko si  Ian kakayanin ko. Ang pag-alis lang ni Ian ang hindi ko kakayanin.

"You're pale. Breath in and breath out, sunshine." Ang utos niya na sinunod ko kaagad. Nag bretin-britawt ako kagaya ng sabi niya. Ilang beses ko 'yong ginawa habang nakatitig sa magagandang mata ni Ian.

"Ready?" Ang tanong ni Ian sa akin nang tumigil na ako sa ginagawa kong bretin at bretawt.

"Ridi, Ian!" Ang kinakabahang kong sigaw  bago tinanggal ang suot kong tsinelas.

"What are you doing, sunshine?" Ang nagtatakang tanong ni Ian sa akin  habang nakamasid sa mga paa ko.

"Nagtatanggal ng tsinelas, Ian. Bakit? Bakit?" ang naguguluhan kong tanong sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pa 'yon kailangan itanong ni Ian. Di ba gan'on naman sa lahat ng bahay? Kailangan mong iwanan ang sapin sa paa bago pumasok. Pero baka mali ako. Hindi pa kasi ako nakakapasok sa pang-mayamang bahay. Simula rin noong bata ako wala na akong ibang bahay na napasukan. Kahit sa geyt lang ako nakatayo tinataboy na nila ako. Minsan tinapunan nila ako ng mainit na tubig kaya hindi na ako nanghihingi ng bote sa bahay-bahay.

Sumilay ang isang ngiti sa labi ni Ian saka siya umupo sa harapan ko. Kinuha niya iyong puti kong tsinelas na may magkadikit na L at V na nakalagay. Bigay ni Ian itong tsinelas ko kasi nasira na iyong dati kong tsinelas.

"Madumi at maginaw ang tiles sa loob. Mas mag-aalala pa ako kapag nadumihan itong paa mo. Hindi mo kailangang tanggalin itong tsinelas mo, okay?" Ang tanong ni Ian bago muling tumayo at hinarap ako.

"Oki, Ian." Ang sagot ko sa kanya.

Pagkatapos kong sabihin 'yon itinulak ni Ian ang malaking pintuan. Ipinulupot ni Ian ang braso niya sa bewang ko at inakay papasok.  Napalunok ako habang inililibot ang paningin sa paligid. Mas malaki pa yata 'to sa mol! 'Yong ilaw nila sobrang laki! Ang daming bombelya at dyamanteng nakalagay. Anlaki rin ng bintana at kurtina nila. Kitang-kita mo ang labas.

Sobrang ginaw ng paligid kaya mas lumapit pa ako kay Ian para makaramdam ng init.

"Maginaw?" Ang tanong niya sa akin na tinanguan ko. Tinanggal niya iyong suot niyang dyaket at ipinatong sa balikat ko. "Okay na?"

"Hmm."Ang simpleng sagot ko sa kanya bago kami muling naglakad.

"IAN! Ikaw ba 'yan?! Ikaw yan diba?" Napatigil kami sa paglalakad nangg makita ko ang isang malaking larawan na nakasabit sa isang dingding. "Ang bata-bata mo pa dito, Ian, pero sobrang gwapo mo pa rin!" 

Kahit mas bata ang nasa litrato sigurado akong si Ian 'yon. Makikilala at makikilala ko siya may kulubot man o wala.

"Yup! Ako ba pinakagwapo sa lahat?" Ang nakangising tanong ni Ian sa akin.

Muli kong pinagmasdan ang litrato saka umiling dito. Dati akala ko si Ian na ang pinakagwapo sa buong mundo pero may mas gwa-gwapo pa pala sa kanya.

"Ito, Ian, saka ito. Mas gwapo sila sa iyo." Una kong Itinuro iyong lalaking pinakamatanda yata sa lahat tapos iyong pinakabata rin.

"What?" Ang hindi makapaniwang tanong niya sa akin.

"Wag ka ng malungkot, Ian. Ikaw pa rin ang gusto ko kahit ikaw pa ang pinakapangit sa lahat." Ang biro ko sa kanya. Palihim akong napahagikhik nang makita ang naiinis niyang mukha. Ang kyut-kyut ni Ian 'pag naiinis!

"Are you serious, Piyo?" Kunot-noo niyang tanong sa akin. Hindi ko maintindihan ang tanong niya pero ramdam ko ang inis ni inis ni Ian.

"HAHAHA! Biro lang 'yon, Ian. Pareho lang naman kayong gwapo pero dahil kras kita, Ian, ikaw ang pinakagwapo sa lahat." Ang natatawa kong sabi dito na ikinangiti niya.

"Good! Let's go and get our marriage certificate now." Ang pagi-ingles na naman ni Ian na ikinakunot ng ilong ko.

"Ano 'yon, Ian?"

"Sabi ko surpresahin na natin sila." Ang nakangising saad niya bago ginulo ang buhok ko.

"Hindi nila alam na uuwi ka, Ian?" Ang gulat kong tanong dito.

"Nope."

Tahimik kaming pumasok ni Ian loob ng isang malawak na kwarto. Napasinghap ako nang makita ang mga tao sa loob. Nakita yata kami n'ong drayber ni Ian pero hindi siya nagsalita. Umakto lang itong hindi kami nakita.

Bumitaw si Ian sa pagkakapulupot sa bewang ko at naglakad papalapit doon sa nakatalikod na babae. May kaliitin ito at maputi. Suot-suot niya ang isang magandang puting bistida.

"Who in the world is this?!" Ang tili ng babae at sinubukang kumawala sa pagkakayakap kay Ian.

"Hi, ma. I'm home." Bumitaw si Ian at hinayaan ang magandang ginang na lingunin siya nito.

Namangha ako ng makita ang mukha niya. Ang ganda! Kaya pala sobrang gwapo ni Ian. Napatakip ito sa bibig at hindi makapaniwalang pinagmasdan si Ian.

"Oh my goodness, anak!"

Nagmamadaling lumapit si Ian dito saka niya ito niyakap. Rinig ko ang malakas na pag-iyak ng mama ni Ian sa mga bisig niya.

Parang gusto ko ring maiyak. Ilang buwan kong hiniram si Ian mula sa kanila. Hindi ko man lang inisip na may mga mahal siya sa buhay na iniwan dito. Masyado akong starpish sa pag-iisip ng gan'on.

"I miss you so much, anak. You got me so worried. Akala ko wala ka ng balak bumalik sa amin." Ang sabi nito na mas ikinakunsensya ko pa.  Hiniling ko pa naman kay bro dati na sana hindi na lang bumalik si Ian dito.

"I'm sorry, ma. I needed time to fix myself again, physically and emotionally. Nandito na ako kaya huwag na kayong mag-alala. Stop crying."

Mula kina Ian, nabaling ang paningin ko sa isang bilugin at matabang bagay na nakakapit sa paa ko. Nakatingala ito sa akin gamit ang kanyang malalaking mata at mapisnging mukha. Nakanguso rin ang kanyang mga labi sa diresyon ko. Hala, ang kyut!

"Nigel!" Ang natutuwa kong tawag sa pangalan niya na ikinatawa niya.

"Pyo!" Ang nakangisi niyang saad na ikinangiti ko ng malaki.

"Tama! Berigud, Nigel!" Ang masaya kong papuri dito na ikinatawa niya. Marahan akong lumayo sa kanya saka ako naupo sa kanyang harapan.

"Ang kyut-kyut mo, Nigel! Parang si Ian 'pag nag-smayl." Ang masaya kong sabi dito. Hindi ko alam kung naiindihan niya yong sinasabi ko.

Nataranta ako nang maglakad ito papalapit sa akin at natatawang yumakap sa leeg ko.

"Gusto ka talaga nitong biik namin, Piyo!" Napaangat ang tingin ko kay Austine na nakangiting nakatingin sa amin. "Lumalapit lang yan sa mga magagandang kagaya ko. Kaya ibig sabihin maganda ka rin like me!"

Aniya dahilan para mapangiti ako ng malaki. "Talaga? Kahit lalaki ako? Pwede akong maging maganda, Austine?"

"Oo naman no! Hindi ka lang maganda, cute ka rin like me." Ang sagot niya.

"Ibig sabihin pwede akong magustuhan ni Ian, Austine?" Ang sabik kong tanong sa kanya.

"Ay, issue! Syempre pwede 'no. Kailangan mo lang siyang gapangin  ng kaunti at pak! Sa'yo na ang korona." Ang sabi ni Austine na nagpakunot ng ulo ko. Hindi ko alam kung bobo lang ba talaga ako o hindi marunong matagalog si Austine. Hindi ko kasi maintindihan ang mga sinasabi niya.

"Sinabi mo rin yan sa akin dati, Austine. Marunong naman akong maglakad eh. Bakit kailangan ko pang gumapang?" Ang nagtataka kong tanong dito.

"Syempre, bakla! Kailangan mong gumapang para maabot ang zip——" Hindi natapos sa pagsasalita si Austine nang dumating si Ian. Nilagyan niya ng mansanas ang bibig ni Austine.

"Baliw! Kung anu-anong tinuturo mo dito." Ang naiiling na sabi ni Ian dito saka kinuha mula sa akin si Nigel. Kinarga niya ito sa mga bisig niya at hinalikan.

"Bakit ba ang harsh mo sa akin, Ian? Crush pa naman kita dati. Buti nalang may reserba akong Nathan." Ang sabi ni Austine na nagpatawa kay Ian.

"Ewan ko sayo." Ang natatawa pa ring sabi ni Ian dito bago niya iniabot si Nigel kay Austine. Inabot pa niya sa akin ang maliliit niyang kamay. Gusto yata ni Nigel na magpakarga sa akin kaso masakit pa ang kamay ko.

"Wag kang masyadong maniwala kay Austine, okay? Nakakalumot ng isip ang bibig n'on." Ang pabulong na sabi ni Ian habang inaakay ako papunta sa kung saan.

Nakakalumot ng isip? Paano mangyayari 'yon? Hindi naman kaya nakakamatay 'yon? Mangkukulam ba si Austine? Wala naman sa mukha niya. Hindi siya mukhang masamang tao.

"Ma, Axel, Roan, Kirby this is Piyo. He's the one who saved me and took care of me while I'm on recovery. He'll be living with me from now on. I hope you won't mind." Ang sabi ni Ian na hindi ko naintindihan. Nahihiya na lang akong ngumite sa kanila.

"M-Magandang araw po sa inyo." Ang kinakaban kong sabi sa kanila.


Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kanila. Parang hindi naman sila masamang tao. Nginitian pa nga nila ako. Pero kahit gan'on ramdam ko pa rin na hindi lang sila kung sinu-sino lang.

Nakangiting lumapit sa akin ang mama ni Ian bago ako mahigpit na niyakap. "Piyo, right?"

"O-Opo." Mama to ni Ian! Niyayakap ako ng mama ni Ian! Hindi siya nagalit sa akin. Hindi niya ako sinabuyan ng tubig. Hindi niya ako minaliit. Hindi naman to panaginip di ba?

"Marami na akong narinig tungkol sa iyo. Maraming salamat, anak. Maraming salamat sa pagsalba at pag-aalaga sa anak ko. Masaya akong makilala ka, Piyo. Bukas itong bahay namin para sa iyo. Huwag ka sanang mahihiya sa amin. Pamilya mo na kami ngayon." Ang malambing na sabi sa akin ng mama ni Ian.

Kinagat ko ang labi ko para sana pigilan ang sarili na maiyak. Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Ngayon lang ulit may tumawag sa aking anak. Hindi ko alam kung karapat-dapat ba akong tawagin ng mama ni Ian ng anak. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong maging parte ng pamilya nila.

"Aw, don't cry. Anong problema? Masakit ba ang kamay mo?" Ang nag-aalalang tanong ng mama ni Ian sa akin.

Umiling ako sa kanya bilang sagot. "Hindi po masakit. O-Okay lang po ba talaga akong maging parte ng pamilya niyo po? Kahit hindi ako marunong mag-ingles po? Hindi rin po ako gaanong nakakaintindi."

"Oo naman! Hindi naman iyon basehan para maging parte ka ng pamilya, anak. Sooner or later, Ian will attach his surname to your first name anyway. There won't be much of a difference." Ang sabi nito na ikinalito ko.

"Po?"

"Ma!" Ang nakasimangot na tawag ni Ian dito. Tumawa lang naman ang mama ni Ian.

"You can call me mama rin, anak, para masanay ka." Aniya na ikinatango ko. Masanay para saan?

"Austine at Roan how about a little celebration for dinner? Ang mga asawa niyo na muna ang pabantayin diyan sa mga chikitings. Gusto kong magluto para i-welcome sila Piyo. Kirby apo, pakitulungan mga tito mo ha? Wala akong tiwala sa kanila." Ang mahabang litanya ni....m-mama sa kanila.

"Napagod ka ba? Gusto mo bang magpahinga muna?" Ang nag-aalalang tanong ni Ian sa akin. Sa halip na sumagot lumapit ako sa kanya at sumandal sa dibdib niya.

"Tenkyu, Ian." Ang malambing kong sabi sa kanya. Gusto ko sana siyang i-kiss kaso nahihiya ako.

"Ma, ipapanhik ko po muna si Piyo sa taas.Babalik na lang kami dito mamaya." Ang paalam ni Ian sa kanila. Ngumite ng kakaiba si Austine sa akin ng magtagpo ang paningin namin.

"Sure, wag niyo lang kalimutang gumamit ng proteksyon if you're not ready yet ha?" Ang sabi ng mama ni Ian sa amin. Nakita kong namula ang mukha ni Ian. Nilalagnat ba si Ian?

"Wag ka rin mahihiya, Piyo. Soundproof ang mga kwarto dito. Sigaw lang ng sig—" Ibinato ni Ian sa direksyon ni Austine ang nadampot niyang unan. Natatawa lang itong iniwasan ni Austine.

"I shouldn't have brought him here. Going home is a mistake." Ang buntong hininga ni Ian habang hinihilot ang ulo niya.

-----------------------------------------------------------

Hi powxzszx! Pasensya na po at nahuli ng update. Nai-stress ako dito kagabi pati sa chapter 14 huhuhu. Ayon lang po. HAHAHAHA. Thank you ol! Stay healthy, keep safe and God bless you all! Mwua mwuah! Ciao!

Tsinelas nga pala ni Piyo HAHAHAHA





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top