13

Alaric Ian Juariz

"Ian? What's wrong? Where are you going?" Ang sunod-sunod na tanong ni Melisa habang nakasunod sa akin.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglabas ng café. I shouldn't have met with her. Hindi ko sana iniwan si Piyo. Hindi ko na sana ito hinayaan pang pumasok. I should have known better. Masyado akong naging kampante.

After knowing Piyo's whereabouts and condition, I was left speechless. Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Everything seems to stopped for a moment. Biglaang na blanko ang utak ko. The noise coming from the childrens and adults were suddenly muted. Tanging boses lang ni Magnus ang paulit-ulit kong naririnig.

"IAN, WAIT! You didn't answer me. Wag ka namang bastos!" I stopped walking at hinarap si Melisa. I wonder how I fell in love with this fucking oportunistic, gold-digging bitch. I wasted too much time for her. 

"Are you seriously going to leave me just like that? Ni hindi ka man lang nagpaalam. I know your still ma—"

"Yes, I am!" I cut her off "Sinong tao ba ang matutuwa kapag hindi ka sinipot ng mapapangasawa mo sa kasal niyo? And now you're asking for my help like you've never hurt me! Tangina. manhid ka ba?!"

"Pero, Ian, in-explain ko naman sa'yo k-kung bakit." Tears pooled in the corner of her eyes. Those misty brown eyes used to be my weakness. They were my kryptonite before, pero hindi na ngayon. Not anymore.

"Just because you told me what happend, maibabalik na kaagad natin ang dati. It's not that easy, Mel. I need to go." I did not wait for her response. Tumalikod na ako at mabilis na sumakay sa sasakyang huminto sa harapan namin.

Pinalabas ko sa driver's seat ang guard at saka pumalit doon. Axel warned them about driving ethics before kaya sigurado akong hindi ito susunod sa akin kapag sinabi kong ilagpas sa speed limit ang takbo ng sasakyan.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa hospital na sinabi sa akin ni Magnus. Pero habang nagdra-drive ako bigla kong naalala na hindi ko nga pala alam kung saan 'yon.

"Shit," ang lutang ng utak ko. Itinigil ko muna sa tabi ang sasakyan at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko ang isang app doon at mabilis na tinipa ang pangalan ng hospital bago muling pinaharurot ang sasakyan.

Dalawang oras ang travel time papunta doon but I arrived in front of the hospital thirty minutes later. It was already dark when we arrived.  Nawawala kasi kami ng daan. Muntik ko na ngang itapon ang cellphone ko dahil sa inis. 

Mabilis akong bumaba ng sasakyan at tinakbo ang entrance ng hospital. Doon ako sinalubong ng duguang Magnus.

"Where is he?" Ang hinihingal kong tanong dito habang naglalakad papunta sa kung saan.

"Nasa loob na po ito ng recovery room." Unti-unting kumalma ang puso ko sa sagot. The tension in my body started to untangle and was immediately replaced with relief.

Dinala niya ako sa isang di mataong lugar malapit lang sa recovery room. As much as I wanted to see him immediately kinakailangan kong sumunod sa patakaran dito sa hospital.

"What in the actual fuck happened?" Ang pagod kong tanong kay Magnus.

Sa halip na sumagot kaagad, ibinigay sa akin ni Magnus ang tatlong litrato. Kunot-noo ko itong tinanggap at isa-isang tiningnan. Una kong napansin ang natutuyong dugo na nanggagaling dito. Sigurado akong dugo ito ni Piyo. Next were the unfamiliar faces of kids and adults. Ang batang si Piyo lang ang nakilala ko dito.

"Sir, ngayon ho ang death anniversary ng mga kababata ni Mr. Magnao. I think this triggered him to commit suicide. We noticed his unusual behavior before and after leaving your residence, so we followed him closely as per your request. After leaving Moobis, nakipag-usap pa ito sa isang Ken Daguman, isang trese-anyos na batang lansangan. Mr. Magnao gave him 9,550 pesos and 50 centavos before leaving. Dumiretso kaagad si Mr.Magnao sa dati nitong bahay. We waited outside the house habang hinihintay itong matapos umiyak. Doon na kami pumasok nang lumabas ang puting pusa ni Mr. Magnao na may bahid ng dugo. We performed immediate treatment after. That's all, sir."

Matapos ang mahaba nitong paliwanag muli kong tiningnan ang hawak-hawak kong mga litrato. Tumigil ako sa isang litratong sa tingin ko ay isang family picture. Piyo was smiling widely pero hindi nakalagpas sa paningin ko ang abnormal na ngiti ng dalawang matatanda. Just from the picture alone, I could tell that they were under the influence of drugs.

"Do you have any update about Phenelope Magnao and Danilo Magnao?" I asked lowly, ready to blow off. Kung nandito lang ang dalawang to baka pinatay ko na kaagad.

Araw-araw mas nagiging bayolente ang pag-iisip ko. I started to imagine more shittier ways to turtore all of this motherfuckers. Kung paano ko sasaktan ang mga taong nanakit kay Piyo. This kind of people makes me lose my humanity and kindness.

Dati ko ng sinasabi, as much as possible I don't want to become like my dad, my grandfathers o kahit mga kapatid ko. I'm a doctor and I should value life. But I realized that life should be given to those who deserves it and so as death.

Never anger the quites and the good ones.

"Phenelope Magnao was reported dead. Danilo Magnao is still in jail though." Ang sagot nito habang nakasandal sa pader at mayroong tinitipa sa cellphone niya.

"How about the people behind those videos? Sigurado akong hindi lang si Danilo ang involved doon. It's unusual for something like this not to blow up."

He stopped tapping his phone screen and looked up to me. "Victorino De Leon, Joey Lopez-Sotto, Ingrid Imperata, Francisco Imperial were the people behind that disgusting crime. Victorina De Leon was a former entertainment actor and host, Joey Sotto was a well-known musician, Ingrid Imperata was a former newspaper Editor-in-Chief, and Francisco Imperial used to be a senator. Francis Imperial at si Danilo Magnao na lang ang buhay."

For now.

Sila ang puno't dulo kung bakit naging ganito ang buhay ni Piyo. Walang ibang pwedeng sisihin sa nangyari kung 'di sila. Walang. Iba.

Pagkatapos ng usapan namin ni Magnus, mabilis dumaan ang mga araw. As soon as Piyo got out of the ICU, I moved him to a safe private room. Tahimik lang ito at palaging nakatulala hanggang ngayon.

Kumakain naman ito ng maayos kapag sinusubuan ko. He's cooperating with me just fine, pati sa mga doctor ay nakikipag-usap naman ito ng maayos. Pero pagkatapos n'on ay wala na. Humihiga lang ito at natutulog kung 'di ay matutulala. I'm not used to this kind of Piyo. Tinatawag niya lang ako 'pag kailangan niyang gumamit ng banyo.

I miss him. I miss my sunshine so fucking bad pero wala akong magagawa. Even if I hate talking a lot, I tried to engage him in conversations but I did not receive any response.

"I-Ian?"

I hummed. "Ano 'yon, sunshine?"

"Ian, bakit hindi mo ako iniwan?" Ang mahinang tanong nito habang nakatuon ang pansin sa kisame.

"Bakit naman kita iiwan?" Ang tanong ko pabalik dito.

"Kasi...kasi..." He gulped. "Kasi ma-mamatay tao a-ako, Ian. B-Baka ipahamak rin kita. Sana hinayan mo na lang ako. Ian, pagod na ako eh, ayaw ko na. Wala akong karapatang mabuhay. Dapat hindi ako nandito." Nakita ko ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata. And it pained me to see him in this state, gusto ko itong ikulong sa mga bisig ko para hindi na siya makawala.

"Piyo, hindi ka mamamatay tao. Hindi ikaw ang may kasalanan. Wala kang kasalanan. Naipit ka lang sa sitwasyon." Humugot ako ng isang malalim na hininga at muli itong hinarap. "Sunshine, karapatan mong mabunay. Mabuhay ka para sa mga kaibigan mo. Mabuhay ka para sa akin. You need to live for me, sunshine. Hindi ko hahayaang mawala ka, Piyo."

I clasped my hands at napayuko. Doon na tuluyanh tumulo ang mga luha ko. The last time I cried like this was at my grandmother's funeral, ni hindi nga ako umiyak n'ong nabigong kasal namin ni Melisa. But Piyo...I don't know what I would do kung mawawala siya. Just thinking about it scared the shit out of me.

Hindi ko namalayang unti-unti na pala nitong nasakop ang sistema ko. He changed my world with his selfless acts, his candy smiles, his hearty laughs, and soft sweet lips. And I don't think someone could be on par with him.

"Kahit mabuhay ako, Ian, paulit-ulit pa rin akong gigisingin ng mga bangungot ko. Pagod na akong gumising ng mag-isa, pagod na akong gumising ng puno ng takot, pagod na ako sa mga nandidiring tingin, at sa mga masasakit na salita. Araw-araw pakiramdam ko, gumigising lang ako para mamatay. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako. Hindi ko alam kung saan ako kakapit, Ian. Kahit gustuhin ko man, walang ni isa ang gusto akong mabuhay. Lahat sila galit sa akin. Lahat sila ayaw sa akin. Lahat sila sinisisi ako. Sinubukan ko namang lumaban eh. Sinubukan ko pero hindi nila ako hinayaan." Malakas itong umiyak sa higaan niya. And I'm just glad he let it out. He had kept it inside him for too long and even if he wanted to let it out, wala itong mapaglalabasan n'on. Because he had no one. "P-pero n'ong dumating ka, Ian, gusto ko ng gumising araw-araw. Kasi wala akong masamang panaginip, kasi hindi ako mag-isa, kasi hindi ka nandidiri  sa akin, hindi mo ako sinabihan ng masamang salita. Nakikinig ka sa akin at hindi mo nilalayuan. Araw-araw gusto kong umuwi kasi gusto kong marinig ang boses mo, Ian. Gusto kong tinatawag mo ako ng sanshay. Gusto ko 'yong niyayakap mo 'ko. Pero...Pero alam kong aalis ka rin kalaunan, Ian. Alam kong babalik ka rin sa dati mong mundo at maiiwan na naman akong mag-isa. Pero hindi ko na kayang bumalik sa buhay na 'yon, Ian. Hindi ko na kaya."

I couldn't describe the pain and loneliness in his voice. He sound so helpless and tired. Hinaplos-haplos ko ang buhok nito at saka hinalikan.

"Piyo, they won't be able to look at you with disgust again because I'll gouge their eyes out. They won't be able to speak bad things against you because I'll cut their tongues for you, sunshine. No one can hurt you again. No one."

Tumingala ito sa akin at binigyan ako ng isang nagtatakang mukha. This is my Piyo. That cute curious face is mine. Mahina akong natawa bago ko pinunasan ang mukha nito ng tissue.

"Ano 'yon, Ian?"

"Ang sabi ko, ikaw ang pinakamagandang anghel na nakita ko. Sobrang dami na ng anghel ni bro sa taas, hindi ba pwedeng dito na lang muna 'yong isa?" I asked with a raised brow and a playful smile.

"Hindi na daw pwede, Ian. Hinihintay na daw siya ng iba pang anghel. Sobrang tagal na niya itong pinaghintay, baka magalit sila." He averted his eyes from me and gave out a small smile.

"But those precious angels will have to wait for a little longer, sunshine. Mas magagalit sila kapag nakipagkita ka ng walang dalang masayang ala-ala. Kailangan mo pang manatili dito ng matagal para marami kang baong kwento sa kanila. Gagawa tayo ng masasayang ala-ala."

I don't care if I sounded desperate and lame. But I'm determined to make Piyo stay. He need to stay. He have to stay.

"Pero may Melissa ka na, Ian."

"Matagal na kaming tapos, Piyo. Oras na para magbukas ng bagong pahina kasama ka." I gulped hard when he looked straight into my eyes.

"T-Totoo?"

"Hmmm. Totoong-totoo. Kaya sumama ka sa akin, Piyo."

He blinked his eyes in confusion. "Sama saan, Ian?"

"Sumama ka sa akin sa mundo ko. Umuwi na tayo."

"P-pwede ba talaga a-akong sumama, I-Ian?" Muli na namang naglandas ang mga luha nito sa mata. "Baka iwan mo lang ako sa ere, Ian. Ayoko ng masaktan. Paano kung mag-asawa ka na? Itataboy niyo lang din naman ako."

"Why would you drive away yourself, sunshine?"

"Ha? Wag ka na mag-ingles, Ian. Hindi ko maintindihan eh." I chuckled when he scrunched up his nose. Tangina, ba't ba ang cute nito?

"Kung itataboy ka nila, ipapakain ko sila kay Daga. Pero kapag hindi ka sumama sa akin si daga ang kakainin ko."

"Grabe ka naman, Ian! Sasama na ako sa'yo. P-Pag itataboy mo ako ipapakain kita kay daga."

That's it, baby. This is my sunshine. Wala ka ng kawala.

"Talaga?"

"'Yong daliri lang pala, Ian."

-----------------------------------------------------------
Hindi ko na kayaaaaaa!! Matutulog na ako!! HAHAHAHA thank you nga po pala kay _xxzsc at aelogy hehe salamat po sa mga itinuro niyo ❤! Ayon lang! Tenkyu ol! Mwuah mwuah! Chup chup! Ciao!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top