11
Warning: This chapter may show sensitive scenes that may trigger suicidal thoughts and tendencies. Kung hindi po kayo komportable na basahin ito, maari niyo po munang i-skip itong chapter. Mas importante po sa akin ang mental health ninyo. Thank you po.
Philip Yoshieke Magnao
Malungkot akong napangiti habang pinagmamasdan ang natutulog na si Ian. Kahit isang buong araw pa kaming magkasama ni Ian, namimiss ko pa rin siya kapag nagkakalayo kami saglit. Gusto ko nalang na tumabi kay Ian buong araw. Kahit wala kaming gawin. Kahit matulog lang kaming dalawa. Sa ganoong paraan, ramdam ko na nasa tabi ko si Ian. Kakapit at yayakap ako sa kanya ng napakahigpit para hindi na siya makawala sa akin.
Palihim kong pinugpog ng halik si Ian sa buong mukha nito. Alam kong hindi siya magigising kasi naghihilik na siya. Kahit saglit lang kami nagkasama ni Ian alam ko na 'unti 'yong mga ugali niya. Hehe.
"Babye, Ian." Bulong ko sa tenga ni Ian bago ko hinalikan ulit ang pisnge niya. Parang ayaw ko na tuloy umalis.
Maingat akong tumayo at naglakad palayo kay Ian. Kailangan ko na kasing pumasok ng trabaho. Pero parang wala na rin namang silbi ang trabaho ko. Wala naman akong paggagamitan d'on sa pera. Ibibigay ko na lang siguro sa mga batang lansangan. Alam ko naman kasing hindi kailangan ni Ian ng pera. Nakita ko sa bag niya, sobrang rami ng pera ni Ian d'on. Kaya hindi ako nagbibigay ng pera kay Ian. Pagkain na lang ang binibigay ko. Hindi niya naman kasi makakain ang pera.
Bago ako umalis, pinakain ko muna ang baboy ko na si porkshap, ang dalawa kong manok na si Alyana at Anna saka ang maliliit na sisiw namin ni Ian. Gusto kong isipin na anak namin sila ni Ian. Hehe. Pero sekret ko lang 'yon. Si Yan-Yan at Yo-Yo ang pangalan nilang dalawa. Ang kyut kyut nilang dalawa parang si Ian.
Tinanggal ko ang pagkakatali ni porkshap at niyakap siya ng mahigpit. Pinaliguan ko na siya kanina kaya sigurado ako maraming gustong mag-alaga sa kanya at mamahalin siya.
"Porkshap, ikaw ang pinakamataba at pinakakyut na baboy na nakilala ko sa balat ng lupa. Dapat hindi ka na matakot kay Daga kasi hindi naman siya kumakain ng matataba. Mahal na mahal kita, Porkshap." Pinugpog ko ng halik ang mukha nito saka siya binitiwan.
Sunod kong pinuntahan ay si Alyana at Anna. Nakuha ko sila sa labas ng skul dati. Bumunot ako tas silang tatlo nila Cardo ang premyo ko. Kulay ping pa sila dati dalawa tas si Cardo asul kasi lalaki siya.
"Hays, kayo rin dalawa 'wag kayong matakot kay Daga. Mabait na ahas si Daga kaya dapat frens kayo. Kapag nagugutom kayo, dito na lang kayo pumunta palagi marami akong nilagay na pagkain niyo dito. Hindi kayo magugutom dalawa." Hindi ko alam kung bobo lang ba ang ibang manok pero si Alyana, Anna at si Cardo marunong makinig sa akin. Sinusunod nila ang sinasabi ko.
Huli kong pinuntahan si Yan-Yan at Yo-Yo. Napatitig ako sa kanilang dalawa habang tumatae sila. Hays, ang bebe pa nilang dalawa. Nilagyan ko na lang ng pagkain ang loob ng kanilang hawla at napag-desisyonan na dalhin sila sa trabaho ko.
Habang papunta sa trabaho ko, hindi ko maiwasang maalala ang usapan ni Ian at Melisa kagabi. Sabi ni Ian na matulog na ako pero hindi ko magawang matulog. Alam kong masama ang makinig ng usapan ng iba pero...pero di ko maiwasang makinig. At sana nga hindi ko nalang ginawa.
"Hello? Mel?" Ano ba 'yan hindi ko marinig ang sinabi ni Ian. Ang hina naman ng boses ng selpon niya.
"Shit ang ingay."
"I-Ian? Naririnig mo na ba ako?" Napanguso ako ng marinig ang boses ni Melisa. Ang ganda ng boses niya. Kaya siguro na-inlab si Ian sa kanya. Nakita ko rin peksyur ni Melisa sobrang ganda niya. Parang anghel. Magandang-maganda talaga siya.
"Y-Yes, w-where are you? Are you okay? Fuck. Ang dami kong gustong sabihin at itanong sa'yo pero hindi ko alam kung saan magsisimula."
"I-I'm fine, Ian. Can we meet tomorrow? Sa dati nating tagpuan sa Baryo namin. M-Maghihintay ako buong araw, Ian. Kahit anong oras ka pa dumating. Sasagutin ko lahat ng magiging tanong mo." Ang pakiusap ni Melisa kay Ian sa kabilang linya.
Kahit alam ko naman ang magiging sagot ni Ian, umaasa pa rin akong tatanggi siya. Kasi alam kong sa oras na sasangayon si Ian dito, babalik na siya kay Melisa. Babalik na si Ian sa dati niyang mundo at iiwan ako dito.
"Sure. But don't wait too early, dadating ako ng tanghali."
"Okay. I-I'm sorry, Ian. I miss you."
Pagkatapos iyong sabihin ni Melisa, hindi na ako nakinig sa kanila. Nagmamadali akong nagtalukbong ng kumot kasi ayaw kong marinig ang sagot ni Ian. Ayaw ko silang marinig dalawa ni Melisa. Ayokong marinig si Ian na mag-aylabyu kay Melisa kasi malulungkot ako ng grabe-grabe at sobra-sobra.
Binati ko lahat ng mga bago kong kasamahan dito sa paspod na pinagtra-trabahuan ko. Natutuwa ako kasi hindi nila ako inaaway. Kahit pansin ko pa rin 'yong iba na ayaw akong lapitan, may iba na nakikipag-usap sa akin.
Nilagay ko muna sa lakirun ang mga sisiw ko bago ako nagpalit ng uniporme at nagsimulang maglinis sa buong pagkainan. Masaya ako kasi wala na sila Bobit at Chino. Saka si ma'am Jai umalis na rin sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit kasi nahihiya akong magtanong sa kanila. Baka barahin lang nila ako.
Matiwasay kong nagawa ang trabaho ngayong araw. Walang nangangaway sa akin at walang namimilit sa akin na gawin ang mga trabaho nila. Kapag may nakikita akong magkasintahang pumapasok sa paspod chain kinakabahan ako kasi baka sila Ian at Melisa ang makita ko.
Kinahapunan, bago ako umalis nilapitan ko muna si Rica. Siya ang bagong manager namin dito. Siya na yata ang pinakamagaling, pinakamaganda at pinakamabait na manager sa lahat. Dati siyang taga-Mindanao tas kakalipat lang nila dito.
"Rica?"
Lumingon ito sa akin at ngumite bago sumagot. "Bakit, Piyo?"
"Ano..D-Di ba sabi mo gusto ng tatay mo ang manok?" Ang nahihiya kong tanong dito habang mahigpit na nakahawak sa hawla nila Yan-Yan.
Tumingin ito saglit sa dala-dala kong hawla kaya itinago ko ito sa likuran ko. Kinakabahan ako. Ayaw kong magalit si Rica sa akin. H-Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya.
"Oo. Ang totoo nga niyan gusto niya ulit magpalaki ng manok. Kaso wala siyang mahanap na sisiw." Ang buntong hininga nito dahilan para magliwanag ang mukha ko.
"T-Talaga?! May sisiw ako! Dalawa!" Exciting kong ipinakita sa kanya ang hawla na pinaglalagyan nila Yan-Yan at Yo-Yo.
May mag-aalaga na sa inyo mga bebe ko! Hindi niyo na kailangan malungkot.
Ngumite siya sa akin ng malaki at tiningnan sila Yan-Yan at Yo-Yo. "Oh my! Ang cute naman nila! Ibibigay mo talaga 'to sa akin?"
"Oo. Saka hindi mo na kailangan problemahin ang pagkain nila. Pwede pakihawakan muna sila, Rica?" Tanong ko dito. Noong tumango siya, iniabot ko ang hawla sa kanya.
Binuksan ko muna ang aking bakpak bago ko ipinakita dito ang isang maliit na sako ng pagkain nila Yan-Yan.
"Medyo mabigat itong bakpak, Rica, pasensya kana. Pero may inilagay akong pera dito. Pamasahe mo sana to at ng bakpak." Ang paliwanag ko sa kanya saka ko muling isinara ang bakpak.
"Mukhang gustong-gusto mo naman itong mga sisiw mo, Piyo, bakit mo 'to ibibigay sa akin?" Ang nagtataka niyang tanong.
Binigyan ko ito siya ng isang maliit na ngiti saka minatahan ang mga sisiw ko. "Hindi ko na kasi sila kayang alagaan. P-Pero mabait silang dalawa, Rica. Kita mo ba yang nakabukas na chub? Marunong sila tumae diyan. Saka hindi rin sila maingay. Mabait talaga silang dalawa saka matalino rin. Hindi kayo magsisisi. Pramis! Pramis talaga!" Itinaas ko pa ang kanan kong kamay para maniwala si Rica sa akin.
"Hahaha! Sige na nga since you're very very cute pagbibigyan kita. Akin na to ha wala ng bawian." Ang natatawa niyang saad.
Napanguso ako nang sinabi niyang walang bawian. Ang totoo ay gusto ko silang bawiin dalawa. Gusto ko silang kunin saka iuwi sa bahay. Pero hindi na pwede. Hindi na maaari. Hindi ko na kaya pang palakihin sila.
"Mmm." Tumango-tango ako sa kanya. "Yan-Yan at Yo-Yo ang pangalan nilang dalawa, Rica. Yong may parang kulay brown si Yo-Yo yan tas yong kulay dilaw si Yan-Yan yon. Sana wag mong baguhin ang pangalan nila." Ang malungkot kong pakiusap sa kanya.
"Promise! Ang ganda kaya ng pangalan nila." Hays. Ang bait talaga ni Rica. Para siyang anghel. Maswerte ako kasi nakilala ko ang isang katulad niya.
Pero nagtataka ako. Ganito rin naman si Ian sa akin. Mabait rin si Ian sa akin at tinuturing akong kaibigan. Pero hindi tumitibok ng mabilis at malakas ang puso ko kay Rica hindi katulad ng kay Ian. Masaya lang akong kausap ito.
"P-Pramis 'yan ah!" Muli kong tiningan ang dalawang sisiw at nakita silang nakatingin sa akin. Na para bang gusto nilang magpakuha ulit sa akin.
Agad kong inilihis ang aking paningin mula sa kanila at pinigilan ang pagdaloy ng mga luha ko. "S-Sige, Rica..babye na." Kumaway ako sa kanya at nagmamadaling naglakad palabas ng lakirum.
Nang makalabas na ako ng paspod chain doon na ako naiyak. Ayaw kong iwan sila Yan-Yan at Yo-Yo. Ayaw kong iwan sila porkshap, sila Alyana at Ana, at ang maliit kong mansyon. Ayaw ko. Gusto kong umuwi. Gusto kong umuwi kay Ian. Pero hindi na pwede. Hindi pwede. Nangako ako. Nangako ako sa kanila. Bawal bawiin ang pangako.
Humugot ako ng hangin at malakas iyong pinakawalan saka ako ngumite ng malaki.
"Aray!" Daing ko ng bigla akong banggaan ng isang mama. Ang sakit!
"Peste! Paharang-harang kasi. Bwiset!" Singhal niya sa akin bago muling naglakad palayo sa akin. Napakagat ako ng labi at napakamot ng ulo. Siya kaya 'yong bumangga sa akin. Ang laki ng daan eh.
Hindi ko nalang 'yon pinansin at muling naglakad palapit sa isang batang may hawak na lata. Marumi ba ang damit nito at maraming galos. Marumi rin ang mukha niya.
"Psst! Kaykay!" Ang masaya kong bati dito saka kumaway.
"Ano 'yon salot? Bakit ka nandito?" Sa halip na magalit sa tawag niya sa akin at sa paraan ng pananalita niya napangiti na lang ako.
Kahit ganito si Kaykay, siya lang ang batang tumulong sa akin noong ninanakawan ako ng mga bata dati.
"Kaykay, marami na akong pera. Sa'yo na 'to ha? Bili ka ng pagkain, saka tsinelas pati na rin laruan na gusto mo. K-Kung mag sobra pa yan pwede mo baunin sa skul, pumasok ka kahit isa o dalawang beses lang. Ibili mo rin ng gamot sa mama mo." Inilagay ko sa lata niya ang halos sampung libong pera. Ito yong sweldo at ipon ko.
"H-Hoy! Ano to?! Bakita andami nito? Nababaliw ka na ba!? Kunin mo to. Hindi ko to kailangan." Sinubukan pa niyang ibigay sa akin ang lata pero mabilis akong tumakbo palayo. Kahit magaspang ang ugali ni Kaykay alam kong may mabuting puso siya. Alam kong gagamitin niya ng maayos ang perang pinaghirapan ko.
Sa halip na dumiretso sa maliit kong mansyon, nag-iba ako ng daan. Daan na aking kinakatakutan. Daan na gusto ko ng kalimutan pero paulit-ulit akong binabangongot. Daan na magdadala sa akin sa dating impyernong aking kinabibilangan.
Tumigil ako sa harap ng isang lumang pintuan. May kaunting bakas pa ito ng
duguang kamay ng bata. Dahan-dahan kong pinihit ang siradora at pumasok sa loob ng madilim at payapang bahay.
Lumapit ako sa dating bintana ng bahay at binuksan iyon. Naglakad ako papalapit sa kabinet at binuksan ang isang sikretong lalagyan. Taon-taon akong dumadalaw dito pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na buksan ulit ang lagayang iyon.
Hinugot ko doon ang isang kutsilyo at mga lumang litrato. Tahimik akong umupo sa kama na may bahid ng natuyong dugo saka ko sinimulang tingnan ang mga litrato.
Sobrang bata ko pa dito. Mga larawan ito noong ika-pitong taong kaarawan ko. May litrato namin ng mama at papa ko. Sobrang...sobrang saya namin. Para kaming totoong pamilya. Sunod kong nakita ay iyong litratong ako lang. Nakangiti ako kahit napuno ng ketsap ang mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang kinain ko dito. Hehe.
Ang paghuling litrato ay larawan ko kasama ang lima pang bata. Nakangiti kami dito lahat at kapwa may nga ketsap sa mukha. Sobrang saya namin. Sobrang saya nila. Sobrang ganda ng mga ngiti nila pero sinira ko ito. Pinutol ko ang kalagiyahan at hinaharap nila. Kaya tama lang na pagbayaran ko lahat ng kasalanan ko. Wala akong karapatang sumaya kasi bawat ngiti ko ay utang ko sa kanila.
Ibinaba ko ang mga litrato at nanginginig ang kamay kong dinampot ang kutsilyo. Biglang nablanko ang utak ko. Parang hinahanda ang sarili ko sa kung ano man ang paparating. Ramdam ko ang panlalamig ng buo kong katawan habang nilalapat ko ang kutsilyo sa aking palapulsuhan. Dahan-dahan at walang pagdadalawang isip kong hiniwa iyon.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Lima.
Limang beses kong paulit-ulit na nilalaslas ang parteng iyon gamit ang matalim na kutsilyo. Pati sa kabila ay ganoon rin ang aking ginawa. Sinigurado kong malalim iyon at nahihiwa ang tamang ugat. Itinuro iyon sa akin dati ng isa kong kasamahan na isang adik at nag-aaral rin para maging isang ganap na nars.
Parang gripong umagas ang sariwang dugo sa magkabila kong braso. Pinagmasdan ko ito saglit at mahinang napahikbi nang maalala ko si Ian. Mamimiss ko si Ian. Mamiss kong yumakap sa kanya. Mamimiss kong kumaway sa kanya pagdating ko sa bahay. Mamimiss ko ang mga halik ni Ian. Mamimiss ko ang lahat-lahat patungkol kay Ian.
Napahiga ako sa kama dahil unti-unti na akong nawawalan ng lakas. Umiikot na rin ang paningin ko. Sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha nang muli ko silang maalala.
"Hah...Rio, Dio, Jekjek, Rayray, Obet. Sori. Sori. Sori sa inyo. S-Susunod na ako. Wag na kayong magagalit sa akin. H-Hindi na ako natatakot."
Mas lalong gumiginaw ang pakiramdam ko. Kahit hindi naman mainit pinagpapawisan pa rin ako. Naririnig ko na rin ang malakas na pagpulso ng aking utak.
"Meow." Minulat ko ang aking paningin at nakita si puti. Dinidilaan nito ang palapulsuhan ko na para pinipigilan ang pag-agos ng dugo mula rito.
Pasensya ka na, Puti.
"Puti? Naalala mo pa ba sila? Tanda mo pa ba ang nangyari dati? Kasi ako tandang-tanda ko pa. Tandang-tanda ko pa ang mga kasalanan ko..."
Unti-unti nang nandidilim ang paningin ko. Unti-unti ko na ring nakikita ang dulo ng lagusan.
-----------------------------------------------------------
Hi guyses! First of all, sana hindi po ito maging dahilan para mag-isip kayo na saktan ang sarili niyo. Kung may mga problema po kayo pwede po kayong makipag-usap sa kaibigan, sa pamilya niyo o kahit sa mga di niyo kilala. Hindi po solusyon sa problema ang pananakit sa sarili. Huwag rin po nating kalimutang kamustahin ang mga kaibigan at kapamilya natin lalo na po ngayong nasa gitna tayo ng crisis.
Hindi ko po ginamit si Piyo para hikayatin kayong saktan ang sarili niyo. Necessary lang po kasi para sa character niya. Sana maintindihan niyo po. Hehe.
Pasensya na rin po kung may mga inaccuracy diyan. Isang quick research lang ho ang ginawa ko about suicidal character at thank God! May mga website na in-explain ang mga gusto kong malaman about sa kanila.
Ayon lang po! Thank you po. God bless you all and stay safe po kayo. Stay healthy na rin. ❤ Ciao!✨😎
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top