10

Alaric Ian Juariz

"Anong gusto mong gawin dito, Ric? Are you going to kill him or what?" Tanong ni Axel sa akin.

Prente itong nakaupo sa isang upuan dito sa bodega at nakatingin sa nakabitay na lalaki. Naliligo na ito sa sariling pawis at dugo. Puno ang katawan nito ng mga latay.

Hindi ko muna siya sinagot at naglakad palapit sa taong nakabitay. His arms were raised and were tied above his head and his eyes were blindfolded. Malalim ang paghinga nito at halatang nasasaktan sa mga tinamong bugbog at palo.

"S-Sino ka?! Pakawalan mo ako dito! Ptngna mo! H-Hayop ka! Demonyo!" Ang malakas niyang sigaw sa mukha ko. Naramdaman siguro nito ang presensya ko. 

"Chill! Hahaha! Gusto ko lang makipagkilala. Kapitan Ernesto Baldoza? Tama po ba ako?" Sinenyasan ko ang isang tauhan ni Axel na ibigay sa akin ang maliit na balde na may lamang pinaghalong tunaw na asin at tubig.

"Uminom muna kayo ng tubig para malamigan iyang ulo niyo." I poured the pail on his head until his pained screams echoed inside the place. Damn, I don't want to sound creepy, but it'd very pleasing to hear.

It's pleasing to hear him suffer compared to Piyo's whimpers and cries every night.

"M-Maawa k-kayo sa akin! Maawa kayo! A-Ano bang ginawa k-ko sa inyo?!"

Awa?! Nakakatawang pakinggan ang panlilimos niya ng awa sa akin, ni hindi nga siya naawa kay Piyo noong muntikan na niya itong gahasain at patayin. Putangina niya.

"Sa akin wala pero sa taong importante sa akin meron. Hindi ako bayolenteng tao. Believe me, violence is the last thing on my mind. But you don't hurt people that are important to me, Baldoza. Naiintindihan mo ba? Masama kaming galitin." My voice is dead and dangerous. Gusto kong matakot siya sa akin. Gusto kong triplehin ang takot na naramdaman ni Piyo sa kanya.

He was shaking. That's it. Fear me.

"W-Wala akong sinaktan k-kahit kanino! S-sino ba 'yang kaibigan m-mo?! N-nagkakamali ka lang! Nagkakamali lang siya! Maawa ka pakawalan niyo na ako dito." He pleaded while crying. Tsk. Weak. "P-pwede natin 'to pag-usapan ng masinsinan, ha? H-hindi k-kailangan umabot ng ganito! K-kapag nalaman 'to ng k-kapatid ng asawa ko s-sisiguraduhing n'on na m-makukulong kayo! Kaya pakawalan niyo na ako dito! PAKAWALAN NIYO AKO!"

Mahina akong natawa sa pananakot niya. He's obviously facing death pero nagawa pa nitong manakot sa akin. He should be begging and pleading for his life. He did beg and plead pero may kasama naman itong pagbabanta. Mukhang tuluyan na nga itong nasiraan ng bait.

"Pakawalan? Fuck you! Piyo suffered shits because of you! Papakawalan kita sa lungga ni Satanas!" Sigaw ko dito. Mahina akong tumawa bago ito binigyan ng isang masamang tingin. "Kilala mo siya 'di ba? Muntik mo na siyang gahasain sa may sapa. Hindi lang 'yon gago ka, pinagbabaril mo pa siya sa harap ng bahay niyo. You fucking psycho! Nagpakalat ka pa ng malalaswang kasinungalingan tungkol kay Piyo para lang kamuhian siya ng mga tao sa baryo niyo. Ikaw ang dahilan kung bakit naging impyerno ang buhay niya!"

Dahil sa tindi ng galit na nararamdaman ko malakas ko itong sinapak sa mukha. Nahulog mula sa bibig niya ang dalawang ngipin. Mukhang matindi nga talaga ang pagkakasuntok ko.

"Ha...Haha...HAHAHAHAHA!" Halos maiyak na ito sa tindi ng pagtawa niya. "AKO? PUTANGINA! ANG BAKLANG 'YON ANG SUMIRA SA SARILI NIYANG BUHAY! PINATAY NIYA ANG ANAK NI BARON KAYA NAGKAGANYAN ANG BUHAY NIYA! INUTUSAN LANG AKO NI BARON NA IPAGHIGANTI ANG ANAK NIYA AT ANG MGA BATANG PINATAY NG BAKLANG 'YON. HINDI LANG ISA, LIMANG BATA ANG DINALA NIYA KAY KAMATAYAN! NAIINTINDIHAN MO BA?! DEMONYO ANG BAKLANG YAN! ANAK NI SATAN—AHH!"

Muli ko itong binuhusan ng asin. Pati ang kanyang bibig ay nilagyan ko rin. His mouth is too dirty that he could no longer speak honestly.

Because I was curious of Piyo, I asked Derick to gather all surface information about him. I am aware that I am invading his privacy but I don't think Piyo will ever tell me anything about him. I asked Derick to investigate Piyo because I want to understand him. Piyo is a walking mystery, a puzzle that needs some cheating for me to solve.

For years Piyo has been mistreated dahil sa maling balita. Piyo was shunned because they didn't try to understand his case. They are punishing him for a crime he was also a victim of. Piyo didn't deserve all of that. That kid deserves better. He deserves a better life than this. He shouldn't be suffering to this extent.

"Death by a thousand cuts. Pamilyar ka ba n'on? Hindi ba't itinuro 'yon ni papa sa inyo ni Jonas at Francis?" Nilingon ko si Axel na busy kakatipa sa kanyang telepono. He looked up to me with a blank face and nod.

"Milbran, you heard him. After cutting his flesh, you can melt his body inside the drum. May laman iyong kemikal. Iyong buhok, ngipin at kuko ibaon niyo sa sementeryo malapit dito. May hukay ng ginawa si Albert, magpaturo kayo. Ian will transfer the money tomorrow." Utos nito sa lalaking naka-itim at malaki ang ngiti sa mukha. Kahit saang anggulo mo ito tingnan, walang bakas ng mamamatay tao sa mukha nito.

"A-ANONG G-GAGAWIN NINYO?! MAAWA KAYO! MAY MGA ANAK AKO! MAY MGA ANAK AKO MAAWA KAYO SA AKIN WAG NIYO AKONG PATAYIN! MAAWA KAYO!" Malakas niyang sigaw habang pilit kumakawala sa pagkakatali. If he didn't try to rape Piyo we wouldn't be in this situation.

Isang malaking ngiti ang iginawad ko sa kanya matapos matanggal ang piring sa kanyang mga mata. There was nothing but fear in his eyes as our eyes met. Nag-uunahang tumulo ang mga luha nito habang sumisigaw.

"MAAWA KA! PAKIUSAP. H-HINDI KO NA UULITIN! MAAWA KA! AYOKO PANG MAMATAY!"

"Pakibuka nga ng bibig nito at pakilabas ng dila. May titingnan lang ako." Ang utos ko sa isang tauhan ni Axel.

I am not as cruel as Jonas, Axel or Francis. When I take someone else's life I do it quick and painless. I give them chances. Three strikes and you're gone. I was never a fan of torture. But all this people making Piyo's life hell is making me a demon.

Piyo is waking up something inside me. Piyo is waking up something dangerous inside me.

Lumapit si Axel sa pwesto ko at iniabot ang kutsilyo at gloves sa akin.

"You sure about this? Kaya naman iyan ni Milbran. You don't have to do this if you're uncomfortable." Si Axel ang nagturo sa akin tungkol sa lugar na ito noong nagtanong ako sa kanya kung saan ko pwedeng pahirapan ang hayop na Baldoza. Ito rin ang sumundo sa akin at nagdala dito kaninang pag-alis ni Piyo.

"Dude, chill." Ngumise ako dito bago hinarap si Baldoza. Napatawa pa ako ng makitang naihi na ito sa takot.

"Ah..AHHHHH!" Dahan-dahan at walang pag-aalinlangan kong hiniwa ang dila nito. The vivid image of my father cutting his enemies' tongue popped in my mind. I think I'm doing the right thing.

Sa mundo namin, kinakailangan naming matutong kumitil ng buhay para maprotektahan ang mga taong importante sa amin.

Philip Yoshieke Magnao

Nagmamadali akong pumasok ng bahay ng hindi ko madatnan si Ian sa may bintana. Tuwing uuwi ako palaging nandoon lang si Ian pero ngayon wala siya.

Bakit wala si Ian? Iniwan na ba niya ako? Pero hindi siya nagpaalam sa akin.

Pinuntahan ko ang kwarto namin pero wala pa din doon si Ian. Dumungaw ako sa bintana at nakitang...wala pala akong makita kasi madilim. Walang ilaw iyong likuran.

"Sunshine." Lumingon ako sa likuran ko at nakita ang gwapong mukha ni Ian.

"Ian!" Mabilis akong lumapit sa kanya at dinambahan siya ng yakap. Napaupo tuloy kami sa lapag. Kumandong ako sa kanya at isiniksik ang mukha ko sa kanyang leeg.

Grabe ang bango talaga ni Ian! "Ian, ang tigas ng masel mo!" Ang mangha kong sabi habang hinimas-himas ang mga pandesal niya sa tiyan.

Nakatapis lang din si Ian, mukhang bago lang ito natapos maligo. Tinawanan lang ako ni Ian at hinalikan sa noo.

"Kamusta ang araw mo?" Ang tanong ni Ian sa akin habang nakapulopot ang kanyang braso sa katawan ko. Gustong-gusto ko talaga kapag niyayakap ako ni Ian. Nakakaramdam ako ng init.

"Masaya! Nakuha ko na ang sweldo ko, Ian. Nagulat ako kasi may anim na isang libo sa sweldo ko. Ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera, Ian. Tapos binilhan rin kita ng prayd sheken." Ang natutuwa kong pagkwe-kwento dito. Akala ko nagbibiro lang si ma'am ng ibigay niya sa akin ang sweldo ko. Sabi niya totoo daw 'yon. Muntik pa akong umiyak kanina sa tuwa. Mabibilhan ko na si Ian ng gusto niya.

"Thank you, sunshine. Magpapalit lang ako ng damit saka tayo kakain." Alam kong gusto ng tumayo ni Ian pero...

"Anong problema?" Ang nagtatakang tanong ni Ian sa akin.

"Ian..A-ayaw ko ng t-tenkyu, Ian." Ang nahihiya kong sabi dito. Ayaw ko ng tenkyu. Gusto ko sanang i-kiss si Ian sa labi kahit hindi kami magkasintahan at may papakasalan na si Ian. Alam kong mali pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.

"Ano bang gusto mo?"

"Kiss."

"Kiss?" Hindi ko siya magawang tingalain. Nanatili lang akong nakasiksik sa kanyang leeg.

"Hm." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ian pagkarinig niya sa sagot ko. Hindi naman ako nagbibiro eh! Gusto ko talagang i-kiss si Ian, kanina ko pa 'yon iniisip.

"Paano kita hahalikan kung nakayuko ka?" Tanong niya dahilan para mapatingala ako dito na nakanguso.

"Okay lang kita i-kiss, Ian?" Tanong ko sa kanya pabalik.

Hindi sumagot si Ian at sa halip ay yumuko at idinampi ang labi niya sa akin. Iginalaw ni Ian ang labi niya pero walang dila. Banayad lang 'yong halik ni Ian pero masarap pa rin!

Lumayo ako sa kanya saglit. "Ian, gusto ko 'yong may dila." Inilabas ko ang dila ko at ipinakita 'yon sa kanya.

Mukhang nagulat si Ian sa sinabi ko kasi lumaki ang mata niya. Ang kyut ni Ian! Napakamot ako sa noo ko at ngumite dito. Baka hindi komportable si Ian na mag-kiss na may dila.

"Okay lang, Ian. Kiniss mo pa rin naman ako. Kain na tayo." Akmang tatayo na sana ako mula sa kandungan ni Ian nang hilahin niya ako pabalik. Muli akong napaupo sa kandungan niya.

"Sigurado ka ba?" Ang tanong ni Ian sa seryosong boses. Mariin rin itong nakatitig sa mga mata ko. Para akong hinihipnotismo ng mga mata niya.

Kagat-labi akong tumango at yumakap sa leeg ni Ian. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinagdikit ang mga noo namin. "Sigurado, Ian."

"Okay..." Aniya at muling inangkin ang mga labi ko. Pagkalapat ng labi ni Ian ay siya namang pagpikit ng mga mata ko. Katulad noong una banayad lang ang unang mga halik ni Ian.  Bahagya kong ibinuka ang mga labi ko para papasukin ang dila ni Ian. Gusto ko na ulit matikman iyong matamis sa dila niya. Banayad niyang niyang sinipsip ang ibabang labi ko at dinilaan iyon bago tuluyang ipinasok sa aking bibig ang mga dila niya.

"Mmmm.." Ungol ko at napasabunot sa buhok ni Ian ng masahiin niya ang dila ko. Ang tamis talaga ng labi ni Ian. Parang kendi. Hindi, mas masarap pa 'to sa kendi. Gusto ko pa.

Nakikipagpalitan na ako ng laway kay Ian. Para ring may kung anong bumubukol sa upuan ko. Dinakip ko dila ni Ian at sinipsip iyon.

Pareho kaming napaungot ni Ian ng tumunog ang selpon niya. Noong una binalewala lang namin iyon at nagpatuloy sa paghahalikan pero muli itong tumunog.

"Ian..ha..may tumatawag." Ang habol hininga kong sabi dito.

"Mm.." Napatingin ako doon sa selpon niya at binasa ang nakatatak sa skren. Kahit bobo ako marunong namab ako magbasa.

Me.li.sa.

Melisa? Bakit pamilyar ang pangalan niya? Ah, iyon 'yong pangalan ng mapapangasawa ni Ian.

Aalis na si Ian.

-----------------------------------------------------------

Ayan! Hahaha may idea na po kayo sa layp ni Piyo. Yieksss! Hahaha sana wag kayong maturn op kay Ian hahaha lablab ko yan eh. Ayon lang! Tenkyu ol! Mwuah mwuah! Chup chup! Ciao!






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top