1
Magkasalubong ang kilay ni Ian habang binabaybay ang daan patungo sa Bario Esmeralda. Kahit na tinakbuhan siya ni Melisa sa kanilang kasal ay determinado pa rin siyang mahanap ito at itanong kung ano pa ang kulang sa kanya.
Hindi niya matanto kung bakit umayaw si Melisa sa kasal nila. He gave her everything. Isinakaturapan niya lahat ng mga pangarap at luho nito. He spoiled her to the point of almost giving up his position as the CEO of Rillieto Juariz Memorial Medical Center. She asked for a simple life in the mountains and he was ready to stay with her even if that means losing his other dream.
He can give up everything for that girl pero hindi siya sinipot nito sa kanilang kasal kaninang umaga. His friends and family gave him sad glances and shoulder pats but he just stood there shock and broken. Mabuti na nga lang at hiniling niya sa kanyang mga magulang ang isang private wedding kaya walang media ang nandoon. His pride, his heart and his dream were shattered all at once but he chose to remain positive. Baka may dahilan ito kung bakit hindi siya nakasipot. He badly wants to hear her reasons kaya nga pupuntahan niya ito ngayon sa probinsya niya.
Suot-suot pa niya ang puting Canali tuxedo na para sana sa kasal niya. Matapos niyang makarecover kaunti sa gulat ay mabilis siyang umalis sa lugar na 'yon. He wanted to get away from there in find his fiancee.
Napatingin siya sa paulit-ulit na nagri-ring niyang telepono at napagdesisyonang sagutin iyon. He connected it first to his car's speaker and swiped it green.
Bumungad kaagad sa tenga niya ang boses ng kapatid niyang si Jonas.
"Ian, where are you? Kanina pa nag-aalala si mama." Kahit malamig ang boses nito may bahid pa rin itong pag-aalala.
"I'm fine, Kuya. Hahanapin ko muna si Melisa. I want to ask her why she did that." Ang pagod nitong sagot dito.
"Nagdala ka ba ng mga bodyguard?"
"No. But I know nakabuntot na sa akin si Revo. He's enough to keep me safe. Kaya ko rin namang protektahan ang sarili ko." Sagot niya dito. He watched Revo from his side view mirror following him from behind riding on his black Ducati bike.
"Just call us kung nak—" Hindi na niya narinig ang sunod na sinabi ni Jonas dahil may biglang nag overtake na dalawang motor sa bawat gilid niya. Pinaputukan kaagad ng dalawa ang bawat gilid niya mabuti na lang at gawa sa ballistic glass-clad ang mga bintana ng sasakyan.
Nakita pa niya mula sa side mirror ang pagtapon ni Revo sa gilid ng daan. Hindi siya gaanong nabahala dahil alam niyang mau makakatagpo dito. Noong tumabi kasi siya kanina para sana magpahinga nakita niyang may mga kalat-kalat na kabahayan sa ibaba. Padausdos rin ang daanan doon.
Tumigil ang dalawang motor sa harapan niya ngunit hindi siya tumigi at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan. Patuloy pa rin sila sa pagpapaputok sa kanya. Dumagdag na rin ang apat na nakasunod na motor. Ito ang nagtulungan para barilin si Revo. May lumusot na bala sa harapan niya at tinamaan siya sa balikat pero patuloy pa rin ito sa pagda-drive. Parang hindi ito natamaan ng bala. He turned right at binangga ang isa sa dalawang bumaril sa kanya.
Dire-diretso lang ang sasakyan niya pababa. Nawalan na rin ito ng break. Napapamura na lang siya hanggang sa bumangga ang sasakyan sa malaking kahoy.
Philip Yoshieke Magnao
Pasipol-sipol pa ako habang binabaybay ang mabato at masukal na daan papunta sa aking mumunting mansyon ng madaanan ko ang isang umuusok na itim na sasakyan. Natupi pa ang harapan nito dahil sa pagkakabangga sa malaking puno ng balete.
"Holi shet!" Hiyaw ko at akmang tatakbo na sana paalis sa lugar na 'yon. Natatakot akong lumapit baka kasi may makakita sa akin at pagbintangan ako. Napaka dodgemental pa naman ng mga tao dito sa amin.
"Fuxk...h-help..h-help...m-me.." Ang narinig kong nahihirapang sabi ng boses mula sa loob ng sasakyan. Napatuod na lang ako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa sasakyan.
Bobo ako sa ingles pero kahit papaano'y naiintindihan ko naman ang sinasabi niya.
Bumukas ang pintuan ng sasakyan at iniluwa doon ang kalahati ng katawan ng isang lalaki. Naliligo ito sa sarili niyang dugo. Sinubukan siguro nitong makalabas pero hindi na niya kinaya.
Dahil sa awa at taranta, nilapitan ko ito at hinila palabas. Nahirapan pa ako dahil doble yata ang laki nito sa akin.
"Oh shet masels." bulong ko ng mahawakan siya sa may bandang tiyan.
Kinuha ko muna ang mga gamit nito sa loob ng sasakyan katulad ng isang maliit na bag at selpon bago siya pinaakbay at inakay papunta sa maliit kong mansyon. Hindi ko alam kung paano ko siya nabitbit papunta sa aking munting mansyon, ang iniisip ko lang ay ang matulungan at mabuhay siya. Ito siguro ang tinatawag nilang angenaline crush—hindi, andrealine rust yata 'yon. Basta! 'Yong bigla ka nalang napapalakas sa labis na emosyon.
Pagod na inihiga ko siya sa aking banig at pagkatapos ay napasalampak sa sahig na gawa sa bamboo tree. Hindi ako nagtagal doon at bumalik ulit sa pagtayo, lumabas ako ng bahay at pumunta sa likod ng aking mansyon kung saan naka-imbak ang tubig na iniigib ko galing sa smol riber aka sapa.
Naglagay ako ng tubig sa aking maliit na planggana at kumuha ng tuwalya mula sa isinampay ko kaninang umaga. Nagmamadaling binalikan ko ang lalaki para malinisan at magamot.
Una kong tinanggal ang pang-itaas niyang suot na punong-puno ng dugo. Puting puti pa naman ito kaya halatang-halata talaga ang dugo.
"Andami naman niyang suot. Eh ang init-init dito sa Pilipinas." Bulong ko habang tinatanggal ang panghuling parte ng damit niya. Dadalo siguro ito ng prom, sobrang japorms eh.
Gusto ko pa sanang himasin ang abs niya para sana pampalakas loob pero mukhang malapit na talaga siyang mamatay kaya binilisan ko ang galaw ko. Hindi ko na tinanggal ang pang-ibaba niyang sapin. Ginamot ko muna ang mga sagot niya, lalong-lalo na ang tama niya sa braso.
May bala pa ito pero hindi naman ganun kalalim. Gusto ko sana siyang itakbo sa ospital pero sobrang layo ng ospital dito. Gumagabi na rin. Ang mga kapit-bahay ko ay napakalayo rin at sigurado akong hindi nila ako papansinin at seseryosohin. Hindi rin ako makakatawag ng ambulansa dahil wala naman akong selpon.
Napakagat ako ng labi at napa dasal sa diyos. Nilinis ko muna ito gamit ang alcohol. Kumuha ako ng yelo mula sa aking sekan hand na ref at nilapatan muna ang sugat niya para mamanhid ito at hindi masaktan kapag kinuha ko na ang bala. Ininit ko muna ang maliit kong kutsilyo bago sinimulang kunin ang bala.
Tagaktag ang pawis at pigil ang hininga ko habang hinihigit ang bala mula sa kanyang kantawan. Isinara ko ang sugat nito gamit ang napakainit na kutsilyo
Bro, tulungan niyo po ako. Ayokong makapatay ng tao. Sobrang pangit libingan ang lupa namin rito. Sobrang sama na rin po ng imij ko sa aking mga kapit-bahay.
Dasal ko sa aking isip habang binebendahan ang sugat niya. Maigi kong nilinisan ang iba pa niyang sugat bago ko ito pinasuot ng damit na hinalukay ko pa sa aking antik kloset at kinumutan. Napabagsak ako sa tabi niya dahil sa nararamdamang pagod. Pakiramdam ko ay naubos lahat ng enerhiya ko sa katawan.
Napatitig ako sa mukha nito habang nakatagilid. Hindi ko maiwasang pamulahan habang nakatitig sa mukha niya. Huta kasi mga ma'am, ser ang gwapo-gwapo ng lalaking ito. Huling kita ko ng lalaking ganito kagwapo ay doon sa pornhub na pinapanood ng mga katrabaho ko sa isang paspod chain sa bayan.
"Kuya, ang gwapo-gwapo mo naman. Pwedi bang tumikim ng saging mo? Pa thank you lang po." Mahina kong sabi habang nilalandas ng hintuturo ko ang matangos niyang ilong at mapupulang labi. Sana ols poreless skin.
Naramdaman ko ang init na nanggagaling sa kanyang katawan. Hindi ko alam pero parang pinapakalma nito ang puso ko na patuloy pa rin sa malakas na pagpintig. Simula pagkabata ko wala pa akong nakakatabi. Ngayon lang. Ngayon ko lang naramdaman ang init na nanggagaling mula sa ibang tao.
Isiniksik ko pa lalo ang katawan ko dito at pumikit. Kumapit pa ako sa namumutok sa masel niyang braso. Hibin!
Alaric Ian Juariz
As soon as I wake up, I was met with a blinding light. Napapikit pa ako dahil dito. Hindi ko naman maiwasang mapaungol dahil sa sakit ng katawan ko. Para ring may mabigat na nakadagan sa akin.
Sinubukan kong igalaw ang braso ko na hindi tinamaan ng bala pero hindi ko ito maigalaw dahil may nakakapit dito. Wala akong choice kung hindi igalaw ang braso ko na tinamaan at iyon ang isinangga sa sinag ng araw. Masakit pa rin ito pero hindi katulad kahapon. May nakita rin akong bala sa isang sulok ng kwarto na sa tingin ko ay galing sa aking braso. Tinanggal ko muna ang kamay na nakapulopot sa akin at umayos ng upo.
Tiningnan ko ang lalaki na himbing na himbing na natutulog. Ipinulupot pa nga nito ulit ang kamay niya sa bewang ko. May bahit pa ng dugo ang noo at kamay nito. Mukhang puyat na puyat rin ito.
Hindi ito kaputian pero hindi naman din naman sobrang itim. Katamtaman lang ang kulay niya. His eyelashes are pretty long and his parted lips were tainted red. Kung hindi ko lang naramdaman ang dibdib niya ay baka akalain kong babae ito. What horrified me is how skinny he is. Hindi ganoon kahalata sa mukha niya pero halos buto na ang kamay na nakayakap sa akin.
His eyes fluttered open and look up. Nagulat ako ng bigla siyang ngumise sa akin.
"Good morning!" Ang masigla niyang bati at bumangon.
"Good morning. Where am I? Who are you" Tanong ko dito sa malamig na boses. I can never bring my guard down again after yesterday's encounter.
Nakatayo na ito sa harap ko. kinusot- kusot pa nito ang kanyang mata at humikab.
"Wer amay...wer amay...diba nasaan 'yon? Tapos ho aryu....ewan mag tagalog ka nalang." Sabi nito at napakamot pa sa noo which I find really cute.
Wait, what?
Tumikhim ako. "Tinatanong ko kung nasaan ako at sino ka."
"Ahh..marunong ka naman pala magtagalog. Nandito ka sa landch erya papuntang langit. Ako naman ay isang anghel." Pagpapakilala nito sa sarili. Sobrang lapad pa ng kanyang ngiti.
"That's lounge area." Pagtatama ko dito.
"Ah basta! 'Yong witing erya 'yon na 'yon." Anito. Sobrang confident pa ng mukha niya hindi ko tuloy maiwasang lihim na matawa.
"That's waiting area."
Bumagsak ang ngiti niya sa labi.
"Alam mo, tang ina mo." He hissed and walked out from the room.
-----------------------------------------------------------
Hi guysesss!!! Heto naaa!! Ang pang-apat na kwento ng Juariz Bachelors. This will be verg different from the second and third installment but slightly close with Austine's story. So...ayon ngaaa hahahaha sana ma enjoy niyo rin ito kagaya ng iba kung naunang kwento hehe. Thank you po! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top