Special Chapter
Warning: This is not connected to the current flow of each stories. The characters and their relationship to their respective partners is still the same but this has nothing to do with the original stories. Ay char! Mukhang meron pala. Ay ambot hahaha! Basta ui! Parang AU—Another Universe or Alternate Universe ata meaning nun. HAHAHA! Basta. Ewan. Try try lang to wag na kayong mag-expect.
'Wag po sana kayong mag expect na sa original story ay magkakatuluyan si Austine at Nathan, si Denisse at Jonas, si Axel at Roan o si Piyo at Ian. Wala pa hong kasiguraduhan ang papatunguhan ng mga lovelife nila. Pampalubag loob ko lang ito sa inyo.
Arats! Here we go mah bebes!
-----------------------------------------------------------
Denisse Gonzales
"Denisse, c'mon!" Narinig kong sigaw ni Jonas sa baba. Nandito kasil kami ngayon sa isang resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Jonas. Gusto raw kasi makasama nila mama ang mga anak at apo nila bago sila pumunta ng Canada para sa isang conference.
"Sandali!" Sigaw ko pabalik at patuloy na isinuot ang rash guard ko. Dinampot ko muna sa kama ang isang puting sumbrero bago lumabas sa aming kwarto. Pagbaba ko sa may sala, sila Austine, Roan, at Piyo ang nadatnan ko.
"Guys? Si Jonas at ang mga bata?" Tanonf ko sa kanila paglapit ko.
"Hi Den, nauna na ang boylet at mga chikitings mo." Sagot sa akin ni Austine.
"May iba pa ba tayong hinihintay?" Tanong ko dito.
"Si Lovely. Hindi pa kasi bumababa." Sagot ni Roan na busy kakatype sa laptop niya.
"Nandito na ako! Sorry guys, pinadede ko pa si baby." Bumaba si Lovely na karga-karga ang anak niyang si Louie. Kahapon lang kami nagkakilala nito pero ang bilis kaagad naming nagkasundo.
"Okay, lang. Tayo na?" Pag-aaya ko sa kanila.
"Tayo na po! I'm so exciting, Austine!" Ang masiglang sagot ni Piyo habang niyuyuyogyog ang balikat ni Austine.
"Na-typo ka, bakla! Excited 'yon, gaga. Hahaha! Take two please." biro ni Austine dito na ikinasimangot ni Piyo.
"Maligo nalang tayo, Austine. Roan, lika na!"
Itiniklop ni Roan ang kanyang laptop at ipinatong sa coffee table. Ngumite ito sa amin at naginat.
"Let's go. Lovely, pwedeng kumarga kay baby?" Tanong ni Roan dito habang nilalakbay namin ang daan papunta sa infinity pool.
"Sure ka, Roan? Okay lang? Mabigat pa naman ang batang 'to." Alanganing tanong ni Lovely dito.
"Okay lang, gusto ko...gusto ko kasing matuto kong paano humawak ng baby." Ang nahihiyang sagot nito.
"Aysus! Gusto ng matuto kasi naka three points ang jowa. Sana oils pina three points!" kantyaw ni Austine dito na naging dahilan para makatanggap ng isang batok mula kay Lovely.
"Ang brutal mo, bakla! Pero seryoso, girl. Kung gusto mong matuto may experience mother nature naman tayo dito. Den, nasa iyo ang korona." Umakto pa si Austine na naglalagay sa ulo ko ng korona. Hindi ko tuloy maiwasang malakas na mapatawa.
"Baliw! Tinuruan lang din naman ako ng papa ko. Kung gusto mo, Roan dumaan ka nalang sa bahay kapag day off mo. May mga books ako doon." Sabi ko dito habang tinatanaw ang kids section ng infinity pool. Wala naman doon sila Janisse at Jaiden.
"Kasama daw nila mama at papa ang mga bata. Nagtext si Axel sa akin." Sabi sa akin ni Roan ng mapansin ang pagka-aligaga ko.
"Ayon sila Kuya! KUYA KONG MAY NUNAL SA PWET HI!" Napalingon ang mga tao sa direksyon namin dahil sa lakas ng sigaw ni Austine.
"IAN!! HI!!" Ang malakas ring sigaw ni Piyo at kumaway-kaway pa talaga. Napatampal nalang kaming tatlo ni Roan sa kalokohan ng dalawa. Mukhang hindi nila kami napansin at narinig dahil hindi namn sila lumingon sa direksyon namin. Busy lang ito sa pag-inom.
We were about to approach the five of them ng maunahan kami ng limang babae. Para itong mga modelo dahil sa ganda ng hubog ng katawan. Matataas rin ito at nakasuot pa ng two peice swimsuit. Mukhang hindi yata nila kami napansin dahil patuloy pa rin sila sa pag-uusap lima. Natatabunan rin kami ng mga babae dahil hindi naman kami ganoon ka taas.
"Hi! I'm Beatrice De Leon, do you remember me? Isa ako sa lawyer na nag t-train sa firm ninyo. My Dad is a close friend of your Dad, Benedict De Leon.Do you mind if we join you?" Tanong nito. Her voice doesn't sound like seducing someone, parang chill lang ito at nakikipag kaibigan.
"No, it's alright. Come, join us. Bro usog kayo. Give space to the ladies naman." Ang utos ni Francis sa mga kuya niya. Akala ko ay tatanggi sila dahil alam naman nilang ilang oras lang ay pupunta na kami dito.
"Wow! Nag give space nga. Mamaya lang yan sa akin." Ang hindi makapaniwalang sabi ni Lovely habang masamang nakatingin sa asawa.
"Aysus, Do you mind- do you mind. Arte-arte gusto lang maka score." Narinig kong bulong ni Austine sabay irap sa pwesto nila.
"Dito na lang tayo maligo. Mukhang busy pa sila kaka entertain. " Ang tinutukoy nito ay ang pool na malapit sa inuupuan nila Jonas.
"May mga dala ba kayong sumbrero?" Tanong sa amin ni Austine suot-suot ang malaking pink na floffy hat. Lahat kami ay tumango.
"Isuot niya na yan baka kasi magkainitan—I mean baka kasi mainitan kayo." Aniya at sumulong na sa pool. Gaya ng sinabi niya sinuot nga namin ang mga dala-dala naming sumbrero.
"Tine, hindi ba natin sila pupuntahan?" Ang nag-aalalang tanong ko.
"Pupuntahan? 'Wag hayaan mo yang mga yan. Tingnan natin kung saan aabot ang landi nila." Ang inis nitong sabi at nagtungo papunta sa gilid ng pool malapit kina Nathan.
Sumunod kami ni Piyo na tahimik lang sa tabi ko. "Okay ka lang, Piyo?" Ang nag-aalalang tanong ko.
Ngumite ito sa akin at tumango. "Okay lang, kuya." Aniya at nagtungo papunta sa gilid ng pool.
"Roan, akin na muna si baby habang pababa kayo." Sabi ko kay Roan ng pababa na sana sa pool. Baka kasi madisgrasya sila. Hindi naman ganoon kalalim ang pool, hanggang dibdib ko lang ang pinakamalalim at bewang naman sa pinakagilid. "Okay lang ba sayo?" Tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.
Inabot niya sa akin ang aliw na aliw sa paligid na si baby Louie. Mahigpit itong kumapit sa akin ng maramdaman ang tubig sa kanyang katawan. Noong una ay mukhang natatakot pa ito pero kalaunan ay unti-unti na itong natutuwa.
"Mamamamana!" I let out a small laugh hearing his baby talks. Ginalaw-galaw na rin ang paa niya.
"You like that?" Ang nakangiti kong tanong dito. Tunawa pa ito lalo ng lagyan ni Roan ng tubig ang ulo nito.
"Ang cute! Hahahaha!" Aniya habang patuloy na binabasa ang baby.
"Guys, picture tayo!" Ang sigaw ni Lovely bitbit ang waterproof niyang camera. Nag pose naman kaming dalawa ni Roan. Nakakatuwa rin ang baby dahil nakangiti lang ito lagi sa cam. Si Piyo at Austine naman ay parang mga spy na nakikinig sa usapan ng mga asawa namin. Gusto ko tuloy matawa sa sirang mukha ni Austine habang nakikinig. Kumikibot pa ang bibig nito habang sinusunod ang mga pinagsasabi ng mga babae.
Napatingin ako sa bandang table ni Jonas at nakita ang paggapang ng kamay ng babaeng naka pink na swimsuit. May pagka misteza ito at may ipaglalaban nga ang hinaharap nito. Binawi ko ang tingin ko dahil sarili ko lang naman ang masasaktan ko pag nagkataon.
Matapos makakuha ng ilan pang picture, lumapit na rin kami kina Austine at Piyo na parehong sira na ang ekspresyon ng makuha. Ngayon ko lang nakitang ganito si Piyo. Magkasalubong ang kilay nito at sobrang sama nga naman ng tingin sa kawalan.
"So we have a party later. Sa 69th floor. We really hope to see you there tonight. Hindi naman kayo magtatagal doon, just a few drinks and you know a little fun." Ang malanding sabi ng babaeng katabi ng asawa ni Lovely. Pinalandas pa nito ang kamay sa braso ng lalaki. Mukhang latina iyong babae.
"We'll try but we won't promise." Ang sagot ni Francis. Kung gustong lumandi ni Francis sana hindi nalang niya idamay ang asawa ko.
"We really hope to see you there. Your husbands won't know naman eh basta hindi lang kayo magpapahuli. It's always good to have a little thrill in your...married life." Pangungumbinse pa ng katabi ni Jonas.
Natatakot ako sa sasabihin ni Jonas. Natatakot ako na baka sumang ayon siya dito.
"Your offer is pretty interesting." Sabi ni Jonas. Mas lalo tuloy akong nanlumo. "But, asdfghjklqwertyk" Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi dahil may mga teenagers na malakas na nagsigawan.
"M-mag c-cr muna ako." Paalam ko sa kanila.
"Sama na ako." Sabi ni Lovely karga-karga si Louie na dumedede sa hinlalaki nito.
Ang ending kaming lahat ang umahon mula sa pool. Hindi ko alam kong nakita nila kami pero wala akong paki. Ang gusto ko lang ay umalis sa lugar na 'yun.
Tahimik lang naming binabaybay ang beach house ng pamilya nila Jonas ng biglang sumulpot si Janisse mula sa likuran namin.
"Dada! Dada! Nag-aaway na naman po sila Noah at kuya." Puno ng pag-aalala ang mukha nito habang nagsusumbong ito sa amin.
"Nasaan sila baby?" Ang tanong ni Austine dito at nilibot ng paningin niya ang buong resort.
"Ayon po!" Sa di kalayuan natanaw namin ang dalawang batang lalaki na nagsusuntukan habang inaawat ng isa pang batang lalaki. Pinagtitinginan na rin sila ng mga tao lalo na't nasa may beach sila.
Patakbo naming pinuntahan ang tatlo. Mabilis na pinaghiwalay ni Piyo ang dalawa. Akmang susuntokin sana uli ni Noah si Jaiden pero mabilis na napigilan ni Piyo ang kamao nito. Nasagi pa ng kamao ni Noah ang ilong ni Piyo.
"Jaiden! Noah!" Ang galit na sigaw ko sa dalawa dahilan para matauhan ito.
"M-ma..." Ang gulat na bulong ni Jaiden. Nakita ko rin ang takot na dumaan sa mukha ni Noah pagkakita kay Austine.
"Noah Craig! Ano na naman 'to ha?!" Ang galit na sigaw ni Austine sa anak.
"My...s-si Jaiden kasi!" Pagsusumbong nito at tinuro si Jaiden na nakakuyom ang kamao at sobrang sama ang tingin sa nakababatang pinsan.
"Jaiden Nicholas..." Tawag ko sa aking anak sa nagbabantang boses.
"He's the one who started it, ma! Ipinagdadamot niya si Ani! Gusto niya siya lang ang makipaglaro dito." Ang paliwanag ng anak ko sa akin. Tiningnan ko naman ang anak ni Lovely na nakayakap sa kanyang paa.
"You wanted him to play with you alone. I told you to join us but you refused!" Pagkontra ni Noah. Napahilot naman ako sa sintido ko. Jusko, ang mga batang 'to. Manang-mana sa mga ama nila.
"Piyo, dumudugo ang ilong mo."Ang nag-aaalalang tinig ni Roan. Lahat kami ay napatingin kay Piyo na awkward na nakangiti habang nakatingin sa amin.
"Prinoseso ko kasi 'yung sinabi nila. Hindi ko talaga maintindihan." Sabi niya.
"Jusko, Piyo anak!" Napalingon kamk kay ti—kay mama na papalapit sa amin. Nakasunod sa kanya si papa na may dala-dalang mga tumbler na may lamang juice
"Dugo...p-paupuin niyo siya doon sa may mga beach chair!" Utos ni mama sa dalawang guard.
Inalalayan ng dalawang guard si Piyo papunta doon sa beach chair. Nakasunod lang kami dito. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Jaiden at ganoon rin si Austine. Si Janisse naman ay nakahawak kay Roan.
They let Piyo sit upright while leaning slightly forward. Marahang inipit ni Roan ang malambot na parte ng ilong ni Piyo sa pagitan ng kanyang hintuturo at hinlalaki.
Habang inaasikaso si Piyo hindi ko naman maiwasang pagalitan ang dalawa.
"Kayong dalawa, lalo ka na Jaiden, malalaki na kayo! Huwag niyo naman sanang pairalin ang init ng ulo niyo sa isa't-isa. If you disagree over something then stop using your fist to talk about it." Sermon ko sa kanila. Pareho lang silang nakayuko.
"Jaiden Nicholas, magso-sorry ka ba o ico-confiscate ko ang mga gadgets mo?" Tanong ko dito dahilan para mabilis itong umiling.
"Oh tapos? Yuyuko ka lang diyan?"
"I'm sorry if I didn't hit you hard enough." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jaiden.
"Sorry din kung mas pinili akong makalaro ni Aniston kesa sa'yo." Balik naman ni Noah dito.
"Oh heto mga bato, ipupuk niyo diyan sa mga matitigas niyong ulo! Tataas ng mga pride niyong mga bata kayo. Magso-sorry ba kayo o luluhod kayo sa asin? Pili!" Inabot ni Austine sa mga kamay nila ang may kalakihang bato at pinaglapit.
"I-I'm sorry kuya.." Paghingi ng sorry ni Noah habang pinipigilan ang sarili na huwag umiyak.
"I'm sorry din." Sagot ng anak ko habang nakayuko.
"Mag sorry din kayo sa Uncle Piyo niyo." Utos ko.
"Sorry po, Uncle Piyo." Ang sabay nilang sabi sa tiyuhin na hanggang ngayon ay dumudugo pa rin ang ilong.
Ngumite lang naman ito bilang sagot.
"Piyo? What happened to you? Anong nangyari?" Ang nag-aalalang tanong ni Ian kasunod ang iba pa niyang kapatid. "Are you okay, baby?"
Hahawakan sana ni Ian si Piyo sa balikat nito pero hinawi ng huli ang kamay ni Ian. "Wag mo muna akong kausapin, please? Galit pa ako sayo."
Lumapit sa akin si Jonas at hahalikan sana ako sa pisnge pero mabilis akong umiwas dito.
"Hon, what's the matter?" Ang masuyong tanong ni Jonas sa akin pero hindi ako sumagot. Nanatili akong nakahalukipkip at nakatingin kina Piyo.
Buong maghapon hindi ko pinansin si Jonas. Actually, pareho kaming lima na hindi kinibo sa mga asawa namin. Sino ba naman ang gaganahang makipag-usap sa mga ito matapos ang nasaksihan namin kanina? Kahit sabihin pa ni Jonas na wala siyang intensyon na pumunta pero the fact na hinayaan niya lang na tumabi sa kanya ang lintang 'yon ay sapat nang rason para magtampo ako dito.
Kinagabihan, sinubukang makaisa ni Jonas pero hindi ko ito pinagbigyan. Anong akala niya? Na ganun lang ako kadali? Kung noon siguro, oo. Pero natutunan ko ng pahalagahan ang sarili ko ngayon.
"Hon, seriously? Ano ba talagang problema?" frustrated nitong tanong sa akin. Hindi ko siya sinagot at mariin lang na pumikit.
Akala ko ay titigil na siya pero muli na naman niyang hinalikan at dinilaan ang batok ko.
"Jonas, stop! Kung gusto mo 'don ka sa babaeng nagpaparty sa 69th floor. Bwiset ka." Inis kong sabi dito at nagtakip ng unan sa mukha.
"HAHAHA! Hon, alam namin na nandoon kayo, okay? I just want to tease you. Bumawi naman ako sa huling speech ko sa kanila eh." Ang natatawang sabi nito sa akin habang niyakap ako mula sa likuran.
"Ipinagmamalaki mo 'yung your offer is pretty interesting mo? Mas mabuti pang lumabas ka na at matulog sa isang guest room dito."
"No. No, that's not it. Sinabi ko sa kanila na kung hindi pa kita nakilala ay baka ganun ang isagot ko but you came into my life, hon. Kayo ng mga anak natin. Hindi naman ako pumunta doon eh." Paliwanag niya. Naniniwala naman ako sa kanya, narinig kasi ni Austine ang sinabi nito kanina.
"I'm glad." Humarap ako sa kanya at hinalikan ito ng malalim sa labi. Tumigil lang kami ng hindi na talaga kami makahinga. He tried to kiss me again pero umiwas ako dito. "Lumabas ka na, hon. Doon ka sa guest room matulog."
Sabi ko dito at muli siyang tinalikuran.
"Hon, are you serious?"
"Lalabas ka ba o uuwi kami kina papa at daddy?" pagbabanta ko dito.
"Okay, I understand." Buntong hininga nito. Hinalikan niya muna ako sa aking noo bago lumabas ng kwarto.
Third Person POV
Dumiretso si Jonas sa kwarto ng kapatid na si Francis. Gusto niyang sapakin ang kapatid na nagtanim ng ideyang 'yon sa kanila.
Pagpasok niya sa loob, nandoon rin ang iba niyang kapatid. Nakahiga si Nathan, Ian at Axel sa Alaska king sized bed ni Francis. Nasa sofa naman nito si Arvy na kapatid ni Austine. Himbing na himbing na itong natutulog doon. Nakahiga naman sa lapag si Francis at ginawang kumot ang carpet nito.
"Kuya! Binubully na naman ako nila Nathan." Sumbong nito sa kanya at niyakap pa talaga ang kanyang paa.
Imbes na maawas ay tinulak niya lang ang mukha nito palayo gamit ang kanyang paa.
"'Wag kang magmakaawa sa aking hayop ka at baka ibitin kita patiwarik." Inis niyang sabi dito at tumabi kay Axel.
"Ang sama niyo sakin!"
At ayon nga, isang maginaw na gabi ang dumaan sa magkakatapid na Juariz at isang bayaw nila.
Kinaumagahan, maagang nagising ang mga kalalakihan. Alas tres pa lang maingay na ang kusina. Sa kaibuturan ng kanilang puso ay hiniling nila na matapos na ang pasakit na 'to. Ayaw na nilang makatabi ang mga pangit nilang mga kapatid kaya kanya-kanyang diskarte ang ginawa nila para suyuin ang mga asawa.
Sa sobrang creative nilang lima, parehong breakfast in bed ang kanilang ginawa. Mabuti nalang at iba't-ibang uri ng putahi ang inihanda nila kung hindi ay baka isang linggo na naman silang walang exercise.
"Francis, pakainin mo ang mga pamangkin mo. Baka matagal gumising si Den mamaya." Utos ni Jonas sa kapatid.
"Tangina niyo naman, kuya." Reklamo ng bunso ng mga Juariz at padabog na tumayo mula sa higaan.
"May angal ka?" Maangas na tanong ni Nathan dito. Mabilis naman na tumanggi si Francis.
"Wala po, boss. Kayo ho ay humayo at magparami. Ako na ang bahala sa mga bulilit—este mga mumunting prinsipe."
Saktong alas kwatro, ginising ni Jonas ang asawa at ipinakita ang inihanda nitong breakfast.
"Hon, I'm sorry for teasing you yesterday. I made you something." Aniya sa asawa at hinalik-halikan ito sa batok. Alam niyang sa ganitong oras gumigising ang asawa para icheck ang mga anak nila sa kabilang kwarto.
"Sa susunod na gagawin mo 'yun lalayasan na talaga kita, Jonas. Hmmm s-sandali." ungol ng kanyang asawa dahil sa ginawang paglaro niya sa maselang parte ng katawan nito.
Sa umaga ring 'yun nakascore ang lima. Success ang kanilang breakfasr in bed. Nakapag breakfast nga sila.
Denisse Gonzales
Hapon na ng muli kaming makalabas at makapagliwaliw. Hindi ko talaga kayang tumayo kanina.
"Pucha! Ang sakit ng balakang ko." Narinig kong iyak ni Austine sa tabi ko. Hilot-hilot nito ang kanyang balakang habang nanonood kami sa mga asawa at anak namin na naglalaro sa may buhanginan.
"Nakipag-sex rin ba sayo si kuya Nathan, Austine?" Tanong ni Piyo. Kasalukuyan itong nakaupo sa tatlong layer ng chair pillow.
Nakita kong napabuga si Roan sa iniinom nito matapos marinig ang sinabi ni Piyo.
"Austine! Kung anu-ano nalang tinuturo mo dito kay Piyo." Saway ni Roan dito.
"Oo, bakla. Ang sarap ng breakfast in bed. Hephep, bakit ako? Bakit ako? Ganyan na ba ako kahalay? Den, ganyan na ba ako kahalay? Sagutin mo ako." Tanong ni Austine sa akin.
"Oo." Sagot ko at malakas na tumawa.
"Hoy! Grabe kayo sa akin."
"Austine? Lovely? Mga bakla!!" Napalingon kaming lahat sa nakatiling baklang blondena.
"Chooky!" Sigaw ni Lovely at Austine at akmang tatayo pero napabalik ng upo dahil sa mga iniindang sakit.
"Kamusta ka na bakla? Ang laki na ng mga alahas mo. Sarap mong nakawan." Biro ni Austine dito at hinila-hila pa talaga ang suot nitong necklace.
"Heto bakla, malapit ng hindi makabayad ng pang-upa dito sa pwesto. Huehuehue kinompentansyain kasi ako ng isang kano diyan. Gwapo sana ang arte naman."
"Oh tapos? Alam kong hindi lang yan simpleng share ko lang bakla. Sinong aabangan natin? Ano? Itutumba na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Lovely dito.
"Chaka ka! Kung gusto mong maging criminal. Mag-solo ka gurl. Hindi pa ako nakatuwad. Wag ako."
Sabi nito at pabirong binatukan si Lovely.
"Ay, hi! Sorry haha. Ako nga pala si Chino Buseli. Owner ako ng isang souvenir shop diyan. Di ba ikaw si Denisse Gonzales. Naku, idol na idol po kita." Aniya ng ma gawi ang tingin niya sa akin. Nagmano pa nga ito sa akin. Hahaha!
"Hello! It's nice to meet you."
Nagpakilala rin ito kay Roan at Piyo.
"Bakla!" Yumakap ito sa braso ni Austine at nagpuppy eyes.
"Ano? Kadiri yang mata mo. Ayusin mo nga!"
"Halupa me. Tulungan niyo kong i-endorse ang product ko. Nag back off ang mga model ko eh. Nag trending kasi pina tulfo. Help me naman, gurl." Ang pakiusap nito kay Austine.
"Paanong i-endorse?" Tanong ni Austine.
"Isusuot niyo lang 'yong damit. Tas tatayo lang sa harap ng shop. Magtatawag ng mga foreigners and hot fafas." Sagot nito. Biglang napatigil si Austine at ngumite ng nakakaloko. Tumingin ito sa amin at tumigil kay Piyo.
"Piyo my friend, naiisip mo ba ang naiisip ko?" Tanong nito dito.
Umiling si Piyo dito bilang sagot. "Hindi ko alam eh. Iniisip mo rin ba 'yung saging kaninang umaga?"
"Nope! No! Chooky, go kaming lima." Sabi ni Austine dito habang malapad na nakangiti.
"Kaming lima?" Takang tanong ni Roan.
-
Nakita na lang namin ang sarili namin sa harap ng souvenir shop ni Chooky. Suot-suot ko ang isang oversized flower printed polo shirt na pinarisan ng....pekpek shorts daw sabi ni Austine. Magkatulad kami ng shorts lahat and I never felt so...proud before. Mahilig kasi ako mag damit pambabae pero hindi 'yun alam ng pamilya ko o ni Jonas. Sabi kasi ni daddy, okay lang maging bakla basta hindi nagdadamit babae. Kaya ayun, nasa isang voult ko tinatago ang mga pambabae kong damit.
"Austine, feeling ko makikita ang itlog ko dito eh." Ang nahihiyang sabi ni Piyo. Nakasuot ito ng isang oversized white t-shirt na may print design ng lobster.
"Hindi yan naka safety shorts ka naman." Paninigurado ni Austine dito na nakasuot ng isang cropped top black shirt na may design ng isang gold na crab.
"Hindi ako confident sa plano mo, Austine. Mapapatay yata ako nito ni Arvy eh." Ang sabi ni Lovely dito na nakasuot ng isang oversized black shirt na may cute na design ng dalawang dolphin.
"I think we should get to work na, guys. It's better if we sell all of this para malaki ang kita natin." Si Roan na confident na confident sa pagsuot ng kanyang white hoody na may nakasulat na, "I'm a Juariz Beach". I don't know if it's a good thing though.
"Tama, Tama. Kaya magsimula na tayo. Afams here we cum!" Sigaw ni Austine at tumakbo palapit sa isang grupo ng amerikano na parang walang iniindang sakit sa balakang.
Sabi ni Chookie na okay lang daw na kami ang mag endorse dito dahil malapit naman daw itong shop niya sa isang malaking gay club. Actually, katabi lang ito ng shop.
Nakatawag na rin ng mga customer sila Roan at Lovely, si Piyo naman ay mga dalagang pilipina ang natawag. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga at lumapit sa isang lalaki na naka topless at may bitbit na surfing board.
"Hi, um, we're selling some printed shirts and some cool souvenir items you can take home with you. Do you want to check out our store?" Tanong ko sa kanila habang nakangiti.
Sinubukan ko naman but this is really not my thing. I'm so not good with talking with other people.
"I'm interested. Pwede ka rin bang i take home?" Tanong niya while smiling. The kind of smile when you flirt with someone.
"Hindi pwedi sir eh pero pwedi naman kayong mamili ng mgA items sa loob." Sagot ko at itinuro ang shop.
"Sure, but can I get your number first?"
"Hin—"
"Hindi pwede dahil may asawa na siya. Now, kung ayaw mong makita ang sarili mo na nakalutang sa beach bukas, I advice you to fuck off." Nilingon ko ang pamilyar na boses at nakita si Jonas na sobrang sama ang tingin sa akin.
"Ha? Eh sandali, Jonas. Hindi pa siya nakakabili eh."
"Edi ako ang bibili. Let's go." Hinila niya ako papasok sa loob ng shop na sobrang puno ng tao. Nakita ko rin sila Nathan, Axel, Piyo at Lovely na hawak-hawak ng mga asawa nila. Naroon sila sa harap ng counter kausap si Chooky.
"How much is the total price for all of the items here?" Ang narinig kong tanong ni Nathan pagkalapit namin.
"Around 700,000 pesos, sir." Ang natatakot na sagot ni Chooky dito.
"I'll pay you double, iuuwi ko na itong asawa ko." Sabi ni Nathan at kumuha ng cheque mula sa kanyang pitaka at ibinigay iyon kay Chooky. Hinila niya palabas si Austine doon.
"Magkano ba lahat ng items na suot ng asawa ko?" Tanong ni Ian dito.
"1, 500 pesos po, sir."
"Here." Inilapag ni Ian ang limang libo sa harap ni Chooky at umalis. Ganoon din ang ginawa ni Axel at Arvy. Binayaran rin nila ang suot nila Roan at Lovely.
"Most of the times, pinapasara ko kaagad ang mga shop dito kapag may nagawa silang masama o mali. Since you made my husband look extra delicious today, ililibre kita ng isang taong upa dito." Ani ng asawa ko at hinila ako palabas ng shop.
Buong gabing hindi niya ako tinigilan kaya ang planong pag-uwi kinabukasan ay napostpone sa susunod na araw.
-----------------------------------------------------------
Nakonsensya ako sa pinangakong special chapter na nabigo. Kaya heto guys, hahaha! Nagsulat ako ng mabilisan. 4000 word count ho ito. I admit na hindi ito kagadandahan hahaha kasi sobrang hirap mag-isip at tinatamaan na ako ng tamd pero gusto ko talagang mai-publish ito ngayong araw. Kaya here it is! A simple present from me. Pasensya na sa SOBRANG DAMING mali hahaha ! Labyu guys! Mwuah! mwuah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top