Special Chapter 3

Denisse Gonzales-Juariz

"Maaaa!"

"Daaaaaa!"

Hindi ko maiwasang maluha habang kumakaway sa mga anak ko. Parang ayaw ko ng umalis. Gusto ko na lang yatang ipagliban na lang ang araw na ito at tumakbo pabalik sa kanila.

"Hon, let's go." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ang asawa kong cool na cool lang sa nangyayari.

We're going to leave our children. Gosh! Hindi man lang ba siya nahahabag na mawawalay kami sa mga anak namin ng matagal?

"Jonas, 'wag na lang muna kaya tayong umalis?" Ang tanong ko nang makalapit siya sa akin.

"Not happening, Denisse. Ilang beses na nating p-in-ospone ang honeymoon natin dahil sa mga bata."Hinapit niya ako sa bewang at tinanaw ang mga anak namin. The triplets are wailing in my parent's arms. Sila Janisse at Jaiden naman ay nasa balkonahe sa second floor at abalang nagta-tablet. Tingnan mo 'tong dalawang 'to.

"Janisse! Jaiden!" Ang sigaw ko sa kanila.

Mabilis akong nilingon ng dalawa. Akala ko magbi-bingi-bingian na naman eh. 'Tong dalawang 'to natututo na maging mga pasaway.

"Rest your eyes at tumulong kayo sa lolo at lola ninyo. 'Wag mag rely sa mga maids ha. Kayong dalawa kukunin ko talaga 'yang mga gadgets ninyo."

"Yes, dada!" Ang tili ni Janisse saka nakabungisngis na kumaway sa amin.

"Okay, ma. Take care you two." Unlike kay Janisse, napakalmado lang talaga ni Jaiden hindi ko nga alam kung bakit magkaibang-magkaiba sila. Hindi ko rin alan kung saan nakuha ni Janisse ang pagiging makulit niya.

"Hon, let's go. The plane's waiting." Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Jonas papasok ng sasakyan.

Nagpaalam muna si Jonas sa mga bata bago sumunod sa akin papasok ng sasakyan. 

"Are you ready?" Ang tanong niya sa akin pagpasok.

"Ewan ko sa'yo. Ba't may pa-honeymoon pa tayo eh halos ginagabi-gabi mo na nga ako. Hindi pa ba honeymoon 'yon?" Ang reklamo ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng magaling kong asawa.

"Of course not. It's different. Honeymoon isn'y just about sex, hon. I want to date you too. Just the two of us. I want to spend some days with you without really thinking much about our kids."

Napabuntong hininga ako't napatingin sa labas. "Pasensya ka na. Hindi mo rin ako masisisi at binuntis mo ako." Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

He chuckled as he reach for my hands. "Forgive me. I was just desperate to make you guys stay that time. Isa pa, I don't mind having a lot of babies with you pero gusto ko rin namang makasama ka mag-isa."

Unti-unting tumaas ang sulok ng mga labi ko sa narinig mula sa kanya. "Hindi pa rin ako makapaniwalang sinasabi mo na ang mga bagay na 'yan sa akin ngayon."

"I'm sorry, hon. Babawi ako araw-araw."

"May mga araw na pakiramdam ko hindi totoo ang lahat pero tuwing umuuwi ka sa amin, naglalaan ng mga oras para sa mga bata at sa akin, pinagsisilbihan kami, nawawala lahat ng pangamba ko."

Dinala niya sa mga labi niya ang kamay ko at hinalikan iyon. "You deserve everything, hon. Everything. Hindi ako magsasawang ibigay lahat sa iyo at sa inyo ng mga bata."

I know. Alam kong bumabawi na ng todo-todo si Jonas sa amin. The past years we've been together since we got married for the second time, walang mintis akong nililigawan ni Jonas. He took care of us more than what we asked him for. Minsan nga nakakasakal na siyang magmahal pero na-realize kong iyon ang totoo niyang ugali.

Jonas is a loving man. He loves being a father to our kids and he loves being my husband. Malaking tulong rin ang mga therapy at counselling na dinaanan niya para maayos niya rin ang sariling problema.

At araw-araw akong thankful sa pagbabagong ito ni Jonas. I love this version of Jonas even more than his past self. I love this strict but caring father. I lovs this possessive but passionate husband. I love this free and careless Jonas. I love that he's no longer held down by his past, his hatred, his regrets, his grandfathers. I love that he lives his life the way he wanted it and not because he feels like he's expected to do such thing.

I don't mind if he's not perfect dahil tanggap ko naman ang mga kakulangan niya. I'm very much willing to fulfill all those things.

"San nga pala tayo pupunta?" Ang tanong ko nang makarating kami sa private airport na pagmamay-ari ng mga Benovich.

I heard Francis used to manage this one pero ipinasa sa pinsan nila isang araw. Masyado na raw siyang maraming responsibilidad.

"I have a friend who invited me to stay at his private resort. I'm taking you there. I was planning to go to Maldives with you but I know it'll make you worry if we don't take the kids with us so..."

I playfully smack his bulging arms. "Buti naman at alam mo."

We rode a private plane to an island in Palawan. I could not stop praising the place when we set foot on the resort. This is paradise.

"We should take the kids here next time, hon," ang sabi ko sa asawa ko habang patuloy pa ring namamangha sa buong paligid.

"Why not? For now, tayo lang muna." Napapikit ako nang halikan niya ang tuktok ng ulo ko.

I've been in several dates with Jonas after our wedding pero mostly doon ay mabilisan lang o di kaya ay pabigla-bigla. We never had a proper date or a vacation alone as a couple.

I acknowledge naman na hindi kami ordinaryong mag-asawa ni Jonas. Aside from Jonas being a CEO of one of the largest bank in the country, we are also parents. We did not start as a couple inlove. We got married out of obligations and ugly reasons kaya naiintindihan ko ang asawa ko kung bakit gusto niyang matuloy ang araw na 'to. Ako din naman.

Siguro naman ay okay na kahit papaano ay magpahinga naman kami saglit bilang mga magulang at maging isang mapagmahal na asawa sa isa't-isa.

"Are you tired?" Ang tanong niya nang makita akong humihikab pagpasok namin sa kwarto dito sa villa.

"Oo, maaga akong nagising kanina para i-recheck ang mga gamit natin at ng mga bata."

Nilapitan niya ako't niyakap. "You've work too hard. Matulog ka muna o baka gusto mo munang kumain?"

"Tulog na muna."

"Alright, I'll wake you up later."

Paglapat pa lang ng katawan ko sa kama ay kaagad ng bumigay ang mga talukap ng mga mata ko. Taking care of five kids is no joke.

Pagkagising ko ay tulog naman si Jonas sa aking tabi. Hindi ko na siya ginising at nag-ayos na lang ng sarili. He did not get a proper sleep these past weeks dahil tinapos niya ang lahat ng trabaho para wala siyang trabahong dala-dala hanggang sa bakasyon naming dalawa.

Matapos akong mag-ayos ay lumabas naman ako sa balkonahe namin at tinanaw ang malawak at asul na asul na dagat. Naalala ko tuloy iyong magpunta kami sa isla na pagmamay-ari.

That place was special as well. Doon nag-iba ang pamilya namin. Doon rin naman nabuo ang triplets na kahit ubod ng kulit ay mababait na mga chikiting. Favorite ko silang makita kasama si Jonas tuwing umuuwi ito sa trabaho. Dahil kahit pagod ang asawa ko ay nagliliwanag kaagad ang mukha kapag kasama ang mga bata.

Naramdaman ko ang pagpulopot ng isang matipunong braso sa bewang ko at kahit hindi ko na ito lingunin ay kilalang-kilala ko na rin naman ang yakap na 'to. I've been in these arms day and night for the past years. The warmest and sweetest place I've ever been.

"You should have woke me up." His rasp voice made my stomach tingles. I don't know how Jonas can still affect me like he always does to my younger self.

I reached for his stubbled jaw and leaned on his broad chest. I sighed in contentment. "It's fine. Alam kong pagod ka."

"Kain muna tayo. Gumagabi na."

"Gutom ka na?"

"Hm. Para may energy tayo mamaya." May halong panunukso ang boses niya habang sinasabi iyon. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng pisnge at mahampas ang mga kamay niya. This man! Wala talagang kapaguran.

"You're crazy," ang nahihiyang ganti ko nang marinig siyang tumawa.

"Only for you, hon."

Dinala ako ni Jonas sa isang beach side Italian restaurant. The soft jazz playing in the background, the foods, the wine, the lights, the dark sky, the place was perfect for our first night here. Kahit ilang beses na kaming nakapag-date ni Jonas hindi ko pa rin maiwasang kiligin at kabahan kapag kaming dalawa nalang. Sometimes I'd still get worried I'd bored him out.

"The kids will love that." Napaangat ako ng tingin sa asawa ko na binababa ang glass wine sa lamesa namin.

Ngumite ako at tumango. "Yeah, lalo na si Devon. That girl loves chocolates."

"Mana sa mama niya."

I rolled my eyes. "At ikaw naman ang mahilig mang-spoil."

"What can I do? I love seeing you guys smile."

"And I love you for that too."

He reached for my hands and kissed it. Nang magtagpo ang mga mata naming dalawa hindi ko maiwasang mapahagikgik nang mabilis siyang lumipat ng pwesto sa tabi ko at niyakap ako.

Pinugpog niya ng halik ang mukha ko at kahit nakakahiya ang PDA naming dalawa hindi ko maiwasang masiyahan sa nangyayari. Late ko mang na-experience pero atleast di ba at na-experience ko pa ring maka-PDA ang isang Jonas.

Nagpaalam saglit si Jonas para magbanyo at ako nama'y naiwan sa table namin. Habang naghihintay sa asawa ko may tumigil na matangkad at magandang babae sa harapan ko. She looks familiar.

"Hi!"

Lumingon-lingon ako sa paligid ko para i-make sure na para sa akin iyon.

"Stop looking around, Den. I'm talking to you," ang natatawa niyang saway sa akin.

Awkward akong napangite dahil sa totoo lang ay hindi ko talaga matandaan ang pangalan niya and yet she knows me.

"Hi, do I know you?"

She gasped exaggeratedly and sat infront of me. "It's me Irene."

The moment she mentioned her name agad kong naalala ang girlfriend ni Jonas noong highschool. How could I forget the girl from the cheering squad who loves to talk shit about me and taunt me?

"Oh, naalala ko na. It's nice to meet you again. Ikaw lang ba mag-isa?"

Gustuhin ko mang huwag siyang pansinin ayoko namang maging rude at isa pa mga bata pa kami noon. Maybe she changed for the better.

"No, I'm with my friends. How about you? Kumusta ka na? I heard tumigil ka raw sa pag-aaral. That's so sad. Are you okay?"

Pilit akong ngumite at tumango. "Okay lang naman ako."

Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan. Hindi lumagpas sa paningin ko ang pagdaan ng pangmamata niya sa suot kong simpleng floral shirt at sa mukha ko. "But you don't look fine. You look stresses and haggard. Naku, baka forever single ka na niyan."

My smile froze and I wanted to laugh in annoyance. Oh girl, kung alam mo lang. Mukhang hindi niya yata nakita ang wedding ring ko.

"I'm happy and contented with my life," ang simpleng sagot ko at sumimsim ng wine gamit ang kamay ko kung saan naroon ang wedding ring.

"So I saw Jonas kanina," aniya dahilan para matigilan ako.

Hindi ako umimik at hinintay siyang tapusin ang sasabihin niya. "Are you still following him?"

Agad nag-iba ang ekspresyon sa mukha niya. After all these years I have witnessed that infamous bitch face once again.

"At bakit ko naman siya susundan?" I calmly asked. I just realized na hindi dapat ako magpaapekto sa kanya at sa kabaliwan niya. Ako lang din naman ang madedehado.

"You were obsessed with him before. Hindi ba't stalker ka ni Jonas? You're too old to be doing that. Jesus, leave the man alone, Den. Hindi siya papatol sa kagaya mo."

Pumatol na, gusto ko sanang sabihin pero nang makita ko si Jonas papalapit sa amin agad na nagbago ang isipan ko.

Ngumite ako sa kanya. "Bakit naman hindi siya papatol sa akin? Am I that bad looking?"

She rolled her eyes and crossed her arms. "First of all, he's not gay and yes, pangit ka. Definitely not his type. Kaya just a piece of advise, leave him alone. Have some self respect. Ang tanda mo na."

Napaangat ang kilay ko nang tawagin niya akong matanda. Yes, I've aged but I'm taking care of myself more lately.

"Bakit? Ano bang mga tipo ni Jonas?" Inabot ko ang fries mula sa bowl at sinubi iyon habang hinihuntay siyang sumagot.

She grinned at me confidently. "Oh, kung alam mo lang. Jonas loves girls with big bust and big assess. He particularly love to fondle this part when we were still together." Tinuro niya ang dibdib niya. Agad na may kung anong pumitik sa ulo ko.

Nilingon ko ang direksyon ni Jonas na mukhang narinig ang sagot ni Irene. He shook his head at me and raised his hands on his side in a surrendering position. I gave him a hard look before looking back at the girl infront of me.

"Good for you. Mukhang wala na nga talaga akong pag-asa kay Jonas. Okay lang naman at mag lima na rin akong anak."

Agad na nanlaki ang mata niya at saka napaayos ng upo nang marinig ang sinabi ko. "You have kids na?!"

"Hon, let's go. The kids wants to talk to you already." Mula kay Irene nabaling ang paningin ko kay Jonas na tuluyan na ngang lumapit sa akin. He was standing behind Irene kanina.

A smirk rose to my lips when I saw Irene frozen on her seat. Nanlalaki ang mata niya habang nakatakip naman sa bibig niya ang kanyang kamay habang nakatingala kay Jonas.

"What took you so long? I missed you," ang pag-iinarte ko. Minsan lang naman ako ganito kaya hayaan niyo na.

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Jonas sa amusement bago ito yumuko at hinalikan ako sa mga labi ko.

"J-Jonas and you...how.. what... is this for real?!" Naagaw ni Irene ang pansin ng lahat nang biglang tumayo si Irene at naitunba niya ang upuang gawa sa kahoy.

"And you are?" Ang taas kilay na tanong ni Jonas sa kanya.

I know he knows her. They were a big thing back then! May nakahuli pa nga daw sa kanilang naghahalikan sa locker room ng cheering squad. Mamaya ka sa aking lalaki ka.

"Irene. I'm Irene, do you remember me?"

Umiling si Jonas. "Not really. Anyway, Irene, I'll have to excuse my husband. Our kids are getting impatient."

Hindi na nito hinintay pa si Iren na makasagot at hinila ako paalis sa lugar na iyon. Mabilis ang mga hakbang namin palayo sa lugar na iyon pero unti-unti din namang bumagal nang tuluyan na kaming makalayo.

We silently walked by the beach with our fingers interlaced, our feets occasionally burying underneath the sun, the sea breeze blowing our skin gently, the moonlight kissing the sea and the sand. Akala ko ay wala ng papantay sa dinner namin kanina but to be in this moment, wow, sa libro ko lang ata 'to nababasa.

"I'd love to have more dates like this with you," ang narinig kong sabi niya sa aking tabi.

I slowly run my fingers from his hands up to his bulky arms and hugged it. I want to be closer to him. To my husband. To my dream and my reality.

"Me too. I want more days like this with you. I love spending my days as your husband and as the father of your kids," I said lovingly.

Nagtaka ako nang bigla siyang tumigil sa paglalakad. Kaagad ko siyang tiningala. "What's wrong?"

"I want to kiss you," he whispered as he looked at me with so much intensity and love in his eyes. "So fucking bad."

Sunod-sunod akong napalunok nang iangat niya ang kaniyang kamay at inayos ang buhok ko malapit sa aking tenga. I just realized na humahaba na pala ang buhok ko.

"Can I?"

Tumango ako. How can I not when he looked at me with so much desire?

He pulled me towards a giant rock at pressed me against it. He did not give me time to react and slammed his lips against mine. He kissed me with ferocity. The kiss was intense but filled with so much love and desire.

Napaungol ako nang pisilin niya ang pang-upo. "This is the only thing I love fondling, hon. You don't have to worry cause I love eating your big ass every day."

Napakagat ako ng labi nang maramdaman ko ang init ng kaniyang hininga sa tenga ko. The darkness made me feel excited more than I can handle.

"Bunalik na tayo sa kwarto," ang nahihiyang bulong ko habang nakayakap sa leeg niya. He showered my neck with small hot kissed

"Let's go," ang bulong niya pabalik. "I miss making you scream all night."












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top