Preview

🚨WARNING!🚨
🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞

This chapter may contain content of an adult nature. If you are easily offended or are under the age of 18, please exit now. This chapter are intended for adults only and may include scenes of sexual content, suggestive pictures, or graphic violence. Reader discretion is advised.

If you feel uncomfortable, please do not report me immediately. You can message me privately about your troubles with my stories. Thank you!

Denisse Gonzales-Juariz

Napatanga na lang ako sa TV habang pinapakinggan ang balita. Nakita ko na naman ang asawa ko na nalink sa isang babae. This time isa na namang modelo ang babae niya kuno. Narinig ko ang tumunog ang pintuan ng bahay kaya napalingon ako dito. Tahimik lang na pumasok si Jonas sa bahay ni hindi man lang ako tinapunan nito ng tingin ng tumigil ito sa gilid ko at naghubad ng suot na long-sleeved polo.

"Jonas, kailan mo ba kami ipapakilala ng mga anak mo sa mga magulang mo?" Mahinang tanong ko dito. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa mga tao sa telebisyon.

"It's not yet the right time, Den." Sagot niya at naglakad papunta sa kusina ng bahay. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinundan siya.

"Not yet the right time? Jonas naman mag wawalong taong gulang na sila Janisse at Jaiden. Not yet the right time pa rin ang sasabihin mo?" Napipikon kong sabi dito. Everytime na mapaguusapan namin ang issue na'to palagi na lang 'yan ang palusot niya.

"Pwede ba, Denisse? Pagod ako. I had a long, stressful day at work. 'Wag mo ng dagdagan pa ang sakit ko sa ulo." Pagot niyang sabi sa akin at ininom ang kinuhang bote ng beer.

"Pagod? Pagod ka kakadate ng girlfriend mo ha? Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Jonas. Ikinakahiya mo ba kami ha?" Hinablot ko sa mula kamay niya ang beer na iinomin niya sana.

"Pxtxngxna mo, Denisse! Gusto mo ang katotohanan? Then I'll tell you the truth! I hate you at nahihiya akong ipakilala kayo sa kanila. How could I dare introduce to everyone that I married a man at nakabuntis ako ng lalaki?! Iniisip mo ba ang sasabihin ng mga tao sa akin? Gusto mo ba talagang sirain pa lalo ang buhay ko?!" Galit niyang sigaw sa akin bago nagwalk-out sa kusina.

Nanghihina nalang akong napa-upo sa sahig. Hindi ko na mapigilan pang tumulo ang mga luha ko. Kahit gaano ma ako magpakatatag para lang masalba ang kasal na'to hindi ko magawa. Mahirap panatilihin ang pagsasama ng dalawang tao kong sa simula pa lang ayaw na niya.

"Dada?" Narinig kong tawag sa akin ng isang maliit na boses. Nakita ko ang anak kong si Janisse na mahina ring umiiyak. Lumapit ito sa akin at mahigpit akong niyakap.

Hindi ito ang pamilyang pinangarap ko para sa mga anak ko. Noong pinili kong pakasalan si Jonas, ang gusto ko lang naman noon ay ang mabigyan ng isang mapagmahal at kumpletong pamilya ang mga magiging anak ko. Iyong unang taong tatanggap sa sitwasyon namin. Hindi ko akalaing guguho lang ng ganun-ganun ang mga pangarap ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top