8
Denisse Gonzales
-Present Time-
"Oh, so you're the dad? You're a gay couple? That's cute." Matamis ang pagkakabigkas ni Shanice sa bawat salita but I know she's faking it. "By the way, I'm Shanice Tamayo."
Tinanggap naman nito ang kamay ni Miggy at matamis na ngumite rito.
"Shanice Tamayo. If I'm not mistaken you're a former Miss Universe."
"Yes, I am. I'm also an advocate for the LGBTQ community and I'm so glad to meet a same-sex couple here."
Kung hindi ko siguro kilala si Shanice sa totoong buhay ay malamang at napaniwala na rin ako sa mga pinagsasabi nito sa harap ng kamera. Kung hindi lang ako naging sentro ng pangbu-bully niya at mga alipores nito noong elementary ako ay baka naninawala na ako.
"Thanks. I just came back from England para kunin ang asawa at mga anak ko and I'm happy that we'd get to meet such prominent people here before we go."
Napansin ko ang bahagyang pagdilim ng mukha ni Jonas habang nakamasid kay Miggy.
Nagseselos siguro ito sa huli dahil sa pakikipag-usap kay Shanice. Sana ay matapos na si Miggy dahil hindi ko na talaga kayang manatili pa sa iisang lugar na kasama sila.
Nakipag-kilala muna ito kina Mr. and Mrs. Juariz at mga anak nito bago si Jonas.
"Governor Juariz, thanks for taking care of my family. It's an honor to meet you, sir." Nakangiti....no. Nakangisi si Miggy habang sinasabi iyon kay Jonas. Mas lalong sumama ang tingin na ibinibigay ni Jonas kay Miggy habang nakikipag kamay dito. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang at matagal ng nakabulagta si Miggy.
"Daddy...let's go home na po." Sabi ni Janisse habang nakayakap sa paa ko at nakatingin sa dalawa. Sabay pa silang napalingon sa gawi namin.
Lalapit na sana si Jonas sa amin pero naunahan siya ni Miggy. Kinuha nito si Janisse at binuhat. Hinagkan pa niya ito sa noo. Mariing nakamasid lang sa amin si Jonas. Nakita ko pa ang pag-iwas ng tingin ni Janisse sa ama at sumiksik sa leeg ni Miggy. Rinig ko rin ang mahinang paghikbi nito.
Nag-aaalalang napatingin si Miggy sa akin.
"T-take us home, Miggy." pakiusap ko dito. Natatakot akong makita ni Jonas kung gaano niya ako—kami sinira. Tama na ang lahat ng pasakit niya. Ayoko ng tapusin ang dalawang buwan. Ayoko na.
"I think we have to excuse ourselves. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ng bunso namin. It's an honor to meet you po." Paalam niya dito. Tumango lang ang magkakapatid at ngumiti lang rin si Mrs. Juariz.
"It's an honor to meet you din, ijo. It's an honor to meet Romuel Ayala's son."
"Thank you, sir."
Hinawakan ko sa kamay si Jaiden at inakay siya paalis doon. Sumunod na rin sa amin si Miggy. Sobrang bigat ng bawat hakbang ko palayo kay Jonas. Bawat hakbang ko hinihiling ko na sana ay sundan niya kami at bawiin lahat ng sinabi niya kanina. Gusto kong marinig mula ka kanya na nagsisisi siya.
Pero...
Hanggang sa makababa kami ng burol walang Jonas ang humingi ng tawad. Walang Jonas ang tumawag sa pangalan namin. Ganun siguro kami—o kahit ang mga bata man lang— ka walang halaga sa kanya.
"Are you okay?" Narinig kong tanong ni Miggy pagkapasok namin sa sasakyan niya. Nasa likuran ang mga bata at tahimik lang. Gusto ko pa sanang pigilan ang mga luha ko dahil ayokong mag-alala sila pero hindi ko na kinaya. Hindi ko na kinaya ang bigat ng loob ko.
Humagulgol lang ako sa shotgun seat. Hindi nagsalita si Miggy at hinayaan lang akong umiyak sa tabi niya. Tahimik lang itong nagmamaneho paalis sa lugar na'yon.
"Miggy... Pwede bang ihatid mo muna kami sa bahay? Magiimpake lang ako." Paos ang aking boses habang sinasabi sa kanya 'yon.
"Sure. Tutulungan ko na kayo." Sagot niya habang diretso pa ring nakatingin sa harapan.
"Thank you for saving us, Miggy."
Ngumite lang ito sa akin at inabot ang kamay ko. Banayad niya itong pinisil at patuloy lang na hinawakan hanggang sa makarating kami sa bahay namin.
Mabilis akong bumaba mula sa sasakyan at binuksan ang gate ng bahay. Pinapasok ko muna ang sasakyan ni Miggy bago ako pumasok sa loob ng bahay. Nakasunod lang sa silang tatlo sa akin.
Pumasok kami sa kwarto ni Janisse at doon ay pinaupo ko ang dalawa sa kama ni Janisse. Lumuhod ako para mapantayan ko ang taas nilang dalawa.
"J-janisse...Jaiden...we're going somewhere. 'Di ba you want to go to the beach?" Tanong ko sa kanila.
Tumango lang silang dalawa at yumuko.
"Dada, babalik pa ba tayo dito?" Ang naiiyak na tanong ni Janisse sa akin. Saglit pa akong napatigil at napatanga sa kawalan.
Ayoko ng lokohin ang mga anak ko. Alam kong alam nila ang totoong namamagitan sa amin ng ama nila. Matatalino sila Janisse at Jaiden and I don't think they are unaware sa ginagawang pagtatago sa kanila ng kanilang ama.
Sinubukan kong isalba ang respeto ng mga anak ko kay Jonas dahil ayokong lumaki silang may galit sa kanilang ama. Pero sa pagkakataong ito...sumusuko na ako.
"Anak, baka hindi na eh." Buong katotohanan kong sagot sa kanya.
Saglit itong natahimik bago ako niyakap. Yumakap na rin sa akin si Jaiden.
"Mama, I love you po. Thank you for being strong." Bulong sa akin ni Jaiden dahilan para muli na naman akong mapaiyak. Oh lord! Thank you for giving me this two sweet angels.
Ilang minuto rin kaming nag-iyakan doon hanggang sa nagsimula na silang magligpit ng sariling gamit. Pumunta rin ako sa kwarto namin ni Jonas at nagsimulang mag-impake. Matapos kong mag-impake, lumabas na ako ng kwarto at bumaba patungo sa aming sala. Doon ko nadatnan sila Miggy at
a
ng kambal na nanonood sa cellphone na sa tingin ko ay pagmamay-ari ni Miggy.
"Are you ready?" Tanong niya sa akin.
"Mmm. Tayo na?" Pag-aaya ko sa kanila. Tumayo na sila mula sa sofa naglakad patungo sa pinto. Si Miggy na ang nagdala ng mga gamit ng dalawa.
Sinigurado ko munang nakalock ng mabuti ang pintuan at ang gate bago naglakad papunta sa sasakyan ni Miggy. Sa may shotgun seat niya ako pinaupo dahil ayaw daw niyang magmukhang driver.
"Saan kayo pupunta, Den?" Tanong nito sa akin. Nakatingin pa rin ako sa labas ng bintana, tinatanaw mula sa side mirror ang paliit ng paliit na imahe ng aming bahay.
Nakaramdam ako ng ibayong lungkot habang pinagmamasdan ang bahay na'yon. Wala man kaming gaanong magandang ala-ala sa bahay na 'yon na kasama si Jonas pero ang mga ala-ala nila Jaiden at Janisse habang lumalaki sila doon ay hindi mapapantayan. Saksi ang bahay na 'yon sa bawat tawa at lungkot namin. Nanghihinayang man, kailangan kong tanggapin na dapat na namin itong iwanan.
"Hindi ko alam, Miggy. Magche-check in nalang muna siguro kami sa hotel na malapit sa beach at paaralan nila Janisse at Jaiden."
"Bakit hindi niyo na lang ako samahan sa town house ko? I don't have a beach pero sure naman akong matutuwa sila sa tatlo kong swimming pool. Do you want that kids?" Tanong niya sa dalawa habang tinitingnan ito sa salamin sa kanyang harapan.
"YES! Isang beses lang po kami nakapag swim sa swimming pool. Hindi kami pinapayagan ni daddy lumabas." Pagkwe-kwento ni Janisse dito. Nakita ko ang pag seryoso ng ekspresyon ni Miggy pero mabilis rin itong napalitan ng ngiti.
"Don't worry you will enjoy my swimming pool. Ang isa kasi doon ay isang wave pool. I'm on vacation kaya I can teach you guys how to swim din." Sabi niya sa dalawa. Lumiwanag ang mukha ni Jaiden pagkarinig sa salitang swimming.
"May allergy ba sila sa mga hayop? Like cats or dogs? May saint bernard at husky kasi ako doon." Dagdag niyang tanong. Umiling lang ako.
"Wala naman. Gusto ko nga sanang bilhan sila ng aso para kahit papaano'y may kalaro sila pero hindi pumayag si Jonas."
"Good. Let's go!"
Third Person POV
Malalim na ang gabi nang marating ni Jonas ang harap ng kanilang bahay. Bumusina ito para tawagin sana ang atensyon ni Denisse at pagbuksan siya. Ngunit tatlong beses na siyang sunod-sunod na bumusina pero wala pa ring Denisse na nagbukas ng gate. Inis siyang bumaba ng sasakyan at binuksan ang gate.
Pagkatapos niyang iparada ang sasakyan sa garahe tinungo na niya ang pintuan ng bahay. Nakalock ito kaya wala siyang choice kung hindi ang buksan ito gamit ang kanyang spare key.
Ang totoo'y wala talaga siyang planong umuwi dito pero hindi siya mapakali tuwing naiisip ang mukha ng kanyang mga anak. Tila isa itong masamamang kaluluwa na ayaw siyang tantanan.
Pagkatapos niyang makapasok sa loob ng bahay hindi na niya inabala ang sarili na buksan ang ilaw. Pumanhik na siya sa itaas at dumaan sa kwarto ni Janisse. Hindi niya ito nadatnan dito kaya pumunta siya sa kwarto ni Jaiden. Sa pagkakataong ito, nagsimula ng bumilis ang kanyang pagtambol ng kanyang puso.
"Nasaan na ang dalawang 'yon?" Ang nagtataka niyang tanong sa sarili.
Dumiretso na siya sa kwarto nilang mag-asawa. Sa halip na natutulog na Janisse, Jaiden at Denisse ang madadatnan niya, he was met with an empty bed instead.
Nangunot ang kanyang noo at mabilis na tinungo ang bahagyang nakaawang na closet ni Denisse.
"What the hell?" Walang ng laman ang closet nito pagbukas niya.
Muli siyang lumabas ng kwarto at nagtungo isa-isa sa kwarto ng mga anak. Katulad ng kay Denisse, wala na rin itong lamang mga damit.
Napaupo siya sa higaan ng mga anak at napahilamos sa mukha. Muli niyang naalala ang nakangising pagmunukha ng lalaking nagngangalang Miggy. Mas lalo siyang nainis ng maalala ang ginawang pagtawag ng mga anak niya dito ng daddy. Daddy? Siya ang ama ng mga anak niya.
"Fuck!" Sigaw niya at marahas na itinapon ang flower vase na nakalagay sa bedside table ng anak.
Hindi niya maintindihan ang sarili. He hated Denisse Gonzales to the bones at hindi niya pa rin tuluyang matanggap ang mga bata. Dapat nga ay maging masaya na siya. Pero bakit parang winawarak ng kutsilyo ang puso niya tuwing naaalala ang nakatalikod nitong imahe sa bisig ng ibang lalaki?
Napatigil siya sa pag-iisip at kinuha ang cellphone niya mula sa bulsa. Sinagot niya ang incoming call mula sa daddy ni Denisse.
"What do you want?" Magkasalubong ang kilay niyang tanong dito.
"I know about your deal with my son, Narcido. Kapag hindi mo tinapos ang dalawang buwan sinisigurado kong mababahiran ng putik ang malinis niyong family record." Anito sa nangungutyang tono. He really hated this man to the bones. Alam na alam nito ang kahinaan niya.
"You son of a bitch! Ano ha? Nagsumbong ba sayo ang puta mong anak?" Nanggigil niyang tanong dito.
"Watch your mouth, child. I know that you know about Denisse cutting our communication. Ni hindi ko nga makausap ng maayos ang anak ko dahil sa'yo. Just remember. Tapusin mo ang dalawang buwan." Sabi nito na mas lalong nagpa-inis sa kanya. Kung nandito lang siguro ito sa harapan niya, baka matagal na niya itong nasapak.
"Fuck you!"
Inis niyang sigaw at pabagsak na inihiga ang sarili sa kama ng anak. He really hated that Gonzales. Ito ang may kasalanan ng lahat.
----------------------------------------------+-+---------
Kahit antok na antok na ako tinapos ko talaga ang pagta-type dito dahil katulad ninyo, nabitin rin ako. Hindi ko na ito pahahabain pa dahil sobrang antok na talaga. Pagpasensyahan niyo na ang typos pag nagkataon unedited kasi ito. Anyways, good night. Love y'all. Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top