7

Denisse Gonzales
-Present Time-

Hindi pa man sumisikat ang araw, ginising ko na ang kambal. Alam kong excited sila sa lakad namin ngayon dahil ngayon lang din naman nag-aya ang ama nila na lumabas. Natawa pa ako ng maiging inayos ni Janisse sa tabi niya ang mga isususot niya ngayong araw.

"Dahan-dahan lang sa pagbaba." Paalala ko sa dalawa nang halos takbuhin na ang hagdan pababa.

Patuloy lang sa pagtakbo pababa ang dalawa habang nakasunod ako sa kanila bitbit ang maliliit nilang backpack na nilagyan ko ng pamalit na damit at first aid kit. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang dalawa, sobrang cute nila sa ternong white t-shirt at gray na jagger. Magkatulad rin ang disenyo ng kanilang sapatos. Ang magkaiba lang siguro ay ang kanilang buhok. Lagpas kasi sa balikat ang buhok ni Janisse kaya nagmumukha itong babae. Para itong softer version nila Jaiden at Jonas.

"Dada, bakit 'di pa bumababa si daddy? Hindi na po ba matutuloy?" Mahinang tanong ni Janisse habang nakakapit sa laylayan ng aking t-shirt. Instead of giving him an answer I just gave him a pat on the head.

Ang totoo ay hindi ko talaga alam ang kung matutuloy ba o hindi. Ayokong mabigo ang mga anak ko dahil alam kong matagal na nilang inaasam ang araw na 'to. Sobrang late na kasing umuwi ni Jonas kagabi na sure akong dumaan sa kung sino man ang bagong babae niya. Hindi ako bulag para hindi mapansin ang mga sariwang hickeys na sumisilip sa kwelyo ng kaniyang uniporme pagdating nito kagabi.

Tikom lang ang aking bibig sa buong magdamag. Itinigil ko na ang pag-aasam na mamahalin niya ako at magiging tapat siya sa akin. Ang importante ay nagpapaka-ama na siya sa mga anak namin. I'm contented with that. I'm happy as long as my children are happy.

"Good morning." Napatigil ako sa malalim na pag-iisip at nilingon si Jonas na bumababa mula sa hagdanan.

Napahigit ako ng hininga habang pinagmamasdan ito pababa. Para itong hari kung bumaba sa hagdan. Sobrang gwapo at kisig nito sa simpling suot na tapered gray gym shorts at sando na itim na pinatungan ng kulay abo ring jacket.

"Daddy! Good morning." Ang masayang bati ni Janisse. Yakap-yakap na nito ngayon ang binti ng kanyang ama habang nakangiting nakatingala dito.

"Good morning, angel." Yumuko si Jonas at kinarga si Janisse sa kanyang bisig. Hinalikan niya muna ito sa noo bago binalingan ng tingin si Jaiden.

"Good morning, dad." Ang bati ng huli dito pero hindi katulad ng kapatid niya, isang tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa ama.

"Good morning, bud." Bati pabalik ni Jonas dito at ginulo ang buhok ng bata. Kung ibang tao siguro ito ay baka umalma na si Jaiden, ayaw na ayaw pa naman nitong kaswal siyang hinahawakan.

Bumaling sa akin ang kanyang paningin at binigyan ako ng "Good morning, hon." Akmang hahalikan sana niya ako pero mabilis akong umiwas.

"Good morning, din. Kukunin ko lang 'yong pagkain natin. Mauna na kayo sa labas." Sabi ko dito. Nakita ko pa ang pagkabigla sa kanyang mukha at pagkunot ng noo nito. Hindi ko lang iyon pinansin at tinungo ang kusina para kunin ang backpack ko na may lamang pagkain, tubig, camera at sariling pampalit.

Paglabas ko sa kusina hindi ko sila nadatnan pa sa sala. Chineck ko muna  ang mga saksakan ng kuryento bago pinatay ang ilaw. Sinigurado kong nakalock ang pinto bago dumiretso sa garage ng bahay.

Saktong alas kuwatro ng umaga narating namin ibaba ng tayak hill. Minsan na kaming naparito nila Maricel at Henry dahil sa isa pa naming kaibigan na si Miguel. Athletic kasi ang isang 'yon kaya paminsan-minsa'y niyaya niya kaming sumama sa kanya na mag-exercise o mag-jog sa kung saan niya man trip mag-gala.

"Jaid, Jan, gising na." Marahan kong niyugyog ang dalawa para magising. Naunang nagmulat ng mata si Jaiden. Nagpalinga-linga pa ito sa loob ng sasakyan.

"Yes, we're going to climb the hill later. Are you excited?" Nakangiti kong tanong dito habang pinapahiran ang gilid ng kanyang labi na may natuyong laway.

Sinubukan kong gisingin ulit si Janisse pero mas sumiksik lang ito lalo sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Bubuhatin ko na lang siguro ito.

Akmang bubuhatin ko na sana si Janisse ng bumukas ang pintuan sa side ni Jaiden. Naunang pinababa ni Jonas si Jaiden.

"Bubuhatin ko na lang si Janisse. Natutulog pa kasi siya."

Nakitan ko ang pagtaas ng kanyang kaliwang kilay at tinitigan ako.

"Sa liit ng katawan mo, sa tingin mo makakaya mong buhatin ang bata paakyat sa burol?" Aniya sa nanunuyang tinig kasabay ng kanyang pagngisi na mabilis ring nawala. "I'll carry him until he wakes up. Dalhin mo nalang ang bag mo at bag ni Janisse."

Halos dalawang oras rin bago namin narating ang toktok ng burol. Naabutan rin naman ang napakagandang sunrise na ikinamangha ng dalawa. Hindi kasi ito mga gala at bahay at paaralan lang talaga ang laging distenasyon. Minsan ay gumagala rin kami sa mall pero sa piling okasyon lang talaga.

"MAMA! Can you take a picture of me and daddy po?" Excited na tanong ni Janisse na sinang-ayonan ko naman. Minsan lang ito magpakuha sa akin ng picture dahil na rin may pagkamahiyain ito sa harap ng camera. Nag-aalangan kong tiningnan si Jonas, tinatanong kung pwede bang kumuha ng litrato nilang dalawa.

"Jaiden, come here. Join us." Tawag nito kay Jaiden na nasa tabi ko at na tahimik lang na nakamasid sa kapatid at ama. Tiningala muna ako ni Jaiden bago tumingin pabalik sa ama. Tinanguan ko lang siya at nginitian. Ngumite ito pabalik sa akin bago nagtatakbo sa kanyang ama.

Kinuha ko ang DSLR mula sa aking bag at inilabas iyon mula sa sariling lagayan. Isinabit ko muna ito sa aking leeg bago itinapat sa aking mukha. Itinutok ko sa aking mag-aama ang lens ng camera at hindi ko maiwasang mapangiti sa aking nakikita.

Make lots of memories, Den. Sulitin niyo ang dalawang buwan.

Marami pa akong nakuhang litrato nila. Merong nag-wacky, naka-peace at kung anu-ano pang pose na maisip nilang tatlo. Halos pumutok na sa sobrang saya ang puso ko habang pinagmamasdan sila.

"Dada, let's take a family picture po." Sabi ni Janisse nang makalapit ito sa akin. Pilit ako nitong hinihila papunta kay Jonas at Jaiden pero mariin akong umiling.

"'Wag na, kayo nalang. Wala namang kukuha ng picture natin."

Tumigil ito sa paghila sa akin at nagpalinga-linga sa paligid. Lumiwanag ang mukha nito at tumakbo sa kung saan. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa lapitan nito ang medyo payat at may kaputiang lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa amin at nakasuot ng itim na bucket hat.

Pagkatapos makipag-usap ni Janisse dito, hila-hila na nito ang lalaki.

"Janisse..." I called helplessly. Ibang klase talaga ang batang ito.

"Sorry sa anak ko ha. Naabala ka pa tuloy." Hinging paumanhin ko sa lalaki pero tumawa lang ito.

"Ano ka ba, girl? Okay lang naman no. May bayad naman ito." Aniya na ikinagulat ko. Mukhang baliko rin kagaya ko ang lalaking ito.

"A-ano...magkano ba? 200 lang kasi budget namin." tanong ko dito. Actually may 5k pa ako sa pitaka ko pero natutunan ko kasi kay Cel na banggitin ang budget para hindi ka maisahan ng mga nag-aalok ng service.

"Charot! Biro lang teh. Naniwala ka naman sa ganda ko? By the way, I'm Austine ang diyosa ng mga unicorn." Pagpapakilala nito sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa introduction niya.

"I'm Denisse." Pagpapakilala ko rin at nakipag-shake hands sa kanya.

"Akin na ang cam mo, gurl. Itatakbo ko. Magkano ba benta nito?" Pagbibiro niya habang inaabot ang cam ko. Napatawa lang ako dito at napailing.

"Sige na, sis. Lakad ka na don sa gwapong fafa na 'yon. Infairness ha, familiar siya sa akin." Aniya na ikinatigil ko bago nilingon si Jonas. Nakasuot na ito ngayon ng sunglasses at cap na ipinasasalamat ko.

Nakahinga ako ng maluwag bago tuluyang naglakad papalapit sa kanila. Pinapagitnaan namin si Janice at Jaiden. Nasa side kosi Janisse at nasa kanya naman si Jaiden.

"One..Two..Three..smile!" Sigaw ni Austine.

Ngumite ako sa harap ng camera. Iyong ngiting totoo. Ngiti na puro saya lang. Isang ngiti na walang halong sakit, pagod at lungkot. Nilingon ko rin si Jonas, he was smiling happily na mas lalong ikinigwapo niya. Simula noong ikinasal kami hindi ko pa siya nakikitang ngumite ng ganito. It wasn't a mocking or a bitter smile but a sincere one.

"Narci?" I was brought back to reality after I heard a familiar voice.

"Nisy." Tawag dito ni Jonas. Nakita ko pa ang saglit na pagkislap ng kanyang mga mata habang nakatingin sa papalapit na si Shanice.

"It's really you! What are you doing here?" Masayang sabi nito at lumapit kay Jonas para yakapin ito.

"Staying fit. Ikaw? Bakit ka nandito? Are you with someone?"

"Yes, I'm with your family."

Pagkatapos niyang sabihin ito sakto namang dumating sila Mr. and Mrs. Juariz with their sons Francis, Axel and Nathan na buhat-buhat ang anak.

"Jonas, pupunta ka rin naman pala dito. You should've told us para nagkasabay na tayo." Sabi ng nanay niya ng makalapit sila sa amin. Hinalikan pa nito ang anak sa pisnge.

"And who are this lovely people with you?" Dagdag nitong tanong habang pinagmamasdan kami. And I could feel my sweat turning cold. Will he admit us to his family? Sasabihin na ba niya ang tungkol sa amin?

Deep inside I was hoping...I was hoping na sana hindi na kailangang itago ng mga anak ko ang tunay nilang pagkatao.

"I don't know. Just some passerby asking for my pictures." Diretsong sagot niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako maiiyak. Napaka natural nitong magsinungaling. Kung hindi siguro siya pumasok sa politika ay malamang marami nang parangal ang natanggap niya sa pagiging isang magaling na aktor.

Akala ko ay sanay na ako sa sakit sa ginagawang pagtago nito sa amin mula sa mundo. Pero nagkamali ako dahil ganun pa rin pala. Sobrang presko pa rin ng sakit. At dumoble pa ito ng madako ang paningin sa dalawa kong anak na tahimik lang na nagmamasid sa kanila. Parang alam nila ang nangyayari. Parang alam nila na hindi sila kayang ipagtapat ng ama sa mundo kaya nanatili na lang silang tahimik.

Pinigilan ko talaga ang sarili na huwag maiyak sa harapan nila.

"A-ah nagpapapicture lang po kami kay Gov. Gusto daw kasi ng mga anak ko na magpapicture sa kamukha nilang sikat. Hahaha." Sinubukan kong maging normal at natural dahil gustuhin ko mang sabihin sa kanila ang totoo alam kong wala itong magandang kahihinatnan.

"Oh? You guys really look like Narci! Specially you, baby." Itinuro ni Shanice si Jaiden.

"Yeah, my classmates keep on telling me that I look like him but after seeing him po I think I look more like my daddy." Sabi dito ni Jaiden na ipinagtaka ko. Nakita ko rin ang pagtataka sa mukha ni Jonas.

"Whose your daddy ba baby?"

Sa halip na sumagot ito ay humiwalay ito sa akin at tumakbo patungo sa lalaki nakaputing t-shirt at jogger na kulay gray din. May kataasan ito at may tattoo pa sa kamay. T-teka..parang kilala ko ito.

"Daddy!" Sigaw ni Jaiden na ikinagulat ko. Kahit kailan ay hindi ko pa narinig sumigaw ng ganun si Jaiden. "Kanina ka pa namin hinahanap. Nandoon si mama."

Itinuro niya ang pwesto ko kaya napatingin ito sa amin. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Jonas na pinagmamasdan rin siya.

"Sorry Den, may natanggap kasi akong tawag kaya nahuli ako." Aniya ng makalapit sa amin.

"O-okay lang, M-Miggy." Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Jaiden at ang pagdating ni Miggy.

Kilala ni Jaiden at Janisse si Miggy dahil minsan na nila itong nakausap through skype. Nasa ibang bansa na kasi ito at nagtra-trabaho bilang isang chief engineer. Aware rin siya sa relasyon namin ni Jonas. Unlike Maricel and Henry, wala talaga itong comment tungkol sa kasal ko.

"Hi, I'm Miguel Ayala. It's my pleasure to meet you."

-----------------------------------------------------------
Hi guysss!!! May ipinasok akong bagong character. Actually, wala po talaga sa plano ko ang maglagay ng character na nagngangalang Miggy pero I change my mind. Lahat naman siguro nagbabago. Feeling niya nga nagbago. Kung may Shanice ang Jonas na yan pwes may Miggy si Den. Charot! Galit na galit eh. Anyways, thank you po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong ito. Nilubos ko na ang update na 'to at isinulat for 5 hours. 2000 words po siya at feeling ko drain na drain na ang utak ko. Anywaysss, sana magustuhan niyo powxzx ang ud na itey. Stay clean, hydrated and safe po. Huwag kalimutang maghugas ng kamay at mag-alcohol. Maligo rin araw-araw at huwag magpakalat ng peyk news. Ingat guys!! Labyu ol. Mwua! Ciao!




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top