4.

Denisse Gonzales

Nang mapagod ako kakaiyak sa may park, napagdesisyunan kong umuwi na dahil kailangan ko pang maglinis ng bahay. Napatigil pa ako saglit para pagmasdan ang isang pamilya sa may playground. I though I was the only one here. Sana ay hindi nila ako nakita o narinig kanina.

Napangiti ako habang pinapanood silang ginagabayan at tinuturuan ang isang baby girl na maglakad. The moment her mom let go of her waist, excited itong naglakad papunta sa kanyang ama. Nahagip kaagad siya ng kanyang

Pumaibabaw sa kalmadong lugar ang masasaya nilang tawa. I would be lying if I said I wasn't envious. I pictured something like that in my mind noong kasing edad lang nila Janisse ang baby girl. I wished Jonas was the same but my expectations were never met. Everyday our marriage became a disappointment. But my kids are my hope. My kids are the reason why I'm still patiently waiting, trying and believing.

Sa kabila ng mga masasakit na salita at pagtatago niya sa amin ay umaasa pa rin ako na balang araw ay matututonan niya kaming mahalin. Hindi naman siguro ganoon katindi ang galit niya sa amin para hindi kami mangkaroon ng puwang kahit kaunti sa puso niya.

Kaya ko pang maghintay. Kaya ko pang maghintay pero hindi ko alam kung gaano katagal. Unti-unti ng numinipis ang pasensya at pag-asa ko kay Jonas. Kung ganito lang din naman pala ang kumpletong pamilyang kalalakihan ng mga anak ko, mas mabuti pang itigil na namin ito. Kakayanin kong punan ang pagkukulang niya sa kanila.

Tumalikod na ako sa masayang pamilya na nasa palaruan at nagsimulang maglakad pauwi. Tuwing may nakakasalubong akong taga-village ay automatic na napapayuko ako. Bukod sa namamaga pa ang mga mata ko, ayaw ko ring may makausap na taga dito. Hindi ko alam kung anong maaaring isagot sa magiging tanong nila. I don't want to lie. I'm so tired of lying. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko pauwi sa bahay namin.

Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso ako sa kusina para maghugas ng pinaggamit ko sa pagluluto at mga platong ginamit nila kanina sa pagkain. Wala akong ganang kumain kaya uminom nalang ako ng tubig para magkaroon ako ng kaunting enerhiya para ipagpatuloy ang aking paglilinis.

Hindi niya ako pinayagang mag-trabaho o magpatuloy sa pag-aaral dahil kailangan ko dawng alagaan ang mga bata. Hindi na ako umalma dahil gusto ko rin namang matutukan ang pag-aalaga sa kambal. Gusto ko ang ginagawang pagsisilbi sa dalawa kong prinsipe. Matapos kong  madiligan ang mga tanim sa maliit kong garden at malinis ang iba pang parte nitong bahay namin, lupaypay akong napahiga sa malambot at may kalakihang kama namin ni Jonas.

Oo, paminsan-minsan ay magkatabi kaming natutulog sa iisang kwarto  pero ni minsan ay hindi niya ako ginalaw. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa 'yon o dapat ba akong masaktan. Mag-asawa kaming dalawa at normal lang naman siguro kung gagawin namin iyon.

Tuwing gabi, hindi ko maiwasang ikumpara si Jonas sa aircon naman dito sa kwarto. Mas ramdam ko kasi iyong malamig niyang pakikitungo sa akin.

Hindi ko namalayan na sa gitna ng pag-iisip ay nakatulog na pala ako. Magaan ang aking pakiramdam pagkagising ko. I glanced at the fancy round clock hanged at the top of the wall and checked the time. Alas dos na pala.

Bumaba ako saglit para kumain dahil nagwawala na ang aking tiyan. Wala akong agahan at pananghalian. Sinong hindi gugutumin niyan?

"Hmmm...ano bang magandang lutuin?" Ang tanong ko sa sarili habang sinusuri ang mga stocks ko sa ref.

Kinuha ko ang tirang manok sa loob at gumawa ng fried chicken. Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako ulit sa kwarto sa taas.

Kinuha ko muna ang laptop ko mula sa aking cabinet at saka umupo sa harap ng study table. Binuksan ko ang laptop at saka chineck ang status ng mga stocks ko sa iba't-ibang kompanya. Ang mga naipon kong pera at ang perang ipinamana sa akin ng lolo at lola ko ay ininvest ko sa mga kompanyang sa tingin ko ay lalago. Sa ngayon ay malaki-laki na rin ang perang pumapasok sa bangko ko. Unang-una pa lang ay alam ko ng hindi ako dapat maging dependent kay Jonas dahil walang kasiguraduhan ang relasyon namin. Hindi naman ako pweding umasa palagi sa mga magulang ko.

Pagkatapos kong mai-check ang mga e-mails ko, sunod ko namang binuksan ang facebook account ko. Tadtad ng messages ang inbox ko at halos lahat ay galing kay Maricel at Henry. May natanggap ako mula sa mga kaklase ko noong college at highschool pero puro lang naman mga chain messages at mga gustong umutang. Bubuksan ko sana ang message ni Cel ng makatanggap ako ng videocall request galing kay Henry.

"Henry! I miss you!" Naiiyak kong sabi dito matapos kong i-accept ang kanyang tawag.

"Bobi, I miss you so much. I tried to contact you last month pero hindi ko magawa. Sinasaktan ka ba ng asawa mo?" Nag-aalalang tanong niya. Nakalukot ang makinis nitong noo. Napangiti ako ng mapansing mas gumwapo pa ito ngayon. Kung hindi ito naging business man ay baka isa na itong sikat na modelo.

Umiling ako. "Hindi. Salamat sa Diyos hindi naman niya kami sinasaktan physically. Pasensya ka na kung hindi mo ko ma-contact nawala kasi ang cellphone ko."

Ang totoo ay sinira ni Jonas ang cellphone ko noong nag-away kami. Ipinakita ko kasi ang isang article tungkol sa kanilang dalawa ng babae niya pero nainis lang ito at itinapon ang cellphone ko kung saan. Last week lang ako nakabili ulit ng cellphone.

"I told you na dumito na kayo sa Italy. Kaya kitang buhayin, okay?" Medyo naiinis niyang sabi sa akin. Alam kong nagtitimpi lang siya na hindi banggain si Jonas dahil alam niyang hindi ito basta-bastang tao.  He's a Juariz. Sino ba naman kami  kumpara sa kanya at pamilya niya?

"Kaya ko namang buhayin mag-isa ang mga anak ko. K-kapag hindi pa siya nagbago papayag na akong makipag divorce. Napapagod na rin ako dito sa sitwasyon namin. Kung ganitong klaseng pamilya lang din naman ang makakagisnan ng mga anak ko ay mas mabuti pang magpakalayo-layo na kami." Ang malumanay kong sabi dito.

Mahal ko si Jonas pero hindi ito makakapantay sa pagmamahal ko sa mga anak ko at kahit kaunti ay may natitira pa rin naman akong pagmamahal para sa sarili ko.

Si Henry ay isa sa mga kababata ko. Magkaibigan kasi ang daddy ko at daddy niya kaya ayon nakabuo rin kami ng sarili naming pagkakaibigan. Inaalagaan ako nito simula pagkabata at tumayo bilang kuya ko. Ito ang palaging nagtatanggol sa akin mula sa mga umaaway sa akin noong nag-aaral pa kami. Malambot kasi akong kumilos kaya ay palagi akong pinagdidiskitahan ng mga schoolmate at classmates ko.

"Mabuti naman at natauhan ka na. Kamusta naman ang mga inaanak ko? Pinapasakit ba ang ulo mo?" Tanong niya at saka nagsimula sa kanyang ginagawang pagpirma ng mga papeles.

Ngumite ako at nag-relax. Inalala ko ang ini-report sa akin ng teacher nila. "Maliban sa pakikipag suntukan ni Jaiden ay wala naman akong problema sa dalawang 'yon."

"Bakit na naman napaaway ang  bulilit na 'yon?" Ang nagtataka niyang tanong. Wala naman kasi sa itsura ni Jaiden na mahilig ito sa away. Tahimik ito at seryoso. Mature kung titingnan mo.

"Binubully na naman kasi si Janisse. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawa ang school nila. Gusto ko na nga sanang kausapin ang magulang n'ong nang-aaway kay Janisse kaso busy daw ito kaya ang yaya nalang ang napagsasabihan ko."

Naalala ko na naman ang umiiyak na Janisse at may pasang Jaiden noong pinatawag ako sa school. Katulad ko ay may kalambutan ding gumalaw si Janisse. Mas feminine rin ang physical features kaya tinutukso itong bakla. Alam kong hindi hahayaan ni Jaiden na masaktan o tuksuhin ang kapatid niya kaya nagawa niyang makipag-away. Naiintindihan kong ginawa niya lang 'yon para protektahan si Janisse pero ayaw ko itong kunsentihan.

There are other ways to protect his brother without getting into physical fights.

"Don't worry, I'm gonna go back there in the Philippines for a deal next month or next week. Pagsasabihan ko iyang head ng paaralan kapag hindi pa din tumigil ang pang bu-bully kay Janisse."

Napangiti naman ako dito. Mas nagiging ama pa si Henry sa mga anak ko kesa kay Jonas. Kailan kaya magiging ganito si Jonas?

"Thank you, Henry. Kahit palagi nila akong tinatawag na bobo at martir ay iniintindi mo pa rin ako." I said sincerly.

"Bobi, you're not dumb. Martir siguro, oo, pero hindi ka bobo. You have your own mind at naiintindihan ko kung bakit pilit ka pa ring nagpapatali sa kasal na 'yan. I know you want to give your kids a complete family. Pero sana marealize mo rin na this is not healthy for your kids anymore." Aniya sa seryosong boses.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at tumango.

"Sige na. May meeting pa ako. Let's talk again soon. I-send mo sa akin ang number mo, pati e-mail. Love yah!" Aniya at kumaway-kaway pa sa screen.

"Bye, love you too. Mag-iingat ka diyan palagi."

Pagkatapos naming mag-usap ay ilo-log out ko na dapat ang account ko ng mag pop ang message ni Maricel.

Beh! Nakita mo na 'yong balita?


Wala. Anong balita?

Bumalik na sa Pilipinas iyong Miss U na first love ng asawa mo. Buong family pa ng asawa mo ang sumalubong kay Shanice. Kabog!

Nandoon din ba siya?

Oo, baks! Nangunguna husbi mo. Front liner siya, gurl.

Hindi ako nakasagot agad kay Maricel. Napatitig lang ako sa chatbox namin. Nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya, mapakla akong napangiti. Hindi ko napansing umiiyak na naman ulit ako. Pinunasan ko ang kumawalang butil ng luha sa mga mata ko at ngumite. Kaya ko 'to.

Walang balita na nakipag balikan si Jonas kay Shanice, Den. Sa inyo pa rin siya uuwi. Ang pangungumbinse ko sa sarili.

-

Kinagabihan, lasing na umuwi si Jonas sa bahay namin. Inihatid siya ni Luke na kanyang sekretarya. Isa siya sa mga nakakaalam tungkol sa kasal namin.

"Luke, bakit lasing na lasing itong amo mo?" Tanong ko dito habang inilalapag niya si Jonas sa higaan nito.

"Nagpa-party kasi sa mansion nila dahil sa pagdating ni ma'am Shanice. Mukhang naparami ang inom ni sir." Ang sagot niya. Tuluyan na niyang naiayos ang pagkakahiga ng asawa ko sa kama.

"S-sige. Maraming salamat, ako na ang bahala dito sa amo mo."

Inihatid ko ito hanggang sa may gate ng bahay at hinintay na makalayo ang sasakyan niya bago pumasok ulit sa loob ng bahay.

Pag-akyat ko sa taas, pumasok ako sa bathroom namin para kumuha ng maliit na planggana. Nilagyan ko iyon ng maligamgam na tubig at saka bumalik sa tabi niya.

Saglit akong napatigil para pagmasdan ang perpekto niyang mukha. Itinaas ko ang aking kamay at inayos ang kanyang magulong buhok.

"Bakit ba ang gwapo-gwapo mo ha?" Ang mahina kong tanong at pilit na ngumite. Parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko. Tumikhim ako at tumingala.

Kahit nahihirapan, ipinagpatuloy ko pa rin ang paglilinis sa kanya. Taking off his shirt was a real turtore. Sobrang mabigat kasi ito at parang gawa sa bato ang katawan. It wasn't something new but his well built body still surprises me. Habang nililinis ko ang katawan niya ay siya namang paghuli niya sa kamay ko.

"Who err you ha? Ikaw ba 'yong pishte kong ashawa nahwalang ginawa kundi sirain ang buhay ko?" Tanong niya habang dinuduro ako. Tinampal ko ang kamay niya at pinagpatuloy ang paglilinis. Ayaw kong pumatol sa lasing.

"Magpahinga ka na Jonas. May trabaho ka pa bukas." Ang walang kabuhay-buhay kong sabi sa kanya habang nililigpit ang mga pinaggamitan ko.

"Yesh! Yesh..I want to reshh already. I'm shooo shoo tired of thish. Becash of you, you and your father. Shinira niyo ang buhay ko. Dahil sha inyo, hindi ko na pweding pakashalan ang babaeng mahal ko. Mahal ko...hahaha! SHANICE! I LOVE YOU BABY!" Sigaw niya at itinaas pa talaga ang mga kamay.

Kahit gusto kong humagulgul ng iyak ay pinigilan ko ang sarili ko. Ilang beses na ba akong umiyak sa araw na 'to? Pagod na ako eh.

Matapos kong ibalik sa bathroom ang planggana at palitan ang kanyang damit tumabi na ako sa kanya. Tumagilid ako para mapagmasdan ang gwapo niyang mukha. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay sasabihin kong maswerte ako. Pero sa mga oras na ito tanging pagsisi na lang ang nadarama ko.

Hinawakan ko ang kanyang pisnge at maingat na hinalikan ang kanyang noo pababa sa kanyang mga labi.

"Jonas, mahal kita at alam kong mahal ka din ng mga anak natin. Pero hindi na namin kayang maghintay at kumapit. Ibabalik na kita sa totoong nagmamay-ari sa iyo." Bulong ko dito at tuluyan ng hinayaan ang mga luha kong kumawala.

Why does love have to be this painful?

-----------------------------------------------------------
Edited version
Augustu 18, 2020

Last update until next weekend guys! Haharapin ko muna mga teacher namin at ipaglalaban ang aming walang kwentang research. Ayon lang! Labyu ol.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top