39
Third Person POV
"Kuya, sigurado ka bang pupunta siya doon sa trap? What if he don't, kuya?" Ang mahinang tanong ni Janisse sa kanyang kapatid na seryosong nagbubuklat ng libro.
Ibinaba ni Jaiden ang hawak-hawak na libro at tiningnan ang makulit na kapatid. "Stop asking. It won't fail, trust me."
Ngumuso ito sa direksyon niya at napadausdus sa upuan nito. "Kuya, sabihin na lang kasi natin kay, daddy. Kahit mature ka na mag-isip we still need help from the adults. Ayoko pang mamatay, kuya. Magpapabili pa ako ng cars kay daddy."
"We'll tell him later kapag wala na si mama at loloma. I don't want them to get worried." Ang sagot niya dito. Isang ngisi ang sumilay sa mukha nito ngunit hindi iyon nagtagal sa maliit nitong mukha.
Napatigil ang paningin nito sa kawalan—hindi, sa isang taong nakamasid sa kanila mula sa ibaba. "Oh, he's here." Ang wala sa sarili nitong sabi.
Bumaba rin ang kanyang paningin sa maliit na pigura sa ibaba ng kanilang balkunahi, sa loob ng kakahuyan. Nakasuot ito camouflaged shirt. Sumilip lang ito sa pwesto nila bago naglakad paalis bitbit ang mga kahoy na dala.
"Sino kaya 'yon, kuya?"
"We'll find out later,"
Marami namang nawawalang mangangahoy na napupunta sa kanilang lugar pero ang lalaking 'yon ang pinaka-nakakapagtaka.
He's strange dahil kamukhang-kamukha nito ang kanilang dada.
Denisse Gonzales-Juariz
"Kaya nila kami pinapatay isa-isa dahil akala nila nasa amin ang susi?" Ang di makapaniwalang tanong ko kay Jonas. "Anong klaseng dahilan 'yan? What if it wasn't real?"
"Tanging ang tatay lang ni Chadwick ang makakasagot niyan," Napatingin kaming lahat kay kuya. Nakatulala lang ito sa kawalan. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa usapan naming lahat. "You're his son. Anong masasabi mo sa ginagawang katarantaduhan ng ama mo?"
Tumingin ito kay Jonas at dahan-dahang umiling. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya at pagkalito. "I...I don't know. Hindi ko alam kung bakit magagawa niya 'yon sa mga kapatid ko. H-Hindi ko alam kung bakit niya ako sinubukang patayin."
"Pwede naman niyang hanapin at hingin ang susi nang hindi pumapatay. Pero bakit? Bakit... bakit kailangan pa niyang patayin ang mga anak ko? I trusted him... Nagtiwala kami ni Stanley sa kapatid niya." Ang umiiyak na sabi ni papa habang hinahaplos ang ulo ng kapatid ko.
Kakatulog lang nito kani-kanina lang. Nang gumising ito isang linggo na ang nakalipas, nakatulala lang ito palagi. Ngayon lang ulit ako nakababa para bisitahin siya.
"Let's just wait for another update from your dad. Wala na raw si Stanford sa bahay nila. They couldn't find him anywhere." Ang sabi ni Jonas.
Hindi ko maiwasang mas lalong kabahan at matakot sa pinagsasabi niya. Nakakapagod na ang halos sampung buwan na pagtatago at pagbabantay. I could barely calm down and relax during my pregnancy. Palagi akong paranoid. Kaunting kaluskus lang ay nanginginig na ang kalamnan ko. I was always on guard.
"Dane? A-ano 'yon, nak?" Napalingon ako sa direksyon ni papa nang tawagin niya ang pangalan ng kapatid ko.
Inalalayan ako ni Jonas na makatayo at makalapit sa kapatid ko. Nakabukas ang walang buhay nitong mata habang nililibot sa palagid. Parang may hinahanap siya.
Tumigil ang kanyang paningin sa akin saka ako tinitigab. "Den..."
Mahina man, malinaw ko pa rin itong narinig. Alam kong pangalan ko ang binanggit niya. Umupo ako sa tabi ni papa at hinintay ang kung ano mang sasabihin niya. "Nandito lang si, kuya. Nakikinig ako."
"K-Kamukha mo...kamukha mo siya.." Nasaksihan ko ang pag-agus ng isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata.
"Ang... ang kasama ni...ni tito..."
Saglit na katahimikan ang namutawi sa pagitan naming lahat. Kamukha ko? Walang pumapasok sa isipan kong tao na kamukha ko. Sino ang tinutukoy niya? Napatingin ako kay papa at nakitang napatigil ito sa kanyang upuan. Nanginginig ang kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang bibig.
"Keanu..." Napalingon ako kina Jonas at kuya Chadwick at kinunutan sila ng noo. Sabay kasi nilang binanggit ang pangalang yon.
"Sinong Keanu, Jonas, kuya?" Ang nagtataka kong tanong sa kanila.
"Keanu Gonz—"
"Dada! Dada! Umiiyak na silang tatlo po."
Napalingon kaming lahat sa kadarating lang na si Janisse. Humihingal pa ito habang nakakapit sa pintuan. Napatingin ako kila mama para magpaalam. Tumango ito sa akin saka tumingin sa kapatid ko. Tumayo ako at hinalikan ito sa noo.
"Babalik si, kuya, ha? Puntahan ko lang ang mga pamangkin mo. Okay? Magpagaling ka. Mahal na mahal ka ni kuya."
Hindi ko maiwasang maiyak nang tumugon ito sa akin. "Mahal rin kita.."
Kahit nagkahiwalay kami ng maraming taon, hindi pa rin nababawasan ang pagmamahal ko sa mga kapatid ko. Ang mga kapatid ko ang una kong naging kaibigan. They know me more than my best friends. Noong nabuntis ako at sinulsulan ni papa na magpakasal, ang mga kapatid ko ang palaging nasa tabi ko upang patahanin ako sa pag-iyak. Ni minsan wala akong narinig na pandidiri at panunumbat mula sa kanila. They encouraged me to keep on fighting, to be strong for my kids. My siblings were the ideal people I want my kids to grow up to be. Gusto kong maging mapagmahal at mapag-alaga sila sa isa't-isa. I want them to be each other's arm to lean on.
"Aww nagugutom na ang mga baby ko? Sorry, sorry, natagalan si mama." Ang paumanhin ko sa mga bulilit nang maipwesto ito ni Jonas sa nursing pillow.
Maayos kong ipwenesto sa bibig nila ang dibdib ko at hinayaan silang sumuso doon. Ang sakit talaga. Parang pinipisil ng malakas ang dibdib ko. Tuwing gabi ay magigising na lang ako at maiiyak dahil sa sakit ng dibdib ko. Hindi naman ako ganito n'ong kina Janisse. Pero sabi ni doc, paiba-iba daw talaga 'yon.
Nagulat ako nang maghubad si Jonas ng damit sa harapan ko. "Woah! Ang cool talaga ng daddy ko! Kaya ba love na love mo si daddy, da? Kasi para siyang si superman?"
Ibinaling ko ang aking paningin kay Janisse at tumawa. "Love na love? Hindi 'no."
"Aysus, denial ka dada eh. Akala ko sa ibang guys ka magpapakasal, da, pero hindi naman kayo naghiwalay ni daddy. Mag-wedding nalang po kayo ulit para maging flower boy ako. Okay, dada?" Tumingin rin ito sa kanyang ama, "Okay, daddy?"
"Sure, baby. Kapag naka-uwi na tayo, your dada and I will arrange the wedding." Tumabi sa si Jonas dito sa kama habang nasa ibabaw niya ang hubo't hubad rin naming anak.
"Daddy, wala ka na po bang work?" Tumabi si Janisse sa ama at sumandal sa braso nito.
"Why did you ask, babe?" Kunot noong tanong ni Jonas dito.
Kinuha nito ang kanyang tablet at may kinalikot doon. Pagkatapos yatang makita ang hinahanap ay agad niya itong itinaas upang makita naming dalawa ni Jonas. "Look oh, nag-resign na daw po kayo, daddy. Hindi niyo na po ba ako mabibilhan ng cars daddy?"
"What if I can't, baby? Ayaw mo na ba kay daddy kapag gan'on?" Ang taas kilay nitong tanong.
Lihim akong namangha na tahimik lang talaga si Devon na nakadapa sa kanyang dibdib. Kanina ay sobrang lakas pa ng iyak nito pagdating namin.
"No po, kahit bad ka dati love na kita ngayon. Saka daddy, kahit hindi ka mag-work mayaman ka pa rin po." Ang komento nito na nagpa-iling sa akin.
Itong batang 'to, sana ay hindi masyadong ma-spoil. Kahit si dad, napapaamo nito. Tuwing tatawag si dad sa amin, silang dalawa talaga ang pinakamatagal mag-usap. Pinangakuan pa to ni dad sa mga ni-request niyang luho.
"You're right. Kapag nasa tamang edad ka na, bibilhan kita. For now, mag-aral ka muna. Straight A's in exchange for your dream cars. Deal?"
Malalaking pagtango ang ginawa nito sa ama. Hindi rin mawala-wala sa kanyang mukha ang malaking ngiti.
"Daddy, ikaw na ang pinaka the best daddy in the world. Pakiss nga po ako sa pinaka the best na daddy," ang makulit nitong ani na ikinatawa naming dalawa ni Jonas.
Lumuhod ito sa gilid ng ama at pinugpog ito ng halik. "Dada, boto na ako kay daddy para sa'yo po. Bawal ka na po kayo tito Jordan. Daddy, kilala mo yong si kuya Taegan? Dumadamoves siya kay dada po pero binantayan namin siya ni kuya. Di ba, kuya?" Lumingon ito sa kapatid na tahimik lang na naglalaro sa rubix cube niya.
Tumingala ito sa kapatid at binigyan ng isang nagtatakang tingin. "No, you didn't. I did."
Binigyan ito ng masamang tingin ni Janisse bago humarap sa amin. "Ah, basta! Kakain na lang ako ng hapunan. Daddy, pwede bang hindi ako ang mag-wash ng dishes ngayon? Ang sakit po ng kamay ko."
Naka-usli ang ibabang labi nito habang nakatingin sa amin ni Jonas. At ayon nga, nagpadala naman si Jonas sa kalokohan ng anak. Napailing na lang ako nang tuluyan nang maka-alis ang mga bubwit.
Matapos padedein ang tatlo, salitan niya itkng pinadighay bago namin sila pinahiga sa pagitan namin.
"Jonas, sino si Keanu?" Ang mahina kong tanong sa kanya sa kalagitnaan ng pakikipag-usap niya sa tatlo.
"It's strange how you didn't know that motherfucker," ang seryoso niyang tugon. Agad na nagbago ang aura nito pagkatapos kong mabanggit ulit ang tungkol kay Keanu.
"Keanu Gonzales is your dad's uncle. Ang puta na kinatay ng walang awa ang lola ko. Do you wanna hear it?" His voice sounded dangerous, like he was about to cast some cursed on me.
After putting the babies back on their crib, magkayakap kaming nahiga ni Jonas sa kama. Tahimik lang akong nakinig sa kanya habang isinasalaysay niya ang nangyari sa buhay nila nang makapasok si Keanu sa kanilang tahanan.
Keanu Gonzales seduced their grandfather. Ang sabi ni Jonas masyado dawng obsess si Keanu sa lolo nila hanggang dumating sa puntong hiniling nito sa matanda na hiwalayan ang kaniyang lola. His grandfather who had an affair with a gay man refused to do it because he was afraing of ruining his name. Mas lalong lumakas ang loob ni Keanu dahil nagpupunta na ito sa bahay ng kanilang lola. Palagi itong naghahanap ng away. He'd always find a way to tease her. Keanu and Mrs. Juariz had big fight, napikon daw si Keanu sa sinabi ng kanyang lola pero hindi na ito lumaban pang muli. Ilang araw dawng hindi nagparamdan si Keanu sa kanila. Nagpla-plano na raw ito kung paano sila papatayin. And that's how he lost his grandmother.
"Hindi ba siya nakulong?"
Umiling si Jonas. "The Gonzales was on par with our family. Nakahanap sila ng lusot para mailipat ito sa isang psychiatric hospital. Ilang beses ko siyanh sinubukang ipapatay but he was protected well."
Sumandal pa ako lalo sa dibdib niya at pinakinggan ang tibok ng kanyang puso. "Do I really look like him, Jonas? Kaya ka ba galit sa akin? Kaya ka ba nandidiri."
"You are. You really look like him. At tama ka. Your face was the reason why I feel disgusted and angry. I'm sorry."
Nasaktan ako pero naiintindihan ko naman ang pibanggagalingan ni Jonas. "Don't be, Jonas. Seeing you change is enough compensation."
"I love you.." Napatingala ako sa kanya gamit ang nanlalaki kong mata.
Ngayon ko lang narinig ang mga salitang yon mula sa kanya.
Isinubsub ko ang aking mukha sa kanyang leeg at tahimik na lumuha. "I love you, Jonas. Mahal na mahal kita. Thank you for loving me back," ang buong sensiridad at pagmamahal kong sabi sa kanya.
He kissed me on my forehead at sinuklay ang aking buhok. "Thank you for not giving up on me."
Third Person POV
Nagising si Jonas na wala sa kama ang kambal. Tiningnan niya ang orasan at nakitang alas tres pa lang ng madaling araw. Tahimik siyang tumayo mula sa pagkakahiga at naglakad papunta sa banyo. Akala niya ay nagpapasama lang si Janisse sa kuya niya ngunit walang siyang nadatnang mga bubwit sa banyo.
Unti-unti siyang nakaramdam ng takot habang pababa ng hagdan. Sobrang tahimik ng bahay at walang ni isang ilaw ang nakabukas. Una niyang pinuntahan ang sala ngunit isang tulog na tulog na Chadwick lang ang kanyang nadatnan doon.
Malakas niya itong niyugyog para gisingin. "Asshole, wake up."
Tinampal nito ang kanyang kamay kunot-noo siya nitong tiningnan. "WHAT?!"
"The kids are g—" Hindi niya nagawang ituloy ang sinasabi nang marinig ang malakas na kalabog na nanggagaling sa kusina.
Awtomatiko ring napatayo ang pinsan ng kanyang asawa nang marinig iyon. Patakbo nilang tinungo ang kusina. Pareho silang gulat sa nakita pagpasok doon. They were terrified.
"Janisse... Jaiden.."
-----------------------------------------------------------
Sorry powxszx sa multiple POVs huehue. Ayon lang po hahaha hindi ko na papahabain ito dahil ako ay inaantok na po haha.
Stay healthy, keep safe and God bless you always. Goodnight po. Labyo ol. Mwua mwuah! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top