38
Narcido Jonas Juariz
Tahimik akong umakyat sa itaas. It's still 3 in the morning nang makarating ako dito sa kasalukuyang tinitirhan nila Denisse kasama ang mga tauhan ko. Dahil sa labis na excitement, hindi ko maiwasang mapaaga ang pagpunta dito. Stanley didn't told me specific time to come anyway. Kanina ko pa inutusan ang mga tauhan kong pumwesto sa paligid nitong bahay.
"Kinakabahan ka ba?"
Napalingon ako sa tabi ko at tumango. The excitement since yesterday didn't die down kaya wala akong sapat na tulog. And now I'm getting nervous. Sobrang daming tanong ang pumapasok isipan ko.
"You'll be fine. Hindi man sabihin ng anak at mga apo ko, alam kong nangungulila rin sila sa iyo. Lalong-lalo na si Janisse. He always talks about you," Ang nakangiting pagkwe-kwento ng papa ni Denisse.
Compared to Stanley, wala akong masasabing masama sa asawa niya. He was the one who talked to me properly. Siya rin ang nagbigay sa akin sa notebook ni Denisse. The notebook where he wrote down all his plans for our wedding.
"Thank you for taking care of them, tito." Bago kami tuluyang makapasok niyakap ko muna ito.
"Walang ano man. I'm just glad you're here, ijo." aniya.
He patted my back before opening the door. Agad na bumungad sa akin ang kama kung saan natutulog ang mag-aama ko. There was a huge crib placed beside them. Nilingon ko ang papa ni Denisse at nakita siyang dahan-dahang isinara ang pintuan.
I walked towards the crib slowly, careful not to wake them up. I leaned down in front of the crib and saw not just one, but three little angels. I felt the biggest surge of excitement and happiness as I watch my kids sleeping silently. They look so fucking perfect.
And I felt so bad not being able to help Denisse throughout his pregnancy. Alam kong nahirapan siya and I couldn't even do anything about it.
I sucked my breath when the one with the blue onesie blinked his eyes open. It didn't take too long before he started crying.
I got this. Pinag-aralan ko to. Naglagay muna ako ng alcohol before I picked him up gently. Dahan-dahan akong umupo sa tabi ni Denisse saka siya hinalikan sa noo at labi. "Hon, wake up. I think the baby's hungry."
I don't think he woke up from my voice. Mas lumamang kasi ang malakas na iyak ng bulilit kesa sa boses ko. Dahan-dahan siyang tumango bago bumangon sa pagkakahiga. His eyes are still shut kaya sigurado akong hindi pa niya ako napapansin.
"Akin na si J—JONAS?!" Ang kaninsng namumungay ang mata ay namilog sa gulat. Mahina akong natawa before dipping my lips on his..
"I wanna kiss you hard but our baby needs you," I said before giving him our baby. Nahihiya niyang binuksan ang butones ng kanyang damit but he failed to open the last button because he was holding our infant.
I raised my hand at tinulungan itong kalasin ang huling butones ng kanyang damit. He freed his slightly enlarged breast from his shirt and placed his nipples against our baby's lips.
"Anong pangalan niya?" Ang tanong ko habang pinagmamasdan ang anak namin.
Instead of giving me an answer, he looked up and tried to wipe his eyes. He's crying. Tahimik lang itong umiiyak.
"What's wrong, Denisse?" Ang nag-aalala kong tanong dito.
"Ikaw ba talaga 'yan, Jonas? Hindi naman to panaginip 'di ba?" Ang umiiyak niyang tanong sa akin habang sumisinghot.
"No, this is not a dream, Denisse. I'm not a dream." I reached for his face and caressed it lightly. Ilang buwan rin akong nangulila sa mukhang to.
"But you are my dream, Jonas." Ang nakangiti nitong sabi nang ihilig niya ang kanyang mukha sa mga kamay ko. I chuckled at his sweet antic. "Kiss mo nga ako para naman maniwala ako." Ang dagdag niya na mas lalo pang nagpatawa sa akin.
Damn, this guy. How can he be so fucking lovely?
I was about to lean in again for a kiss when I got stopped from another cry. I leaned in and gave him a quick kiss bago tumayo. I carefully picked my baby up at inilapit ito kay Denisse.
"Jonas, pwedeng pakikuha n'ong parang donut na unan? Para mapagsabay ko sila," ang utos niya na mabilis ko namang tinugon. I still have my baby on my arms. Mas lalo pang lumakas ang iyak nito.
I helped him wear it around his belly at tinulungan rin itong ipwesto ang mga bata. Breastfeeding and taking care of three babies is handful. And I couldn't be more proud of my man for being such strong momma to my kids. Nakita ko pa siyang bahagyang napangiwi habang dumedede ang mga bata.
"You okay?"
Tipid siyang ngumite sa akin bago marahang tumango at sumagot, "Masakit pero kakayanin."
"Nga pala, this is Devan James siya ang ikatlong lumabas, ito naman si Devon Jiselle siya ang panganay sa kanilang tatlo. Yong nasa crib ay si Devin Jamiah. Two girls at isang boy. Ang kambal ang nagpangalan sa kanila," Ang nakangiti niyang dagdag.
"They're beautiful and small," ang wala sa sarili kong kumento habang nakatitig sa dalawa. "I'm sorry if I couldn't be with you during your pregnancy. It must be tough."
"It was hard pero wala akong oras para alalahanin pa yon. Kinailangan kong maging matatag para sa mga anak natin, Jonas. Saka tinulungan naman ako nila kuya Chadwick, papa, doc at Taegan," aniya.
Agad na napakunot ang noo ko nang magbanggit siya ng hindi pamilyar na pangalan. I'm pretty sure Taegan can't be a woman's name. "Who the fuck is Taegan?"
"Kababata ko, anak ni doc Tina. He's a nurse kaya tumutulong siya sa mama niya para magcheck-up sa amin ng kapatid ko." Ang sagot niya. Gusto ko pa sanang umalma pero inunahan na niya ako, "Jonas, kung makikipaglandian ako sa ibang lalaki tatanggalin ko tong singsing mo. Kakarating mo pa nga lang makikipag-away ka na. Kunin mo nga muna to si Devan."
"Hon, no. Hindi ko sinasabing nakikipaglandian ka. I know you love me very much." Ang kumpyansado kong sagot na ikinaani ko ng isang malutong na hampas sa braso.
"Ang kapal mo naman yata, Jonas. Kunin mo nga muna si Devan at padighayin mo muna." Ang pagsusuplado niya ngunit hindi naman nakalagpas sa aking paningin ang namumula niyang tenga. Lihim akong napangisi habang maingat na kinukuha ang anak namin.
I held him firmly against my shoulder and supported his bottom with my right hand. I rubbed his back with my free hand at hinintay itong dumighay. I learned how to do this back when the twins were just as small as the triplets. May mga panahon kasing nahihirapan si Denisse na bumangon.
Matapos kong mapadighay si Devan at mapatulog ulit, sunod namang umiyak ang kapatid niyang naiwan sa crib. Now, I'm getting more amazed with Denisse.
Kinuha ko ito mula sa crib at ibinigay kay Denisse. Inayos ko rin muna ang likuran niya at dinagdagan ang unan sa kanyang likuran. Kinuha ko pagkatapos si Devon mula sa kanya at pinadighay ito. It was a bit tiring, but this is nothing compared to what my husband went through.
After putting all the infants back to their crib, ang kambal naman ang sunod kong nilapitan. I kissed their foreheads lightly dahil ayaw ko itong magising.
I thought I was careful enough, but I was a bit caught off guard when Janisse hugged my neck tightly.
"Daddy?" His voice was groggy and shaky like he was about to cry. "Wag ka na pong umalis. Kapag umalis ka isama mo na po kami nila dada po."
His eyes were close and I don't think he's aware that he's holding me down. Tiningnan ko si Denisse at nakitang nakangiti ito sa amin. "Miss na miss ka na niyan. He told me he missed your food."
"I'm here, baby. Daddy's not going anywhere. I'm going to take you home after this." Ang mahina kong sagot dito.
His eyes fluttered open. Noong una ay mukhang naalimpungatan pa ito.
"Daddy!" mas lalo pa itong yumakap sa akin nang matanto nito kung sino ako. "Dada, si daddy po!"
Nakangiting sumenyas si Denisse dito na hinaan ang boses dahil natutulog pa ang kapatid. "Pagod pa ang daddy mo at masyado pang maaga. Matulog muna tayo ha?"
The bed was big enough for the four of us kaya tumabi na lang ako sa kanila. This is what we were supposed to do before they were taken away from me. Sisiguraduhin kong mababangasan ang mukha ng Chadwick na yon mamaya. Hindi na humiwalay si Janisse sa akin hanggang makatulog ito sa ibabaw ko.
I can finally sleep in peace.
Denisse Gonzales-Juariz
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na si Jonas. Parang nagbunga ang gabi-gabi kong pananalangin na sana muli naming makita si Jonas.
Mas lalo itong gumwapo at nag-mature. At nakaka-inlove nga naman talaga ang ginawa niyang pagtulong sa akin kanina. He looked tired pero tinulungan pa rin ako nito sa mga bata. May bunos pang kiss.
"Tito, oh! Parang timang si Denisse. Baliw na yata tong anak niyo." Ang narinig kong sabi ni kuya habang karga-karga si Devan sa kanyang bisig.
Kinuha ko yong nakakulamos na baby wipes at itinapon sa direksyon niya. Bwiset, martyr lang ako no pero hindi ako baliw.
"Bitter ka lang eh. Yan kasi lakas mang-reject kahit mahal naman. Naagawan tuloy." Ang pang-aasar ko na nakapagpatahimik sa kanya.
Crush kasi siya dati ni Henry kaso ni-reject niya, ayon napatakbo ang loko sa bisig ni Miggy. Alam ko namang nakapag-move on na silang lahat pero nandoon pa rin ang panghihinayang ni kuya. Minsan ay nangangamusta siya tungkol kay Henry.
"Kung hindi lang kita mahal matagal ko ng hinulog—"
"Ang ano ha?!" pinandilatan ko siya ng mata.
"Matagal ko ng hinulog 'yong asawa mo sa bangin. Ba't ba patay na patay ka sa Juariz na 'yon? Pwede ka namang kay Taegan. Mas boto ako sa lokong 'yon." Ang naiiling niyang sabi bago marahang isinayaw ang anak ko. Si papa naman ay natatawa na lang sa gago.
Ilang segundo lang yata ang lumipas, lumabas si Jonas dito sa balkonahe. Wala itong pang-itaas na saplot at tanging jagger lang na suot-suot niya kanina pagdating. Nagmano ito kay papa bago humalik sa akin. Hinalikan niya rin si Devin na karga-karga ko.
"Mabuti naman at gising ka na, ijo. Pwede bang ikaw muna ang humawak dito sa apo ko at nang maihanda ko na ang agahan natin?" Ang pakiusap ni papa na kaagad namang tinugon ni Jonas.
Maingat niyang kinuha ang bata mula kay para palitan ito. "Hon, pwede ko na bang suntukin yang gago mong pinsan mamaya?"
"Tangina, ang aga-aga nanghahamon ang hambog na 'to. Denisse, kapag nabugbog ko yan wag mo kong sisihin." Ang maangas ring sabi ni kuya. Ayaw talaga magpatalo. Mainit talaga ang dugo nila sa isa't-isa.
"Kuya, tumigil ka nga! Saka ikaw rin," hinarap ko ang asawa kong sobrang sama ng ekspresyon sa mukha. "Kadadating mo lang naghahanap ka na ng gulo. Sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong pakisamahan si kuya. Yan ang umaakyat sa puno ng mangga tuwing natatakam akong kumain n'on."
Saglit niya akong tinitigan bago nagbuga ng hangin. "Fine, I'll try. Para sayo."
Hindi nagtagal tinawag na kami ni papa para kumain. As usual dito pa rin kami kumain dahil hindi pa raw ako pwedeng bumaba-baba.
"Daddy, dinala niyo yong tablet ko po?" Ang tanong ni Janisse habang hinahalungkat ang isang suitcase ni Jonas na puro laruan, libro, pagkain at mga gamit ng baby ang laman.
"Ako rin, dad. Did you brought mine?" Ang tanong rin ni Jaiden habang namimili mula doon.
"Grabe, galing bang abroad yang asawa mo?" Ang natatawang tanong ni kuya sa akin. Tumawa na lang din ako bilang sagot.
"Jonas, si dad ba ang nagsabi sayo tungkol sa amin?" Ang tanong ko sa kanya pagkalapit sa pwesto namin.
"Hm. Let's just wait till they fix the problem. Nagtutulungan na sila ni dad at ng mga kapatid ko para mapadali ang paghuli sa taong nasa likod ng lahat ng tao," Ang seryoso nitong sagot. Sana nga. Sana nga mahuli na ang kung sino man ang nasa likod ng lahat ng 'to para matapos na.
"May ideya na ba kayo kung sino ang nasa likod ng la—"
"Chadwick! Denisse! Si Dane!" Agad kaming napatayo ni kuya nang marinig si papa.
"Pa, bakit? Anong nangyari kay Dane?!" Ang taranta kong tanong dito.
"H-He's awake...gising na ang kapatid mo."
-----------------------------------------------------------
Around two chapters na lang po at tuluyan ng mawawasak—este magwawakas ang kwento ni Denisse at Jonas. OH MY GODDDDDD!!!!!! HAHAHAHAHAHA. EXCITED NA PO AKOOO. 🎉🎊 Ayon lang powxzx HAHA. Stay Healthy, Keep Safe and God bless you always po. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top