37
Third Person POV
Labis na pagkapikon ang nararamdaman ni Stanley Gonzales habang nag-aagahan sa loob ng kanyang bahay. Tumayo siya mula sa hapag at sinilip ang harap ng kanilang bahay sa bintana. Napahilot siya ng noo nang makita ang tatlong mamahaling sasakyan na nakaparada pa rin sa harap ng kanyang bahay.
They have been pestering him since a month ago. Their persistence is making his hands itch from throwing a big punch on their faces. Alam niya kung ano ang ipinunta ng mga 'to sa bahay niya. They wanted to milk information out of him. Impormasyon patungkol sa kinaroroonan ng kanyang anak.
Bago pa man siya makaupo sa kanyang upuan, sunod-sunod na katok sa pintuan ang kanyang narinig. Paulit-ulit ring tumunog ang kanyang doorbell. Nakaigting ang kanyang panga na naglakad papunta sa kanyang ref at kumuha ng canned beer. Kung nandito lang ang asawa niya ay siguradong kanina pa siya nito tinalakan. Ayaw na ayaw kasi nitong umiinom siya na walang laman ang tiyan.
Dire-diretso ang ginawa niyang pag-inom dito bago ito pinisa sa kanyang mga kamay. Itinapon niya ito sa basurahan at dire-diretsong naglakad papunta sa kanyang pintuan. Marahas niya itong hinila at binuksa.
Bumungad sa kanya ang isang aburidong mukha at nakataas na kamao ng lalaking ilang ulit ng pabalik-balik dito sa pamamahay niya.
"Narcido Jonas Juariz. Pwede bang patigilin mo iyang kapatid mo kakapindot sa doorbell ng bahay?"
Nilingon nito ang kapatid di kalayuan at sinenyasang tumigil.
"Dad.." ang nagmamakaawang tawag nito sa kanya. Hindi niya maiwasang kilabutan sa paraan ng pagtawag nito sa kanya.
How could a bastard like Jonas call him Dad?
"Ilang beses ko ng sinabi sa iyo, Juariz. Hindi ko sasabihin sa'yo ang kinaroroonan ni Denisse. After all you've done to my son, you still think I'd give him back to you? Now stop wasting your time at lumayas ka sa harapan ko." Ang pagtataboy niya dito bago isinara ang pintuan.
Ngunit mabilis ang kamay ng lalaki at inipit ang kanyang paa sa pagitan ng pintuan niya.
"Sir, please, I have to see my family. Pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko kay Denisse. Denisse is pregnant-no, he might have given birth already. I already missed his first and pregnancy kaya gusto kong bumawi sa kanya. Mr. Gonzales, ama at asawa rin ho kayo. You know how it feels to be separated from your family," Ang desperadong pakiusap nito sa matanda.
Ayaw man niyang aminin ngunit nadadala na rin siya sa mga pinagsasabi nito. Noong isang linggo nabigyan siya ng pagkakataong makausap ang pamilya niya. Masayang ibinalita ng kanyang asawa ang panganganak ng kanyang anak. Mas lalo siyang naging desperadong tapusin ang krises na kinakaharap ng kanilang pamilya. He wanted to give them a safe home.
"Stanley, let's stop this bullshit and not give our kids a hard time. Tell us where your kid is at hayaan mo kaming tulungan ka."
Nabaling ang paningin niya sa bagong dating na lalaking ka-edaran lang niya. Allistain Miguel Juariz.
"Your son gave my son a hard time for eight fucking years. Let's stop talking bullshit here."
"Gonzales, your family is facing serious crises right now. You can't win this on your own. Hindi lang ang anak mo ang nanganganib sa sitwasyon niyo. Kasali ang mga apo ko sa gulo ng pamilya niyo. Gaano ka kasiguradong kaya mo silang protektahan hanggang sa dulo?"
Hindi siya makapagsalita sa ibinato nitong tanong. Hanggang kailan nga ba? Kahit ang mga kapatid niya ay pinagdududahan niya. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan kung hindi ang sarili niya. Dahil kailangan niyang maging maingat sa pagtitiwala sa iba, limitado lamang ang impormasyong nakakalap niya. Kinailangan niya ring ayusin ang mga umuusbong na problema sa kompanya.
Muli niyang tiningnan ang padre de pamilya ng mga Juariz. Taas noo itong nakatayo sa kanyang harapan habang hinihintay ang kanyang sagot. Sa tindig palang nito, alam na niyang marami na itong alam sa kasalukuyang nangyayari sa buhay niya.
"Nice house," Ang komento ni Allistain nang maka-upo ito sa sofa sa kanilang sala. Palinga-linga pa ito sa loob ng kanilang bahay.
"Tell me what you know about this whole shit, Allistain." Ang diretsahang tanong niya sa lalaki. Katabi nito ang tatlo pa niyang anak.
Ang asawa naman ng kanyang anak ay nakaupo sa pang-isahang sofa. Katabi nito ang isa pa niyang kapatid na printeng-printeng nakaupo sa braso ng sofa kahit may bakante pa namang upuan.
"Don't make it sound like I know everything, Stanley. You know I'm not like that." Ang sagot nito sa kanya habang naka dekwatro.
"I've known you almost all my life. Hindi man tayo naging malapit sa isa't-isa pero ikaw ang pinaka-chismosong taong nakilala ko, Juariz."
Malakas itong tumawa na para bang nakarinig ng papuri mula sa kanya. Kahit kailan ay wala pa rin itong pinagbago. Katulad pa rin ito ng dating Allistain na pakialamero at walang modo.
Nang mapagod ito kakatawa nakangisi siya nitong tiningnan bago nagsalita."We have a clue who might be behind all of this ruckus pero bago ko sasabihin sa 'yo kailangan mo munang ipangako na sasabihin mo sa amin ang lokasyon ng anak mo."
"Stop beating around the bush at diretsuhin niyo 'ko. Who is it?" Ang aburido niyang tanong dito.
Nagkatinginan ang mga anak nito sa
isa't-isa bago sinagot ng abogadong anak ni Allistain ang katanungan niya.
"Stanford Gonzales. Ayon sa nakalap naming impormasyon ito ang huling kausap ni Julius Benidicto, ang lalaking nagtangkang barilin si Denisse. Ito rin ang nag-utos na lasunin ang anak nitong si Mavrick Gonzales. Pagkatapos naming pakantahin 'yong lalaking inutusan niyang maglason sa pamangkin mo,agad din itong nagpakamatay," ang mahabang kwento nito.
Stanford Gonzales. Ito ang panganay sa kanilang magkakapatid. Noong ipinasa dito ng kanyang ama ang posisyon bilang CEO ng kanilang kompanya agad nitong tinanggihan ang posisyon dahil wala daw itong interes doon. Kaya kung ito nga talaga ang gumawa ng lahat ng katarantaduhang 'yon, anong dahilan nito? He couldn't think of any reason kung bakit magagawa iyon ng kapatid niya.
Umiling siya bilang di pagsang-ayon sa mga sinasabi nito. "T-That's just impossible, hindi magagawa ng kapatid ko 'to. How could he kill his own children? Wala akong maisip na dahilan para gawin niya 'yon."
"I think he's looking for something. Sabi kasi n'ong lalaking pinakanta namin may pinapahanap dawng susi sa kanya,"
"Susi?" Agad napakunot ang kanyang noo pagkarinig dito. Nagsimula na siyang kutuban pagkarinig sa salitang nabanggit. Mukhang may ideya siya kung aling susi ang tinutukoy nito.
"Stolen treasures. I'm sure alam mo ang tinutukoy ko. It was a famous tale when we we're kids. Hindi ba't sabi-sabi na ang ninuno niyo ang nagnakaw sa kayamanang 'yon? Your brother must be looking for its key."
Isang pagak na tawa ang kanyang pinakawalan. "Walang katotohanan ang kwentong 'yon... p-pero naalala kong interesadong-interesado si Stanford diyan noong mga bata pa kami hanggang tumuntong siya ng kolehiyo," aniya. Pahina nang pahina ang kanyang boses sa bandang dulo. Halos kumawala na sa kanyang dibdib ang puso dahil sa malakas na pagpintig niyo.
Bakit hindi ko 'to naisip dati?
Palaging tinatanong ng kapatid niya kung kanino ipinapasa ang susi. Ang palaging sagot lamang ng kanyang ama ay ipinapasa ito sa karapat-dapat na Gonzales. Alam niyang walang katotohanan iyong sinasabi ng ama. Walang susi. Walang kayamanan. Ang ama niya mismo ang nagsabi n'on. Gan'on lang daw ang sinagot ng papa niya sa kanyang kapatid para manahimik ito.
Bumalik sa kanya ang tanong nito noong nag-iinuman sila kaarawan ng kanyang anak tatlong taon na ang nakakalipas. Maigi itong nakamasid sa kanyang mga anak at mga pamangkin habang nagtatanong.
"Sino kaya sa kanila ang binigyan ni papa ng susi?"
Tiningnan niya ang dating gobernador. Tahimik lang itong nakikinig sa usapan nila. Kanina pa niya napapansin ang pag-iba nito. Nananatili pa rin ang nandodomina nitong presensya ngunit hindi na ito kagaya ng dati. Hindi niya lang matanto kung anong nagbago.
"Jonas, hindi pa rin ako sang-ayon na magkabalikan kayo ng anak ko but he needs your protection. Kapag sinaktan mo siya ulit, hindi ako magdadalawang isip na ilayo siya sa iyo. Protect him habang inaayos ko ang problema dito,"
Dahan-dahang sumilay ang isang ngiting tagumpay sa mukha ng lalaki. "You can count on me, sir. Hindi ko kayo bibiguin."
"We'll lend you a hand, Gonzales. Mga apo ko rin ang nanganganib dito kaya hayaan mo kaming tulungan ka," ang sabi ni Allistain sa seryosong boses. Isang tango lang ang isinagot niya dito.
Hindi maitatangging mapapadali ng mga Juariz ang lahat. Kung buhay lamang ang ama niya, siguradong magpupuyos ito sa galit kapag nalamang nakipagtulungan siya sa anak at mga apo ng mortal nitong kaaway.
Denisse Gonzales-Juariz
N
apangiti ako ng malaki nang makita ang kambal na mahimbing na natutulog sa kanya-kanyang upuan. Naka-pwesto pa silang dalawa sa harap ng crib ng triplets.
Palagi silang nakaalalay sa akin simula nang manganak ako dalawang linggo na ang nakakalipas. Katulad noong una kong panganganak, iniluwal ko ang tatlo via c-section. Posible naman daw ang anal pero masyado dawng delikado lalo pa at tatlo ang ilalabas ko. Dalawang babae at isang lalaki ang anghel na ibinigay sa amin.
Devon Jiselle Juariz
Devin Jamiah Juariz
Devan James Juariz
Ang kambal ang nagbigay ng mga pangalan sa triplets. Kaya siguro mas naging malapit pa sila sa tatlo dahil alam nilang may malaki silang parte sa buhay ng mga 'to.
Napatingin ako sa nakabukas na pintuan. Pumasok mula doon ang kuya Chadwick na may bitbit na tray. Napatingin ako sa wall clock at napagtantong lunch na pala.
"Kumain muna kayo. Dinalhan ko na rin ng pagkain ang kambal dahil alam kong hindi sila bababa." Ang natatawa nitong sabi habang ang mga mata ay nasa dalawang bubwit.
Inilagay niya ang pagkain sa lamesang nandito. Pinabilhan talaga ako ni dad ng lamesa dahil bawal nga akong bumaba-baba sa hagdanan. Sa balkunahe lang din pinapainitan ang tatlo.
"Salamat, kuya. Si papa pala?"
"Nandoon sa labas kausap si tito sa telepono," ang sagot niya habang inaayos ang lamesa.
Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kambal para gisingin sila. Pansin ko nitong mga nakaraang araw palagi silang antukin tuwing umaga. Maaga ko naman silang pinapatulog kaya nagtataka ako kung bakit.
Kapag tinatanong ko naman sila, ang palagi lang nilang sagot ay dahil maginaw daw ang panahon kaya masarap matulog. Noong isang araw nahuli daw sila ni papa na nanghahalungkat sa kusina. Nagtataka siya kung bakit ang ingay sa kusina eh alas kuwatro pa naman ng umaga. Doon niya nakita ang kambal. Naghahanap daw ng pagkain.
"Mga kuya, gising na. Kain na tayo." Ang mahina kong tawag sa kanila. Sinilip ko rin muna ang mga sanggol ko. Ang gwa-gwapo at gaganda talaga.
"Dada?" Napatingin ako kay Janisse na naiiyak na nakatingala sa akin gamit ang kanyang namumungay na mga mata.
"Bakit nak? Anong problema?
"Dada, miss ko na si daddy. Gusto ko ng umuwi kay daddy," mukhang hindi pa ito tuluyang nagigising kasi muli na naman itong pumikit at natulog.
Malungkot akong ngumite dito saka hinaplos ang kanyang mga pisnge. Gusto ko na ring umuwi kay Jonas. Masaya naman ako dito kay papa at kuya Chadwick pero hindi ko pa rin maiwasang mangulila sa kanya.
Minsan hinihiling ko na sana isang araw pagbukas ko ng pintuan si Jonas ang sasalubong sa akin. Minsan hinihiling ko na sana hinahanap kami ni Jonas. Sana hindi niya kami kinalimutan.
Muli kong ginising ang dalawa sa ikalawang pagkakataon. Agad ko silang hinila papunta sa lamesa at isa-isang nilagyan ng pagkain ang kanilang plato. Lagpas alas dose na. Baka malipasan ang dalawang to.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain, biglang pumalahaw ng iyak ang isa sa tatlo. Wala akong nagawa kung di ang itigil muna ang pagkain para padedehin ito. Umupo ako sa kama at hinintay si kuya Chadwick na lumapit sa akin. Kinuha ko mula sa kanya si Devan at inayos ang pagkakarga nito sa mga bisig ko.
Hindi ganoon kalakihan ang dibdib ko, tama lang ang laki nito para makapag-provide ng gatas sa mga anak. Masakit rin ito palagi pero kakayanin para sa tatlo.
Habang pinagmamasdan ko si Devan, agad kong naalala si Jaiden. Ganito rin kasi ang hugis ng mukha niya dati. Pakiramdam ko nga magiging kamukha na naman ito ni Jonas.
Jonas, ang galing mo talagang gumawa ng bata. Bwiset ka, parang wala man lang akong contribution.
Lihim na lang akong natawa sa naisip ko.
-----------------------------------------------------------
Aye! May update na rin sa wakas po, opo. Malapit na po talaga siyang mataposssss. OMG!!! HAHAHAHA. Mamimiss kong magsulat dito huhu. Ayon lang powxzx. Stay healthy, keep safe and God bless powxzx. Labyu ol. Mwuah! Mwuah! Ciao.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top