36
Denisse Gonzales-Juariz
"Nak, okay ka lang?" Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni papa.
Nandito ako sa likod ng aming bahay. Ito ang paborito kong tambayan tuwing tapos na ako sa mga gawain ko. Napapalibutan kasi ito ng mga malalaking kahoy at mga bulaklak.
"Pa," humalik ako sa pisnge niya bago ako umusog sa kaliwa ko para bigyan siya ng espasyo dito sa duyan. "Ang kambal po?"
"Nakikipaglaro sa kuya Chadwick mo." sagot niya nang maka-upo sa tabi ko.
Saglit kaming binalot ng katahimikan habang nakasandal ako sa kanyang balikat. Nakapulupot rin ang mga kamay ko sa kanyang bewang.
"Pa, kamusta si Dein? Hindi pa rin ba siya gumigising?" Ang mahina kong tanong habang nakatingin sa kawalan.
"Let's not lose hope, nak. Gigising din ang kapatid mo." Aniya.
My father is encouraging me not to lose hope pero alam kong siya ang pinaka-apektado sa lahat ng 'to. Palagi ko siyang nakikita gabi-gabi na umiiyak sa harap ng altar kung saan nakalagay ang mga abo ng kapatid ko. Magulang rin ako. It would kill me kapag nawala sa akin ang isa sa mga anak ko.
Sabi ni papa mag-iisang taon na raw na comatose si Dane. Inatake siya ng mga naka-itim na lalaki sa isang alley malapit sa company ni dad. May ilang tama ng bala ito sa katawan at napuruhan rin ang kanyang ulo dahil sa isang malakas na paghampas dito na nagresulta sa kanya sa pagkaka-comatose.
May espesyal na kwartong ipinagawa sila papa para dito. Ka-desenyo nito ang isang ICU sa hospital. They couldn't trust other people anymore. Wala kaming mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon. Everyone is our enemy. Kahit ang mismong mga kamag-anak namin.
"Pa, miss mo na ba si dad?" Ang malambing kong tanong dito.
Simula ng dumating kami dito sa bahay ni isang beses hindi nagpakita si dad. Sabi ni papa ayaw daw i-risk ni dad na masundan siya ng mga kalaban at matuntun kami.
"Of course. Your dad is a tough guy pero kailangan niya rin ng suporta but I couldn't do it. Ang kaligtasan ninyo ang prayoridad naming dalawa. Lalo na ngayon at buntis ka pa anak."
Hinawakan niya ang umbok sa aking tiyan at hinimas 'yon. Pareho kaminh natawa ng gumalaw sila sa loob. Tuwing sumisipa sila sa tiyan ko hindi ko maiwasang maisip si Jonas. Hindi ko maiwasang isipin kong ano ang magiging reaction niya kapag naramdaman ang pagsipa ng mga anak namin.
"Umiiyak na naman ang panganay ko." Tumingala ako sa papa ko at ngumuso. Hindi ko maiwasang mapahikbi.
"I miss Jonas, pa. Maaayos na namin yong pamilya namin dapat eh. Why did they have to do that to us? Ano ba talagang habol nila sa atin?" Ang umiiyak ko na namang tanong dito.
"Iyan rin ang tanong namin ng papa mo,nak. Hindi rin kami sigurado kung ano ang habol nila. Kung ang kompanya lang ang habol nila hindi dapat kayo nadadamay ng mga kapatid at pinsan mo. They should have come after your father at mga kapatid nito." Ang seryoso niyang sagot. He kissed my head lightly at niyakap ako. "I'm sorry kung nadadamay kayo sa gulong ito, anak."
"Pa, wala kayong kasalanan. You're just doing your job as a parent. And I'm sorry if I couldn't do much for us, pa."
Pitong buwan na ang lumipas pero hindi pa rin kami makahanap ng lead. Hindi namin maintindihan kung bakit inisa-isa kami. Kaming tatlo na lang ni Dane, kuya Chad at ako ang natitira the rest are dead. Nagtutulungan na sila dad at mga kapatid niya but we're still lost.
"Tito, pasok po muna kayo. Nandito na si doc Tina at ang anak nito."
Kumalas si papa mula sa pagkakayakap sa akin nang lumabas mula doon si Kuya Chad. Si doc Tina ay ang doctor namin ni Dane. Anak ito ng kaibagang doctor ng lola ko, iyong mama ni papa. Ito lang kasi ang mapagkakatiwalaan nila dad.
"Dito na lang po muna ako, pa. Tawagin niyo na lang po ako kapag tapos na kayo." Ang sabi ko dito nang makatayo siya.
"Sure ka? Kung nagugutom ka, pasok ka lang sa loob. Okay?"
"Opo,"
Nang makaalis si papa muli akong napatingin sa malayo. Itinaas ko ang kamay ko at pinagmasda ang kumikinang kong singsing. Hindi ko maiwasang mapatanong kung hinahanap ba kami ni Jonas. Kung gabi-gabi rin ba siyang hindi makatulog ng maayos dahil sa labi na pag-aalala. I want Jonas to care for us pero ayaw ko ring pabayaan niya ang sarili. I hope he's eating properly. I hope he's doing well.
I want to marry him again. I wanna walk down the aisle and exchange I dos with him. Hindi ko lang alam kung posible pa ba 'yon kapag natapos na ang lahat ng 'to. Jonas might find someone else kapag dumating na ang oras na 'yon.
"Den," naibaba ko ang kamay ko at napalingon sa aking kaliwa. "How are you?"
Taegan Vincent Cruz, ang kababata ko na anak ni doc Tina. We used to play a lot when we were kids kapag dumadayo kami sa bahay ng lola ko. He was my first crush. When I was still 8 or 9 pinangarap ko na maikasal dito.
"Hi, Tae. Okay lang. Ikaw?" Una kong napansin ay ang sandamakmak na paperbags na bitbit niya.
"I'm doing good. Bumibili kami ni mama ng mga damit sa mga baby mo. Nagbigay rin kasi ng money ang dad mo para bilhan kayo ng mga gamit." Inilagay niya sa gitna namin at sa sahig ang paperbags.
"Wow, thank you. Gusto ko sanang personal na mamili ng mga gamit nila but our situation is complicated right now kaya maraming salamy talaga dito." Ang sabi ko bago binuksan ang paperbags.
Bigla akong na-excite sa pagdating ng mga anak ko pagkakita ko sa mga damit. The soft cloth feels like clouds in my hands. Parang may kung anong humaplos sa puso ko.
"Nagustuhan mo ba? Ako ang personal na namili diyan." Tumingala ako sa kanya at ngumite.
"Gustong-gusto ko."
"I'm glad. Your situation isn't very good right now and I'm glad na nakatulong kami. Malaki ang utang na loob namin sa pamilya ng papa mo, ito lang ang paraan namin para masuklian ito." He pulled out another clothes from another paper bag at ipinakita ito sa akin.
"Sana lang matapos na to. Isang buwan na lang at manganganak na ako. Ang hirap magpalaki ng triplets sa sitwasyon namin ngayon." Ang buntong hininga ko habang hinihimas ang umbok ng aking tiyan. Habit ko na yata to kapag gusto kong i-relax ang sarili.
"We'll help you. Nandito lang kami ni mama." Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil.
"Hanggang ngayon gulat pa rin ako na may asawa ka na pala. You even have kids with him. Kung alam ko lang na mauunahan ako edi sana inagahan ko na." Ang natatawa niyang pagkwe-kwento matapos bitawan ang kamay ko.
Natawa na rin ako, "Kaya nga eh. Kung nagpro-propose ka lang sa akin n'ong 8 years old tayo edi sana ikaw yong pinakasalan ko. Ang arte mo kasi. Si 'te Jeny na malaking suso yong gusto mo."
Mas lalong lumakas ang tawanan naming dalawa. "Akala ko kasi may gatas d'on. Alam mo namang adik ako dati sa freshmilk."
Muli kaming nagtawanan dalawa. Gago talaga hahaha. "Gusto mo pala ng gatas edi sana niligo ko sayo yong carton-carton na fresh milk sa bahay ni lola."
"Pero seryoso, susuyuin na dapat kita pagbalik ko dito sa Pilipinas. Doon ko lang nalaman mula kay tito na kinasal ka na pala." Bakas ang panghihinayang sa boses niya.
Kung mas maaga lang siya, siguro nga may pag-asa pa kaming dalawa. Siguro hindi ako ganito kabaliw kay Jonas. I could have find myself a better man before Jonas became my best.
"Maaga kasi akong natisud sa brief ng asawa ko. Kaya ayon natali." Ang pagbibiro ko.
"I just hope you're happy with him, kayo ng mga bata." I could see the sincerity in his hazel eyes when it met mine.
"We are. Masaya na kami sa piling niya." I sighed as memories came flooding in. Naalala ko lahat ng mga pinaggagawa namin sa isla. I could still vividly remember the smiles, the laughters and the I love you's.
"Damn, you looked so happy. Wala na nga akong pag-asa. I just hope he's ugly. Para kahit papaano ay may lamang pa rin ako." Ang nakangisi niyang sabi na malakas kong tinawanan.
"Mas gwapo yon sa'yo ng isang libong paligo pero dahil binilhan mo ang mga inaanak mo ng mga regalo isang daang paligo na lang ang lamang niya sayo." Ang nakangiti kong sabi habang tinutupi ang mga maliliit na damit.
"Den! Tawag ka na ni doc." Sabay kaming napalingon kay kuya na ngayon ay nakapameywang sa may pintuan. Puno ng drawings ang mukha nito kaya muli kaming napatawa ni Taegan.
Days like this motivates me to keep on hoping for the good days to come. I just hope it won't take too long.
Third Person POV
"
Janisse, you're going to get us in trouble." Ang seryosong saway ni Jaiden sa kapatid niyang seryosong hinahalukay ang lupa.
Matapos nitong makita ang isang maliit na boteng may lamang papel sa nag-ala treasure hunter na ito mula pa noong isang lingo. Sa halip na mapa, kakaibang mga letra ang naka-ukit doon.
"Oh! I know how to read this, kuya. Face south and you'll see green. Count them three and dig it free. Keep the key, but never allow greed to see." Magkasalubong ang maninipis nitong kilay habang binabasa ang nakasulat sa papel. "I don't understand it, kuya. Anong ibig sabihin n'on?"
Ano mang ibig sabihin n'on ay hindi na nila kailangan pa itong malaman. Ang mga matatanda na ang bahalang intindihan ito. Pakiramdam niya kasi ay hindi itondapat mapasakamay sa kanila. May kung anong nagsasabi sa kanyang masama ito.
Iyon ang nasa isip niya isang linggo na ang nakalipas. But he ended up getting swayed by his brother's curiosity. Bilang mga batang uhaw sa kaalaman nangangati rin siyang malaman kung saan sila dadalhin ng nakuhang bote.
Face south and you'll see green. Count them three and dig it free.
Umabot ng isang linggo na pagtitig lang ang ginawa niya sa kakahuyan. Pero kahit gan'on lang ang ginagawa niya hindi siya nakaramdam ng pagkabagot. Sa halip ay mas lalo pang nanuot ang pananabik sa kanyang balat. It took him a week before he realized what it mean. Count them three and dig it free. Three. Tree.
Pagkatapos mahukay ng kanyang kapatid ang isang manipis na kahon, inilabas nito mula doon ang isang susi at papel. Agad nila iyong itinago sa loob ng kanilang bulsa at tumakbo pabalik sa kanilang bahay.
Busy ang kanilang mama at loloma sa pagluluto sa kasusina kaya hindi sila nito napansin. Ang kanilang tito Chadwick naman ay mahimbing na natutulog sa sofa. Tahimik silang pumislit dalawa papunta sa kwarto nila ng kanyang papa at doon inilabas ang mga nakuhang susi at papel.
"Kuya, I'm scared." Ang kinakabahang tanong ng kanyang kapatid na hindi niya pinaniwalaan.
His brother's eyes glinted from excitement. Titig na titig ito sa hawak niyang susi at papel. Agad nila iyong binuksan at nagtaka nang makita ang nakaguhit. Kutsara. Tinidor. Plato at baso na nakasilid sa isang kabanit.
"What's this? Eh hindi naman to map. Saan natin gagamitin tong key, kuya? Ginogood time lang naman tayo nito eh." Sinulyapan niya ang kapatid bago muling pinag-aralan ang nakaguhit.
Unti-unti, isang maliit na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha.
"Kitchen. Cabinet."
Dahil hindi nila maaaring gamitin ang susi sa araw na 'yon, napagdesisyonan nilang dalawa na isagawa ang plano pagsapit ng alas-kuwtro ng umaga. Tulong na ang kanilang tito sa oras na 'yon, malaya nilang mabubuksan ang sikretong pintuan sa kanilang bahay.
Tahimik silang bumaba dalawa bitbit ang dalawang flashlight. Nakasabit sa kanyang leeg ang susi.
Isa-isa at dahan-dahan nilang binuksan ang bawat cabinet ng kusina. Nagkatinginan pa sila nang mabuksan ang lalagyan ng mga plato, baso at tinidor. Isa-isa nilang inilabas ang mga ito at ipinasok ang susi sa maliit na butas sa loob ng cabinet. Awtomatikong bumukas ito at ipinakita sa kanila ang isang madilim na lagusan.
"Tayo na kuya," Ang nasasabik na sabi ng kanyang kapatid bago naunang pumasok.
"Janisse!" Ang pabulong niyang sigaw dito. Hindi siya natatakot pumasok dito, natatakot lamang siya para sa kapatid. Natatakot rin siyang mahuli ng mga matatanda.
Nang makitang nakalayo na si Janisse, wala siyang nagawa kung di ang sumunod rito. Nilingon niya muli ang pintuan ng kanilang kusina bago tuluyang tumalikod at gumapang papasok.
Nakarating sila sa loob ng isang katamtamang kwarto na nakapagpatigil sa kanilang dalawa. Tila nakaparalesa ang kanilang mga paa habang nakamasid sa paligid.
"K-Kuya...ang daming gold bars, saka necklace, vase at coins. P-Parang yong nakikita natin sa movies, kuya." Ang manghang sabi ng kanyang kapatid pero wala dito ang kanyang atensyon.
Nakatutok lang ang kanyang flashlight sa upuan sa gitna. Nakatayo sa likuran nito ang isang malaking shelf na may nakadisplay na mga bote. Maliliit at malalaki. Itim, berde, puti, dilaw, kakaibang kulay ang nakasilid doon. Ngunit sa pinakamalaking bote, nakasilid ang isang puso. Nakalutang ito sa isang tubig.
Bumalik ang kanyang paningin sa upuan at sunod-sunod na napalunok habang nakatitig sa isang kalansay. Ang hintuturo nitong naging buto ay nakatapat sa kaniyang bibig. Naiintindihan niya kung anong gustong ipahiwatig nito.
Keep the key, but never allow greed to see.
"Janisse, let's go."
-----------------------------------------------------------
Kapag patungo na pong ending wala na talaga akong kwentang magsulat. HAHAHAHA. Wag na po kayong mag-expect. Ewan ko na lang po kung saan patungo to hahahaha. Pasensya na po kayo. Ayon lang! Maraming salamat po. Stay healthy, keep safe and God bless you always. Labyu ol! Mwuah mwuah. Ciao!
Pasensya na po sa mga mali, i-edit ko na lang po bukas kasi masakit na mata ko. Ayon lang. Labyu!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top