32
Denisse Gonzales-Juariz
Akala ko okay na ang lahat. Akala ko ito na yong simula para maayos namin ang pamilya namin ni Jonas. I thought we could give our marriage a second chance, na baka pwedeng hindi pa hindi na lang kami humantong sa pirmahan ng divorce.
Pero siguro nga ay hindi talaga kami para sa isa't-isa. Palagi akong nagpapakatanga at nagbubulag- bulagan pagdating kay Jonas. Even if the chances were vague and blurry, I kept on betting for his love. Palagi kong ipinipilit na baka pwede pa. I was very persistent of gaining his love that I surrendered my everything to him again and again.
Muli kong kinalimutang pahalagahan ang puso ko kasi naniwala ako sa pangako niyang walang kasiguraduhan. I weakened my defenses because I thought he'd held his hands to save us. Akala ko lang pala lahat ng yon. Like I always did since the beginning. Puro na lang ako akala.
Hindi naman ako nagsisising minahal ko si Jonas. Hindi ako nagsisising iniluwal ko ang mga supling namin. Janisse and Jaiden were the best thing that happened in my life. Ang pinagsisihan ko lang ay ang pagpasok sa kasal na'to. I was to blame for this. Ako ang nagpumilit sa sarili ko.
I robbed him off from his freedom because I was selfish. And when we had sex, hindi rin naman alam ni Jonas na carrier ako. He thought I was just some normal guy he can dump his cum without any problems; because if he did, I don't think Jonas would give in.
Jonas could have been the father of my kids without becoming my husband. Kung nagkataon hindi lang naman kami ang nag-iisang 'broken family'. We could give them the love, care and support without marrying each other. Pero masyado akong nabulag sa ilusyon ko matapos akong hikayatin ni dad at papa. I thought we could have a family like them. I was 20 back then, but was I mature enough? No. I wasn't.
Padalos-dalos akong nagdesisyon. I was a selfish young man who dreamed of fairy tales and happy endings. I was too sheltered to know that life isn't always happy and perfect. That reality can break your dreams and expectations real hard.
"Jonas, masyado ka naman yatang ginabi. Kumain ka na ba? Tulungan na kita."
Umupo ako sa harapan niya at akmang aabutin sana ang sapatos niya nang ilayo niya ito mula sa kamay ko.
"I can do it, Den. Matulog ka na, it's already midnight." Aniya bago tumayo para tanggalin ang damit niya.
"K-Kumusta si Shanice? Okay na ba siya?" Ang tanong ko sa kanya.
Masama man sa paningin at pandinig ng iba pero hindi ko talaga mahanap sa puso ko ang sensiridad. Maybe because I see her as a threat. Siguro dahil alam ko ang kakayanan niyang mabawi si Jonas mula sa amin.
Yes, Jonas assured me na kami na lang ng mga bata ang panauhin sa buhay niya pero hindi ko magawang panghawakan yon ng matagal. Lalo na n'ong makita ko ang mukha niya kanina pagkakita sa umiiyak na Shanice.
After Shanice greeted Jonas, she broke down and cried hard in front of everyone. Bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ni Jonas nang mangyari iyon. Umalis ito habang buhat-buhat na parang bagong kasal si Shanice dahil hindi ito tumahimik ng aluin ni Jonas. She sounded like she's in real pain pero hindi ito makakalamang sa disapointment, sakit, hiya at awa na nararamdaman ko para sa mga anak ko.
Jonas left us for his woman. Pwede naman siyang makiusap sa mga bodyguard niya na tulungan ito. Or he could have brought her somewhere then come back to us immediately. Pero natapos na lang ang party, hindi pa rin ito umuuwi.
"She's fine. I'm sorry for what she did earlier. Gusto kong bumalik kaagad but she was so unstable. I couldn't leave her."
Liar!
"Okay lang, at least naalala mo pa ring umuwi sa amin. Akala ko kasi nakalimutan mo na agad kami pagkakita mo sa babae mo." Ang irita kong sabi bago muling nahiga sa kama.
"Can you stop bitching whenever I talk about her? The woman didn't do anything to you. I already assured you na wala ng namamagitan sa amin. We broke up 9 years ago at magkaibigan na lang kami ngayon. She told me she had feelings for me but I told her about our marriage a week ago kaya nagkaganun siya. I just can't leave her alone knowing that I was the reason why she became like that."
Agad na naglandas ang mga luha ko pagkarinig sa sinabi niya. Masisisi ba niya ako? Masisi ba niya ako kung ganito ako kung magselos? For fuck's sake! He's the reason why I'm so doubtful of his relationships with women. He always made me feel insecure and threatened at hindi madaling baguhin yon.
At anong ibig niyang sabihin na walang ginawang masama ang babaeng yon? She ruined my children's birthday! She could have chosen another place to cry. She could have stood up n'ong inalo siya ni Jonas, pero hindi! Para itong batang naupo habang ngumangawa ng malakas.
"Okay. I believe you," ang sagot ko dito habang pinupunasan ang mga luha ko.
I will believe you for the last time, Jonas. One last time.
Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa tabi ko. It made me more disappointed for some reason. He didn't even hug me liked he used to. There were no kiss—
"I know what you're thinking. I'm sorry, okay? I'm sorry if I ever made you feel jealous. Huli na 'yon. I called her family para masundo siya." Aniya habang nakayapos ang isang kamay sa bewang ko. Humarap ako sa kanya at sumiksik sa dibdib niya.
"Nasaktan ang mga bata sa ginawa mo, Jonas. Umiyak si Janisse kanina kasi..." Huminga ako ng malalim dahil nag-uunahan na namang tumulo ang mga luha ko. "Kasi akala niya babalik ka na naman sa dati. Jonas, wag mo ng saktan ang mga anak natin."
"I know, I'm sorry. Sinabi ko kay Nate na huwag itong hayaang makapunta dito because I know she'll be broken if she sees us. Pero wala siyang nagawa nang humingi ng tulong si Shanice kay Mamita. He couldn't defy that old hag." Ang bulong niya habang inaayos ang kumot sa ibabaw namin.
"Mamita?"
"Hm. My grandmother from my mother's side. Matulog na tayo." Aniya bago niya hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa akin.
Shanice Tamayo and Ramona Pier. Bakit ko nga ba nakalimutang nangunguna sa listahan ng fansclub ni Jonas at Shanice ang lola niya. Back then, kalat ang balitang nakatakda silang ikasal dalawa. Shanice came from an influential family as well kaya hindi nakakapagtaka iyon. May ari sila ng malalaking farm sa switzerland. Kilala ang pamilya nila sa page-export ng mga mamahaling karne at gatas. Her mother was also a former Senator na kaalyado ng mga lolo ni Jonas.
Mag-iisang oras na ang dumaan pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Sobrang daming bagay ang pumapasok sa isipan ko.
"Denisse," I looked up at tiningnan ang nakapikit na mukha ni Jonas.
"Ano?"
"I'm waiting for my seedlings to grow. Wala pa ba?" Ang mahina niyang tanong na ipinagtaka ko.
Anong seeds? Nag-gardening ba siya sa harap ng bahay? Araw-araw naman akong nagdidilig doon pero wala akong nakitang tumutubong tanim.
"Ha? Wala namang tumutubo sa labas. Saan banda ka ba nagtanim?" Ang tanong ko sa kanya, but instead of answering me he just chuckled sexily.
"Goodnight, hon." Ang nakangiti niyang sabi bago ako hinalikan sa noo.
Hindi na rin ako nag-abalang kulitin siya dahil nakaramdaman na rin ako ng antok.
"Janisse, nak, magpababa ka nga muna sa daddy mo." Ang saway ko kay Janisse. Tumingin ito sa akin at umiling saka isiniksik ang ulo niya sa leeg ni Jonas.
"Let him be. What do you want to watch, baby?" Ang tanong ni Jonas habang hinahalungkat ang mga dvd sa shelf ng mga bata.
Inabot ko ang cellphone na binili ni Jonas para sa akin saka sila kinunan ng litrato. Kaninang umaga pa ako kumukuha ng mga litrato nilang tatlo at naming apat. Sobrang cute kasi nila sa suot na Rilakkuma bear onesie na binili namin dati. Mula umaga hanggang ngayon ay iyon lang ang suot nilang tatlo. Nakakulong lang sila sa kwarto ng kambal habang gumagawa ng mga school works ng mga bata at naglalaro ng kung anu-ano.
"Daddy, 'yong despicable me. Gusto ko yon."
Kinuha iyon ni Jonas at isinalang sa dvd ang cd. Lahat kami ay nahiga sa kama. Pinagitnaan nila Janisse at Jaiden si Jonas. Napangiti naman ako nang makitang kaagad yumakap si Jaiden kay Jonas.
"Daddy, maghihiwalay pa rin po ba kayo ni dada?" Ang tanong ni Janisse sa kalagitnaan ng pinanonood namin.
"Why did you, ask, baby?"
"Kasi nandito na si Shanit Kabayo, daddy. Baka bumalik kayo ulit ni dada before. Magagalit talaga kami sa'yo, daddy. " Ang sagot niya habang nginunguya ang popcorn na ginawa ko kanina.
"No, we won't. Promise ni daddy yan."
Saglit na nagpaalam si Jonas sa amin dahil magba-banyo daw ito. Napatingin ako doon sa cellphone niyang naiwan. Walang malakas na ingay ang lumalabas dito but it kept on blinking. Dinampot ko ito at tiningnan.
Napataas pa ang aking kilay nang makita kung kanino nanggaling ang mensahe. Binura ko muna iyong text bago muling ibinalik sa pinagkunan ko. Nang masigurado kong hindi ako napansin ng mga bata, palihim akong naglakad palabas ng kwarto at bumaba para i-welcome ang panauhin ni Jonas.
Ilang minuto muna akong nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan. Tiningnan ko lang ang iritable niyang mukha mula sa monitor ng doorbell.
Nang makitang inis na inis na ito doon ko lang binuksan ang pintuan.
"Narci— Oh, it's you. Can you call Jonas? Tell him I'm here." Ang utos niya sa akin. Nakangiti ito pero hindi ko gusto ang tono ng boses niya. Kung makapag-utos akala mo nag-uutos ng kasambahay.
"At bakit ko naman 'yon gagawin? Busy si Jonas, he doesn't have any time for you." Ang sabi ko at akmang isasara ang pintuan ng pigilan niya ito.
"At bakit hindi? Sino ka para pigilan siyang makita ako? Are you threatened Denisse Gonzales?" Ang taas kilay niyang tanong.
"Hindi ba't ikaw yong buntot nang buntot sa kanya n'ong highschool? Hindi na ako magtataka kung pinikot mo siya n'ong hindi pa kami. Opportunist freak! Ginamit mo pa talaga ang mga bata para agawin si Jonas sa akin. Anong klaseng magul— "
Hindi ako nagdalawang isip na padapuin sa pisnge niya ang mga palad ko. Wala akong pakialam kung babae siya. Puke lang at laki ng boobs ang pinagkaiba naming dalawa.
"Pwede ba, Shanice? Wala kang karapatang kwestyunin ang pagiging magulang ko. At anong oportunista? You left Jonas to chase your fucking dreams! Hindi lahat ng iniiwan mo pwede mo pa ring balikan, Shanice. Kaya pwede ba? Dumestansya ka sa asawa ko. Respeto mo nalang sa akin bilang LEGAL niyang asawa."
Bigla itong napatigil sa sinabi ko. Huminga ito ng malalim at naluluha akong tiningnan.
"Alam ko okay?! I know I fucked us up. Kung alam ko lang na sasapaw ka sa relasyon namin edi sana hindi na lang ako umalis. Ano pa bang inaasahan ko? Hindi ba't kilala kayong mga mang-aagaw?" Aniya dahilan para muling mag-init ang ulo ko.
Alam kong ang papa ko ang tinutukay niya.
"Wala akong inagaw, Shanice. Ikaw lang ang ilusyonadang nagpupumilit na inagaw ko si Jonas sa'yo. You left him okay?! Iniwan mo siyang walang sabit. Saang banda ba doon ang hindi mo maintindihan?"
"Ikaw! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ka niyang pakasalan. This should be our house. Kami dapat ang nakatira dito kasama ang mga anak namin but you ruined our future! You ruined everything. I hate you!" Ang umiiyak nitong singhal sa akin bago napa-upo at malakas na umiyak. "Ako dapat ang nasa pwesto mo eh. That should've been me."
Hinayaan ko lang itong umiyak sa harapan ko. Naaawa ako sa kanya but I have to fight for my place too.
Bigla akong nataranta nang makita itong nahihirapang huminga. Buong lakas kung tinawag si Jonas dahil namumutla na ang mukha niya.
"Jonas! Jonas! Si Shanice!" Ang histerikal kong tawag dito nang makababa ito. Nagmamadali itong lumapit sa amin para tingnan ang kalagayan nito.
"Fuck! Shanice! Calm down. You got me. Just calm down."
Lumingon siya sa akin na magkasalubong ang mga kilay.
"Denisse, what did you do?!" Ang may diin niyang tanong sa akin.
Umiling ako dito habang nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. What did I do?
-----------------------------------------------------------
Nastressbernal ako dito. Huhuhu. Hindi ko alam kung na-portray ko ba ng maayos ang side nila. Ewan ko. Hahahaha. Bahala na po kayong maging judger. Ayon lang! Labyu ol! Stay healthy, keep safe and God bless you po lahat olwis. Mwua mwuah! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top