31

Denisse Gonzales-Juariz

Tahimik lang ako habang inilalabas ang mga ingredients para sa gagawin kong cake. It's still 3 in the morning pero ito at nag-iingay ako dito sa kusina. Birthday ngayon ng kambal at ni Jonas kaya gusto ko silang gawan ng cake at surpresahin.

Actually, hindi na naman ito bago para sa kambal. Palagi ko namang sinusurpresa ang dalawa tuwing birthday nila at naghahanda ng kaunti para sa maliit naming selebrasyon. Hindi kasi pumapayag si Jonas dati na magpa-party para sa dalawa. Masyado dawng risky. Pero asa naman akong iyon talaga ang dahilan. He's just afraid he'd be caught. Natatakot lang siyang malaman ng buong mundo ang tungkol sa amin dati.

Kaya naman tuwing birthday ng kambal, kami-kaming tatlo lang din ang nagce-celebrate. Palaging wala si Jonas sa mga panahon na 'yon. It was always just the three of us. Kahit ngayon, masakit pa rin namang isipin na naranasan iyon ng mga anak ko.

Naalala ko rin dati, tuwing may birthday ang mga kaklase nila, palagi silang walang invitation card dalawa. Kesyo daw naubusan na o di kaya ay nakalimutan. Wala naman iyong kaso kay Jaiden pero umiyak nang umiyak si Janisse n'on.

"Dada, hindi daw po kami kasali sa birthday party ni Zion kasi mga weirdo daw kami saka poor din po daw tayo. Bawal daw po ang poor sa party nila." Ang umiiyak nitong sumbong sa akin. Mahigpit itong nakayakap sa bewang ko habang nakasubsub ang ulo sa aking dibdib.

"Hindi naman tayo poor, baby, eh. Pano naman niya nasabi 'yon?" Ang kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Kasi wala daw po kaming birthday party kagaya sa kanila po. Ipinakita ko po sa kanya yong picture natin n'ong birthday namin ni kuya po tapos sabi niya pang poor po yong gan'on." Ang sagot niya bago muling umiyak ng malakas.

Naagaw ang atensyon ko sa malaking bulto ng katawan na tumigil sa paglalakad sa harapan namin. Saglit lang na tumigil si Jonas sa harapan namin bago nagpatuloy sa paglalakad palabas ng bahay.

Ilang araw pagkatapos ng araw na 'yon nabalitaan ko nalang na nagkagulo daw ang birthday party ng bata. Nagkaroon kasi ng sunog sa hotel na ginaganapan ng party. Ilang linggo lang din mula sa araw na 'yon nag-transfer ang batang si Zion. Hindi na kasi ito makabayad ng tuition fee dahil sa biglaang pagbagsak ng kompanya ng kanyang mga magulang.


Notice!

Most part po ng chapter 31 ay inilagay ko sa second wattpad account ko para maiwasan ko pong matanggal o mabura dito sa wattpad.

Please go directly to biisool2 (i-tap niyo lang po yan at madi-direct na kayo) para mabasa po ninyo ang ibang parte ng chapter 31. Thank you po at pasensya na din talaga kung medyo hassle. Nawarningan na kasi ako dito kaya ingat-ingat nalang tayo para hindi mabura sa wattpad.


"Happy birthday, Jonas. Gusto ko sana kayong gawan ng cake pero inubos mo na lahat ng enerhiya ko." Ang hinihingal kong sabi dito habang nakasandal sa mga balikat niya.

"Thank you, hon. I don't need a cake, nakain ko na naman 'yong gusto kong kainin." Aniya bago ako hinalikan sa tuktok ng aking noo. "Magpahinga ka nalang muna sa kwarto natin. Let me bake the cake for the kids."

Inihatid niya ako sa taas at tinulungang maglinis bago ito bumaba para gawan ng cake ang kambal. Nagpa-alarm ako sa cellphone ko at muling natulog.

"JAIDEN! JANISSE! Tumigil nga muna kayo saglit! Ang basa na ng likuran ninyo. Magpalit nga muna kayo ng damit." Ang saway ko sa dalawa.

Tumigil ito sa pagtakbo at lumapit sa akin. "Dada! Kailan po kami mag-blow ng cake po? Isi-sing po ba nila kami ng happy birthday po?!" Ang excited na tanong ni Janisse sa akin.

Malakas akong natawa at tumango dito. "Mamaya po, mahal na prinsipe."

Bukod sa pagsurpresa ni Jonas kaninang dalawa kaninang umaga ng hover board, muli niyang sinorpresa ang dalawa ng isang beach-themed birthday party. Pati ako ay nasorpresa rin, pinaalis niya kasi kami kanina pagbalik namin ay ito kaagad ang naabutan naming tatlo. Akala ko ay dumating ang kabit niya. Ipinahanda niya pala ang bahay para sa dalawa.

Sobrang daming bata ang dumating kasama ang mga magulang nila. Pati ang anak at apo ng bise-presidente ay nandito rin. Kanina pa nga sunod nang sunod iyong apo niya kay Janisse na iritang-irita na.

"Are you having fun?" Ang tanong ni Jonas sa dalawa ng makalapit ito sa amin. Galing ito sa pakikipag-usap sa mga matatandang bisita dito na hindi ko naman kilala.

"Yes, daddy! Thank you po!" Tumakbo si Janisse papalapit dito. Binuhat ito ni Jonas at hinayaan itong pugpugin siya ng halik sa mukha. Ako naman ay ipinagpatuloy ang pagpapalit ng damit kay Jaiden.

"Ikaw? Masaya ka ba, nak?" Ang tanong ko kay Jaiden. Ngumite ito sa akin at tumango.

Nitong mga nagdaang araw pansin ko na ang palagian nitong pagngiti. Mas nagiging close na rin silang dalawa ni Jonas. The two of then would always vibe kapag tinuturuan siya ni Jonas o di kaya ay nag-uusap sila tungkol sa politika, history at kung ano pang ka ek-ekan sa mundo na hindi ko naman maintindihan.

"Hi! May I have everyone's attention please?" Napatigil kaming lahat nang magsalita si Migo Montseratt na host namin ngayon.

"Ayan! Very good! Can I ask the celebrants to come in front with their parents?" Nagkatinginan kami ni Jonas bago dinala ang dalawa sa harap.

Sumiksik si Janisse sa leeg ni Jonas habang buhat-buhat ito ng ama. Si Jaiden naman ay tahimik lang na nakahawak sa kamay ko. Inilabas ang three-layer cake ng dalawa at inilagay ito sa harapan namin.

"Before they blow the candles, can we sing a happy birthday song for them ba kids?" Ang magiliw niyang tanong sa mga bata na nakaabang sa harapan namin. Sabay-sabay silang nag-yes bago pinatugtog ang tune ng happy birthday.

"HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU! YAY! Janisse and Jaiden, make a wish mga babies then blow your candles okay? In 3..2..1..go!"

Binuhat ko si Jaiden at itinapat ito sa cake. Nagkatinginan silang dalawa bago pumikit. Saglit silang tumahimik bago hinipan ang kandila.

Malakas na nagpalakpakan ang lahat pagkatapos n'on. Hindi muna kami pinaalis sa harapan dahil kinunan pa kami ng litrato.

"Wait!" Ang pagtawag ni Jonas sa photographer nang paalis na ito. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Take another one," utos niya bago lumapit sa akin. 

Ipinulupot niya ang kanyang braso sa likuran ko at kumapit sa aking bewang. Nakatayo sa harapan naming dalawa ang kambal.

"Ready, sir?" Ang tanong ng photographer. Tumango si Jonas dito para ipaalam na handa na kami.

"Okay, one...two..three...smile!"

I was smiling like a fool nang hawakan ni Jonas ang baba ko at itaas iyon. He leaned in ang gave me a sweet kiss in front of everyone. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. The first time we kissed in public, wala sa amin ang atensyon ng mga tao but this time everyone's attention is on us.

"Aww! How sweet naman. Happy birthday, Jonas."

N'ong akala ko okay na ang lahat, siya namang pagdating ng kahuli-hulihang taong gusto kong makita sa araw na'to. The women I envied the most. Ang babaeng may kakayahang sirain ang kung ano mang unti-unti naming naaayos.

I swallowed hard at mahigpit na napakapit sa braso ni Jonas.

"S-Shanice..."

-----------------------------------------------------------


Habang nagsusulat ako sa jugjugan scene nila Jonas kanina biglang nagpatugtog kapatid ko ng LEAD ME LORD. HAHAHAHA AMPUTEK. Mukhang alam ko na ang calling ko sa buhay.

ANYWAY, Lumabas na si Miss Shanghai para magdala ng covid sa buong isla. Chos! Have fun killing Shanice in your head po. HAHAAHHA CHARS! Ayon lang. Labyu ol! Mwuah mwuah! Stay healthy, stay maganda and gwapo and God bless you always. ❤ Ciao!

May twitter po ako. Beke geste nyeng ipalow. Biisool po twitter ko mehehe.

Saka kung gusto niyo po akong i-add prend sa epbi, Cerrie Lacc po nameshie ko. Ayon lang powxszzzszz.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top