30

Denisse Gonzales-Juariz

Naalimpungatan ako paggising ko nang marinig ang isang pamilyar na ringtone, hudyat ng isang paparating na tawag. Kinapa-kapa ko iyong lamesa sa gilid at kinuha mula doon ang cellphone ko.

Kahit ayaw ko pang imulat ang mata ko, wala akong choice kundi gawin iyon. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Henry lang pala. Babalik na sana ulit ako sa pagtulog nang mag-sink in sa utak ko ang nakaregister na pangalan. Mabilis kong kinuha ulit ang cellphone at tiningnan ang pintuan ng cr. Napahinga ako ng maluwag nang makitang wala doon si Jonas.

Mabilis kong sinagot ang tawag ni Henry habang nakamasid ng maigi ang mga mata ko sa pintuan.

"Hello, Den? Mabuti naman at naisipan mo ng sagutin ang tawag ko." Ang bungad nito sa akin na ikinatawa ko.

"Good morning rin, Henry." Ang sagot ko dito na tinawanan niya ng malakas.

"Open your skype, video call tayo." Ang natatawa niyang sabi bago pinatay ang tawag.

Nagmamadali kong kinapa ang sarili ko kung may suot ba akong damit at ng mapag-alamang wala ay mabilisang tumayo. Pinagsisihan ko iyong huli. Malakad akong napadaing nang kumalat sa buo kong katawan ang sakit ng bewang ko. Matapos ang isang linggong pagtitiis ng malandi kong asawa, buong magdamag lang naman niya akong hindi pinatulog.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa closet na pinaglalagyan ng mga damit ko. Napakunot ang noo ko nang makitang wala ang mga ito doon. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga nilabhan kong damit na nakatambay sa kwarto ng mga bata. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at minatahan ang mga t-shirt ni Jonas. Wala naman sigurong masama kung manghihiram ako nito di ba? Ako naman ang naglalaba.

Kumuha ako ng t-shirt doon at boxers ko. Hindi na ako nagtaka kung nagmunukha akong hanger dito sa suot ko. Kilaking tao ba naman ang may-ari nitong damit. Bumalik ako sa higaan namin at buong pag-iingat na naupo doon. Binuksan ko ang application na skype saka tinanggap iyong video call request ni Henry.

"Bobiiii! I miss you so much. Bakit ang tagal mong gumising at sumagot?" Ang agad na bungad niya at ngumuso pa talaga sa screen. Napatawa na lang

"I miss you too! Saka anong matagal it's still..." tiningnan ko ang screen ng cellphone at napanganga nang makita ang oras. Tanghali na!

"Masyado ka bang pinagod ng asawa mo?" Ang nakangisi niyang tanong sa akin na naging dahilan para maging kamatis sa pula itong pisnge ko.

"H-Hindi ah! Saka paano mo naman nasabi 'yan?" Ang kinakabahan kong tanong dito. Ganoon ba ako ka-obvious?

"Paano? Eh kitang-kita ko yang mga chikinini sa dibdib at leeg mo and your lips are swelling as well." Ang pagpuna niya kaya agad na dumapo ang isang palad ko sa aking leeg at nahihiya iyong hinimas.

"So, what's the real deal between the two of you? Tuloy pa ba ang divorce or nuh?" Ang pangiintriga pa niya.

I heaved out a sigh at saglit na tumahimik. Actually, hindi ko rin alam ang siguradong isasagot kay Henry. Nagdadalawang isip at naguguluhan ako sa divorce na'to. They way Jonas is treating me and the kids, it doesn't look like we're heading for a divorce.

"He has redeemed his role as a father to our chilren and..." saglit akong natahimik bago nagpatuloy sa pagsasalita,"as my husband?"

"What? HAHAHA! Bobi, are you asking me or yourself? Bakit hindi ka sigurado?"

Napanguso ako dito at napahiga sa kama. "God! Stop acting cute! Hindi eepekto sa akin 'yan. Bakit hindi ka sigurado, Denisse?"

Napatawa ako sa reaksyon nito. "I don't know, okay? More than a week ago he told me he's falling for me. Tapos binibigyan niya rin ako ng bulaklak, mga regalo at pinagluluto kami."

"Oh tapos? Pinapasok mo naman agad sa brief mo?"

Tumango ako.

"Seriously? Agad-agad?! You're....what the hell? You're too soft and gullible! Aba'y kidali naman ng buhay ng gagong 'yon." Aniya sa naiinis na boses. "Akala ko pa naman magpapakipot ka dahil sa pinaggagagawa niya sa inyo dati. Why? Sinabihan ka ba ng, mahal kita? I love you? Je t'aime? Ti amo? Sarang hae? O baka EU Te amo?"

Nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi. "Ano ba yan, Henry! Ang bastos!"

"I'm sure mas madami pang mas bastos na ginawa si Jonas sa iyo." Anito sa naiiling na boses. "And I'm also sure you used protection while you did the act, right? You're aware it's your yearly mens next month, you have to be extra careful. Lalo na at hindi ka 'sigurado' diyan sa relasyon ninyo."

Doon ako muling natahimik sa sinabi niya. Noong may mangyari ulit sa amin, I forced him to wear a condom na sinunod naman niya. Akala ko ay magsusuot ulit siya n'on nang may mangyari na naman ulit sa amin. It was dark kaya hindi ko gaanong nakikita ang ginagawa niya. Rinig ko n'on ang ingay na nanggagaling sa pakete ng condom habang binubuksan iyon ni Jonas. Pero nagulat na lang ako nang maramdaman ang malapot na likido na pumupuno sa akin.

"Silence means yes. What the heck, Den?! Paano kung mabuntis ka ulit?! Miggy should have transferred you guys to another hospital at nang hindi kayo nagpang-abot ni Jonas." Bakas ang gulat, disappointment at pagkalito sa mukha ni Henry.

"I-I'm sorry..."

"Don't be. Wala kang kasalanan sa akin. What is done is done. Wala na tayong magagawa diyan. Ano mang hakbang ang susunod mong gagawin, nakaalalay lang kami ni Miggy sa iyo. Anyway, tapos na ang pag-process ng mga papeles at passport ng mga bata. If you feel like leaving Jonas is the best choice then don't be afraid to l—"

My hands were left hanging in the air nang may humablot ng cellphone ko mula sa akin. Nakita ko si Jonas na nakatayo sa gilid ng kama namin habang hawak-hawak ang cellphone ko.

"Henry Rocca, right? Fuck off." Aniya bago pinatay ang tawag doon. Akala ko ay ibibigay na niya sa akin ang cellphone ko pero nagulat ako nang malakas niya itong itinapon sa kung saan. 

"Jonas!" Ang tili  ko nang makita ang kaawa-awa kong cellphone.

"ARE YOU CRAZY?!" Napabangon na ako mula sa pagkakahiga at tumayo para pantayan ito—which is impossible dahil hanggang balikat lang niya ako.

"YES, I AM! AND YOU WON'T LIKE IT WHEN I GO MAD, DENISSE! You're not going to leave me! Walang aalis sa inyo ng mga bata. Are you that unsatisfied with my dick, huh?! At may gana ka pa talagang makipag-usap sa kalaguyo mo dito sa kwarto natin. You are mine, Denisse! Asawa kita!" Ang galit niyang singhal sa mukha ko.

Napahilamos ako ng aking mukha at napahilot sa bewang ko. Ang sakit talaga.

"Jonas, magkaibigan lang kami ni Henry. Okay? Walang namamagitan sa amin. Pati si Miggy magkaibigan lang kami. Now, calm down. Let's not fight over this nonsense." Ang mahinahon kong sabi dito dahil wala talaga ako sa kondisyon para makipag-away. Gusto ko pang matulog.

"Magkaibigan? Affairs starts with a fucking friendship, Denisse!" Aniya dahilan para mapatawa ako ng pagak.

"Is that base on your own experience ba, Jonas? Kaya ba ganyan ka ka-paranoid kasi nakikita mo ang sarili mo? I'm not like you, Jonas! Huwag mo akong itulad sa'yo! I will never disrespect our marriage like you do! Kamusta na nga pala iyong kabit mong si Shanice ha? Is she aware that you're fucking me, your legal husband?!" Ang inis kong tanong dito
na ikinatahimik niya.

The silence broke my heart. Totoo ba? Nasabi ko lang iyong huling bahagi dahil sa labis na inis but it seems like it hit him. Mukhang nabahag ang buntot niya.

"Denisse, listen." Sinubukan niyang hawakan ang balikat ko pero agad ko iyong hinawi. Umupo ako sa kama at napatulala sa kawalan. "The last time I had sex with someone else was four years ago. Pinagsisihan ko lahat ng 'yon. At Walang namamagitan sa amin ni Shanice. I didn't want her to become my mistress because she doesn't deserve to be one."

I looked up and gave him a sarcastic smile, "Kaya nagpagawa ka ng divorce paper para malaya mo siyang mapakasalan." Pilit kong nilulunok ang kung ano mang nakabara sa lalamunan ko. Ayokong umiyak sa harapan niya. 

"Y-Yeah, but that was back then."

"Do you still love her?" Ang buong tapang kong tanong dito.

"Of course no. I wouldn't make love to you if that was the case. You're the one I wanted now, Denisse. Ikaw lang at wala ng iba."

"Then why can't you trust me? How could you not trust me, Jonas? Nagawa ko ngang pagkatiwalaan ang babaerong katulad mo." Ang pagod kong tanong dito.

"I trust you, but I don't trust the people around you, Denisse." ang sagot niya.

Tahimik akong tumayo at dumiretso sa closet namin. Ramdam kong bumuntot ito sa akin. Kumuha ako ng leggings doon at isinuot iyon.

"Where are you going?" Ang taranta niyang tanong habang nakatayo sa likuran ko.

Hindi ko siya sinagot at naglakad patungo sa bathroom. Doon ako naghilamos at nag-sipilyo. He tried to talk to me many times pero hindi ko pinansin ang lahat ng 'yon. Bahala siya sa buhay niya.

"Hon, come on, talk to me. You're not going to leave me, right?" Ang nag-aaalalang tanong niya na hindi ko naman pinansin. Lihim akong natawa sa ekspresyon niya sa mukha. He's like a poor puppy begging for his owner's attention.

Kinuha niya ang lotion sa kamay ko at  pinigilan akong ilagay iyon sa balat ko sa braso. Ang isip bata! Gusto ko siyang sigawan pero pinigilan ko ang sarili ko. Sinuklay ko ang buhok ko at naglagay ng mga cream sa aking mukha.

Pagkatapos kong gawin iyon, humarap ako sa kanya at inilahad ang aking kamay dito. "Credit card mo."

I have my own credit card pero gusto ko lang gamitin iyong sa kanya. Isn't that what legal wives do?

"Why?" Ang kunot noo niyang tanong.

"Okay, madali naman akong kausap." Ang sabi ko sa kanya at mabilis siyang tinalikuran.

"Wait, o-of course you can have my credit card." Mabilis niyang kinapa ang kanyang wallet sa kanyang pantalon at kinuha iyon. Inilabas niya mula doon ang kanyang itim na credit card.

Pero bago niya iyon tuluyan bitiwan sa mga kamay ko, binigyan niya muna ako ng isang nag-aalalang tingin.

"Magpapamasahe lang ako. Bantayan mo ang mga bata. Gusto ko lang i-relax saglit ang sarili ko mula sa'yo. Nakaka-stress ka, Jonas." Muli ko itong tinalikuran at naglakad patungo sa pintuan nang maalala kong wala nga pala akong masasakyan. "Ah! Nga pala, can I drive your Bugatti Veyron? Akin na rin pala ang cellphone mo, wala akong magagamit dahil sinira mo iyong akin."

Saglit niya akong tinitigan na para bang hindi ito makapaniwala sa pinagsasabi ko. Kahit ako rin naman eh. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko basta naalala ko lang iyong quote na nakita ko sa internet na nagsasabing, "I'm a professional housewife spending my husband's money."

Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga bago nagtungo sa isang cabinet doon kung saan nakalagay ang mga susi niya sa sasakyan. Kinuha niya rin ang kanyang cellphone mula sa kanyang working table.

"What time will you be back? Hindi ka pa kumakain. Eat before you go." Ang paalala niya sa akin. Tumango ako bago ko kinuha iyong cellphone at susi ng sasakyan.

Tahimik lang siyang nakasunod sa akin hanggang makababa kami sa kusina. Hindi ko nakita ang mga bata pagdating dito. Sabi ni Jonas ay naglalaro daw sa labas. Matapos kong maubos iyong pagkain ay inihatid ako ni Jonas hanggang sa garahe.

Siya na ang inutusan kong ilabas ang kanyang sasakyan mula sa garahe dahil natatakot akong magasgasan iyong iba pa niyang mamahaling sasakyan.

"Kung mamamatay ako, anong number ang tatawagan ko dito sa cellphone mo?" Taas kilay kong tanong habang inaayos ang seatbelt ko.

"Hon, don't say that." He helplessly sighed.

Sarkastiko akong tumawa. "I'm just kidding, but in case."

He leaned down and claimed my lips. Napakapit pa ako sa t-shirt niya nang palaliman niya ang halikan sa pagitan namin. "I'm sorry for what I did earlier. Take care and have fun. Suot mo ba ang wedding ring?" Ang malambing niyang tanong bago ako hinalikan sa noo.

"Oo." Itinaas ko ang kamay sa mukha niya at iwinagayway iyon.

"Good."

"Okay. Bantayan mo ng mabuti ang mga bata. Papatayin kita kapag may nangyaring masama sa isa sa kanila." Ang nakangiti kong sabi dito bago ko pinaharorot ang sasakyan.

Hm, not bad.

-----------------------------------------------------------

HAHAHAHAHA! Pasensya na po kayo sa chapter na'to. Hindi ko rin po alam kung bakit ko 'to sinulat. HAHAHA. Ayon lang powxzx. Labyu ol! Stay healthy, stay pretty and gwapo and keep safe olwis. Mwuah! Mwuah! Ciao! ❤❤








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top